Kabanata 20: Switchblade

1311 Words
2015 Wala sa kanila ang natulog no’ng gabing iyon. Ilang oras na mula nang umalis sina Miguel at Vincent para gawin ang plano. Nakaupo lang sila sa sofa. Nakahain ang hiniwang mga manga at maron ding baggong sa platito. Hindi nila magawang kumain nang maayos dahil hindi sila mapakali. Ngayong gabi, siguradong kikilos siya. Inaabangan na lang nila ang pagdating niya. Kapag maliwanag na saka lang sila mapapanatag. Si Mang Pol ang may hawak ng Baretta. Ang mga binatta ay may hawak na kanya-kanyang armas. “Kanina pa sina Vincent, ah,” sabi ni Ricky. “Ba’t kaya natagalan sila?” “Hihintayin pa raw nila di ba na mapag-isa si kapitan,” si Louis ang sumagot. “Sasabihin nila sa ‘tin ‘yung napiga nilang impormasiyon sa kanya kapag nakabalik na sila.” “Nag-aalala na nga ako,” sabi ni Mang Pol habang ngumunguya ng mangga. “Hindi natin alam kung nadale ba sila ng lalaki o ano. Pero kailangan nating magtiwala sa kanilang dalawa na makakabalik sila nang buhay. Nagtiwala din sila sa ‘tin na makakaya natin ‘yung mga sarili natin. Lalo na ‘ko, may hawak akong baril.” “Marunong po pala kayo gumamit niyan.” “Ah, oo. Tinuruan ako ni pareng Geronimo no’n. Ewan ko kung totoo, pero ang sabi niya, tanim daw ‘to ng pulis. Pero alam ko mga gago ang pulis do’n sa lugar niya. Hindi ko nga alam pa’no niya nakuha ‘to. Baka—“ “Sh!” sumenyas si Jerry na tumahimik. Tinuro niya ang direksiyon sa labas ng bahay. Bumakas ang pagtatanong sa mukha nila na agad ding nawala nang narinig nila ang kaluskos ng mga tuyong dahon ng puno ng mangga. May dahan-dahang naglalakad palapit sa bahay. Hindi nila kilala ang tunog ng mga hakbang. Hindi kina Miguel at Vincent ito. Walang nagsalita sa kanila. Nagtinginan sila, nanlalaki ang mga mata. Halos hindi na sila humihinga. Malakas at mabilis ang t***k ng mga puso nila. Tumunog ang door knob ng pinto na parang pinipilit pihitin. Kinandado ito kanina ni Mang Pol. Muntik na silang mapatalon nang makarinig ng mga katok sa pinto. Bago umalis sina Vincent, sinabihan sila ni Mang Pol na kumatok nang dalawang beses, huminto ng tatlong segundo, kumatok ng isang beses, huminto nang isang segundo, at kumatok nang dalawang beses pa. Sa pamamagitan nito ay malalaman nilang sina Vincent ang papasok. Kung hindi ganoon ang pamamaraan ng pagkatok, ay hindi sila ‘yon. At ngayon, ang katok ay apat na beses na mahina. Hindi ito ang dalawang binata. Napatayo sila mula sa pagkakaupo, mahigpit ang pagkakahawak sa kani-kanilag sandata. Si Jerry at Louis ay may hawak na kutsilyo. Sina Ricky at Benjie ay may hawak na tubong may dalawa hanggang apat na pako sa dulo. Naalala nila ang mga pinangarap nilang thrill no’ng bata sila. Ngayong dumating na iyon, mas nag-sink in pa sa kanila na kapag may ganitong pangyayari ay hindi garantisado ang tagumpay. Kinasa na ni Mang Pol ang hawak na baril at nakaabang na sa gatilyo na ang hintuturo. Sa oras na makumpirma nila na ang kamatayan ang kumatok sa pinto ay kakalabitin na niya ang gatilyo. Nasa pinakaunahan ang matanda, nakahanda na ang armas. Nasa likuran naman niya ang apat na binata. Isang malakas na kalabog ang nangyari. Bumukas ang pinto. Sumaboy ang buhangin sa mukha ng matanda, dahilan para matumba ito at mabitawan ang baril. Bumagsak ito sa sahig na kusot nang kusot sa mga mata. Hindi niya maidilat ang mga ito sa sobrang pagkapuwing. “Mang Pol!” sigaw ni Jerry. Tumambad sa harap ng mga binata ang kalbo at matipuno. Sa isang kamay nito ay isang switchblade. Ang isang kamay naman ay nababalot sa mga butil ng lupa. Alam nitong may baril ang matanda kaya una na niya itong pinuntirya at sinabuyan ng buhangin sa mukha, hinala nila. Napalunok na lang ang mga binata. Nangangatog ang mga binti nila. Sa harapan nila mismo ay ang naging kamatayan ni Paul at ang magiging kamatayan nila. Blangko ang ekspresyon ng mukha ng lalaki, walang buhay ang mga mata. Kung hindi gumagalaw ay mapagkakamalan itong manikin. Isa-isa silang tiningnan nito na parang pumipili ng manok na kakatayin. Napaatras sila nang humakbang ito palapit sa kanila. Dahan-dahan. Hindi sila siguado kung sapat ba ang kanilang mga hawak para mailigtas nila ang mga sarili. Mapapakinabangan sana nila ang baretta, pero bukod sa hindi sila marunong gumamit ay malayo ito sa kinatatayuan nila. “Ano na, mga boi?” mahinang tanong ni Ricky. Ngayong gabi rin, sa pagkakataong ito, malalaman kung aabutan pa nila bukas ang pagsikat ng araw. Naririnig nila si Louis na bumubulong ng dasal na Ama Namin. Si Mang Pol ay bagsak pa rin sa sahig, nasa mga mata ang mga kamay. Walang anu-ano’y sumugod si Benjie sa lalaki. Iwinasiwas niya ang tubo na may pako, pero bago pa man ito tumama sa lalaki, nahawak nito ang katawan ng tubo. Hinablot ito at nawala sa mga kamay ni Benjie. Hinawakan siya nito sa balikat at bumuwelong itatarak ang switchblade sa katawan niya. Pero sumugod na rin si Jerry at itinarak niya ang kutsilyo sa malaking braso ng lalaki. Napangiwi ito nang halos hindi mahalata. Sinubukan pa ni Jerry na hilahin ang kutsilyo, pero hindi na maalis sa pagkakabaon. Isang suntok ang tumama sa kanyang mukha at natumba at napaupo sa sofa. Hinawakan ni Benjie ang handle ng kutsilyo na nakabaon sa braso ng lalaki at pinihit ito. Napabitaw ang lalaki sabalikat niya at nagawa niyang tumakas. Nakita pa niya na tinaas nito ang kamay na hawak ang patalim. Babagsak ang talim ng switchblade sa kanya nang pa-vertical. Kung hindi sa balikat niya ay sa ulo babaon ang talim. Pero bago pa ito maiwasiwas pababa ay naiharang niya ang kanyang braso. Gumuhit ang matinding hapdi sa braso niya mula sa ilalim ng siko hanggang bago maabot ang pupulsuhan. Napaatras siya hawak-hawak ang sugat. Dumadaloy ang mainit na likido sa mga pagitan ng mga daliri ng kamay niya. “Sabihin mo sa boss mo, ako lang ang pumatay kay Jimboy,” sinabi ni Louis sa lalaki. “Wala silang kasalanan.” Tinitigan lang siya nito na para bang nagpapatawa lang siya. “Ako na lang ang patayin mo. ‘Wag na sila.” “Pakingshit ka, Louis,” sabi ni Ricky. “Tumigil ka sa mga sinasabi mo!” Binitiwan ni Louis ang hawak na tubo at lumapit sa lalaki. “Ako na lang dapat. ’Wag na sila.” Hinila ni Ricky si Louis palayo sa lalaki. Nahirapan pa  siya dahil mabigat ang katawan nito. Itinapat niya ang kutsilyo sa lalaki. “’Wag kang lalapit, maderpaker!” Pero hindi tumigil ang lalaki sa paglapit. Maliban sa banta ng kamatayan ay natatakot din si Ricky sa mukha ng nasa harap niya. “’Wag kang kikilos!” utos ni Jerry na nasa likuran na pala ng kalaban. Hawak niya sa dalawang nanginginig na kamay ang baretta. Si Mang Pol ay nakabangon na, lumuluha at pulang-pula ang mga  mata. Hinarap ng lalaki ang direksiyon nila. “Ako na, Jerry,” sabi ni Mang Pol. “Akin na ‘yan.” Pero hindi siya pinansin ng takot na takot na binata. Nanlalaki ang mga mata nito, mas matindi na ang panginginig, tagaktak ang pawis. Pansin sa mukha nito na parang maiiyak. Kita ang namumulang bilog sa mukha nito, nagdurugo ang ilong niya. Humanga si Ricky sa tapang ng kaibigan. Hindi niya ito inaasahan kay Jerry. Pero napansin niya na parang may mali sa pagkakahawak ni Jerry ng baril. At tila umalingawngaw sa loob ng bahay ang tunog ng pagbagsak ng magazine ng baril sa sementong sahig. Napindot ni Jerry ang magazine release button ng baretta. Parang naging estatwa ang anim, lalo na si Jerry. Nasigurado na nila ang kamatayan nila. Lumakad palapit sa kanya ang lalaki, pero ngayon ay hindi na dahan-dahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD