“Charity ball?”
Napakunot ang noo ko habang binabasa ang gold-embossed invitation na iniabot ni Leo sa akin habang nakaupo kami sa meeting room ng Montenegro & Associates.
“Wala ako sa guest list ng high society events na ‘ganyan,’” dagdag ko pa habang pilit ikinukubli ang nerbyos sa likod ng boses ko.
He leaned back on his leather seat, arms crossed, eyes on me. That usual unreadable expression—somewhere between amused and calculating.
“You are now,” sagot niya. “You’ll be on my arm.”
Nag-blink ako. Once. Twice.
“Excuse me?”
“You’re attending with me. Formal partner.”
“Formal—Leo, that’s—”
Tumayo ako agad, ramdam ang biglang pag-init ng pisngi ko. “People will talk.”
He raised an eyebrow.
“That’s the point.”
Hindi ko alam kung ano ang mas nakakataranta—‘yung paraan ng pagtingin niya sa ‘kin habang sinasabi ‘yon, o ang idea na lalabas kaming dalawa in front of all those people… as if I belonged beside him.
As if I wasn’t just the intern, or the girl in training, or the virgin still learning how to survive his touch.
Kinagat ko ang labi ko. “Anong susuotin ko?”
He smirked—dangerously.
“Already taken care of. May ipapadeliver sa condo mo mamayang gabi. Be ready by seven.”
At nang dumating ang gabi…
Pagkabukas ko ng box, napasinghap ako.
Isang deep red silk gown na halos hindi gown—hindi conservative, hindi eleganteng proper.
Hapít sa katawan. Open back. High slit. Plunging neckline.
Para siyang gawa para sa kasalanan.
Tumawag agad ako kay Belle.
“Alam mo bang pinasuot niya sa’kin ‘to?! Para akong leading lady sa forbidden affair!”
“Girl. That’s because you are.”
“Wear it. Let the world burn.”
Kung may kasalanan ang tela, itong gown na ‘to ang ebidensya.
Sa bawat dampi ng red silk sa balat ko, pakiramdam ko ay unti-unti akong nauupos. Para akong pinipilit magsuot ng kasinungalingan—isang manipis na kasinungalingang idinikit sa katawan ko ng isang lalaking hindi ko pa rin mawari hanggang ngayon.
Leo Montenegro.
Boss ko.
Mentor ko.
At sa gabi ring ‘to—plus one ko.
Napatingin ako sa sarili ko sa salamin. Ang neckline ng gown ay tila sinadya talagang ibaba pa ng konti para piliting iangat ang mga mata ng sinumang titingin. Ang slit sa hita ko, halos sumisigaw ng "tingnan mo pa." Walang bra. Walang room para sa hiya.
"Okay, Serena," bulong ko sa sarili. "Hinga lang. You're just attending a charity gala. With your boss. That’s it. Nothing more."
Pero kahit anong convince ko sa sarili ko, hindi ko maalis sa isip ang sinabi ni Belle kanina sa phone.
"Alam mo, hindi ‘yan simpleng charity ball. Pagkakataon ‘yan. Sa ganitong crowd, a single look means power. Isang hawak ng lalaki sa baywang mo—pwede nang maging headline sa loob ng boardroom."
"Belle, hindi ito love story. Law firm ‘to, hindi teleserye."
"Girl, you’re walking into a ballroom with Leo Montenegro. That is the teleserye."
Umiling ako at hinila pababa ang gown. As if may magbabago.
Nang bumaba ako ng elevator ng condo ko, bumukas ang pinto at naroon siya. Leo, nakasandal sa kanyang itim na sports car, naka-black tuxedo—walang tie, open ang collar ng dress shirt niya, exposing just a hint of his chest. Parang lalaking hindi sanay sa formal pero laging mukhang masyadong mahal para sa mundong ito.
His eyes met mine.
At tumigil ang mundo ko.
Hindi siya ngumiti. Hindi rin siya nagsalita.
Pero tumingin siya sa akin na parang ako lang ang babae sa buong siyudad.
Lumapit siya. Mabagal. Walang salita.
Nang nasa harapan ko na siya, tiningnan niya ako mula ulo pababa. Mula buhok kong naka-loose waves, sa leeg kong walang alahas, pababa sa pulang tela na para bang sinukat ng diyablo.
“You wore it,” bulong niya.
“Wala akong choice,” sagot ko, pilit ang composure. “You made it sound like an order.”
Bahagya siyang ngumiti—isang mapanganib na guhit sa labi.
“I don’t force. I just choose well.”
Habang nasa kotse kami, hindi ko alam kung saan ako titingin. Sa labas? Sa dashboard? Sa kamay niyang nakapatong sa shift stick?
O sa tanong na unti-unting sumisiksik sa utak ko: Bakit ako?
Bakit hindi ‘yung ibang senior lawyers? Bakit hindi ‘yung mas presentable, mas kilala sa firm, mas walang baggage?
“You could’ve taken Atty. Enriquez,” sabi ko, breaking the silence. “She’s head of litigation. Or si Atty. Viñas, expert sa corporate—”
“Hindi sila ang gusto kong makasama,” putol niya sa akin. “Ikaw.”
Simple lang ang sinabi niya. Pero bigat ng mga salita niya, parang binalot ng usok ang loob ng sasakyan.
Napatingin ako sa kanya.
“Bakit ba ako, Leo?”
“Because people will talk,” sagot niya. “And I want them to.”
“Ano’ng ibig mong sabihin?”
“Sa gala na ‘to, presence is politics. Eyes are weapons. And your presence beside me tonight… is the loudest silence I can offer.”
Hindi ko na alam kung na-flatter ba ako o natakot.
Pagdating namin sa Grand Solace Hotel, may red carpet, may reporters sa labas, may blinking camera phones kahit strictly private event ito. Ang crowd? Fashion designers, real estate kings, business tycoons, pulitiko, at ilang top-tier lawyers na parang naka-costume sa sobrang ganda ng ayos.
Leo stepped out first.
And then, in true Montenegro fashion, he walked around the car to open the door for me.
Hindi ko alam kung paano ako bababa na hindi madadapa, o mapapahiya, o lalong magkakagulo ang dibdib ko.
Pero hawak niya ang kamay ko.
Mahigpit. Steady. Certain.
At habang magkasabay kaming naglalakad papasok sa ballroom, naramdaman ko ang daan-daang mata sa likod ko, sa slit ng gown ko, sa exposed na likod ko, sa palad niyang hindi bumibitaw sa baywang ko.
Para akong mina-marka.
Pero hindi pa niya ako hinahalikan.
Wala pang salitang mapanukso.
Pero ramdam ko—this is the calm before the fire.
Sa dami ng chandelier na nakasabit sa ballroom ceiling, halos hindi ko mabilang kung alin ang nagpaikut-ikot sa ulo ko. O baka hindi ilaw ang dahilan ng pagkahilo ko—baka siya.
Leo Montenegro.
He didn’t let go of me. Not once.
Sa bawat pagbati ng guests, sa bawat business partner na lumapit, sa bawat babae na tumingin sa kanya na para bang handang isuko ang buong gabi—he stayed beside me.
Not just beside me. Behind me. Around me. On me.
His hand was a constant presence on my bare back. Minsan sa gilid ng baywang. Minsan sa braso. At minsan, tila sinasadya niyang i-slide ng dahan-dahan ang hintuturo niya sa curve ng balakang ko—hindi para akitin ako, kundi para paalalahanan ako:
You’re not invisible. You’re mine.
“Atty. Montenegro, is this your new protégé?” tanong ng isang babaeng halos kalahati ng gown ko ang nawawala.
“Serena Alcantara,” sagot niya. “One of the most promising minds in my firm.”
“Oh, brains and beauty,” sabi ng babae, tiningnan ako mula ulo hanggang paa na parang ini-scan ako. “How lucky you are, Atty. Montenegro.”
Leo smiled—dangerously. But his eyes… they were on me.
“I’m aware,” he replied.
Hindi ko alam kung anong iniinom ko—champagne ba ‘to? Whiskey? Kasi parang pareho ang epekto: mabula sa dila, pero mainit sa dibdib.
“Relax,” bulong niya habang papalapit kami sa main table. “You’re doing well.”
“Hindi ako sanay sa ganito,” sabi ko, sinusubukang itago ang kaba.
“And yet, every man in this room wants to know your name.”
“Dahil ba sa gown ko?”
“No.” He stopped walking. Turned to me. Tumingin ng diretso sa mga mata ko. “Because you're with me.”
Biglang tumahimik ang paligid para sa ‘kin.
It was just the two of us.
The buzz of expensive wine, classical music, and murmuring crowd faded. Ang tanging naririnig ko lang ay ang boses niyang bumaba ng tono. Ang lakas ng t***k ng puso ko. At ang paninikip ng lalamunan ko.
Tumagilid siya. Lumapit pa ng kaunti. His lips almost brushing my ear.
“They’re watching us,” he whispered. “Let them.”
And before I could ask what he meant, he moved.
Sa harap ng lahat—board members, tycoons, lawyers, even reporters pretending not to eavesdrop—Leo Montenegro leaned in…
and pressed his lips to my neck.
Hindi ‘yung halik na magaan. Hindi ‘yung halik na friendly.
Halik na may timbang.
Mainit. Mabagal. Nakakatigil ng mundo.
Right at the curve where my neck met my shoulder—doon niya ako hinalikan.
At hindi siya nagmadali.
Parang alam niyang bawat segundo ng pagdampi ng labi niya sa balat ko ay magpapaikot sa buong ballroom.
Parang gusto niyang ipaalala sa lahat—na kahit walang singsing, ako ay kanya.
Napapikit ako. Hindi dahil sa kilig. Hindi dahil sa hiya.
Kundi dahil sa init.
Sa pagnanasa.
At sa katotohanang hindi ko na kayang itanggi:
This man owns me… and he hasn’t even touched me properly yet.
Pagbukas ko ng mata, tama nga siya.
They were watching.
Pero hindi ako ang tinitingnan nila.
Siya.
At sa gilid ng ballroom, doon ko siya nakita.
Si Mira.
Nakasuot ng eleganteng black gown, martini sa kamay, at mga matang parang paputok na hindi pa sumasabog.
She saw the kiss.
She saw the red dress.
And she saw Leo… looking only at me.
Kahit gaano pa kaganda ang ballroom, kahit gaano kagarbo ang gowns at mamahaling champagne, may mga presensya talagang hindi mo maiiwasang mapansin.
Presensyang parang bagyong paparating.
At sa gabing ito, iisang babae lang ang kayang magdala ng gano’ng energy sa loob ng Montenegro-hosted charity event:
Mira Cruz.
She wasn’t part of the firm.
She didn’t work for him.
Pero alam ng lahat kung sino siya—the ex.
The one he used to bring to public events like this.
The one he used to f*ck like he didn’t care who was watching.
The one who stayed far too long after the flame died.
At ngayon… she was back. Wearing danger like perfume.
Nasa kabilang side siya ng ballroom. Nakatayo sa tabi ng mga executive wives na obvious namang hindi niya pinapansin. Her martini glass was half full. Her eyes? Full of fire.
Nakita niya ang halik ni Leo sa leeg ko.
Nakita niyang naka-red ako—damit na malamang ay hindi niya naisip suotin sa kahit anong event dahil masyadong "desperate." Pero ngayon, nakasuot ito sa babaeng kasama ni Leo.
Ako.
Nagkatinginan kami.
Hindi ko siya tinakasan.
Hindi rin siya tumingin sa iba.
Instead, she raised her glass, as if in mock toast. Isang ngiti ang gumuhit sa labi niya—hindi masaya, hindi friendly. Parang pabulong na insulto.
“Enjoy it while it lasts.”
Hindi niya kailangang magsalita. Narinig ko sa tingin pa lang.
Biglang lumamig ang hangin sa paligid ko. Leo was still beside me, but in that moment, it felt like I was being stripped bare in front of someone who thought she knew him better.
At ang pinakamasakit?
Baka nga totoo.
“Excuse me,” bulong ko kay Leo, na agad bumaling sa ‘kin.
“Something wrong?” tanong niya.
“Banyo lang.” Mahinang ngiti. Kunwaring okay lang. Pero ramdam ko ang paghapdi ng dibdib ko.
As I walked away, I felt her eyes follow me. Hindi dahil interested siya. Kundi dahil gusto niyang basagin ang mundo ko.
Pagdating ko sa powder room, sinarado ko agad ang pinto at huminga nang malalim.
Damn it.
Why was I letting her get to me?
Hindi ba’t ex lang siya? Tapos na. Walang na sila. Bakit parang ako ang natatalo?
I looked at myself in the mirror.
My lips were stained red.
My neck—still marked by Leo’s kiss.
My eyes? Shiny… vulnerable.
"He chose me tonight."
"But will he choose me again tomorrow?"
At habang nakatingin ako sa sarili kong reflection, hindi ko maiwasang isipin…
Maybe Mira wasn’t just a jealous ex.
Maybe she was a warning.
Dalawang baso ng champagne.
Tatlong hi-society titas na walang sawang nagtanong kung kailan ako ikakasal.
Isang Mira Cruz na parang multo sa bawat paglingon ko.
At isang Leo na habang tumatagal ang gabi, mas lalo kong gustong kapitan.
The room was spinning. Or maybe ako ang umiikot.
“You shouldn’t drink too much,” paalala ni Leo, his hand on my lower back, steady and warm.
“I’m fine,” sagot ko habang nilalaro ang champagne flute sa daliri ko. “One more won’t hurt.”
He gave me that unreadable look again.
The one that made me feel seen… and a little exposed.
“One more,” he said. “And then we’re leaving.”
Totoo nga. Isang baso pa lang ang nadagdag, pero pakiramdam ko, naging mas malakas ang epekto.
Naging mas malambot ang paligid.
Mas mainit ang ilaw.
Mas malapit ang katawan niya sa ‘kin.
At nang bumaling ako sa ‘kin, hawak ang coat niya habang nilalagyan ng scarf ang leeg ko, doon ko napagtanto:
Gusto ko siya. Hindi lang dahil sa hitsura niya. Kundi dahil sa pakiramdam na kahit isang gabi lang… may nag-aalaga sa ‘kin.
Hindi ko na maalala kung paano kami nakarating sa suite.
Basta isang iglap ay nasa hallway na kami, hawak niya ang siko ko, guiding me gently, tahimik lang, pero palaging alerto.
Pagkabukas ng pinto ng suite, naamoy ko agad ang mild scent ng sandalwood at leather. Masculine. Calm. Dominant. Katulad niya.
He led me in, helped me sit on the velvet couch. Tahimik pa rin siya. Hindi sermonado, hindi din naglalambing. Just… there.
“I need water,” bulong ko, napapikit habang umuupo.
“You’ll have water,” he said.
At gaya ng dati, ginawa nga niya.
Pagbalik niya mula sa mini bar, dala niya ang isang basong malamig na tubig, isang towel, at isang expression na parang… napapagod pero hindi sumusuko.
Umupo siya sa tabi ko.
Pinahawak ang baso.
At habang umiinom ako, dahan-dahan niyang pinunasan ang pawis sa batok ko.
“You pushed yourself tonight,” sabi niya.
“I had to,” bulong ko. “You were watching.”
He smiled, just a little.
“I’m always watching.”
Nagtama ang mga mata namin.
My face flushed—partly from the alcohol, mostly from his gaze.
“You need to lie down,” sabi niya, matter-of-fact.
“Hindi ako lasing,” sabi ko, pero alam naming pareho na hindi ‘yun totoo.
Tumayo siya. Lumapit sa ‘kin. Inabot ang kamay niya.
“Come here.”
I followed. Because I always do.
Hinila niya ako papasok sa master bedroom ng suite. It was grand, dark-toned, with dim lights and white sheets.
Gently, he helped me sit on the bed. Tinanggal niya ang heels ko, isa-isa. Maingat. Tahimik.
“Leo,” tawag ko, habang nakatingin sa kanya mula sa ibabaw ng kumot.
“Hmm?”
“Thank you… for tonight.”
He looked at me. Long. Deep. Like he was trying to read between the lines.
“You’re welcome,” sabi niya, before turning to leave.
But I reached out. Hawak ang manggas ng coat niya.
“Can you stay? Just… for a while?”
Nanatiling tahimik si Leo. Walang sagot. Walang galaw.
Then, he exhaled slowly.
Tinanggal niya ang coat niya. Kinalas ang cufflinks. Then walked around to the other side of the bed… and laid down beside me.
Not touching.
Not speaking.
Just… there.
And for the first time that night, hindi ko na naramdaman ang bigat ng mundo.
I closed my eyes, his scent filling the space between us.
I was warm. Safe. Nervous. And so, so drawn to him.
And as I drifted into sleep, I felt his fingers brush a strand of hair from my cheek. Then his whisper, barely audible—
“You’re dangerous when you’re soft.”
Akala ko makakatulog ako nang diretso.
Pero paano ka matutulog kung katabi mo ang isang lalaki na parang nilikha lang para pagnasaan?
Na kahit hindi ka niya hinahawakan, parang kinakaladkad na niya ang kaluluwa mo sa gitna ng dilim?
Leo Montenegro was silent. Still. But very much awake.
Pareho kaming nakahiga sa kama. May espasyo sa pagitan namin, pero ang tensyon sa ere—masikip, mainit, nakakabaliw.
I shifted under the blanket, trying to find a comfortable position. Pero ang totoo, hindi ako makakilos nang normal. I was hyper-aware of everything.
The way his breathing stayed even.
The weight of his presence.
The slight dip in the mattress where he laid.
Lumingon ako, dahan-dahan.
Nakatingin siya sa kisame. Parang iniisip kung titigil ba siya sa paghinga… o kung may dapat pa siyang gawin.
“Leo?” tawag ko, mahina.
He turned his head toward me. Dahan-dahan. Para bang isa ‘yong ritwal.
“Yes?”
“Are you… okay?”
He stared. Hindi agad sumagot. Then…
“You’re the one who’s drunk, Serena,” he said with a small smirk. “I should be asking you that.”
I smiled, weakly. Pero may kung anong nagtulak sa ‘kin na magsalita pa.
“You said… you won’t touch me,” bulong ko.
“Yes.”
“But what if I want you to?”
His eyes darkened. Hindi siya gumalaw, pero ramdam kong nagbago ang hangin.
“Do you?” tanong niya. His voice low. Controlled. Dangerous.
I swallowed hard. My fingers clutched the edge of the blanket.
Hindi ko alam kung dahil sa alak o sa pagnanasa o sa dami ng naiipon kong tanong at takot at pagkasabik, pero tumango ako.
“Yes…”
Bago ko pa masabing muli, umangat siya mula sa pagkakahiga. Slowly. Without any rush, without a smile.
He didn’t pounce. He didn’t tease.
Instead, he sat at the edge of the bed and looked at me like he was about to open a locked door—one that had never been touched before.
“Take off your dress,” he said, softly. “Or do you want me to?”
Napasinghap ako.
But I didn’t answer. Hindi ko rin siya tiningnan.
My hands moved to the zipper behind my back, trembling as I slowly loosened it.
The red silk slid off my shoulders… then down my waist… then onto the floor.
I was in my black lace bra and panties—bare, exposed, vulnerable.
“Come here,” bulong niya.
Tumayo ako, nalilito kung bakit ako sumusunod sa boses niya. Parang hinihila ng gravity. Parang wala na akong sariling desisyon.
Paglapit ko, he reached for my wrist.
Pinaupo niya ako sa harap niya, between his legs. Hawak niya ang mga kamay ko, marahan, parang tinatantiya ang init ng balat ko.
“Do you want to feel wanted?” tanong niya.
I nodded.
“Do you want to know what it’s like… to be undressed by someone who actually sees you?”
My lips parted, my breath shaky. “Yes.”
His hands moved to my back. He unclasped my bra slowly, carefully, like he was untying a ribbon on a gift he wasn’t sure he deserved to open.
The bra slipped down.
He didn’t react. He didn’t leer or groan.
He just… looked. Deeply. Quietly.
Then he leaned in, his forehead resting lightly on my shoulder.
“You’re not ready,” he whispered.
“But you’re beautiful.”
He pulled me gently toward the bed again, guiding me under the covers.
He lay beside me, this time closer—our skin almost touching.
Walang nangyari.
Hindi niya ako hinubaran ng buong-buo. Hindi niya ako pinilit. Hindi niya kinuha ang bagay na matagal kong iniingatan.
Pero nung gabi na ‘yon…
Siya ang unang lalaking naghubad sa ‘kin hindi lang gamit ang mga kamay, kundi gamit ang paraan ng pagtitig.
And that, somehow, was more intimate.