CHAPTER 9

3401 Words
Hindi ko alam kung kailan nagsimulang magbago ang lahat. Kung kailan naging mas tahimik ang gabi kapag wala siya. Kung kailan naging mas mabilis ang t***k ng puso ko kahit hindi siya nagsasalita—kahit titig lang, kahit sulyap lang. Kung kailan nagsimula akong matakot... hindi sa kanya, kundi sa sarili ko. Dahil unti-unti, napapansin ko na... nahuhulog na ako. It was a Tuesday night. Late, gaya ng lagi. Nasa penthouse niya kami, reviewing documents for a corporate mediation hearing. Nakaupo ako sa malapad niyang couch, suot ang isa sa mga tailored blazers na iniwan ko na sa unit niya—hindi ko rin alam kung kailan nagsimulang maging “normal” na may mga damit ako roon. Leo was standing by the window, a glass of scotch in his hand, backlit by the lights of the city. I stared at him longer than I should have. Walang kibo. Walang kilos. Pero alam kong alerto siya. Ramdam kong alam niyang tinitingnan ko siya. “You’ve been quiet,” sambit niya, hindi lumingon. “For someone who usually argues.” “Wala akong kailangang ipaglaban ngayon,” sagot ko, pilit ang biro sa tono. “Wala kang sinabing nakakainsulto ngayong gabi.” He turned slowly, eyes settling on mine. “Then I must be losing my touch.” Napangiti ako. Napakagat-labi. That was the moment. That exact moment I knew. I didn’t want him just in my bed. I wanted him everywhere. “Leo,” tawag ko, mahina. He walked toward me. Dahan-dahan. Pero hindi kagaya ng dati—hindi parang predator. Mas parang... curious. Parang may hinahanap sa mukha ko. Umupo siya sa tabi ko. Malapit, pero hindi nakakabigla. Parang nirespeto pa rin niya ang hangin sa pagitan namin. “Hmm?” Huminga ako nang malalim. “May gusto sana akong sabihin…” Tahimik siya. Hindi nagmadali. Hinayaan lang niya akong magsalita, gaya ng madalas. “Hindi ko alam kung kailan nagsimula,” bulong ko. “Pero I think… I’m falling for you.” Hindi siya agad nagsalita. Ang tanging narinig ko lang ay ang mahina niyang paghinga. Ang glass ng yelo sa baso niya. Ang kaba sa dibdib ko na halos sumigaw na. “Serena…” sabay hawak niya sa kamay ko. Mainit ang palad niya. Matibay. Gising na gising ang pakiramdam ko sa buong katawan. Pero hindi niya ginantihan ang titig ko. Tumingin siya sa sahig. Sa likod ng kama. Sa dingding. Kahit saan—basta hindi sa akin. “Don’t,” he said, finally. “Don’t fall.” Parang lumamig ang buong kwarto. “Why not?” tanong ko, pilit pinipigilan ang sakit sa boses. “Because I can’t catch you,” sagot niya. “Even if I want to.” Napapitlag ako sa sagot na ‘yon. Masakit. Pero mas totoo kaysa sa alinmang halik na natanggap ko. “I’m not asking you to love me back,” bulong ko, halos pabulong na lang. “Gusto ko lang… malaman mo.” He stood, walked away, facing the city again. Tahimik kami ulit. But something shifted. Hindi ko alam kung dahil umamin ako, o dahil tinanggihan niya ako sa paraang hindi naman niya sinasadya. Basta ang alam ko lang— Mas lalo akong nahulog. Tahimik pa rin siya. Ako lang ang gumawa ng ingay sa pagitan naming dalawa—pagsinghot, pagbuntong-hininga, ang tunog ng damdaming gustong sumabog pero walang mapaglabasan. Nakatayo si Leo sa may bintana, nakatalikod, habang ang mga ilaw ng siyudad ay parang pinapatingkad lang ang distansyang unti-unting nabuo sa pagitan namin. Wala naman siyang sinabi. Pero alam mong may sinisigaw na ang katahimikan niya. At hindi ko kinaya iyon. Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Lumapit ako. Hanggang sa ilang dangkal na lang ang pagitan ng katawan naming dalawa. “Leo…” Hindi siya gumalaw. Pero ramdam ko—napansin niya ang lapit ko. Ramdam ko kung paanong naging mas mabigat ang hangin sa pagitan naming dalawa. “Sabihin mo sa akin kung bakit,” mahina kong sambit. “Kung ayaw mo sa ‘kin… kung wala akong halaga sa ‘yo, sabihin mo. Tatanggapin ko.” Lumingon siya sa ‘kin—dahan-dahan, parang pinipilit ang sarili niyang harapin ako. Pero sa mata pa lang niya, alam ko na. Hindi ito tungkol sa kung may nararamdaman ba siya o wala. Ang problema... ay kung anong klaseng damdamin ang meron siya. “You don’t know me, Serena,” bulong niya. “You think you do. Pero ang alam mo lang… ay ‘yung mga pinapakita ko sa ‘yo. The version of me that wants you. The man who watches you, touches you, tests you.” Huminga siya nang malalim. Nilapag ang baso sa side table. Then he turned to face me—fully. Malapit. Matatag. “But you don’t know the man I really am.” “Then show me,” sagot ko agad. Walang pag-aalinlangan. “Let me see him.” Umiling siya, at may kaunting ngiti sa labi niya—pero hindi ito masaya. Parang lungkot na marunong magtago. “No,” aniya. “Because once you do… you’ll hate him.” Napatigil ako. Dahil may mga salitang kahit bulong lang—parang sumisigaw. “I won’t,” sagot ko, pilit na matatag ang tono ko. “Kahit ano pa ‘yung nakaraan mo. Kahit gaano ka pa… sirang tao.” He stepped forward. Close enough that I could smell his scent—woodsy, dark, familiar. “Don’t love me, Serena,” bulong niya. “Because I will ruin that love.” “Not intentionally,” dagdag pa niya. “Pero sisirain ko pa rin. Kasi ‘yon ang ginagawa ko. I destroy things… lalo na kapag mahal ko na.” Natigilan ako. Hindi dahil nasaktan ako. Kundi dahil— Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang buuin. Gusto kong patunayan sa kanya na hindi lahat ng pagmamahal, nasisira. Pero hindi ako gumalaw. Dahil sa mga mata niya—alam kong hindi ako ang problema. Siya. Siya mismo ang ayaw mahalin. At ‘yon ang hindi ko pwedeng pilitin. “Okay,” mahina kong sambit. He blinked, surprised. “Okay?” ulit niya. “Kung ayaw mong mahalin kita… hindi kita pipilitin.” Tumango ako, kahit parang may bumabara sa lalamunan ko. “Pero hindi mo rin ako pwedeng pigilan,” dagdag ko, mahinang ngiti sa labi. “Kung sakaling hindi ko mapigilan ang sarili ko.” Tahimik ulit. Pero this time, hindi na mabigat. Masakit. Pero malinaw. Leo Montenegro had walls. At ako ang babaeng handang masugatan habang binabasag iyon—kahit pa siya mismo ang unang sisira sa ‘kin. Tahimik na ulit si Leo pagkatapos ng huling sinabi ko. Parang may bumukas sa loob niya, pero ayaw pa rin niyang hayaang pumasok ako. Parang may pintuan—konti na lang ang pagitan—pero may kandadong hindi ko alam kung saan ang susi. Tumalikod siya muli. Lumapit sa shelf at dahan-dahang kinuha ang isang framed photo. Napansin ko ‘yon noon pa—isang eleganteng babae sa black and white photo, naka-off shoulder, may mapagkumbabang ngiti at malalalim na mata. “Camille,” bulong ni Leo. “My mother.” Lumapit ako ng ilang hakbang, pero hindi ko inagaw ang atensyon niya. Hinayaan ko lang siyang magsalita. “She was the kindest woman I’ve ever known,” he said, halos wala sa sarili ang tono. “Soft voice. Soft hands. She used to sing while brushing my hair.” Tumigil siya. “And one day, she jumped off the veranda of our Tagaytay villa.” Napatigil ako sa paghinga. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Walang training sa law school ang makapaghahanda sa isang sagot para sa ganitong klaseng sugat. He turned to me—pero hindi ako tinitingnan. Tinitigan lang niya ‘yung litrato. “They called it depression. ‘Postpartum, unresolved grief, emotional breakdown’—lahat ng label na makakabawas sa bigat ng totoo.” Binitiwan niya ang frame sa mesa. “But I know what really broke her, Serena.” “It wasn’t just grief.” “It was betrayal.” Biglang naging mabigat ang hangin. Ako na ang napalunok, hindi siya. “Betrayal… by whom?” tanong ko, mahina. Leo looked at me this time. Diretso sa mga mata ko. Wala nang harang. Wala nang pader. Wala nang proteksiyon. “Your mother.” Napaatras ako ng bahagya. Para bang may lumamig sa likod ko. “W-What?” “Adelina Alcantara,” ulit niya. “Was once the closest thing my mother had to a friend.” “Until she destroyed her.” Hindi ko alam kung paano tatanggapin ‘yon. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ni Leo—kung literal ba, kung figurative, kung metaphor lang ba ito ng matagal nang poot. Pero ramdam ko ang panginginig ng laman niya habang binabanggit ang pangalan ng mama ko. “I don’t know what exactly she did,” dagdag niya. “But whatever it was… it ended my mother.” Napaupo ako sa gilid ng sofa. Hindi pa malinaw ang lahat. Wala pang konkretong ebidensya. Pero ang sinseridad ng boses ni Leo, ang bigat ng paningin niya… Hindi ko kayang balewalain. “Why are you telling me this now?” tanong ko, mahina. He stared at me for a long moment. “Because you need to understand,” he said. “This isn’t just about you and me.” “This started long before we met.” Bigla akong parang naging maliit na bahagi ng mas malaking larong hindi ko alam na nilalaro pala ako. “Leo…” bulong ko, hindi ko alam kung tanong ba ‘yon o pakiusap. “Don’t worry,” sagot niya, malamig pero mahina. “I’m not asking you to take sides.” “I just want you to know why I can’t give you what you want.” At sa gabing iyon, sa pagitan ng mga kwento ng nakaraan, ng mga alaala ng isang ina na tumalon, at ng isang lalaki na pilit na pinapatay ang nararamdaman… Mas lalo akong nalito. Mas lalo akong nalungkot. At mas lalo ko siyang minahal. Linggo ng hapon, makulimlim ang langit pero hindi umuulan. Nasa Montenegro building ako, fourth floor. Supposedly for a scheduled review of case updates with Leo, pero wala pa siya. Tumawag lang ang assistant niya, nagsabing ma-late daw siya from his previous meeting. Naiwan akong mag-isa sa conference room. Tahimik. Malamig. Masyadong maraming oras para mag-isip. Hanggang sa bumukas ang pinto nang wala sa oras. “Serena?” Pamilyar ang boses. Agad akong tumayo. “Raf? Anong ginagawa mo dito?” “I’ve been calling you all day. Di ka sumasagot,” he said, ramdam sa boses ang inis na may halong pag-aalala. “So I came here.” Napatingin ako sa phone ko—naka-silent. Oo nga. Limang missed calls. “Sorry, I—” “You’re with him again, aren’t you?” putol niya, diretso sa punto. I froze. “Raf, I told you—” “You told me you were trying to figure things out,” napalapit siya, nakatingin nang matalim. “Pero mukhang alam mo na, e. Mukhang pinili mo na siya.” Napalunok ako. “Hindi ganon kadali…” “Talaga? Ganon ba kahirap umiwas sa lalaking ang buong pangalan ay synonymous sa red flags?” Bumukas ang pinto ulit. At si Leo na ang dumating. Ang presensya niya ay parang dagundong ng kulog kahit hindi siya nagsasalita. Nakatayo siya sa may threshold, nakasuot ng gray suit, basa pa ang buhok—galing siguro sa ulan sa labas. Malamig ang tingin niya, pero kita sa mga mata niya ang pagkapikon. Hindi siya kumibo agad. Tahimik niyang tiningnan si Raf, saka ako. “You shouldn’t be here,” Leo said flatly. “Neither should you,” sagot ni Raf, humarap sa kanya nang diretso. “She’s an adult. She doesn’t need you barging in like a jealous teenager.” “I’m not jealous,” ani Raf, kahit halatang nagpipigil ng emosyon. “Concerned ako. Kasi alam kong may binabalak ka.” Tumawa si Leo—maikli, malamig. “And what do you think I’m planning?” “I don’t know. But knowing who you are, I’m sure it’s not something pure.” Pumikit ako sandali. “Guys, please—” “You know nothing about me,” Leo snapped. “Oh, I know enough,” sagot ni Raf. “Your mother killed herself. You grew up cold, closed-off, manipulative. You play with people like they’re cases to be won.” “Rafael—!” saway ko, pero huli na. “And now, you’re using Serena. For what? Revenge? Lust?” At doon na nagdilim ang mata ni Leo. In a blink, lumapit siya kay Raf, walang babala. Isang malutong na suntok sa panga. Rinig ko ang “ugh” ni Raf habang napaatras siya, hawak ang pisngi, halos matumba. “Leo!” sigaw ko, agad na humarang sa pagitan nilang dalawa. Nanatiling tahimik si Leo, nanginginig ang kamao, pero hindi na sumunod pa ng suntok. Si Raf naman, tumayo nang diretso—mata pa rin ang galit, kahit nangingitim na ang gilid ng labi niya. “Perfect. You just proved my point,” he spat. “You don’t deserve her.” “And you think you do?” Leo fired back. Hindi ko alam kung sino ang lalapit sa ‘kin. Parang pareho silang may karapatan. Pareho ring may kasalanan. But in that moment—sa gitna ng tension, galit, at kirot—alam kong hindi ako ang kailangang magdesisyon. Sila ang kailangang tumigil. Ako lang ang nasa gitna. At pagod na akong mapunit doon. Tahimik si Raf nang lumakad palabas. Hindi na tumingin pa sa ‘kin. Si Leo naman, nanatiling nakatayo sa gilid. Huminga siya nang malalim, ibinulsa ang kamay, saka bumulong ng... “I warned you.” “Sabi ko sayo… I ruin everything.” Pagkatapos ng tensyon sa pagitan nina Leo at Raf, parang ang dami kong kailangang iproseso. Hindi ko alam kung saan ako lulugar. May bahagi sa akin na gusto ng tahimik. Yung tipong iiwas na lang sa lahat, tatago sa kwarto at kakalimutan na lang ang komplikadong damdamin. Pero may mas malakas na boses sa loob ko—isang tinig na gustong makahinga, makawala, at maramdaman ulit kung ano ang ibig sabihin ng maging ako... hindi anak ni Adelina, hindi protektado ni Raf, at hindi babae ni Leo. At doon dumating si Belle. “Surpriiiiiise!” Napatingin ako mula sa binubuksan kong libro nang biglang bumungad ang kapatid ko sa pintuan ng condo ko—nakasuot ng oversized sunglasses, messy bun, at may hawak na coffee at take-out bag. “Belle?” nanlaki ang mata ko. “Akala ko nasa Bali ka pa?” Pumasok siya na parang sarili niyang bahay ito, sabay lapag ng pagkain sa mesa. “Girl, kailangan ko ng detox sa coconut oil at mga beach boys. Lahat ng ka-date ko doon may six-pack, pero zero substance. Nakakasawa.” Umupo siya sa couch at tinapik ang tabi niya. “So, kamusta ka? Mukha kang nakakita ng multo sa social media.” Napaupo na rin ako sa tabi niya. “Long story,” mahina kong sagot. “Uh-huh. Let me guess… Leo Montenegro long?” Napailing ako. “Belle, please…” “Don’t worry. Hindi ako magmamagaling. Hindi ako si Mama. But I am your sister. At bilang ate mong black sheep, may karapatan akong ilayo ka saglit sa mundo ng mga drama ng elites.” “What do you mean?” Ngumiti siya, mischievous. “I’m inviting you to something. A party.” “Party?” “Secret party. Underground. No paparazzi, no socialites, no business deals. Just... music, tequila, people dancing half-naked under neon lights.” “Belle!” natawa ako kahit papaano. “What?” taas-kilay niya. “Kailangan mo ng break. Alam kong hindi mo ako sasamahan kung sa normal club lang ‘yan. So I found something more... fun.” “Baka hanapin ako ni Mama.” “Eh ‘di sabihing nasa law firm ka. Or… secret briefing. Alam ko namang magaling ka sa lies when needed.” Napatingin ako sa kanya. Gusto ko sanang mag-decline agad. Hindi ko talaga mahilig sa ganung set-up. Pero then again… when was the last time I chose something for myself? “Sige. Just this once.” Napasigaw si Belle sa tuwa at tinapik-tapik ako sa braso. “Girl, I’m so proud! Finally embracing your inner bad bitch.” Napailing ako pero napangiti rin. “I’m not a bad bitch.” “Not yet. Pero after Friday night… we’ll see.” Nang umalis si Belle, naiwan akong nakatingin sa reflection ko sa glass wall ng unit ko. Simple white shirt. No makeup. Tired eyes. Pero sa ilalim ng pagod, may kumikislap—parang liwanag na matagal nang pinatay ng takot, ng obligasyon, ng expectations. Maybe… just maybe… I needed to taste freedom again to remember who I really am. Friday night. Isang gabi ng ulan, neon lights, at lihim. Nakatayo ako sa harap ng salamin habang pinipilit buuin ang sarili ko. Literal. Makeup. Dress. Confidence. Hindi ako sanay sa ganito. Hindi ako kagaya ni Belle na parang pinanganak na may sariling spotlight. Ako? Ako ‘yung laging nasa gilid. Tahimik. Maingat. Controlled. But tonight, I wanted to feel something. Anything. Kahit sandali lang. “Serena, you ready?” Tumawag si Belle mula sa living room, suot ang metallic crop top at low-rise leather pants na para bang inspired sa futuristic rave. I, on the other hand, wore a deep navy silk dress—mid-thigh, spaghetti straps, backless. A far cry from my usual slacks and high-neck tops. And yet... I didn’t hate how I looked. I looked like someone who chose this. Not someone being chosen for something else. Pagpasok namin sa club, bumungad agad ang pulso ng musika. Bass na literal mong mararamdaman sa dibdib mo. Ilaw na umiikot sa kulay rosas, bughaw, lila—mga kulay ng damdaming pilit kong itinago sa dami ng taon. “Told you, babe. This place is alive,” sigaw ni Belle sa gitna ng ingay habang hinila ako papasok. The crowd was wild but free. Walang nagmamagaling. Walang pulitikal. Walang sinisino. Para lang kaming parte ng iisang t***k—isang gabi ng kalayaan. Uminom kami. Tumawa kami. Sumayaw kami. Sa unang tatlong kanta, awkward pa ako. Parang hindi ko alam ang galaw ng katawan ko. Pero habang tumatagal… natutunaw ang inhibition. Parang unti-unting natutuklasan ng kaluluwa ko ang sariling rhythm. Napaupo ako sa bar, bahagyang hinihingal, habang si Belle ay sumasayaw pa rin kasama ng bagong kakilalang lalaki. “Tequila, miss?” tanong ng bartender. “Yes. One. Make it strong,” sagot ko, kahit hindi ko alam kung kaya ko ba. Kinuha ko ang shot glass. Isang lagok. Mainit sa lalamunan. Pero mas mainit ang pakiramdam ng choice. Na ako ang pumili. Hindi si Mama. Hindi si Leo. Hindi kahit sino. “You’re not so innocent, are you?” Muntik ko nang mabitawan ang baso sa boses na ‘yon. Lumingon ako. Isang lalaki—mga late twenties, rugged, may dimple sa kaliwang pisngi at piercing sa kilay. Hindi siya Leo. At sigurado akong hindi siya anak ng politiko or CEO. He was just… someone. “Depends,” sagot ko, pilit na matatag. “What do you see?” Ngumisi siya, bahagyang yumuko para marinig ko sa kabila ng malakas na music. “Someone who’s trying to forget. Or maybe... remember.” Hindi ako sumagot. Dahil hindi ko rin alam kung alin nga ba. Inaya niya akong sumayaw. At sumayaw ako. Hindi dahil sa kilig. Hindi dahil gusto kong mapansin. Pero dahil gusto kong maramdaman na babae ako—hindi abogado, hindi anak, hindi kasangkot sa gulo ng mga sikreto at trauma. Just Serena. Habang umiikot ako, habang tumatawa sa harap ng hindi ko kilalang tao, habang bumabagal ang kanta sa background, parang bumalik ang lakas ng loob ko. Pero hindi nagtagal ang ilusyon. Mula sa kabilang dulo ng dance floor, isang pares ng matang pamilyar ang humuli ng atensyon ko. Dark suit. Relaxed stance. Intense gaze. Leo. Hindi siya galit. Pero hindi rin siya masaya. Nakatayo lang siya doon—nanonood. Sa ‘kin. Sa amin. Sa bawat galaw ko. At habang nagkakatinginan kami sa ilalim ng ilaw ng club, isang tanong lang ang pumasok sa isip ko: Bakit siya nandito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD