Isabelle
Tuloy na itong nag-drive habang tinuturo niya ang direksyon. Medyo liblib ang lugar kaya sila natagal. Medyo naaawa pa nga siya sa saksakyan nito dahil natatagtag sa lubak.
"Dito nalang." Malayo pa naman yung bahay nila pero tanaw na rin naman.
Medyo pansinin din itong sasakyan ni Pierre, baka di lang ang pagkabuhay niya ang mga ito ma-shock. Matsimis pa na may manliligaw siyang mayaman. Baka mautangan sila ng di oras.
"Ah..This place is nice!" Sambit ni Pierre nang nakangiti. Tumingin pa ito sa paligid. Puro halaman at matataas na kahoy kasi ang nandoon. Sa kabilang ibayo pa yung mga taniman ng palay.
Pangarap pa nga niya dating mabili yung lupa na yon para pwede pa nilang taniman. Pero hindi na niya alam kung paano ngayon. Iba na siya, ni hindi na nga siya makalabas. Pano pa siya makakapagtrabaho?
"It reminds me of Sanctuaire during spring." Tuloy pa ni Pierre sabay inat pa ng mga braso. "So relaxing."
"San? Saan yung Sangtu..ano nga uli?"
Ngumisi si Pierre. "It's a place we stay before our awakening."
"Ha?" Aniya.
"It's in France. It's a big castle."
"Ok...sige. Ganto. Ikwento mo. Explain." Sabi niya. "Tagalog please para malinaw. Feeling ko kasi may kausap akong taga ibang universe. Lakas ng accent mo. Pang alien kahit gwapo ka."
Tumawa naman ang loko. "So...You really think I'm handsome."
"Luh siya, may ganoon," aniya. "Kwento mo na nga kasi."
"Sanctuaire. Doon ako lumaki at nag-aral." Sabi naman ni Pierre na tagalog na nga. Tapos huminga nang malalim.
"Pinanganak kaming walang abilidad na parang karaniwang tao. Nagigising lang ang aming dugo kapag nasa tamang gulang na. Habang naghihintay, doon lamang kami naglalagi."
Shet. Parang lumalala. Medyo nakakaubos ang dugo. Medyo malalim na. Mga tunog kopong-kopong. Parang may kausap siyang lolo.
Kung sabagay matanda na nga ito. Understandable naman. Pero parang kaedad lang niya kumilos.
"Ibig sabihin wala kayong powers noon? As in?"
Tumango naman ito. "Hindi rin kami nasusunog sa araw. Hindi rin namin kailangan ng dugo para mabuhay. Nawawala lang ang kakayahang yon kapag nagising na ang dugo namin. Tuluyan na kaming nagiging bampira."
So yun yung "awakening"...medyo gets.
"Pero kayo...I mean ikaw saka si Ra...Angelique, kaya niyo paring mag stay sa araw, diba?"
"Yes, It's kinda cool right?" Sagot ni Pierre na na-revert na sa English uli ang lengwahe. "Our bloodline was different. We have all the abilities without the main weakness of a normal vampire. Which makes us stronger."
Kaya pala royalty. Medyo nakakainggit lang. Sana all.
"It has some drawbacks though." Parang biglang nalungkot yung mga mata ni Pierre. Parang ramdam din niya.
Marahan pa nitong itinaas ang mga kamay at ikinuyom ng dahan-dahan.
"Everyone wants our blood, Isabelle. Every Coven wants this gift, every vampire family. That's the reason why our father married off Angelique to someone we thought can protect her." Sambit nito nang madiin. Nakita pa niya yung pag-igting ng panga.
"Nagkamali pala kami."
Napalunok siya. May poot na kasama yon. Ramdam niya. "Si Alejandro? Ano...Ano ba ginawa niya?"
Umiling si Pierre. "It's..not my story to tell. Forgive me."
Napaawang ang bibig niya. Ano kaya talaga nangyari noon?
Di na siguro niya pipilitin. Mukhang masaklap.
"Enough of that." Sabi nito. Tapos ngumiti. Kahit pilit. "So you were born here?"
Ramdam naman niya na gusto na nitong ibahin topic kaya hinayaan na niya. Napahinga na rin siya nang malalim.
"Oo. Dito na rin ako lumaki. Nung natapos ako ng highschool di na dapat ako mag co-college. Kaso may offer ng scholarship sa Maynila kaya ako lumuwas. Doon na rin ako nagtrabaho. Ngayon tinutulungan ko na pamilya ko."
Na sana magawa parin niya. Yun yung goal niya sa buhay. Maiahon sila sa kahirapan.
"So you're a breadwinner. It makes sense."
Tumango naman siya.
"Teka. Okay lang to sayo?"
Baka kasi busy na ito o ano, nang aabala siya. Di pa pala niya natanong kung ano talaga ang ganap nito sa buhay ngayon.
"Of course, Isabelle." Sagot ni Pierre nang nakangisi. "I'll do anything for you."
Sabagay, nandito na, lubus-lubusin na niya yung tulong niyo. Saka baka naman bumabawi doon sa muntik nang gawin nito sa kanya noon.
"Wala ka bang asawa o ano?" Aniya. Baka may secret din ito tulad ng kaibigan niya.
"No. I don't. I am actually looking..." tapos biglang ngumisi sa kanya, "for a mate."
"Hah?!" Anong mate pinasasabi nito? Ano yun parang hamster?
"Can you be mine?"
Tinanggal nito ang seatbelt at dumukwang pa papalapit. Naabot nito ang isang kamay at hinawakan nang mahigpit.
"C'mon, Isabelle. I'm rich. Handsome, and loyal of course. We vampire's mate for life. You don't have to worry abou--"
"Loko-loko ka din no?" Aniya. Di pwede baka magalit pa si Raven sa kanya. Baka sabihin inaano na niya yung kapatid nito.
Tapos si Alejandro pa. Jusko.
"What?" Sabi lang ni Pierre. Ngumuso pa na parang bata. "Oh, please don't reject me like that."
"Umayos ka nga, di tayo bagay. Prinsipe ka, hampaslupa ako. Baka sampalin ako ng sampung milyon ng ama mo para layuan ka."
Well. Pwede na rin nga siyang magpasampal. Sayang din yung pera.
Lumayo naman si Pierre at tumawa nang malakas. Yung tawang wala nang bukas.
"Oh, I love how humans think."
Ang saya lang nang mokong. Di naman talaga pwede, dami niyang problema. Wala siyang balak magka-love life.
May nadinig siyang malakas na tunog. Sinundan naman niya yon ng tingin. Natuon na ang atensyon niya sa ilang tanod na nagkakagarga ng mga gamit malapit sa bahay. Mga toldang ginamit ata sa lamay.
"Nakupo, sayang naman yung kainan sa bayan. Naholdap kahapon. Nagkabarilan pa."
Napahawak siya sa tenga. Nadidinig niya nang malinaw yung sinasabi nung isang tanod.
Malayo na yon, nakakagulat.
"Pierre, huy! Nadidinig ko sila. Normal ba yon? Ok ba yon?"
Tumango ito. "If you focus more, you can hear everything."
Shet. May super powers ako!
Pero dapat pala ginawa na niya yun kina Aling Mila kanina. Pero malay ba niya, ngayon lang yata na-activate yon.
"Madami nga daw patay at may pulis pa noon. May isa pa daw na babaeng tinaamaan ng bala. Kamalas nga naman." Dinig pa niyang sabi nung isang tanod.
"Aba'y galing dito daw sa lamay. Sabi nung nakakilala, kaibigan daw ni Isang na taga Maynila. Tisay tapos maganda."
"Kainaman! Pag maganda talaga!"
Napaawang ang bibig niya. Tisay? Maganda?
"Si Raven na yon!" Ito lang naman ang kakilala niyang taga Maynilang dadalaw sa burol 'niya'.
"Are you sure, Isabelle?"
Tumango siya. "Posible."
Ramdam niya ang pagbabago ng mood nito. Bumilis yung tunog nang t***k ng puso. Nakita pa niya ang pagkapit nito nang mahigpit sa manibela.
"Hunters."
Hunters? "Ano yon?"
"Vampire hunters. The ones who've been killing us for generations, Isabelle."
Hala!
Papaalis na ang mga tanod. Umandar na nga ang sasakyan papalayo.
"Shet! Masusundan ba natin? Di ko na sila nadidinig." Aniya sabay tapik kay Pierre nang sunod-sunod na parang close na sila. Kailangan niyang malaman kung ano nang lagay ni Raven. Baka kung napaano na yon. "Bilis! Malayo na sila."
"No. Stay here, Isabelle."
Nadidinig na niya rin dito ang sobrang pag-aalala. Mukhang may danger nga. "Wait for me."
"Pero..."
"You're safer here. Don't leave the car, understand?" Binuksan nito ang pinto at lumabas ng sasakyan.
Teka. Maglalakad? Anong gagawin? Masusundan ba ni Pierre yon na lakad lang ang gagawin?
"Huy..."
Pero bigla nalang itong nawala nang nasa labas na. Hindi na niya matanaw kung nasaan na nagpunta.
Hala, nagteleport? Pwede pala yun? May powers na ganoon?
Wala na siyang magawa pa kundi maghintay sa loob ng sasakyan.
"Ano ba 'to..." Sambit niya.
"Ano ba kasing nangyari, Raven?"