“Cut!” sigaw ng direktor kaya inilayo na ni Hugo ang labi niya kay Belinda. Kissing scene kasi nila ang eksenang kinunan kanina. Ilang beses na niyang nahalikan ang labi ni Belinda, pero hindi niya ito hinahanap-hanap ‘di tulad ng mga halik ni Aaliyah sa kanya. “Hugo, thank you sa pag-alalay uli sa ‘kin sa eksena,” nahihiyang sabi ni Belinda sa kanya. Sa tuwing may kissing scene kasi sila’y kinakausap niya si Belinda at sinasabi niya rito kung ano’ng plano niyang gawin at kung ano’ng dapat gawin ni Belinda, para isang take lang ay tapos na agad ang eksena, at hindi sila mag-ulit ng pag-take. Professional kasi talaga si Hugo pagdating sa trabaho. Hindi porque kissing scene ay gusto niya na paulit-ulit ito para paulit-ulit din niyang mahalikan ang mga babaeng nakakaeksena niya. “Iba talaga

