Ilang araw na ang lumipas pero hindi parin maalis sa isip ko ang nangyari noong gabing yon. First kiss ko tapos hindi ko kilala kung sino kumuha!
"Busangot ka nanaman dyan?" sabi ni Kea na katapat ko sa karwahe. Papunta kaming Gifted Academy para mag enroll pero wala. Wala na naman ako sa mood nang dahil sa walanghiyang kiss na yon.
"Basta! Gagalingan ko talaga sa Academy para mahuli ko yung magnanakaw na yun!" gigil na sabi ko.
"Ano nga ulit ninakaw sayo?" tanong nito sabay tawa ng malakas.
Argh. Kairita tong si Ke. Sarap itapon sa labas ng karwahe kaso nga lang sa kanila tong karwahe at nakisakay lang ako.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako nang gisingin ako ni Ke.
"Besh, nandito na tayo," sabi nito habang kinokolekta ang gamit nito.
Uumayos ako ng upo at nah ayos na din.
Kea is wearing a simple black dress na nilagyan niya ng flannel as cardigan. Cute.
I'm wearing a simple flowy pink dress kasi mainit sa byahe mag pantalon.
Nasa tapat kami ng isang engrandeng gate na kulay ginto. May disenyo itong crown sa pinakataas at initials na GA sa mismong tarangkahan.
Kea and I beamed at each other. Heto na yung pangarap namin. Malapit na naming maabot.
We followed the crowd of kids our age. Kanya-kanyang hila ng mga bagahe ang halos lahat.
"All enrollees, kindly proceed to the building on your right for your screening. Place your baggage one of the bubbles floating around and rest assured we will take care of your belongings." sabi ng paulit uli na announcement.
Naghanap kami ng bubbles na malapit sa amin at nilagay din ang mga gamit namin doon. We watched the bubbles take our things away.
"Medyo duda ako doon sa pa bubbles,"sabi ko kay Kea habang pinapanood parin ang mga bagahe namin.
"Ako din nga," sang ayon nito.
"Don't worry, it be in our rooms later," sabat ng nasa gilid namin. It was Renee.
"Yeah, sabi din ni kuya dati. Ganyan din ang reaction ng mga kasabayan niya," sabi pa ni Shannon kaya napanatag din ang loob ko. naroon kasi ang pabaon nila mama at papa sakin na pang tuition.
Nagkayayaan kami na pumunta na ng screening center at pumila. Sa harap ay lima ang nagsasabay na magperform gamit ang kanilang gift. Nandoon din ang Gifted Prime para daw magbantay sa mga posibleng aksidente. Nakakamanghang manood sa nagpapagalingan enrollees. May kayang bumuhay ng bulaklak. Kaya ko din yun kaso mas mamahaling bulaklak ang binuhay niya. Mayroon nag ayos ng sirang makina ng napaka bilis at ang malupit ay inupgrade niya pa ito. Isang Aetherean. Nang kami na ay sabay kaming apat nina Shannon. May isang babae din na nakasabay namin na hindi namin kilala.
Renee created smoke colored arrows na mukhang poisonous. Napakarami nito na akala mo ay tinithreaten niya kaming lahat ngunit pinaglaho niya din naman ito. Shannon made it rain outside which is a trait of royals. They can control the weather. The girl we don't know made columns of fire. Malakas ito at naramdaman ng lahat yon. Nang si Kea naman ay gumawa ito ng mga ipo-ipo. Tumango tango naman ang nagjujudge sa screening.
Its my turn. Gumawa ako ng semi transparent lion head at umalulong ito. The air at the screening center thinned out for 2 seconds. I moved my hands at tumunog ulit ang lion head then a surge of fresh air exploded inside the center.
Nakatangggap ako ng marka sa aking palad na may light blue at silver markings. I went to my friends para makibalita sa nakuha nilang marka.
"May pa-airconditioning na nalalaman," sabi ni Shannon.
"Wala akong maisip na ibang gawin eh," sagot ko.
"Pero ang galing mo doon sa lion ha at may sound pa," puri sa akin ni Renee.
"Anong mark mo besh? Sana magkakatulad tayo. Hinitay ka talaga namin para mag reveal ng sa amin," sabi ni Ke.
Pinagtabi-tabi namin ang aming mga palad at ako lamang ang naiiba.
"Ah ka-tier natin sina Phil," usal ni Renee. Ang ibang kulay pala ay naka depende sa gift na ginamit namin sa screening at ang linings naman ay kung anong level na ng pagkakaharness mo sayong gift.
"Pero bakit iba yung sayo Ra,"tanong ni Kea na syang tanong ko din.
"Nasa Prime Tier tayo. Si Raya ay nasa Master Tier. Kaunting kembot na lang sana ay magka tier na tayong lahat. Sayang naman Raya," sabi ni Shannon.
Master Tier. Okay lang. May apat na tier lang naman ng mga estudyante dito sa academy. Ang Tiro, Private, Master at ang Prime. Bawat tier ay may apat o limang sections maliban sa Prime na medyo kakaunti ang nakakapasok. Pataas ng pataas ang tier ay ganoon din ang pag kaunti ng estudyante. And sadly, I didn't make the cut to be at the highest section.
"Okay lang yan, Raya. you can work your way to Prime parin naman sa mga pagsusulit," pag eencourage sa akin ni Renee.
"Oo saka hahanapin ka namin every lunch ha," sabi ni Shannon.
"Students kindly settle your accounts now at the cashier office. You can get your maps in the floating bubbles and also start finding your dorms. Thank you," sabi ulit sa annoucement.
"So.... una na din ako guys. Kita kita na lang tayo mamaya?"paalam ko sa kanila.
"Yes! We'll have lunch together. Sa grand cafeteria para malapit sating lahat," sabi ni Shan.
Sama sama silang tatlo pati na din ng babaeng galing sa Lustro.
Mabilis lang hanapin ang Masters' dorm dahil nakahanay lang din naman pala ang dorms dito. Pinakamalaki ang dorms ng Tiro dahil sadyang napakarami nila. halos magkasinlaki lang ang private ay masters samantalang 3 storey naman ang Prime. Shempre dahil iilan lang sila.
Sa lobby ay may tatayuan kang spot at doon lalabas ang iyong tier, pangalan at room number.
I stepped on the glowing spot and saw my room number. Room 418.
"Cleared to enter," sabi ng voice sa glowing spot na yon.
I went to the escalator and a girl went beside me leaning on the opposite railings.
"Hi," I greeted tentatively.
"Uh, hi!" sagot nito.
"I'm Raya. Room 418. Ikaw?" I asked.
She gasped.
"I'm Elaine Laurent and we are roomies," nakangiti nitong sabi sa akin.
We excitedly stepped off the last escalator ride and went to find our room.
Pagdating namin sa romng room ay naka digital doorknob ito.
Si Elaine na din ang bumukas kaya sumunod ako dito.
"Uh.. Upper or lower space?" Elaine asked. Mayroong maliit na sala sa loob ng room namin. Then there's an upper and lower deck part ng room. maluwag pareho at may sliding door na medyo tinted maaring isara kung gusto mo ng privacy.
"Upper. Okay lang ba?" I answered and she nodded. We arranged our things using our magic.
"Huh. Our room looks so pretty and ibang iba sa nakagisnan kong chambers back home," Elaine said as she collapsed at the sofa.
Anak mayaman din ata si Elaine.
Maya-maya ay may mahinang pagaspas mula sa aming bintana. Elaine looked up with a hint of recognition at her face.
I trail of pink glitters floated towards Elaine and then it hit me. She has a fairy!
"Lady Elaine! Hi!" the fairy greeted and bowed ah her then turend to me.
"Hello, Miss Raya. I am Trix, Lady Elaine's appointed fairy guardian.," sabi ni Trix.
So Elaine is a noble lady from Terra. Sapagkakaalam ko ay mga maharlikang Terran lamang ang nagkakaroon ng fairy guardians.
"But its just Elaine to you, Raya. Friends naman tayo eh," Elaine assured me.
Another noble friend of commoner like me.
"Its time for lunch. Do you... want to join me and my friends, Elaine?" aya ko sa kanya.
"Talaga you have friends here na? Sure!" payag ni Elaine.
Time to face the other royalties.
We stood up and prepared to leave.