Isabelle*******
*
Tatlong oras na di pa bumabalik si Pierre. Kumukulimlim na nga ang langit. Parang uulan na.
Huminga siya nang malalim habang nakatanaw parin sa bahay.
Gawa yon pinagtagpi-tagping kahoy ang dingding. Yung isang banda pa nga ay gawa pa sa sawali. Maluwag kung tutuusin, pero yung bubong tumutulo kapag umuulan. Lumilipad din tuwing buma-bagyo. Pangarap nga niyang mapaayos yon kahit paunti-unti.
Simula kasi nung sumakabilang bahay ang tatay nila, silang dalawa nalang nang nanay ang nagtratrabaho. May lima pa siyang kapatid na mas bata, tatlo doon, doon pa nakatira. Yung kasunod niya, maagaang nag-asawa. Yung pinakabunso, dahil medyo mahirap na nga ang buhay, pinaubaya muna nang nanay niya doon sa tiyahin nilang matandang dalaga.
Ganoon talaga, sakripisyo. Alam naman nila na mas kakabuti para sa lahat yon. Ang mahalaga, di ito magugutom at magiging maayos ang buhay.
"Asan na kaya.."
Wala pa ang pamilya. Wala na ngang tao doon. Ang kaugalian pa naman na pag may libing, pagkagaling sa sementeryo, magsasalo-salo ang lahat.
Napatingin siya sa makulimlim na langit at napabuntong-hininga. Mukhang aabutan pa siya ng ulan.
Asan na kasi si Pierre? Nakabalita na kaya ito tungkol kay Raven? Sana lang ay nasa mabuting lagay ang kaibigan niya.
Madilim na madilim na langit. Kahit hapon na ay mukha na ring gabi. Mukhang malakas na ulan na dadating.
Binuksan niya ng bahagya ang pinto ng sasakyan. Dahan-dahan niyang nilabas ang isang braso doon. Ramdam niya na mahapdi pero di na umuusok ang balat. Di siya nasusunog. Matitiis pa niya.
Mabilis siyang lumabas ng sasakyan at tumakbo papunta sa bahay. Nagulat pa siya sa sarili dahil nakarating siya doon ng wala pang isang segundo. Isa yata yon powers na nakuha niya.
"Shet, ang saya nito!" Muntik pa siyang mapasigaw.
Mukhang marami siyang magagawa dahil bampira na. May powers na. Ayaw pa niya nung una kasi nakakatakot. Downside lang talaga yung di siya pwedeng masinagan ng araw kundi mamatay siya.
Pumasok na siya sa loob ng bahay. Hindi naman naka-lock ang pinto.
"Ay, naman. Sorry..." Sambit niya nang makita ang mga bakas ng paa.
Madumi nga pala yon. Wala naman kasing siyang sapin doon. Kaya din siguro di siya pinalabas Pierre ng sasakyan.
Tumingin siya sa paligid sa loob ng bahay. Medyo magulo pa at madumi ang sahig. Naintidihan naman niya dahil may kaugalian do na bawal magwalis kapag patay.
Medyo naaawa tuloy siya doon sa bangkay na nakuha, kung sino man yon. Ibang pamilya ang nagluksa para dito.
Dahan-dahan siyang pumasok ng lumang kwarto niya. Kahit na sa syudad na siya nakatira, di parin tinatanggal ang mga gamit niya doon. Para daw may matulugan siya kapag umuuwi.
Napaupo siya sa kama habang tinatanaw ang mga nakadisplay sa dingding doon.
May mga trophies pa nga sa mga singing contest na sinalihan niya. Mga medalya niya at certificates nandoon din.
Kaya din siya nakapag-aral ng kolehiyo sa Maynila dahil pinagsikapan niyang makakuha ng scholarship.
Doon na niya nakilala si Raven.
Naging kakaklase niya ito sa isang subject sa school. Naging close sila dahil. Nagkataon ding naghahanap siya nang murang dorm, si Raven naman naghahanap ng kahati apartment.
Hindi naman niya akalaing may tinatago itong sikreto na ganito kalaki at nadamay pa talaga siya.
Hindi rin naman niya masisi. Base sa sinabi ni Pierre, ayaw na talaga ni Raven kay Alejandro. Siguro iyon lang ang naisip na paraan ng kaibigan para malayo sa nakaraan nito.
Nakadinig siya nang kalukos at pag bukas ng pinto. Yung isa sa mga kapatid niya, dumating na. May hawak pang picture na nilagay nito sa may altar. Yumuko pa ito para magdasal.
"Tonnete." Mahinang tawag niya. Nakatalikod ito sa kanya kaya din siguro di siya napapansin.
Hindi niya rin naman alam kung paano niya ito kakausapin ngayon. Mabibigla sigurado. Kailangan niya sigurong magdahan-dahan.
Pero may nararamdaman siyang kakaiba.
Uhaw. Gutom.
Hindi niya maintindihan ang sarili na kung kailan pa siya nandoon saka niya naramdaman.
Napahawak siya sa lalamunan. Gusto niya talaga.
Gusto niya. Kailangan niya.
Dugo.
Kailangan niya ng dugo.
Pahakbang na siya papalapit sa kapatid nang may mga brasong humila pabalik ng kwarto. Mahigpit ang pagkakatakip sa bibig ng kamay nito. Pati na rin ang pagkakayakap para di siya makagalaw.
Sakto namang lumingon ang kapatid niya. Nahila siya nang kung sino mang yon sa isang sulok para makapagtago.
"Sino yan?"
Papalapit na ang kapatid niya. Lalo niya itong naamoy. Lalo siyang nagugutom. Kung di lang dahil pumipigil sa kanya, nakuha na niya ang gusto.
"A-Ate?" bigla itong tumigil. Tapos narinig na niya ang mga yabag nitong tumatakbong papalabas. "Si Ate nagmumulto! Tulong mga kapitbahay!"
Hindi...hindi...yung dugo..kailangan ko...
Saka lang siya binitawan nang humahawak sa kanya. Malakas siyang pumiglas para harapin ito. Sinubukan pa niyang suntukin at itulak pero isang malakas na sampal ang dumampi sa pisngi.
Parang nagising ang diwa niya sa sampal na yon. Ni minsan di pa siya nasampal ng kahit sino. Maski nanay niya.
Dahan-dahan siyang humarap sa may gawa habang hawak ang pisngi.
"A...Alejandro?"
Si Alejandro nga. Nakatayo sa harap niya habang nakakunot ang noo. Nakakumyom na rin ang mga kamao.
Napahakbang siya paatras. "Buhay ka?"
Napalunok siya. Kitang-kita niya ang talim ng mga mata nito. Halos ramdam na niya ang galit.
Dahil ba ito sa ginawa niya? Pero sino ba naman hindi, muntik na niya itong mapatay.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Isabelle?!"
Kinilabutan siya sa lalim ng boses nito. "Hindi...hindi ko sina--"
"Take a look at yourself!" Sabi pa ni Alejandro. Hinawakan nito ang balikat nang mahigpit at pilit na pinaharap sa isang salaming nandoon.
Yung mga mata niya, pulang-pula na ang kulay noon. Maksi ang mga labi. Ibang iba na ang hitsura niya sa dati. Mukhang mabangis. Kitang-kita rin niya ang mga nakausling pangil.
Pangil.
Si Tonnete!
Muntik na niya itong makagat. Muntik na niyang mapatay ang ang sariling kapatid.
"Hindi...hindi ko--"
"Dito! Dito! Narinig ko talaga si Ate! Sure ako!" Dinig niyang sigaw ni Tonnette sa di kalayuan. "May bakas pa ng putik sa sahig! Dali samahan niyo ako!"
Napatakip siya ng bibig. Pabalik na sila.
Agad siyang tumakbo papapunta sa likod bahay. May pintuan doon palalabas. Papunta sa nakatanin na tubuhan. Mabilis siyang tumakbo papalayo. Binalewala ang talim ng mga dahon at mga matutulis na ugat.
Kailangan niya lang makalayo sa pamilya niya. Kailangan niya ang mga itong protektahan.
Sa sarili. Sa mga kaya niyang gawin.
Umuulan na. Malalaki ang patak noong dumadampi sa balat. Kahit papaano napapawi noon ang uhaw na nararamdaman.
"Isabelle!"
Napatigil siya sa pagtakbo.
Si Alejandro. Dahan-dahan siyang humarap dito.
"Ito ba..ito ba ang dahilan? Kaya ba hindi ako makakauwi pa?" Sambit niya. Nahahalo na sa ulan ang mga luha niyang tuloy-tuloy na sa pagdaloy. "Para di ko sila masaktan?"
Tumango ito. "I know you don't want to hurt them."
Mas malumanay na iyon kaysa kanina.
Napakagat siya nang labi nang mariin. Ramdam na ang niya ang sugat doon, nalalasahan na niya ang sariling dugo.
Naiintindihan na niya.
"Bakit...Bakit mo pa ako iniligtas noon kung ganito din pala..kung ganito lang din ang kapalit?" Aniya. "Ayoko nito. Ayokong maging ganito..."
Humakbang na papalapit si Alejandro. Naramdaman agad niya ang init nang katawan nito nang yakapin siya nang mahigpit.
"I know. It's my fault." Sambit nito.
"It was selfish of me, Isabelle."