Kabanata 40: Boss

1467 Words

2015 “’Nak ng pucha, ‘wag n’yo ‘kong madaliin!” sabi ng driver sa kanila. “Gusto n’yo bang maaksidente?” Nang makarating ay agad silang nagbayad at bumaba. Pinuntahan agad nila ang bahay. Kakatok sana si Vincent pero nakita niyang bukas ang pinto. Malapit sa pinto ay nakahiga sa sahig ang nanay ni Miguel. NIlapitan ito ni Vincent at pinakiramdaman ang pulso. Buhay pa. Wala lang malay. Pinasok nila ang loob ng bahay. Hindi na sila nag-abala pang tahimik na maglakad. Alam nilang nandito na ang panganib. “Miguel!” tawag ni Ricky. “Mga p’re! Tulong! Dito sa loob!” narinig nila ang boses na nanggaling sa kuwarto ni Miguel. Agad nilang tinungo iyon. Nakita nila si Miguel, hawak ang gitarang maraming tapyas. At ang lalaki na hawak naman ang itak. Ramdam nila ang tindi ng pagwasiwas nito s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD