CHAPTER 14

3522 Words
Hindi ko inasahan na babalik si Raf sa buhay ko nang ganito. Hindi ko rin akalaing sa dami ng taong puwedeng humila sa ‘kin pabalik sa realidad… siya pa ‘yung gagawa nun. Si Rafael Del Rosario. Ang lalaking palaging nandoon kapag wala na ang lahat. At ngayong parang unti-unti na akong nilulunod ng katotohanang hindi ko pa kayang harapin—siya ang sumalo sa ‘kin. “Hindi ako detective,” bungad niya sa ‘kin habang magkausap kami sa loob ng kotse niya, nakaparada malapit sa park kung saan kami madalas magtambay noon sa college. “Pero may mga bagay kasi na... kapag nakita mo, hindi mo na puwedeng ipikit.” “Anong ibig mong sabihin?” tanong ko, halos walang lakas ang boses. Dahil kahit wala pa siyang sinasabi nang buo—ramdam ko na. May mabigat. May masakit. Huminga siya nang malalim. Kinuha niya ang tablet niya mula sa bag at inilagay ito sa pagitan naming dalawa. “Ginawa ko na ‘to noon pa,” ani Raf. “Pero nung nakita kitang bumabalik kay Leo... I had to dig again. Because I don’t trust him, Serena. At ngayon, may dahilan na ko para hindi siya pagkatiwalaan.” I looked at the screen. Mga newspaper clippings. Scanned police reports. Old black-and-white photos. At ang headline na bumungad sa’kin— “Camille Montenegro’s Death Now Considered Suspicious—Family Refuses Further Inquiry” Parang may humigop ng lahat ng hangin sa katawan ko. “What… is this?” bulong ko, kahit alam ko na ang sagot. “Hindi aksidente ang pagkamatay ng nanay niya,” sagot ni Raf. “Iba’t ibang kwento ang kumalat—na nadulas sa hagdan, na nag-overdose sa sleeping pills, na depressed. Pero may isang bagay na consistent sa lahat: She died just days after confronting your dad.” Napatingin ako sa kanya, nanginginig. “Ano raw?” “Camille. Leo’s mom. She confronted your father, Henry Alcantara, in 2002. May mga witness. May record ng pagbisita niya sa Alcantara Tower. At pagkatapos no’n—she went off the grid for a few days. Hanggang sa matagpuan siya sa loob ng sasakyan, sa gilid ng talampas sa Batangas.” “Ipinagpalagay na suicide,” dagdag pa niya. “Pero walang suicide note. Walang ebidensya ng lason. Wala rin namang preno ang kotse—pero walang skid marks. Walang struggle.” Pinagpawisan ang palad ko. “Hindi lang ‘yon, Serena…” Lumipat siya sa isa pang file. This time, isang scanned letter—bahagyang punit, may mga pahid ng tinta sa gilid, pero readable pa rin. “Galing ‘yan sa isa sa dating kasambahay ng Montenegro. Ayon sa kanya, ilang linggo bago raw mamatay si Camille, nagsusulat ito ng liham para sa isang ‘lalaki mula sa nakaraan’ na tinatawag niyang ‘Henry.’ Hindi siya sigurado kung sino—pero we both know who that is.” Humigpit ang hawak ko sa upuan. “No…” I whispered. “Serena. There’s more.” Raf swallowed, as if nahihirapan na rin siya sa dinadala niya. “Leo knows. He knows what happened to his mother. And he believes… your family has something to do with it.” Natigilan ako. Parang may sumuntok sa sikmura ko. Lahat ng alaala ko kay Leo—lahat ng halik niya, lahat ng bulong, lahat ng pagkakataong sinabi niyang akin lang siya— Biglang nabalutan ng tanong. Was it all real? O ginamit lang niya ako para makalapit? “Bakit mo ‘to pinapakita sa ‘kin ngayon?” tanong ko kay Raf, nanlalambot. “Dahil alam kong hindi mo na makikita ang buong larawan kung wala ka nang natitirang tiwala sa kahit sino.” Tumitig siya sa ‘kin, seryoso. “Ayoko kang saktan. Pero ayokong mas masaktan ka pa kung patuloy mong mamahalin ang lalaking… maaaring may agenda.” Natahimik ako. I wanted to scream. To cry. To deny everything. Pero ang totoo… Somewhere deep inside me—sa puso kong sinubukang magtiwala muli—may boses na pabulong lang dati, pero ngayon, sumisigaw na. “May dahilan kung bakit hindi niya sinasabi ang totoo.” At ang tanong na hindi ko kayang bitawan— “Mahal ba talaga niya ako?” O ako lang ang multo ng isang babaeng matagal nang patay. Pagkauwi ko ng bahay, pakiramdam ko para akong humahakbang sa gitna ng linya—isang maling galaw lang, puputok ang lahat. Bitbit ko pa ang mga salita ni Raf. Ang litrato. Ang sulat. Ang headline. At ang mga tanong na, kahit anong gawin ko, hindi ko na kayang ibalik sa loob ng kahon. Nadatnan ko si Mommy—si Adelina Alcantara—nakaupo sa veranda, hawak ang isang crystal glass ng white wine, parang isang reyna sa trono. Suot niya ang emerald green na robe niya, perlas sa leeg, at ‘yung ekspresyong palagi niyang dala: mataas, malamig, makapangyarihan. “Serena,” tawag niya, habang papalapit ako. “Have a seat.” Nag-aalangan man, naupo ako sa tapat niya. Tahimik ang paligid. Masyadong tahimik. Kahit ang mga ibon sa hardin, parang umiwas na rin. She sipped from her glass, and without looking at me, she said— “I heard you’ve been spending nights at the Montenegro Tower.” Pakiramdam ko, nilamig ang batok ko. But I tried to stay calm. “Mom—” “I’m not finished,” putol niya, mababa ang tono pero matalim. “Do you know what kind of man Leo Montenegro is?” “Alam ko kung sino siya,” sagot ko, mahina pero buo. “No, you don’t.” Tumitig siya sa ‘kin, diretso, malamig, walang pakiusap. “Because if you did, you’d know better than to crawl into the same bed as the son of a woman who tried to destroy this family.” Napakunot ang noo ko. “Anong ibig mong sabihin?” “Camille Montenegro,” aniya, halos iluwa ang pangalan. “She was manipulative. Dangerous. Mapang-akit. She pretended to be a friend, but behind our backs, she was seducing your father.” Halos hindi ako makahinga. “Dad…?” “She nearly ruined this family. At kung hindi ko siya pinatigil—kung hindi ko siya kinompronta—baka hindi lang ako ang nawalan. Baka ikaw mismo, wala ka rito ngayon.” Nanahimik ako. My mind was spinning. Connecting pieces. “Sinong nagsabi sa ‘yo ng mga ‘yan?” tanong ko, tinig ko nanginginig. “Si Raf?” “She’s dead, Serena.” Adelina leaned closer, placing her wine down. “And her son has returned, not just to build a business—but to finish what she started.” “Hindi mo siya kilala,” sagot ko. “Hindi mo alam kung anong meron kami—” “I don’t care what you think you have,” putol niya ulit. “I’m your mother. And I’m telling you this now: You will end whatever this is with Leonardo Montenegro.” Natigilan ako. Hindi ko alam kung dahil sa galit, takot, o sama ng loob. “You’re not a child anymore, Serena,” dagdag niya. “But if you keep chasing after shadows… I will make sure you never step inside this house again.” Tahimik kong tinanggap ang banta. Pero sa loob ko, may dalawang boses na naglalaban. Isa—nagsasabing baka tama si Mommy. Na baka si Leo ay panganib na naka-porma lang ng halik, yakap, at malamig na titig. Pero ‘yung isa—mas malalim, mas mahina pero mas totoo—ay nagsusumigaw: “Pero minahal ko siya. At minahal niya ako… diba?” Pero paano kung maling pag-ibig ang pinili ko? Paano kung tama si Mommy? At ang buong relasyon namin ni Leo ay parte lang ng mas malaking laro… Isa akong piyon. At ang nanay ko—at ang lalaking mahal ko—ay parehong hari’t reyna sa kani-kaniyang giyera. Hindi ko alam kung dahil ba sa galit o sa takot kaya ko siyang tinawagan. O baka desperado lang akong makita kung totoo pa rin ang lahat ng sinabi niya sa ‘kin—ang mga yakap niya, ang mga halik, ang mga bulong sa pagitan ng dilim. Ang sabi ni Mommy, kasinungalingan. Ang sabi ng puso ko, hindi. At kaya siguro, sa gitna ng ulan, sa harap ng malaking entrada ng Alcantara estate… dumating si Leo. Nakasuot siya ng dark navy suit—malinis, pormal, pero masyadong tahimik ang anyo niya. Hindi siya ngumiti. Hindi rin nagpakita ng galit. Pero nang magtagpo ang tingin nila ni Mommy sa receiving hall, para akong lumulubog sa pagitan ng dalawang bagyo. “Good evening, Mrs. Alcantara,” malamig niyang bati. Si Mommy, hindi man lang tumayo. Nakatayo siya sa paanan ng grand staircase, suot ang cream silk dress niya na para bang laging handang humarap sa press—even if it’s just to go to war. “Leonardo,” sabay tingin mula ulo hanggang paa. “You haven’t changed,” balik niya, walang emosyon ang mukha. Nakatingin lang ako sa kanila. Parang chessboard ang buong hallway namin—parehong magkalaban, parehong tahimik, pero malinaw ang layunin: kontrolin ako. “So,” patuloy ni Mommy, “ano bang kailangan mo?” “Serena.” That was it. Just one word. Pero sapat na ‘yon para tumigas ang buong katawan ni Mommy. “She’s not here for you to collect like a pet,” sabi niya, diretsong diretsong tumama sa ego. “At kung ang dahilan ng pagbisita mo ay para ipagpatuloy ang kung anong mapanganib na larong sinimulan ng ina mo—” “Leave my mother out of this,” Leo cut in, malamig ang tono pero masyadong mapanganib sa ilalim. “She’s dead. She can’t defend herself.” “She didn’t have to.” Tumayo si Mommy. “I saw what she was. I see it in you.” “Really?” Leo’s jaw tensed. “Then you should know I don’t walk away from what I want.” At doon siya tumingin sa ‘kin. Diretso. Matapang. Parang lahat ng pader ko, gustong gibain. “Serena, come with me.” Tumigil ang oras. Parang biglang wala nang naririnig kundi ang t***k ng puso ko. Pero bago pa man ako makagalaw, humarang si Mommy sa pagitan namin. “She’s not going anywhere.” Leo didn’t even flinch. Naglakad siya nang marahan, huminto ilang pulgada mula kay Mommy—halos magdikit ang kanilang mga balikat. At sa tinig na sobrang banayad pero parang kutsilyong dumadaan sa balat, he said— “You’ve controlled her long enough.” “Mas kilala ko siya kaysa sa ‘yo.” “Then you should know,” Leo whispered, leaning slightly closer, “she’s already mine.” Napalunok ako. Pakiramdam ko, ako ‘yung kaharian na pinag-aagawan nila. Pero hindi ako lupa. Hindi ako tropeyo. Ako si Serena Alcantara—and yet right now, I felt like everything I am belongs to both of them. “You need to leave,” Mommy said, final. Leo turned to me—walang galit, walang pakiusap. Tanging tanong lang sa mga mata niya: "Sasama ka ba?" Pero nanatili akong nakatayo. Katahimikan ang naging sagot ko. At doon ko nakita ang unang lamat sa pader ni Leo—isang saglit ng sakit, bago niya ibinalik ang maskara ng pagiging malamig at makapangyarihan. “I’ll wait,” bulong niya sa ‘kin. “But not forever.” At lumakad siya palayo. Tahimik. Walang drama. Pero bawat hakbang niya, parang may dalang paghihiganti, pagnanasa, at pag-ibig na hindi na alam kung alin ang totoo. “Belle,” mahina kong tawag habang hinahabol ang hininga ko, “kailangan ko ng totoo.” Tahimik kami sa veranda ng maliit niyang apartment. Nasa harap namin ang ilang baso ng wine na hindi ko man lang naiisip tikman. Ang utak ko—paikot-ikot. Parang rollercoaster na wala nang preno. Nagkatinginan kami. At doon ko nakita na may alam siya. Alam niya matagal na. “Alam mo, ‘di ba?” bulong ko, halos pabulong na pagsusumbong. “Yung tungkol sa kanila… kay Leo. Kay Mommy. Kay Daddy.” Hindi siya sumagot agad. Pero kitang-kita sa mukha niya ang pagod—hindi lang mula sa araw na ito, kundi sa taon ng pananahimik. “Belle,” pakiusap ko. “Please.” She took a breath. Malalim. Mabigat. “I didn’t want to tell you,” sabi niya. “I swore I wouldn’t. Pero simula pa lang, I knew. And it was only a matter of time before you saw it.” “What was it?” “I saw them, Serena,” mahina niyang sabi. “I was only six, pero I knew what I saw. I was never blind.” “Who?” tanong ko, kahit alam ko na ang sagot. “Sino ang nakita mo?” “Si Camille… at si Daddy.” Parang may sumabog sa dibdib ko. “What?” “Nagsimula ‘yan bago ka ipinanganak. Camille Montenegro was Adelina’s closest ‘friend’ back then. Lagi siyang nasa bahay. Lagi silang may mga project together. Charity. Events. Social gatherings. Pero alam kong hindi lang ‘yon.” Umiling si Belle, halatang nasasaktan sa mismong pagbabalik-tanaw. “Nahuli ko sila minsan sa study ni Daddy. Magkayakap. Naghahalikan.” My chest tightened. Para akong nilunod ng hangin. “Hindi ako nagsumbong. Natakot ako. Kasi alam kong si Mommy… she would destroy everything.” “Bakit hindi mo sinabi sa ‘kin?” “Because I thought it ended. Camille died. Everything was buried—kasama ng pangalan niya, kasama ng kasalanan.” “But Leo…” “Leo is her son,” patuloy ni Belle. “And your… our father was the last man seen with her before the accident.” My hands started shaking. “Anong ibig mong sabihin?” “Camille didn’t just die. Her car crashed on the way home—pero there were signs na she was trying to leave… run away. From what? Hindi natin alam. But Mommy knew. And she never let Daddy forget it.” “So you think…” “I think Leo is here for a reason. And I think that reason… might be us.” Napahawak ako sa mesa. Parang nalulusaw ang mundo sa paligid ko. “Serena,” bulong ni Belle, “minahal mo siya. Alam ko. Pero tanungin mo ang sarili mo—minahal ka ba niya? O bahagi ka lang ng planong gustong tapusin ng nanay niya bago siya namatay?” Hindi ako nakasagot. Dahil sa dami ng tanong sa puso ko… Iisa lang ang pinakanakakasakal: Ako lang ba ang nagmahal? Hawak ko pa rin ang cellphone ko. Bukas ang huling mensahe ni Belle, pero hindi ko na kayang basahin ulit. Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang sinabi niya— “Minahal mo siya. Pero bahagi ka lang ng planong gustong tapusin ng nanay niya.” Parang sinasakal ako ng mga salitang ‘yon. Nasa loob ako ng unit ko. Mag-isa. Tahimik. Walang jazz music. Walang kandila. Wala si Leo. Ako lang. At ‘yung bigat sa dibdib ko na hindi na matanggal. Umupo ako sa sahig, sa harap ng kama. Niyakap ang sarili ko. Hubad ang paa, nakasuot pa ang manipis na robe na suot ko nang huli kaming magkasama ni Leo. Dumikit pa sa balat ko ang amoy niya—yung sandalwood na cologne niya, yung alab ng hininga niya sa leeg ko. Pero ngayon? Parang lason ang lahat. Bakit niya may larawan ni Mommy? Bakit siya hindi agad sumagot nang kinumpronta ko siya? At kung totoo ang sinabi ni Belle—kung may kasalanan nga si Daddy kay Camille... ...ano ang totoo sa pagitan naming dalawa? Minahal ba niya ako, o ginamit lang? Napapikit ako, mariing pinigilan ang luha. Pero hindi ko kinaya. Tumulo ito. Isa. Dalawa. Hanggang sa hindi ko na mapigilan. Ibinagsak ko ang ulo ko sa mga tuhod ko. Nanginginig ang buong katawan ko. “Leo…” mahina kong bulong. “Anong ginawa mo sa ‘kin?” Bumalik sa alaala ko ang bawat galaw niya— Paano niya ako tinitingnan. Paano niya ako hawakan. Paano niya ako sambahin—gabi-gabi, parang ako ang mundo niya. Pero ngayon, hindi ko na alam kung alin doon ang totoo. Pati ang sarili kong nararamdaman… kinukuwestyon ko na. Baka nga ako lang ang nagmahal. Hindi ko alam kung ilang minuto akong ganon. Wala akong lakas para tumayo. Para mag-isip. Para magalit. Pero may isang parte ng puso ko ang unti-unting tumitigas. Na parang sinisigaw na tama na. Tama na ang pagtanggap. Tama na ang pagpapakatanga. Tumayo ako. Hinubad ko ang robe, pinalitan ng maong at t-shirt. Naghilamos. Tiningnan ang sarili sa salamin. At doon ko nakita ‘yung mata ng isang babaeng halos mabaliw kakatanong kung totoo ba ang pagmamahal sa kanya, o isang laro lang. At kahit hindi pa malinaw ang sagot— Alam kong hindi ko na pwedeng itaya ang sarili ko muli Hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng lakas habang papunta ako sa penthouse ni Leo. Gabi na. Maulan. Mabilis ang takbo ng sasakyan pero mas mabilis ang pintig ng puso ko. Hindi ako sigurado kung takot ba ‘to, galit, o sakit. Siguro lahat na. Sa kamay ko—nasa loob ng maliit na brown envelope—ang mga litrato ni Mommy na nakuha ko sa safe niya. Bawat isa, parang kutsilyong paulit-ulit na tumatama sa dibdib ko. Pagbukas ng elevator, sinalubong agad ako ng ilaw ng hallway ng private floor niya. Tahimik. Tahimik na parang kinikimkim ang sigaw ng katotohanan. I didn’t knock. Binuksan ko ang pinto gamit ang keycard na binigay niya sa ‘kin. He was there. Nakaupo sa couch, hawak ang isang baso ng whiskey. Naka-itim siyang polo, bukas ang unang tatlong butones, at hindi niya agad napansin na pumasok ako—o baka pinili niyang hindi tumingin. “Serena,” malamig ang boses niya. “I was just about to call.” “Don’t bother,” sagot ko, diretso ang tingin. “Nandito na ‘ko.” Tumayo siya, inilapag ang baso, lumapit. “May nangyari ba?” Tinignan ko siya. Hindi ko alam kung paano siya nagagawa pang umasta na para bang wala siyang kasalanan. Para bang hindi niya alam kung anong binubuhos niyang lason sa pagitan naming dalawa. Hinila ko ang envelope mula sa bag ko at ibinato iyon sa coffee table. “You tell me.” Napatigil siya. Mabilis niyang kinuha ang envelope, binuksan. Nang makita niya ang laman—tumigas ang panga niya. Mga litrato ni Mommy. “Bakit meron ka nito, Leo?” tinig ko’y nanginginig. “At bakit naka-lock sa safe mo ‘yan, kasama ng mga dokumento mo?” Hindi siya sumagot agad. Parang pinipili pa rin niya kung alin sa mga kasinungalingan ang babanggitin. “Answer me!” halos pasigaw kong ulit. Suminghap siya, at sa wakas, nagsalita. “Hindi ito ang akala mong iniisip mo.” “Then explain. Kasi ang alam ko, may mga litrato ka ng nanay ko—bago pa ako ipanganak. Nakatingin siya sa camera na parang may tinatago. At ‘yung lalaki sa tabi niya—hindi si Daddy.” Muli siyang tumahimik. At doon ko naramdaman na hindi ko na kayang hintayin ang katotohanan mula sa kanya. Kaya ako na ang nagsalita. “My sister told me. About Camille. About Henry. About the scandal. About you.” Tumaas ang kilay niya. “Si Belle?” Tumango ako. “She warned me. And now I understand why.” Leo stepped forward, pero umatras ako. “Serena, please. I never meant to—” “To what?” putol ko. “To fall for me? To f**k me while hating my family? To make me feel like I was your sanctuary—when all along, baka part lang ako ng laro mo?” Napapikit siya, dinidiin ang sintido. “Hindi mo naiintindihan.” “Then make me understand!” sigaw ko, tuluyan nang bumigay ang boses ko. “Dahil hindi ko na alam kung alin sa mga sinabi mo ang totoo! Ang ‘I want you’, ang ‘you’re mine’, ang ‘I won’t hurt you’—lahat ba ‘yon parte ng paghihiganti mo, Leo?!” He opened his mouth. But nothing came out. And that silence? It said everything I needed to know. I shook my head, napapikit, huminga nang malalim. “I gave you everything,” bulong ko. “Lahat. Even the parts of me I never knew existed. And you… you used me.” “Serena—” “No,” mahina pero mariin. “Tapos na.” Kinuha ko ang bag ko. Tumalikod na sana ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa braso ko. “I never wanted to hurt you.” Tumingin ako sa kanya. Diretso sa mga matang minsang naging langit para sa ‘kin. “But you did,” sabi ko. “And that’s worse.” Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay niya sa braso ko. “At ang pinakamasakit sa lahat… mahal pa rin kita.” Bumukas ang pinto. Lumabas ako. At hindi ko na siya nilingon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD