Kabanata 23: Laro

1436 Words
2027 Dinala na sa ospital ang guwardiyang nabaril at maayos na ang kalagayan. Na-record sa CCTV ang nangyaring pamamaril, pero hindi nakita ang pagdukot umano kay Ricky dahil walang CCTV sa bahagi ng motel na ‘yon. Kinausap ng mga pulis sina Vincent, Jerry, at Benjie tungkol sa nangyari. Binanggit nila ang nasaksihang pagbaril sa guwardiya at ang pagtugis nila sa berdeng pick-up truck. Hindi nila sinabi ang tungkol sa pagdukot sa kaibigan nila. Hindi pa rin nagbabago ang opinyon ni Vincent sa mga pulis kaya hangga’t maaari ayaw niyang magkaroon sila ng anumang kaugnayan sa nangyayari. Nag-check out na sila sa tinutuluyang Motel. Hindi pa rin mapakali si Vincent sa naging pag-uusap nila ng lalaki. Ngayon lang niya ito narinig magsalita. Ngayon lang siya kinausap. Ikinuwento na rin ni Vincent kina Jerry at Benjie ang naging pag-uusap. “Gusto mong maglaro?” sinabi nito. “Sino ka?” tugon ni Vincent. “Hindi ko na kailangang magpakilala. Kilala mo na ako. Matagal n’yo na akong kilala.” “Ano’ng gagawin mo kay Ricky?” “Alam mo na ang sagot diyan, Vincent. Iba-ibang paraan, pero isa lang ang kahahantungan.” “Humanda ka. Subukan mo lang siyang saktan at—“ “Tingin mo, nasa posisyon ka na magbanta? Ngayon mismo puwede kong wakwakin ang leeg niya. O kaya, dudukutin ko muna ang mga mata niya, gugupitin ang dila, babalatan ang mukha, susunugin, babasagin ang mga ngipin, saka ko papatayin. Alam mong hindi ako nagbibiro, Vincent. Alam mong hindi lang kung anong kalokohan ang sinasabi ko. Kaya kong gawin lahat ng sinabi ko.” Nanuyot ang lalamunan ni Vincent. Umagos ang mga pawis niya sa noo. “Ano’ng kailangan mo?” “Hindi ko pa siya pinapatay dahil gusto kong maglaro tayo, gaya ng ginagawa natin, maraming taon na ang nakalipas. Mas masaya noon dahil mas marami akong kalaro, ngayon apat na lang.” “Putang—“ “Gusto mong maglaro, Vincent?” Hindi sumagot si Vincent. Tumatakbo sa isipan niya ang mga posibilidad, nagpe-play na parang video. “Pupunta kami sa San Miguel, Vincent. May isang bakanteng building do’n na dating simbahan sa Tigpalas. Puwede kayong magtanong sa mga tao ro’n. Pero tandaan mo, dapat kayong tatlo ang pupunta. Kapag may isang kulang sa inyo, papatayin ko siya. Kapag nagdala kayo ng kahit na sino, papatayin ko siya. Kapag nagdala kayo ng mga pulis, dudukutin ko ang mga mata niya at saka ko siya papatayin. Hindi magtatagal ng isang minuto ‘yon. Mag-ingat kayo. Malalaman ko kung di kayo sumunod sa kondisyon ko. Maniwala kayo. Malalaman ko.” “Gago ka.” “Ganyan ka na ba, Vincent? Huling kita ko sa ‘yo hindi ka pa masyadong palamura. Ayan na lang ba ang solusiyon mo dahil wala kang magawa? Bibigyan ko kayo ng pagkakataon na maligtas ‘tong kasama n’yo.” “Alam kong patibong ‘yang binabalak mo.” “Puwedeng oo. Puwedeng hindi. Minsan, gusto ko lang talagang maglaro. Hindi ko naman kayo pinipilit na makipaglaro sa ‘kin. Puwede kayong hindi pumunta. Isipin n’yo lang ‘yung mararamdaman ng kaibigan n’yo kapag nalaman niyang mga wala kayong kuwentang kaibigan. Pinabayaan n’yo siya. Dadalhin n’yo ‘yung bigat ng pananagutan na iyon hanggang sa mamatay kayo. Pero ‘wag kayong mag-alala. Malapit na iyon.” “Papatayin talaga kita kapag nakita kita.“ “Hintayin ko kayo,” saka binaba ng lalaki ang telepono. Sinabi niya sa mga kaibigan ang naging pag-uusap, at pati sila ay natakot sa kalagayan ni Ricky. Malaking dilemma ang kinakaharap nila. Kung pupunta sila sa lugar na pinapapunta ng lalaki, papasok sila sa isang patibong. Sama-sama silang papatayin. Kung hindi sila kakagat sa patibong mamamatay ang kaibigan nila. Wala silang ibang magagawa kundi ang sumugod sa patibong at kumilos para hindi mabitag. Kinuha na nila sasakyan ni Ricky sa pagawaan. Sa kabila mga ng tama ng baril na tinamo nito, hindi napuruhan ang makina kaya maaayos pa. “’Yung inarkila ko na lang na sasakyan ‘yung gamitin natin,” sabi ni Vincent. Iparada muna natin itong sasakyan ni Ricky kay Mang Ramon. Nasa’n ‘yung sasakyan mo, Jerry?” “Eh nakiparada muna ako ro’n sa motel. Nakiusap ako sa may-ari. Okay lang naman daw. Saka ko na kukuhanin. Tatanungin ko si Mang Ramon kung puwede ring makiparada sa kanila. Magbabayad na lang ako.” “Sige.” Sumakay silang tatlo sa sasakyan ni Ricky para pumunta kay Mang Ramon. Si Benjie uli ang nagmaneho. Medyo malayo sa pagawaan ng sasakyan ang bahay ni Mang Ramon kaya nagtagal ang biyahe nila. Habang biyahe ay nangalumbaba si Jerry. Ipinatong niya ang siko sa likod ng pintuan malapit sa bintana. May maumbok na kung ano ang dumiin sa siko niya na nag-iwan ng bakas. Tiningnan ito ni Jerry. Parang earponds, pero mas maliit. Sinubukan niya itong tanggalin. May dikit ito sa sasakyan, parang glue, pero natanggal pa rin ni Jerry. Ipinakita niya ito kay Vincent. “Ano ‘to?” “Ah, ‘yung bagong product no’ng MyTech,” sabi ni Vincent. “Para siyang microphone na maliit. Iko-connect mo sa speaker. Puwede ring sa headphones. Hindi nga masyadong bumenta ‘yan. Sa’n mo nakita?” “Dito sa malapit sa bintana. Nakadikit. Parang naka-double-sided tape.” “Huh? Nilagay ni Ricky diyan?” “Ewan. Nakita ko lang na nakadikit. Gumagana pa kaya?” “Di ko alam. Tingnan natin. ‘Pag gumagana, hingin ko na lang kay Ricky,” kinonekta ni Vincent ang maliit na mikropono sa cell phone niya. Kailangan lang magconnect gamit ang bluetooth. “Ayan. Naka-connect na.” Itinapat niya ang maliit na mikropono sa bibig ni Jerry. “Try mo nang magsalita.” “Hello.” Kasabay ng pagkakasabi na iyon ni jerry ay tumunog din sa cell phone ni Vincent. “Gumagana pa, ‘no?” “Oo. Ang maganda rito, wide range ‘yung abot nito. Kahit short range ‘yung bluetooth mo, magiging long range. Siguro kahit mga mahigit twenty meters ang layo, masasagap pa rin. Para raw kasi ‘to sa mga speaker sa talks. Para hindi sila mukhang nakalapel.” “Ayos pala. Eh sa’n naman kaya ‘yan gagamitin ni Ricky? Dinikit pa niya sa sasakyan niya.” “Ewan ko lang kung ano trip niya. Wait, nache-check ‘yung activity log nitong microphone, eh. Basta may application. Teka, i-download ko lang sandali.” Hindi inabot nang matagal ang pagda-download sa app. “Ito. Na-download ko na. Che-check ko na.” Binuksan niya ang app, pinindot ang nadetect na kasalukuyang nakakonektang maliit na mikropono. May pinindot siyang tatlong magkakatabing tuldok sa itaas na bahagi ng screen. Lumabas ang dropdown, at pinindot niya ang Device Activity Log. Lumabas ang mga tala ng paggamit ng mikropono. Ang pinakanasa itaas ay ang cell phone ni Vincent. Nakalagay ang petsa ngayong araw at ang oras ng pagkonekta at dalawang linya. Ibig sabihin, kasalukuyang nakakonekta pa rin sa cell phone. Tiningnan niya ang sumunod na log sa ibaba. March 17, 2027. Ang nakatalang oras ng pagkonekta ay 10:56 pm. Ang pag-disconnect ay 12:07.  Natigilan sa pagpipindot sa screen si Vincent. “Bakit?” tanong ni Jerry. “Hindi ako puwedeng magkamali. Itong mga oras na ito, 10:56, na kina Mang Pol kami. Mahigit isang oras ang lumipas, nakikipaghabulan na kami sa kanya. Pinapuputukan niya kami ng baril no’n. At no’ng mga oras din na ‘yon, kausap kita. Walang dahilan si Ricky para gawin ‘to, kaya kilala ko kung kaninong cell phone ang naka-connect no’ng gabing ‘yon.” “Kaya niya ba nalaman na pinapapunta mo ‘ko sa school no’n?” “Oo,” bumuntong hininga si Vincent. “Magaling.” ------------------------------------- Iniabot niya ang bayad sa kahera. Pinilastik ng staff ang binili niyang mga duct tape at binigay sa kanya. Pagkatapos ay pumunta siya sa isang convenience store at bumili ng strawberry ice cream. “Sir,” sabi ng tao sa counter. “Kulang po ng five.” “Nakalagay do’n, beinte lang.” “Eh sorry po. Hindi ko pa po napapalitan. Twenty five na po kasi ‘yang ice cream.” Sa pagkakataong ito, hindi siya sumagot. Tiningnan lang niya nang diretso sa mata ang staff. “Magdadagdag na lang po kayo ng five pesos.” Hindi pa rin siya sumagot. Inalis niya ang takip at sinimulang kainin ang ice cream na binili. Umalis siya nang walang sinasabi. “Sir. Sir.” Sumakay siya ng sasakyan at pinaandar ito. Kailangan na niyang bumalik sa kapilya para gawin ang dapat gawin. Sabik na sabik na siya sa paparating na gabi. Alam niyang pupunta sila. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD