NIEL: NATULALA ITO na iniwanan ko sa kusina. Kahit ilang beses na niyang narinig sa akin ang salitang umalis na siya, iwanan kaming mag-ama ay nandidito pa rin ito. Hindi ko alam kung manhid na ba siya ng tuluyan o sadyang wala ng ibang mahanap sa patuloy niyang pagpipit ng sarili sa akin. "Nat mag-usap muna tayo" pigil nitong hinabol akong hinawakan sa braso. Pagod ang mga matang napatitig ako dito at sa kamay nito. Napapangiwi itong napabitaw sa braso ko. Napabuntong-hininga ako ng malalim na hinintay ang sasabihin nito. "Ano?" iritadong tanong ko. "T-tungkol kay Tantan, sa atin. Ano hanggang dito na lamang ba tayo?" pagak akong natawang nagpamewang na ikinalunok nitong natigilan. "Tungkol kay Tantan? Heto nga oh, ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko masuportahan, maibigay lang l

