Wala akong tulog. Walang kahit kapirasong pahinga ang katawan ko mula nang malaman ko ang lahat—tungkol kay Mama. Kay Raf. Kay Leo. Lahat ng pinagkatiwalaan ko, binasag ang mundo ko sa iba’t ibang paraan. Kaya heto ako ngayon—nakaupo sa may balcony ng hotel room ko sa Paris. Mag-isa. Wala nang luha pero parang may sugat pa rin sa loob na hindi na magsasara. Hinawakan ko ang tasa ng kape. Malamig na. Parang ako. Ilang araw na akong ganito. Wala sa sarili. Wala sa direksyon. Parang multo na lang sa siyudad ng liwanag. Pero ngayong gabi? May kakaibang lamig sa hangin. Parang may paparating. At hindi ako nagkamali. May kumatok. Isang beses. Pangalawa. Tumayo ako. Dahan-dahan. Kabado. Pagbukas ko ng pinto—parang nahulog ang puso ko sa sahig. Siya. Si Leo. Basa ang buo niyang ka

