Chapter 2

1804 Words
"So, pano ba makakapasok sa Gifted Prime?" tanong ko. Naglalakad kami ngayon papuntang sentro at malapit na namin madaanan ang malaking bahay nina Kea. Anak kasi ni Baron Harold Harrington si Kea kaya mayaman talaga sila. Asta mahirap siya kung ako at ang pamilya ko ang kasama pero nakita ko na kung gaano ka graceful at katalino siya makihalubilo sa mga maharlika. "Makasama sa top 10 ng Academy. Pag GP ka, may extra credits sa kada misyon na mapagtatagumpayan ninyo. Kayo din ang mas pinagkakatiwalaan ng mga faculty sa mga bagay bagay. Saka, mataas daw talaga ang employement rate kapag isang kang Gifted Prime. Given naman kasi yun. Mga maharlika ba naman halos lahat ng kasama mo palagi," pag explain nito na ikinatango ko naman. Nakarating kami sa pamilihan ng mga sandata at napagpasyahan na doon na lamang mag hintay. "Pumili na kayo mga magandang binibini. Mga magagaang punyal para sa mga palaban at magagandang tulad ninyo," alok ng magtitinda na matandang lalaki. "Magkano ho ba yan tatang?" tanong ni Ke. Tumungn tingin din ako sa mga sandata na naka-display at may nakita akong mga kunai sa tabi ng mga punyal. Ito na lang kaya? Mas madaling itago. Saka hindi ko naman masyadong magagamit to kasi wala naman masyadong gulo dito sa amin. Automatikong napalingon kami ni Ke nang makarinig kami ng ingay sa di kalayuan. Limang magkakaparehas ng suot at dalawang babae na may magarang damit na nagkukwentohan sa Ramen shop. "Mga maharlika," usal ni tatang. Nakasuot ng cloak ang lima ngunit nakababa naman ang mga hood nito kaya maaaninag mo parin ang mga mukha nila. Ang apat ay lalaki at ang isa ay babae. Biglang nagpalabas ng yelo sa kamay niya ang nakaunipormeng babae at tumaas ang mga kamay ng kaharap nitong lalaki. Nangiti ang katabi nitong lalaki na may itim na buhok. Nagkatinginan kami ni Kea. Mukha silang masaya. Saka mukhang mga gwapo at magaganda nga sila gaya ng sabi ni Ke. "Ang lakas ng dating nila 'no? Buti na lang at sa susunod na linggo na ang pasukan sa academy," kumento ni Ke na sinang-ayunan ko talaga. "Tara, bili din tayo ng ramen. Libre ko," tumango ako dahil alam kong gusto niya lamang makalapit sa mga lalaki sa Ramen shop. Nagbayad muna kami kay tatang at tinago na ang mga binili namin para makapunta sa kainan. Nang makalapit na kami ay mas rinig ang bangayan sng sikat na grupo. Mayroon ding ilan na papunta sa kainan dahil din ata sa grupo na pinunta namin dito. "They're staring. This is so unconfortable," usal ng naka unipormeng babae. "You're the Ice Princess. I thought you're used to this," kumento ng babaeng nakasuot ng lilac dress. napaka eligante nilang tingnan. "Yes, but not to this much of crowd," sagot naman nito. Crystallum Kingdom. Doon galing ang babaeng naka uniporme! Maliit at bago pa lang ang Crystallum dahil ilang dekada pa lang sumibol ang mga Ice Gifted. At kung iisipin kasi ay sub element lang ng tubig ang yelo kaya hindi pa gaano ka linang ang mga kayang gawin ng mga Ice Gifted. Ngunit narinig ko na kaya daw nilang magpaulan ng nyebe kahit tag-init pa at instantly ay magiging winter na. "Gusto daw kasi nila ng extra ice sa inumin nila Ira," sabi ng lalaking may brown na buhok at medyo green na mata. "Gusto mo ng extra ice sa loob ng katawan mo?" tanong ng Ice Princess sa lalaki. Natawa naman ito na parang wala lang. "Besh doon tayo sa medyo malapit sa kanila. Pinag-order na kita ha," hinatak ako ni Kea papunta sa mga mesa na malapit sa Gifted Prime. "Lady Kea Allison! I see you're in town with your friend," pagbati ng isang babaeng kasama din ang mga kaibigan nito nang madaanan namin sila papunta sa kabilang mesa. "Obviously," bulong nito sa gilid ko. "Nice to meet you here too, Lady Maddison," simpleng bati ni Ke at lumagpas kasama ako. Bilis ng transformation ah. Hindi na ako bumati. Hindi naman ako binati eh. "Anong gagamitin mo sa screening ng academy Ra?" tanong nito. Pagpasok mo kasi daw sa academy ay may screening na magaganap. Kung saang tier ka ilalagay. Mahalaga daw yun kasi doon nakasalalay ang dorm mo, ang mga subjects na aaralin mo at syempre nakasalalay din doon ang tuition mo. Mas mataas na tier kasi ay mas magandang dorm at mas mahal na courses din ang ibig sabihin. Ngunit mas mataas na tier ay mas mataas na posibilidad na makapasok sa Gifted Prime din. "Baka hangin lang din Ke," sagot ko. Para mas kapani-paniwala. "Basta yung mga bilin nina Mang rod sayo ha. Baka mapahamak ka pag hindi mo tinandaan," paalala nito. "Sana magkaklase tayo noh," dagadag nito. Mas gusto ko di na magkaklase kami ni Ke. Medyo ignorante pa kasi ako sa mga bagay bagay. Masasabi ko naman na medyo may kaya kami dahil nga dating Knight si papa at malaki ang ipon niya. Kaso syempe, sa gubat kami nakatira. "Nakatingin dito si Prince Philip besh. Wag kang lilingon baka ma obvious na pinag uusapan natin siya," medyo malakas na bulong ni Ke. Really. This girl. Bumulong pa. Medyo katabi lang kasi ng table namin ang mga maharlika. Medyo tumango si Kea kaya napalingon na din ako sa kanila at nang makita kong nakatingin sila ay tumango din ako ng bahagya. Nakasalubong ko ang titig ng prinsipe ng aming kaharian at medyo nalulusaw ako sa paraan ng pagtitig nito kaya ibinalik ko na lang ang aking atensyon kay Kea. "Hala ang tagal naman ng order natin," mahinang reklamo ko. "Ay sorry po ma'am. Medyo marami-rami po kasi ang customers namin ngayon," sagot ng bagong dating na waiter. Nanlaki ang mata ko at napatakip ng bibig. "U-uh. Hehe. S-sorry," ramdam ko ang pag akyat ng dugo sa mukha ko kaya nginitian ko na lamang ito ng pagkatamis. Namula din ang waiter at tumawa ng mahina. Yumuko ito at umalis ng nakangiti. Buti na lang. Naramdaman ko ang unti-unting pag init ng paligid kaya tungin ako kay Kea. I shook my head signaling her na hindi ako ang may gawa. Pabalik balik ang tingin nito sa akin at sa Ice Prince kaya napalingon ulit ako doon. Seryoso itong nakatingin sa akin na mukhang may kasalanan akong nagawa sa kanya. Nagpanic ako kaya bigla kong na counter ng cool mist ang nag iinit na paligid. Reflex ko ata para ipaalam na wala akong kasalanan sa nangyayari. "Mukhang hindi naman pala kita kailangang bantayan ng mabuti kasi ngayon pa lang ay may nakabantay na sayo," kumento ng kaibigan ko. Huh? "Hi! You're Lady Kea Allison, right?" tanong ng babae mula sa kabilang mesa na nakaupo na din sa table namin ngayon. "Lady Renee," bati ni Ke sa bagong dating. "And you must be her friend? What's your name?" baling nito sa akin. Huh. "I'm Raya, Lady Renee," sagot ko dito. "Cousin siya ng atin prinspe, Ra," pagpakilala ni Kea. Ah. Kaya pala kilala niya si Ke. "So, do you guys also plan to enter the academy?" tanong nito at napatango kami pareho ni Ke. "Uh... So do you want to be friends? My cousin is going nuts back there. Kasi wala lang. Gusto din daw nila makipagkaibigan sa inyong dalawa," sabi nito tapos ngumiti. "Sigurado po kayo?" I asked. Kea looked at me. She glared at me na ikinatawa ko ng mahina. "Of course! Shannon (she gestured at the girl wearing lilac) and I, are also new to this kaya we need a lot of friends na bago din sa academy," Lady Renee. "And for the rest of the Gifted Prime well... they're curious," she shrugged. "Taga saan po si Lady Shannon, Lady Renee?" tanong ni Ke. "First of all, you can me Renee kasi we are friends na. And then, Shannon is from Aqua," she explained at napa whoa naman kami. First time kong makakita ng gifted na galing sa Aqua. Tinanguan ni Renee si Shannon kaya pumunta din ito sa table namin. "Hi! I'm Sha. Nice to meet you girls!" hyper nitong bati. "I'm Kea and this is Renee. Nice to meet you din Sha!" hyper na bati din ni Kea sa kanya. "So... Kung di mo mamasamain, isa ka din bang noble lady sa inyo Sha?" tanong ni Ke. Kahit kailan talaga walang hiya itong kaibigan ko. "Uhm oo... Medyo. Kasi kapatid ko si Ezekiel,"inosenteng sagot nito. "Sino si Ezekiel?" tanong ko at may tumikhim galing sa table ng mga Gifted Prime kaya napatawa si Sha. "Ano kasi si kuya, beh. Haha. Prinsipe ng Aqua," natatawang sabi nito. Kaya pala. Napakamot ako ng ulo. "Mga prinsipe yan lahat sila sa kabilang table. Hindi lang halata," pag inform naman samin ni Renee. "Wala kayong crush sa isa sa kanila?" tanong ni Ke. Ewan ko nga ba bakit ganito ang mga tanong ni Ke. Pwede talaga siyang mag apply bilang imbistigador sa palasyo. "Uh pagka kasi nakasabayan mo sila sa paglaki, medyo eew na. Kasi you know. How gross boys are. Well except kuya," pag explain ni Shanon sa amin. "Girls! Aalis na kami bahala kayo maiwan dito," sigaw ng lalaking may medyo green na mata kila Renee. "O sya. Nice meeting you girls! Kyaaaa! Can't wait to see you at school. Bye!" sabi ni Shannon na nagmamadaling bumalik sa pwesto nila para kunin ang mga gamit niya. "Pansinin niyo kami sa academy ha!" pahabol naman ni Renee bago umalis din. Pagka alis nila ay napangiti kami ng malaki ni Ke. "Halaaa ang babait nila!" sabi ko sa kanya. "Oo nga! Saka ang dami nating kwento sa kanila," sang ayon nito. Nang dumating ang takip silim ay napagpasyahan namin ni Ke na ako na lang ang umuwi dahil malayo pa sa kanya kapag inihatid niya pa ako. Saka, sanay naman akong maglakad mag isa sa dilim pa uwi samin. Wala naman kasi masyadong gulo dito. Naglalakad ako sa masukal na parte ng daan kung saan nagsisimula nang magsi ilawan ang mga kabute sa paanan ng mga puno. I actually enjoy walking here at this hour to witness this. Kahit na palagi ko itong nakikita ay nakakagaan parin ito ng loob. Ngunit bigla na lamang ako nakaramdam ng pamamanhid sa buong katawan kaya napahinto ako ng di oras sa paglalakad. I can't move my body! Nagsimula akong magpanic ng may maramdaman akong presensya sa paligid. The person covered my eyes with its large hand and brought me leaning to a huge tree. Gusto kong sumigaw at pumiglas ngunit naparalisa ang buo kong katawan. I felt him touch the side of my cheek. His hand went to my nape and angled my head to look up. I heard a growl and felt something soft on my lips. What the--! Kung gaano kabilis niyang nagawa yon ay ganoon din kabilis siyang tumakas. I was left panting and weak from shock. Who was that?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD