CHAPTER 13

3478 Words
Hindi ko naman talaga gustong maghalughog. Wala akong balak maghanap ng sikreto sa kwartong ‘to—lalo na’t kakalipas lang ng gabing ipinagkatiwala ko na sa kanya ang lahat. Ang puso ko. Ang katawan ko. Ang buong ako. Pero habang nasa loob siya ng shower—habang ang boses ng jazz ay humuhuni pa rin sa speakers, at ang singaw ng tubig ay dumadaloy sa salamin ng banyo—may napansin akong hindi ko napansin noon. Isang maliit na cabinet sa likod ng bookshelf. Parang out of place. Parang… itinatago. Lumapit ako, marahan. Wala itong hawakan. Pero may keypad. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko. Hindi ko alam kung bakit parang ang bilis ng t***k ng puso ko habang hinahaplos ko ang malamig na bakal. Birthday niya? Mali. Middle name? Mali. Birthday ng nanay niya? Mali. Hanggang sa... Birthday ko. Tumigil ako sandali bago pinindot ang mga numero. Beep. Beep. Click. Nag-unlock ang latch. Napaatras ako. Parang may malamig na hangin na dumaan sa batok ko. Pero hindi ako umatras. Binuksan ko ang maliit na pinto. At doon ko nakita: ilang legal documents, brown envelopes, at isang lumang kahon na balot ng itim na leather. Parang may humila sa kamay ko para buksan iyon. At nang mabuksan ko... Parang tumigil ang mundo ko. Mga lumang litrato. Hindi ng ex ni Leo. Hindi ng mga babae niya. Hindi kahit ng pamilya niya. Kundi ng nanay ko. Ng Adelina Alcantara. Bata pa siya sa mga kuha. Naka-black and white dress sa isang charity ball. May hawak na wine glass. Elegante. Malamig ang ngiti. Sa ibang litrato, may lalaking hawak ang kamay niya—hindi ko kilala. Sa isa pa, diretso siyang nakatingin sa camera, pero may lungkot sa mga mata niya na hindi ko kailanman nakita sa totoong buhay. “Anong ginagawa nito dito…” mahina kong bulong. Pinagpapawisan ang palad ko. Sa likod ng isa sa mga larawan, may date: August 7, 1996. Bago ako pinanganak. Hindi ko na halos maigalaw ang mga daliri ko habang nililipat ko ang mga photo. Hindi ko maintindihan. Bakit may ganito si Leo? Bakit niya tinago ‘to? Bakit kailangan pa niyang i-lock? Bakit si Mama? Bakit si Adelina Alcantara? At mas nakakatakot sa kahit anong litrato… ay ‘yung tanong na gumugulo sa puso ko: Ano ba talaga ang koneksyon ni Leo sa pamilya ko… sa nanay ko? Tumawag ako kay Belle habang nanginginig pa ang mga daliri ko. Hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang itikom ang bibig ko, o itago ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko rin kayang itapon o kalimutan ang nakita ko. Kasi ang mga larawan na ‘yon—ang mga litrato ng nanay namin sa loob ng safe ni Leo—ay hindi basta alaala lang. May ibig sabihin 'yon. At kailangan ko ng taong mas matapang kesa sa’kin. Mas matagal nang may alam. At sa lahat ng kilala ko, iisa lang ang walang takot magsabi ng totoo kahit gaano kasakit. “Belle,” mahina kong sabi sa phone habang naglalakad ako palabas ng kwarto, bitbit ang kaba, ang tanong, ang bigat ng katawan ko. “Can you talk?” May ilang segundong katahimikan. Tapos: “Serena? Anong nangyari?” Huminga ako nang malalim, pero nanginginig pa rin ang boses ko. “I saw… something.” “Where are you?” “Nasa condo ako ni Leo.” “Put—” Napigil niya ang mura niya. “Anong nakita mo?” “Pictures,” bulong ko. “Ni Mama. Sa safe niya.” Tahimik. Bigla. Parang may pinatay na ilaw sa kabilang linya. “Belle…” tinawag ko ulit, halos maiyak. “Bakit may gano’n? Bakit niya tinatago ‘yon? Bakit siya may access sa ganung klaseng memories? Anong alam mo?” Mabilis ang sagot niya. “That’s what I’ve been trying to tell you.” Naupo ako sa gilid ng sofa, parang nalulusaw ang tuhod ko. “Please. Sabihin mo na lahat.” “Hindi ko alam ang buong kwento, Serena. Pero I know Leo’s family—lalo na ang tatay niya—may history sa pamilya natin. Hindi lang basta business. Hindi lang basta rivalry.” “Anong klaseng history?” bulong ko. “I overheard Mama and Papa once. Matagal na. Bata pa tayo. Galit na galit si Mama habang sinisigawan si Papa tungkol sa Montenegro family. Something about a case. A cover-up. And… betrayal.” Napatitig ako sa basag-basag kong repleksyon sa salamin. “Ano'ng kinalaman ni Leo kay Mama?” “I don’t know. Pero Serena,” mariin ang boses niya. “Wake up. Don’t you see it? You’re being pulled into something darker than love.” “Hindi siya ganun, Belle…” “Are you sure?” sigaw niya, puno ng emosyon. “Are you really sure? Kasi ako—hindi ko pa siya nakikilala nang ganyan, pero I know people like him. Strategic. Calculated. Cold. At kung may galit siya sa pamilya natin, ginagamit ka lang niya.” “Hindi gano’n si Leo…” ulit ko, pero mahina na. Kasi kahit ako… hindi na sigurado. “Then ask yourself,” patuloy ni Belle, “why would someone like him—na may lahat ng babae sa mundo, na masyadong mysterious, na ayaw ng drama—suddenly fall in love with a virgin law graduate na hawak ng ina niya buong buhay?” Napalunok ako. Tahimik. At sa katahimikang ‘yon, doon ko naramdaman ang pag-ikot ng mundo—hindi paatras, kundi pabagsak. “Serena,” huling sabi ni Belle. “Be careful. Dahil kapag napatunayan mong may dahilan siya… ibang klase ang sakit nun.” Paglabas ni Leo mula sa banyo, basa pa ang buhok niya. Nakatapis lang ng puting tuwalya, at sa ibang araw—sa ibang gabi—baka ang una kong napansin ay ang gupit ng muscles niya, ang butil ng tubig na gumagapang pababa sa dibdib niya, o ang titig niyang palaging parang may alam. Pero ngayon, iba na ang mata ko. Hindi na lang siya si Leo Montenegro, ang lalaking nagpabago sa mundo ko. Ngayon, isa na siyang palaisipan. Isang lalaking may mga larawan ng ina ko… sa isang lihim na safe. “Okay ka lang?” tanong niya, habang nagsusuklay gamit ang mga daliri ang basang buhok. “You look pale.” Tumayo ako. Hindi ko na kayang itago. Hindi ko na kayang ngumiti o magkunwaring hindi ako gumuho. “Leo,” mahinahon kong simula. “Bakit may mga picture si Mama sa safe mo?” Biglang natigilan siya. Tumingin siya sa ‘kin. Nanlamig ang sikmura ko. Hindi dahil sa galit niya—dahil walang galit. Wala ring gulat. Parang… inaasahan na niyang matutuklasan ko rin. “Serena…” “Just tell me the truth,” mabilis kong dagdag. “Please. I saw them. Hindi lang isa. Hindi lang dalawa. Luma na. May mga date pa.” Lumapit siya. Dahan-dahan. Pero nanatiling kalmado ang mukha niya—masyadong kalmado. Hindi siya agad sumagot. Imbis na magsalita, naupo siya sa sofa, naglagay ng polo—pero hindi niya kinabit ang butones. Parang gusto niyang kontrolado ang bawat kilos. Lahat ng emosyon niya, nilulunod sa katahimikan. “Those pictures,” he said softly, “don’t concern you.” Tumigil ang mundo ko. “Ano?” “Hindi mo kailangang alamin lahat ng bagay tungkol sa ‘kin. Not yet.” Napaatras ako. “So may dapat nga akong alamin.” Hindi siya sumagot. Lumapit ako—ngayon ako na ang galit. Ako na ang nanginginig. “Did you know my mom before? My family? Bakit mo siya pinapangalagaan sa mga larawang ‘yon? Anong relasyon mo sa kanya?” “Serena—” “Sagutin mo!” Tinitigan niya ako. Malalim. Matalim. Pero hindi marahas. Hindi rin galit. Parang may kinikimkim lang na ayaw niyang pakawalan. “I can’t tell you yet,” bulong niya. “Please.” Tumulo ang luha ko sa mata ko—hindi dahil sa sakit, kundi sa takot. Kasi totoo pala ang mga sinabi ni Belle. Totoo pala ‘yung kutob na bumabalot sa balat ko mula pa kaninang makita ko ang mga larawan. “You’re hiding something,” mahinang sabi ko. “You’re using me.” “Never,” madiin niyang sabi. Tumayo siya, hawak ang pisngi ko. “I would never use you. But this… this is complicated.” “Complicated?” napatawa ako, kahit tumutulo ang luha ko. “Hindi komplikado ang katotohanan, Leo. Either may tinatago ka o wala.” “I do,” bulong niya. At doon ako parang binagsakan ng bato. Wala na akong nasabi. Nanatili akong nakatingin sa kanya, habang siya… tahimik lang. Umiwas ng tingin. At doon ko naramdaman ang mas malalang sakit kaysa kahit anong sakit na naranasan ko noon—yung malaman mong hindi lahat ng yakap ay totoo. Hindi lahat ng halik ay walang lihim. At hindi lahat ng “I’ll protect you” ay nanggagaling sa puso. Minsan, nanggagaling ito… sa guilt. I locked the bathroom door the moment I got in. Hindi ko alam kung umiiyak ako nang tahimik, o kung pilit ko lang sinusupil ang sigaw na gustong kumawala mula sa dibdib ko. Ang init ng tubig sa shower ay hindi sapat para hugasan ang bigat na gumagapang sa balat ko. Ang bawat patak nito, parang paggunaw ng mga pangakong inakala kong totoo. He lied. Or worse… he kept the truth. Parehong masakit. Habang nakasandal ako sa tiles, yakap ang sarili ko, isa lang ang bumabalik-balik sa isip ko: "Bakit si Mama? Bakit si Adelina?" Si Mama na buong buhay ko ay parang reyna sa trono ng mga lihim. At ngayon, ang lalaking tinanggap ko sa katawan ko—sa buong pagkatao ko—ay may hawak palang piraso ng nakaraan naming hindi niya kayang ipaliwanag. I thought I was safe here. Sa mga bisig niya. Sa kama niya. Sa mga bulong niyang akala ko, sa akin lang totoo. Pagkalabas ko ng banyo, wala na siya sa kwarto. Wala na ring ingay sa buong unit. Tahimik. Parang kahit ang mga kandila kanina… natakot na rin sa nangyari. Mabilis akong nagbihis. Wala nang lambing ang kamay ko habang isinusuksok sa bag ang phone, wallet, at ilang bagay na kayang isalpak ng puso kong wala nang direksyon. I’m leaving. Hindi ko man lang nasabi sa kanya. Wala rin akong gustong i-text. Walang goodbye. Ang gusto ko lang… lumayo. Nang buksan ko ang pinto palabas ng unit, malamig ang hangin sa hallway. Pero mas malamig ang loob ko. Mas mabigat. I walked. Fast. Pababa sa elevator, papunta sa parking, hanggang sa makarating ako sa labas ng condo building. Pero bago pa man ako makatawid ng kalsada— “Serena!” Tumigil ako. Ang tinig na ‘yon… kahit galit ako, kahit puno ako ng tanong… hindi pa rin nagbabago ang epekto. Bumigat ang katawan ko. I didn’t turn around. Pero naramdaman ko na lang ang bigat ng kamay niya sa braso ko, maingat, pero hindi ko maikakailang desperado. “Please,” Leo whispered. “Don’t go.” Tahimik akong huminga. Pero hindi ako nagsalita. “Hindi kita pinipigilan dahil gusto kong kontrolin ka,” he said, his voice low. “Pinipigilan kita dahil—” He stopped. “Dahil?” He didn’t answer. At doon ako lumingon. Nakita ko ang mukha niya—ang mga matang laging matalim, pero ngayon, may luha. Leo Montenegro. The man everyone feared. Now begging me with nothing but his eyes. “I trusted you,” mahinang sabi ko. “You don’t even trust me enough to tell me the truth.” “I’m protecting you.” “From what?” Napapikit siya. Muling hindi sumagot. Gusto kong umalis. Gusto ko na siyang iwan. Gusto kong iwan lahat ng ito. Pero ang katawan ko… hindi sumusunod. Kahit na wasak ako, kahit na puno ako ng galit at takot— Nandito pa rin ako. Sa harap niya. Sa ilalim ng liwanag ng gabi. Sa pagitan ng isang taong may tinatago, at isang pusong hindi makabitaw. “You should go,” bulong niya. Masakit marinig 'yon. Mas lalong masakit kasi… siya mismo ang nagsabi. Umalis ako. Wala nang pakialam kung gabi na, kung delikado, kung wala akong dalang kahit ano. Hindi ko na inisip kung anong iisipin ni Leo, kung susundan ba niya ako, kung hahabulin niya ako—dahil ang tangi kong alam ay hindi ko kayang manatili roon. Hindi ko kayang titigan ang lalaking pinagbuksan ko ng buong pagkatao ko, ng katawan ko, ng mga lihim kong pinakaiingatan—at malaman na may mga bagay pa siyang itinatago. Lalo na tungkol sa babaeng pinakaayaw kong kaharapin sa buong buhay ko. Ang nanay ko. Ang kabuuan ko. Tumigil ako sa tapat ng isang 24-hour café. Naupo sa labas, nanginginig kahit hindi naman malamig. Hindi ko na rin alam kung dahil sa hangin o dahil sa puso kong tila hindi na marunong tumibok nang maayos. Ilang oras na yata akong nakatulala. Sa mga ilaw ng kalye. Sa usok ng kotse. Sa mga taong nagdaraan—lahat sila may pupuntahan. May direksyon. Ako? Wala. I gave him everything. Pati sarili ko. Pati p********e ko. At ngayon… ako pa rin ang naiwan na hindi sigurado. Napapikit ako, at biglang sumagi sa isip ko ang mga kamay niya—kung paanong parang sining ang bawat dampi. Ang boses niya noong gabi ng unang beses—kung paanong parang panalangin ang bawat bulong. “I’m going to imprint myself on your soul.” Nanginginig na naman ang labi ko. I wanted to hate him. Gusto kong lumayo. Gusto kong isara na ang lahat. Pero bakit ganito? Bakit kahit sinaktan niya ako… hindi ko kayang magalit nang buo? Tumunog ang phone ko. Hindi ko muna pinansin. Nang tumunog ulit—this time, “Leo” flashed on the screen. Hindi ko sinagot. Pero hindi ko rin kayang i-off. Parang parte ng utak ko’y naghihintay pa rin na sabihin niyang may dahilan. May paliwanag. May katotohanan. Tangina naman, Serena. You should walk away. You deserve more. Pero bakit ang puso mo… ayaw sumunod? Tumayo ako, iniwan ang inumin kong malamig na, at tinawag ang isang taxi. Umuwi ako sa condo ko. Din ko ibinuhos ang lahat ng sakit sa dibdib ko. Kinabukasan, hindi ko alam kung paano ako napadpad sa opisina niya kinabukasan. Wala rin akong balak harapin siya ulit pagkatapos ng gabing ‘yon. Pero habang nakaupo ako sa sasakyan—habang tinitingnan ang city skyline na parang lahat ng bagay ay umaandar maliban sa buhay ko—napansin ko na lang na nasa building na ako ng Montenegro Legal Empire. Pagbaba ko sa elevator, para akong wala sa sarili. Pagbukas ko ng pinto ng private office niya—nandoon siya. Nakatayo sa harap ng glass wall. Nakasuot ng itim na dress shirt, nakataas ang manggas hanggang siko. Pero nang maramdaman niya ang presensya ko, hindi siya kumilos. Hindi siya lumingon. Hindi siya nagsalita. Ako ang unang bumasag ng katahimikan. “Sabihin mo.” Tahimik pa rin siya. “Sabihin mo, Leo. Gusto mong gantihan ang pamilya ko, ‘di ba? Ginamit mo ako para pasakitan sila.” Dahan-dahan siyang humarap. Pero walang alinlangan sa mukha niya. Wala ring pagtatanggi. Ang mas masakit—wala ring pag-amin. “I deserve the truth,” giit ko, paos. “Dahil hindi lang katawan ko ang binigay ko sa’yo—pati buong pagkatao ko.” “Serena…” bulong niya. Isang hakbang siya papalapit. Umurong ako. “Huwag mo akong hawakan. Hindi mo na ako kayang paikutin ngayon.” Pero imbes na umatras, lumapit siya. Dire-diretso. Tulad ng dati. Tulad ng palaging ginagawa niya sa tuwing sinusubukan kong tumakbo palayo. At bago pa ako makaiwas—hinila niya ako. Mahigpit. Mainit. Nagtagpo ang mga labi namin. Hindi halik ng pagmamahal. Halik ng galit. Ng sakit. Ng pagkasabik sa gitna ng hindi pagkakaunawaan. “Sabihin mong hindi mo ako gustong makita ulit,” bulong niya sa labi ko. “At aalis ako.” Hindi ako sumagot. Dahil ang totoo… hindi ko rin alam ang sagot. At bago ko pa mahanap ang sagot—itinulak niya ako sa mesa. His desk. Makintab. Malamig. Matatag. Parang siya. “Leo…” ungol ko, pero hindi para pigilan siya. Para ilabas ang lahat ng emosyon na gustong sumabog. Hinubad niya ang coat ko. Hinila pababa ang zipper ng dress ko. Walang banayad. Walang foreplay. Wala ‘yung mga ritwal niya ng kandila, ng jazz, ng dahan-dahang pagsamba. Ito… ito ay pag-angkin. Ipinuwesto niya ako sa mesa—patalikod. Inangat ang palda ko. Hinila pababa ang panty ko. “You want the truth?” bulong niya, habang nakadikit ang labi niya sa batok ko. “This is the truth.” His fingers slid between my thighs—at kahit galit ako, kahit gulo ang isip ko, basang-basa ako. Napakapit ako sa gilid ng mesa. He didn’t ask. He didn’t wait. Pumasok siya. Buong buo. Dire-diretso. Napasinghap ako—hindi sa sakit, kundi sa bigat ng sensasyong para bang gustong punan ang lahat ng parte ng pagkatao ko na binasag niya. Fck. Ang bawat ulos niya ay galit. Hindi lambing. Pero hindi ko siya pinigilan. Dahil ako man… galit din. Pero hindi ko kayang hindi siya gustuhin. Hinawakan niya ang baywang ko, malakas, madiin. Parang sinasabi niyang akin ka, kahit galit ka, kahit gusto mo akong iwan—hindi ko hahayaang mangyari ‘yon. “Leo…” hingal ko. “This… isn’t…” “Don’t lie,” bulong niya. “You still want me. Kahit nasasaktan ka.” At oo. Gusto ko pa rin siya. Naiiyak na ako, pero hindi ako umaayaw. Dahil kahit sa sakit—kahit sa galit—sa pagitan ng mga mararahas na ulos, sa pawis at halinghing at pulso naming parehong mabigat… Naroon pa rin ang katotohanan. Mahal ko siya. Pero hindi ko alam kung totoo ba siya sa akin. At habang nilalabasan ako, habang humihigpit ang hawak niya sa katawan ko, habang nilalabas niya ang galit at pananabik niya sa loob ko— Alam kong wasak na naman ako. Hindi dahil sa katawan ko. Kundi dahil kahit ilang ulit pa kaming magkasala sa mesa niyang ‘to… Hindi ko alam kung may katubusan pa ang puso ko. Pagkatapos ng lahat—ng galit, ng init, ng halik na parang kamandag—naiwan akong tahimik. Nakahiga ako sa sofa ng opisina niya, nakatalikod habang nilalagay ko ang mga gamit ko pabalik sa bag. Siya naman ay nasa kabilang dulo ng silid, abala sa pagbubutones ng shirt niya, parang wala lang nangyari. Ni hindi niya ako tiningnan. At doon nagsimula ang tahimik na bagyo. Bakit gano’n? Bakit parang pagkatapos niyang kunin ang lahat sa akin—wala na siyang ibang ibibigay? Nang tumayo ako para umalis, hindi niya ako pinigilan. Hindi niya ako sinundan. Hindi niya sinabi ang alinman sa mga salitang inaasahan kong marinig—“I’m sorry.” “I love you.” “Don’t go.” Wala. At sa katahimikang ‘yon… doon ko unang naramdaman ang bigat. Parang may bumagsak sa dibdib ko. Bakit may litrato si Leo ng nanay ko? Bakit siya hindi makatingin nang diretso sa’kin noong hinarap ko siya? Bakit laging may parte ng sarili niyang tinatago? Bakit laging may hindi ko alam? Bumalik ako sa condo ko na parang zombie. Ilang oras akong nakatulala sa kisame, inuulit-ulit sa utak ang mga senyales—lahat ng hindi ko pinansin dati. ’Yung araw na nagkita kami ulit after years… sobrang convenient na siya ang sumagip sa’kin mula kay Mira. ’Yung paunti-unti niyang pagsiksik sa buhay ko—as if alam na niya kung paano ako paikutin. ’Yung mga tanong niya tungkol sa nanay ko noon… laging may laman, laging may anino ng galit. At ngayon, alam ko na. Hindi galit lang sa pamilya ko ang baon ni Leo. May misyon siya. May dahilan kung bakit hindi niya ako sinukuan kahit ilang beses ko siyang tinulak. Hindi lang ako basta babae para sa kanya. Ako ang access. Ako ang target. Ako ang kabayaran. “Ginamit mo ako, ‘di ba?” Tinanong ko ‘yon kanina. At hindi niya sinagot. Hindi rin siya umamin. Pero minsan, ang pananahimik… mas malakas pa sa kahit anong kumpirmasyon. At habang nakatitig ako sa basag na salamin sa tapat ng kama ko, habang naririnig ko pa sa alaala ang boses niya sa gitna ng mga ulos na puno ng pag-angkin— Nagsisimula nang gumising ang parte ng sarili kong matagal nang tulog. Ang Serena na hindi lang sumusunod. Ang Serena na nagtatanong. Ang Serena na… marunong matakot. Hindi sa halik. Hindi sa sakit. Kundi sa katotohanang baka totoo nga— Na hindi ako minahal ni Leo. Na ako lang ang instrumento niya. At kahit ilang beses pa niya akong ulitin—sa kama, sa opisina, sa kahit anong lugar— Hindi na ako sigurado kung totoo ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD