CHAPTER 4

1420 Words
Kinuha ng isa sa mga bodyguard ni Hugo ang malaking bag na hawak ni Aaliyah, pero hindi niya pinabuhat ang backpack niya kung saan niya nilagay ang pera niya. Isa rin ‘to sa mga bilin sa kanya noon ng kanyang ama. Ang huwag ipagkakatiwala kahit kanino ang gamit niya lalo na kung may laman na pera o gamit na mahalaga. Nakanganga lang si Aaliyah at manghang-mangha sa lahat ng nakikita habang naglalakad siya kasama ng babae at mga bodyguards ni Hugo na sumundo sa kanya. Puro malalaking posters ng mga palabas sa TV na araw-araw niyang pinapanood ang nakikita niyang nakalagay sa pader ng pasilyo na dinadaanan nila. Mayroon ding mga posters ng mga pelikula na ang ilan ay napanood na niya. Pati mga naglalakihang pictures ng mga hinahanggaan niyang artista ay nakita rin niya, at kasama rin dito ang picture ni Hugo Rojas na idolo nilang mag-ama. “Uy! Si Danica!” sigaw niya habang nakaturo sa dalagang artista na may sikat na drama tuwing hapon. “Hi Danica!” sabi pa ni Aaliyah habang kumakaway. Nginitian naman siya ng dalaga at kumaway din ito pabalik sa kanya. Gusto sana niyang magpa-picture pero wala naman siyang cellphone. May cartolina at pentel pen siya pero, nakakahiya namang magpapirma. Isa pa, mas importante sa kanya na makita at makausap si Hugo, kaya ito ang mas inuna niya. “Aaliyah. This way,” sabi ng babaeng kasama para kunin ang atensyon niya. Sinundan kasi niya ng tingin ang nakitang artista kaya bahagyang bumagal ang lakad niya. “Ay, pasensya na po,” sagot niya at pagkatapos ay binilisan na niya ang lakad para makasabay sa mga kasama. Ilang mga artista pa ang nakita niya pero matipid na hi po at ngiti na lang ang binigay niya, dahil baka hindi na naman siya makasabay sa mga kasama. “We’re here,” sabi ng babae at binuksan nito ang pintuan. Pagpasok nila’y si Hugo agad ang hinanap ng mga mata ni Aaliyah. Nakita niya si Hugo na nakatayo at may kausap na babae. Mukhang nasa dressing room ata sila dahil may nakita siyang sampayan na may ilang mga damit na nakasabit. May malaking salamin din na may malalaking bilog na ilaw sa buong paligid, at sa harapan nito’y may mga nakapatong na mga make-up, suklay at nakasaksak na hair dryer. Napatingin si Hugo sa kanila pagpasok nila. “Sir Hugo!” Tumatakbong lumapit si Aaliyah kay Hugo at saka yumakap agad. “Sir Hugo, salamat po dahil pinasundo n’yo po ako sa kanila. Akala ko po hindi ko po kayo makikita, kasi ayaw po akong papasukin,” umiiyak na niyang sabi kay Hugo. Tumalungko naman si Hugo para at tiningnan siya at pagkatapos hinawakan pa siya nito sa pisngi. “Paano ka nakarating dito? Sino’ng kasama mo?” “Ako lang po. Lumayas po ako sa bahay ng tito ko. Sumakay po ako ng bus ‘tsaka jeep hanggang makarating po rito,” sagot niya habang humihikbi at panay ang punas ng luha. Naglabas naman ng panyo si Hugo at inabot ito sa kanya. “Bakit lumayas?” “Kinuha po nina tito ko lahat ng pera na binigay n’yo. Ayaw po nila ‘kong bigyan. Pinangpagawa po nila ng bahay, pinangbili ng second hand na sasakyan at pinangbili po ng mga gamit nila. Pero para po sa ‘kin, wala. Sinasaktan din po nila ‘ko. Ayoko na po do’n, Sir Hugo. Isama n’yo na lang po ako. Sa inyo na lang po ako magsisilbi kesa sa kanila.” “Poor kid. Siya ‘yung daughter ng lalaki na nag-save sa ‘yo ‘di ba?” tanong ng babaeng kausap ni Hugo kanina. Tumingin si Hugo sa babaeng nagtanong. “Siya nga. I gave her uncle one million pesos for Aaliyah’s welfare, pero sa narinig ko, hindi naman pala nakarating sa dapat pagbigyan.” Tiningnan muli ni Hugo si Aaliyah. “I have work to do and I can’t cancel it. Dito ka na lang muna at si Natty na muna ang bahala sa ‘yo. Personal assistant ko siya, at kahit anong kailangan mo, pwede mong sabihin sa kanya. Mamaya pagbalik ko, sasama ka na sa ‘kin.” “Thank you po, Sir Hugo!” masayang sabi ni Aaliyah kahit luhaan siya. Yumakap pa siya sa leeg ni Hugo dahil sa labis na tuwa niya. Naramdaman din niya ang pagyakap ni Hugo sa kanya at ang marahan pa nitong pagtapik sa likuran niya. Tumayo si Hugo at nagbilin sa P.A. nitong si Natty na pakainin at asikasuhin si Aaliyah, habang wala ito. “Ingat po, sir! Galingan n’yo po! Ay magaling na po pala talaga kayo! Good luck na lang po! Hihintayin ko po kayo rito. Magpapakabait po ako!” paalam na sigaw ni Aaliyah kay Hugo habang palabas ng pintuan si Hugo. Napalingon tuloy si Hugo sa kanya at napangiti bago tuluyang umalis. Kahit kumain na ng pancit at puto si Aaliyah ay gutom na gutom pa rin siya. Naubos niya ‘yung pagkain na binigay ni Natty sa kanya. Pagkatapos nga niyang kumain ay nakatulog siya sa mahabang sofa na suot pa rin ang backpack sa likuran niya. Nang magising siya’y nakita niya ang sarili na buhat na Hugo sa matipuno nitong mga braso, at sa balikat ni Hugo ay nakita niyang nakasakbit dito ang backpack niya. “Sir Hugo,” nakangiti niyang banggit sa pangalan nito. “Matulog ka pa. Gigisingin na lang kita kapag nasa bahay na,” sabi nito sa kanya, kaya hinilig niya ang ulo niya sa balikat nito. Ngayon alam na niya kung bakit kahit noon pa’y hinahangaan na ng tatay niya si Hugo. Hindi lang kasi ito magaling sa pag-arte pero mabait din sa totoong buhay. Hindi niya tuloy napigilan na lalo pang hanggaan si Hugo dahil sa mga kabutihan na ginagawa nito para sa kanya mula nang mawala ang kanyang ama. Sa piling ni Hugo, naramdaman niya ang pagmamahal at pag-aalaga na hindi niya naramdaman sa tiyuhin niya at sa pamilya nito, na dapat ay nag-aaruga sa kanya dahil ito ang mga kadugo niya at hindi naman si Hugo. Nang makarating sila sa bahay ni Hugo ay namangha na naman si Aaliyah. “Sir, ang laki po ng bahay n’yo. Kasya po sa loob nito ang bahay na inuupahan namin ni tatay noon. Kahit po ‘yung bahay nina tito kasya rin po rito,” sabi niya habang nakatingala at nililibot ang tingin sa loob ng bahay ni Hugo. “Sir, sa laki po nito nagkakakitaan pa po ba kayo ng mga kasama n’yo?” Natawa si Hugo. “Oo, naman. Hindi ka naman aabutin ng isang oras bago malibot ‘tong bahay ko. Maliit pa nga ‘to kung ikukumpara sa ibang bahay rito.” “Ang humble n’yo naman po, sir.” “I’m just stating the truth. C’mon, let me show you your room.” “May sarili po akong kwarto?” “Of course. I want your stay to be as comfortable as possible while you’re here.” “Thank you po. Sir, akin na po ‘yang bag ko. Ako na lang po ang magdadala.” Dala na kasi ni Aaliyah ang backpack niya pero ‘yung isa pa niyang bag na malaki ay si Hugo na ang nagdala. “Let me carry it for you. Masyado ‘tong mabigat. Hindi ko nga alam kung paano mo nadala. Ako na ang magbubuhat para tumangkad ka pa,” biro ni Hugo sa kanya at tinapik pa ang ibabaw ng ulo niya. “Sir, ang tanda n’yo na po, naniniwala pa po kayo sa mga sabi-sabi na gano’n. Maliit po kasi ang tatay ko at sa kanya po ako nagmana. Wala po sa pagbubuhat ng mabigat ‘yon. Si Kuya Bong po na kapitbahay namin, matagal na pong kargador sa palengke. Araw-araw po siyang nagbubuhat ng mabigat pero matangkad po siya. Siguro po para tumangkad po ako, painumin n’yo na lang po ako ng vitamin.” Natawa na naman si Hugo sa kanya. “Sir Hugo, tawa naman po kayo nang tawa. May kumikiliti po ba sa inyo na hindi ko nakikita?” Dahil dito mas lalo pang natawa si Hugo. “You’re so cute, Aaliyah. I like you.” “Cute po ako at like n’yo po ako?” “Yeah,” nakangiting sagot ni Hugo sa kanya. Nagningning naman ang mga mata ni Aaliyah, at ang munti niyang puso ay tumibok para kay Hugo kahit na ang laki ng agawat ng edad nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD