Isabelle***
Tuloy-tuloy ang buhos ng ulan. Napakadilim ng langit sa babalikan nila. Natatanaw na yon mula sa bintana ng sasakyan. Pagabi na rin kasabay pa ng masamang panahon.
Tahimik. Di siya makapagsalita. May ilang beses na lumilingon siya kay Alejandro pero di naman ito tumitingin sa kanya.
Kung gaano kadaldal si Pierre nung papunta sila sa bayan, ganoon naman ito katahimik. Palibasa malaki ang kasalanan niya.
Nagpapasalamat naman siya at hindi nga niya ito natuluyan. Tama si Pierre, hindi ito basta-basta niya mapapatay. Pero manakanakang nakikita niyang ngumingiwi si Alejandro. Minsan ay napapahawak din sa dibdib, doon sa sinaksakan niya nung dagger. Halatang may iniinda.
Ano na nga kaya ang nangyari kay Pierre ngayon? Nakabalita na kaya ito Raven. Baka nag-aalala na din yon na bigla siyang nawala. Sinabi pa naman na wag siyang lalabas ng kotse.
Biglang kumidlat. Biglang lumiwanag ang paligid kasabay nang halos nakakabinging kulog. Napapikit siya nang mariin at napatakip ng tenga.
"Ah..." Kinagat niya ang labi nang mariin para mapigilan ang pagsigaw.
Parang ganito yon. Maliwanag tapos may malakas na tunog. Ganito yung huling alaalang natatandaan niya bago siya naging bampira. Bago siya nagising kasama si Alejandro.
"Isabelle."
Doon niya napansin na nakatigil na ang sasakyan. Madilim ang paligid. Di pa niya maaninag kung nasaan na sila. Parang nasa gilid na ng kalsada. "Are you alright?"
"Ok..ok lang." Buti naman at nagsalita na uli si Alejandro. Pero ngayon di naman nito inaalis ang tingin sa kanya.
"Ok nga lang ako. May naalala lang."
Dumukwang ito papalapit. Medyo na conscious pa siya dahil medyo basa ang damit noong sumakay kanina. Iba na ang amoy noon sigurado, halos tatlo o apat na oras na din silang nasa byahe.
"Uhmm. Alejandro? Teka...wag--"
Inayos lang pala niyo ang pagkakabit ng seatbelt. Nakahinga siya nang maluwag nang lumayo na ito.
"Sa...salamat."
Kaya siguro din siya napuruhan noon noong naaksidente sila dahil di siya naka-seatbelt. Naninigurado siguro si Alejandro ngayon.
"Ok na ako."
Tumango lang ito tapos nag-drive na ito uli papunta kung saan. Siguro pabalik doon sa lumang bahay. O sa ibang lugar na. Di niya alam ang plano nito.
Wala kasing sinasabi. Lagi namang walang sinasabi. Kaya siya walang kaalam-alam sa nangyayari.
"Forgive me if that made you uncomfortable. I will not do anything against your will again." Biglang sambit nito.
"A-Ano? Paki...paki-ulit?" Nagsalita na nga si Alejandro pero siya naman itong walang masabi.
Huminga ito nang malalim. "Kung iyon ang dahilan nang pag-alis mo, hinding-hindi ko na uulitin." Sabi ni Alejandro.
"Ang...ang ano?"
Naalala niya.
Yung halik.
Napakagat siya nang labi nang mariin. Iniisip yata nito yung naganap na namagitan sa kanila ang dahilan niya sa pagtakas.
"Hindi..hindi yon," mahina niyang sambit. Uminit ang pisngi niya dahil naalala pa niya ang pinagagawa. "A...ako rin naman kasi.."
"I lost control. I should be the one to blame, Isabelle."
Marahan siyang umiling. "Pero...bakit mo nga pala yon ginawa?"
Hinihintay niya ang sagot pero di na ito uli nagsalita pa.
Saglit pa ay tumigil na ang sasakyan. Agad na lumabas si Alejandro at pinagbuksan siyang pinto. Inalalayan pa siyang bumaba.
Lumingon siya sa paligid. Tumila na ang ulan pero maputik ang lupa. Madilim pero anaaninag na niya. Parang pamilyar dahil doon din siya galing bago makatakas.
Doon parin pala siya sa lumang bahay dadalhin.
At may daan pala sa harap. Napapalibutan lang ng mga malalagong halaman kaya di halata. At nag-effort pa talaga siyang dumaan sa may likuran, ang dami pa namang puno doon, masakit sa paa yung ugat. Bakit kasi di siya binigyan ng sapatos man lang. Siguro talagang inisip ni Alejandro na di niya maiisipang tumakas.
Akmang bubuhatin siya nito kaya umatras siya. "Kaya kong maglakad dito kahit nakapaa."
"As you wish." Sambit naman nito. Pinauna pa siyang maglakad. Ilang distansya lang naman ang pagitan kaya ramdan parin niya ang presensya nito.
Huminga siya nang malalim.
"Alejandro." Tumigil siya at humarap bago pa sila makalapit sa front door nang bahay. Kusa din naman itong tumigil.
"Alam kong di mo na mabibigay ang kalayaan ko, pwedeng paliwanag nalang?" Sabi niya.
Hindi namang nagsalita o kumilos ito. Nakatitig lang na parang hinihintay talaga ang itatanong niya.
Huminga siya nang malalim.
"Sinabi na sakin ni Pierre yung tungkol sa inyo ni Rav--ni Angelique."
Nakita niya ang bahagyang paggalaw ng panga Alejandro. Parang may nagbago, parang nadidinig niya yung t***k ng puso na parang bumilis.
"Asawa mo siya diba? Bakit ako ang kinuha mo at hindi siya? Kung naghintay ka lang sana uuwi din yon at naabutan mo na." Tuloy niya. "Saka bakit ka pa nag-effort na buhayin ako, bawal yon sa High Council niyo, diba?"
Naalala niya yung sinabi ni Pierre. Na pangalawa na siya sa ginawang bampira ni Alejandro. Sa pagkakaintindi niya bawal daw yon. Pero bakit sumaway pa ito para mabuhay siya?
"You talked to him?"
Marahan siyang tumango. Sa lahat ng sinabi niya, yung pag-uusap nila ni Pierre ang napansin talaga.
"I can't tell you everything all at once, Isabelle." Sagot ni Alejandro.
"Sabihin mo na nga!" Sigaw na niya. Bakit kailangan pa kasing itago ang lahat ng yon. Nagmumukha na siyang tanga.
"Ano bang balak mo sakin? Ba't mo pa ako binalik dito? Bakit mo ako hinalikan ng ganoon? Gagawin mo ba akong kapalit ni Raven kasi di mo siya nakuha--"
Mabilis na humakbang papalapit si Alejandro. Nawala ang distansya sa pagitan nila.
Napasandal siya sa mabigat na pinto habang nakatukod naman ang isang kamay nito sa bandang ulunan.
"Al..."
"You almost stab my heart and now you dare to speak to me like that." Matalim ang salitang yon. Napalunok siya.
Naalala niya yung sampal nito. Alam naman niya na ginawa ni Alejandro para bumalik siya sa huwisyo. Para di niya masaktan ang sariling kapatid. Pero shet....masakit din yon.
Binaling na niya ang pisngi para ready na sa impact. Pero walang nangyari. Naramdaman lang niya ang ilang daliri nito na dumadampi sa balat.
Dahan-dahan siyang humarap. Nakatitig na ang mga kakaibang mata nito sa kanya. Hindi yon kulay pula ngayon pero parang nadadarang parin siya sa tingin nito.
Ginagamitan ba ako nung psych? Ganito ba yung sinasabi ni Pierre?
Napalunok siya. Ramdam na niya yung puso niya, bumibilis ang t***k at lumalakas.
"Bakit... Bakit nga?" Napakagat pa siya ng labi.
Pinilit niya lang ang sarili na magtanong dahil natutunaw na naman siya sa presensya nito. Kailangan niyang pigilan yon. Hindi pwedeng maging marupok. Hindi pwedeng maulit yon.
Shet...Isabelle. Kalma!
Huminga siya nang malalim pero balewala. Naamoy niya kasi ito. Lalo lang siyang naaakit.
Teka..teka....kelan nga ba siya naaakit sa amoy? Ang sarap kasing kaini--
Jusko. Tulong.
Di naman kasi siya makaalis sa pwesto, nakaharang na talaga yung gwapong mokong na to.
"Al... Alejandro?" Utal niyang sambit.
Huminga ito nang malalim. Pero parang hirap na hirap.
Napakurap siya.
Oh shet, baka di talaga ito makaalis dahil iniinda pa yung kagagawan niya.
Napahawak siya sa dibdib nito. Doon banda sa nasaksak niya. Malakas ang tunog doon. Dumadagundong din. Parang sa kanya.
Bakit?
"Non posso fermarlo, non importa quanto ci provi...è al di là della ragione." Sambit ni Alejandro sa ibang lengwahe. Hindi niya maintindihan pero bakit pakiramdam niya may laman ang mga katagang yon.
"I never wanted you to be involved in this mess, Isabelle. I tried to take you away but I ended up hurting you,"
Huminga uli si Alejandro nang malalim. Humakbang papalapit, halos ramdam na niya ang hininga nito sa leeg.
"Ginawa ko yon para iligtas ka. Maniwala ka sana."
"Isabelle!"
Si Pierre!
Malayo pa pero rinig niya. Sumunod na pala.
Nakita nalang niyang papasugod na ito. Pero bago tuluyang makalapit, tumalsik na ito papalayo. Rinig pa niya ang malakas na lagapok nang bumagsak sa lupa.
Pano nangyari?
Nakaharap si Alejandro sa direksyon ni Pierre at pula na ang mga mata. Nakaangat pa ang mga kamay na parang ito mismo ang tumulak.
Ito ba yung totoong powers nila?
"Isabelle, get inside." Utos nito.
"Fils de pute, Alejandro! Qu'est-ce que tu lui as fait?!" Sigaw ni Pierre habang pilit na tumatayo.
French yon. Quota na siya sa mga languages na nadiding niya. Wala siyang maintindihan pareho.
"Now, Isabelle." Si Alejandro uli.
Naguguluhan siya pero alam niyang pag di siya gumawa nang paraan magpapatayan na itong dalawa.
"Teka!" Humarang na siya sa pagitan ng mga ito bago magkaabutan. "Teka lang! Taympers!"
Tinulak pa niya nang bahagya si Alejandro papalayo dahil papalapit na ito kay Pierre. "Kalma lang muna. Wait lang, please." Mabuti nga at sumunod at tumigil din.
"Isabelle, umalis ka sa tabi niya!"
"Shh! Isa ka pa. Wag ka nga muna. Pwede nating pag-usapan muna to?" Saway naman niya kay Pierre.
"That f*****g bastard! He sent hunters to get my sister!"
Bumaling siya kay Alejandro. Umiling ito nang nakakunot ang noo.
"Go ask your own father, you imbecile! We're here in this hell because of him!"
Wait. Sino? Father? Yung tatay nila Pierre? Yung hari?
"Alejandro?" Agad siyang humarap siya dito. "Anong totoo?!"
"I did not send them, Isabelle. The King did."
"Liar!--"
"Teka, Pierre! Tumigil ka!" Sigaw niya dito. Sumunod naman ito.
"Those hunters burned your place down, Isabelle. Kinuha kita nang gabing yon para di ka na madamay." Mabilis na paliwanag ni Alejandro.
Napasinghap siya. Kung sakaling nandoon pa siya nga ng mga oras na yon, siya na talaga yung namatay. Totoong siya na yung ililibing kanina.
"Bastard! You planned this-"
"Sandali!" Sigaw niya uli. Kailangan pa talaga niyang magtaas ng boses para malinawan. Parang mga batang nag-aaway!
"Do you really believe him, Isabelle? He kidn*pped you. He turned you against your wi--"
"Stop." Biglang sambit ni Alejandro. Napatigil din si Pierre at mukhang may pinakikiramdaman na.
May napansin siya sa paligid. Parang may naamoy siya.
Dugo.
May mga tao. Marami. Mabibilis ang mga galaw. Napapalibutan na sila.
"Dammit. They're here!"
Saka na niya napansin ang mga pulang maliliit na ilaw na dumadapo sa katawan niya.
"Ano..."
Hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil sa sunod-sunod na putok ng mga baril.