bc

Gifted Academy

book_age16+
3
FOLLOW
1K
READ
kickass heroine
bitch
royalty/noble
heir/heiress
bxg
multi-character
campus
magical world
special ability
crown prince
like
intro-logo
Blurb

Raya, raised by a humble family from a remote forest. Gifted with a non-elemental magic, Raya is set to discover more about herself and her magic at the Gifted Academy. The most prestigious institution for gifted kids in Claren.

Join her as she discovers herself and her powers at the Academy!

This is a TagLish story

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Focus, Raya! Mamaya mo na intindihin yang gutom mo. You can almost do it!" Papa shouted when a figment of reality I'm making glitched a little. Okay, illusion it may be. "Aba't Rodney ala una na ng hapon. Edi sana hindi na ako nagluto ng tanghalian!" irit ni Mama galing sa pintuan palabas ng kusina namin. Nagtetraining kasi kami ni papa ng aking mahika. Isa syang retired knight sa kaharian dati kaya't ganito kahigpit niya ako kung sanayin. "Ah hehe. O-oo Eva, mahal ko. Kakain na kami ngayon din," Sabi ni Papa with matching nervous grin. "Raya!" Tawag niya habang pinandidilatan ako ng mata. "Yung mama mo. Tara na." "Under ka talaga Papa," I murmured and shook my hands which are tired from practice. "Ako, hindi ako takot kay Mama," I flipped my hair when I went pass him. Ganito kami ka close ni Papa. Alam ko naman na hindi ko sila tunay na mga magulang dahil naiiba ang kapangyarihan ko kaysa sa kanila. Ngunit sila na lang ang mayroon ako at mahal ko sina mama at papa bilang tunay na pamilya. "Raya anak, nangingitim ka na nang dahil dyan sa kabibilad mo sa araw," puna ni Mama habang kumukuha ng laman ng isdang inihaw sa mesa. "Ma naman. Kapag pumasok na din ako sa akademya eh puputi din naman siguro ako," sabi ko. "Anak yung habilin namin sayo tungkol diyan sa gift mo ha. Baka pag initan ka doon at maisumbong sa konseho ng mga dugong bughaw. Mahirap pa naman maging iba sa pangkaraniwan," paalala ng mama sa akin na sinang ayunan naman di ni papa. They're both worried about me. I know because my gift is different from everyone we know. Nakatira kami sa kaharian ng Aeris at ang mga tao dito ay gamay ang Wind Gift o mahika ng hangin. Nakakaya ko naman ang kaya nila ngunit kaya ko ding gawin ang magagawa ng gifted na mga taga Lustro, Aqua at Terra at higit pa. Naniniwala sina mama at papa na baka galing ako sa Aethereus ang kaharian na ilang siglo nang nasa pamamahala ng Counsil of Royals dahil sa taglay ko na kakaibang mahika. Ang kaharian kasi ng Lustro ay tinitirhan ng mga Fire Gifted o mga taong may kapangyarihan ng apoy. Ang Aqua ay tirahan ng mga Water Gifted at mga nilalang na naninirahan sa tubig. Ang Terra naman ay kaharian ng mga nilalang na mas piniling manirahan sa kagubatan kasama ang Earth Gifted na syang nagsisilbing mga tagabantay nila mula sa mga taong nais dumakip sa kanila dahil sa mga kakaiba nilang anyo. Ngunit ang Aethereus ay isang lumubog na kaharian. Sinugod ito ng mga nilalang galing sa Lues sa kadahilanang ang mga nilalang sa Aethereus ay may kakayahang gumawa ng mga makabago at matitibay na mga gamit o kahit pa mga sandata. May mga ilang natitirang mga Aetherean na nagkalat sa buong mundo ng Gratuitas at sila ang mga nagsisilbing enhinyero ng aming mundo. Ang mga dugong bughaw na namuhay dati sa Aethereus ay sinasabing ubos na, matagal na panahon na ang nakalipas. Sila ang mga gifted na masyadong makapangyarihan dahil kaya nilang magtaglay ng dalawa o tatlong mahika. Ngunit wala nang maharlika na nabubuhay ngayon na may lahing Aetherean dahil pinatay silang lahat ng mga taga Lues. Kung ano ang kanilang mabigat na dahilan ay wala paring may nakakaalam hanggang ngayon. "Wind Gift lang po ang gagamitin at hahasain ko doon Ma. Basta't makapagtapos lang po ako at magkaroon ng magandang trabaho sa palasyo ay kuntento na ako," sabi ko naman sa kanila. "Kung mangyaring may matagpuan kang impormasyon tungkol sa iyong tunay na pamilya ay ayos lang din naman sa amin, anak. Hindi ka namin ipagkakait sa kanila," sabi ng papa ngunit imposibleng manyari yon. Wala naman kaming nababalitaan na may maraming kapangyarihan dito. The Aetherean royal family is our best guess, actually ngunit paano naman mangyayari yon eh ilan daang taon nang nakalipas mula noong namatay silang lahat. "Hello po!" napatingin kaming lahat sa bagong dating na si Kea and kaibigan kong nakatira malapit sa sentro ng aming bayan. "Parang tina-timing mo talaga palagi ang pagpunta mo dito na kumakain kami Ke," natatawang sabi ni papa na syang ikinatawa naming lahat. Totoo naman kasi. "Di naman po Mang Rod! Aayain ko lang naman sana itong si Raya kasi balita ko ay may pupuntang mga Gifted Prime sa sentro pero dahil kumakain kayo eh makikikain na lang din naman ako," sabi nito at humalukipkip pa. Walang hiya talaga itong babaeng ito. "Saka walang lasa talaga yung mga luto ng cook sa bahay. Ewan ko nga kung bakit hanggang ngayon eh cook padin ang trabaho niya," dagdag pa ni Kea habang pa simpleng nilalantakan ang luto ng mama ko. "Bolera naman to. Inihaw na isda lang naman yang niluto ko ah," sabi ni mama. "So ano yung Gifted Prime?" tanong ko kay Kea na mukhang nakalimutan kung ano pinunta niya sa bahay. "Teka *nguya* puno pa *nguya* bibig ko," Kea. "Aba dahan dahan nga Ke. Mabilaukan ka at mamatay, kami pa ang masisi," biro ni papa na syang ikinatawa namin ni mama. Uminom ng tubig si Kea at isa isa kaming tiningnan na siyang ikinaseryoso namin. "Hindi ninyo kilala ang Gifted Prime? Pati kayo Mang Rod?" tanong ni Kea. "Dati na yang samahan na yan. Mga estudyante ng Gifted Academy ang bumubuo sa kanila. Mga malalakas na Gifted lang ang nakakapasok at madalas mga dugong bughaw pa," sabat ni Papa. "Kyaaaa! Tapos ang gugwapo ng mga lalaki nila Ra! Dapat ay makapasok tayo sa Gifted Prime at makahanap ng Prince Charming!" irit ng nakakairitang si Kea. "Kaya kong gumawa ng Prince Charming," sabi ko dahil alam naman niya ang tunay kong kapangyarihan. "Pangit mo ka bonding. Hindi naman totoong Prince Charming yang magagawa mo ah," matapos nitong ubusin ang pagkain sa plato niya. "Osya mga anak. Kami na ng mama ninyo ang magliligpit nitong pinagkainan. Raya mag ayos ka na ang pumunta sa sentro nang makakita ka naman ng ibang tao. Baka makahanap pa ng Prince Charming yang si Ke at maging prinsesa," ika ni papa na syang ikinatuwa ng bongga ni Kea. "Let's go Raya! Puntahan natin ang Gifted Prime dahil pagpasok natin sa Gifted Academy ay magiging isa din tayo sa kanila!" aya ni Ke natuwang tuwa. Napangiti ako sa sinabi nito. Sana nga magkatotoo. Kung ganoon nga ang Gifted Prime ay gusto kong mahanas ang aking gift hanggang sa maging karapat dapat din akong maging bahagi ng Gifted Prime.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
29.9K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.0K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.8K
bc

His Obsession

read
104.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook