Predicament

1016 Words
********Isabelle******** Paano nangyari yon? Nakatingin parin siya sa labas habang pinapanood na dumadaan ang mga tao na nakikiramay sa 'kanya'. Napakagat siya ng labi nang mariin. Nalalamig na ang pakiramdam niya at tumatayo na ang balihibo. Pero kahit sino naman kikilabutan sa madadatnan doon. "Shet. Teka. Imposible ito." Napatakip siya ng bibig nang matanaw ang ina at mga kapatid niyang naglalakad nakasunod sa karo. Umiiyak ang mga ito. Yung nanay pa nga niya tinatawag ang pangalan niya habang humahagulgol nang malakas. "Nay!" Akmang bubuksan niya ang pinto nang pigilan siya ni Pierre. "Don't do that. It's too dangerous!" Hindi na siya makagalaw pa sa kinauupuan. Tama si Pierre, masusunog siya sa labas. Saka ano nalang ang mangyayari kapag nagpakita siya sa gitna ng libing? Magkakagulo, pagkakamalan siyang multo. Tumigil na ang sasakyan nila sa gilid ng kalsada. Saktong malapit na ring matapos ang prusisyon. Kumukonti na ang mga tao. "Pano nangyari yan? Sino yung ililibing nila?!" Aniya. "Jusko, namatay na ba talaga ako? Pinaglamayan ako? Baka yung lipstick na nilagay sakin fushcia pink! Ayoko ng fushcia pink!" Pero bakit naman niya yun aalalahanin pa, sigurado namang hindi siya yung nandoon ngayon na nasa kabaong. Tumawa naman si Pierre. Medyo nakakairita yung tawa dahil nagpa-panic na siya. Pero at least di na ito bad mood. Di tulad kanina na kunot yung noo na sobrang lalim nang iniisip. Siya nalang ang windang. "Wait here, Isabelle. I'll ask them." Biglang itong nagtanggal ng seatbelt binuksan ang pinto nang sasakyan. Pipigilan niya sana pero di na niya nagawa. Napakunot nalang ang noo nang makita itong lumabas nang tuloy-tuloy. Di man lang napektuhan ng init ng araw. Hindi nasunog ang balat. Bakit ganoon si Pierre? Hala! Doon niya napansin ang suot nito. Mukha palang kagalang-galang. Nakapolo na long sleeves na puti tapos naka-slacks. Pati sapatos leather, na mukhang mamahalin. Sabagay, prinsipe nga daw. Expected na yon. Maganda na rin kasi mukhang makikipaglibing na rin. Hindi stand out masyado kahit na sobrang gwapo. Mukha paring normal na tao kahit hindi. Nakita niya itong lumapit sa ilang taong natitira doon. May kinausap itong isang matandang babae. Kakilala niya yon, natatandaan pa niya na naging kapit-bahay nila ito dati. Huminga nalang siya nang malalim. Si Pierre nakikipag-usap na nga. Nakangiti pa. Kilig na kilig naman si Aling Mila kasama ng mga amiga nito. Iniwas nalang niya ang tingin at tinunoon sa iba ang atensyon. Panigurado papunta na sementeryo na yung karo. Ililibing na. Makakalapida na nandoon ang pangalan niya. "Ngii, jusko..." Kinilabutan siya bigla. Nanlamig na naman ang batok niya. "Bakit kasi ganoon?" Hindi niya talaga maintindihan ang nangyayari. Oo nga at naaksidente sila ni Alejandro. Pero pano nila nalamang namatay siya doon? Wala naman silang mare-recover na bangkay. Ilang sandali pa bumalik na si Pierre sa loob ng sasakyan. Nakangiwi na ito at mukhang di na komportable. "Ah damn. My eyes." Sabi sabay kusot ng mga mata. "I forgot to wear my shades. Dammit." Napatitig lang siya dito. Di nga siguro apektado yung balat pero yung mga mata, oo. Parang si Raven din, medyo sensitive yung eyes sa araw kaya laging naka-shades. Pero pano nga yon, bakit siya nasusunog sa sikat ng araw tapos sina Pierre at Raven hindi? "Ah, yes. I can stay under the sun, Isabelle. Without burning." Sambit ni Pierre na parang alam na ang mga gustong niyang itanong. "I came from a special bloodline. Not all of us can do that." Tuloy pa nito sabay kindat. Sabagay, royalty. Baka nga ganoon. Si Alejandro din kaya? "Teka..ano...Ano daw sabi nila?" Tanong na niya kay Pierre. Saka na niya itatanong yung tungkol sa mga abilities nito. Importanteng malaman niya kung anong nangyari sa kanya. "Apparently, you died in a house fire. A weeks ago." "Ano? Sa sunog?" Paano? Saan? Tumango si Pierre. "The woman said the police found a charred body inside your apartment. And they thought that was you." Sabay turo doon sa daang dinaanan nung karo. Napakunot ang noo niya. "Sinabi ni Aling Mila yon lahat in English?" Wow. Di niya akalain. "Ah, Isabelle," nakita pa niya na umirap si Pierre tapos tumawa nang bahagya. "Nakausap ko siya sa salitang tagalog. Naiintindihan naman niya ako. Hindi ka ba naniniwala sa akin?" Ah. Oo nga pala. Nananagalog nga pala si Pierre. Pambihira kasi English nang English. Pero medyo nasasanay na nga ang tenga niya sa accent nito. Nagtataka lang talaga siya doon sa nangyaring sunog. Panigurado ding nangyari yon pagkatapos siyang kidnapin ni Alejandro noon. Pero sino naman yong bangkay na nakuha? "Shet... si Raven?" napatakip uli siya ng bibig. Wala na siyang maisip na magpagkakamalang siya. Silang dalawa lang ang nakatira doon. Napalingon uli siya kay Pierre. Di naman nagbago ang reaksyon nito Kapatid nito yon, di ba nag-aalala? "That's impossible, Isabelle. If that's Angelique, they won't recover a body. We turn to dust after we die." Sabi nito. Mukhang sigurado naman si Pierre na di yon si Raven. May mas alam naman ito tungkol sa mga bampira. Saka isa pa, di sila magka-size. Maliit na babae lang si Raven tapos siya matangkad na payat. Mahahalata agad. "Besides, Angelique won't die that easily. We're vampires Isabelle, don't forget that." Tumango nalang siya. Nakalimot siya sa part na yon. Hindi parin kasi niya tanggap. Sino ba kasi yong bangkay? Ano bang nangyari? "Do you still want to see your family? Or do you want to go somewhere else." "Oo gusto ko silang makita, pero siguro sa bahay nalang." Aniya. "Uuwi ako sa bahay." Yun naman ang goal niya. Sasabihin niyang buhay pa siya. Na wag na malungkot. Na di siya yung namatay. Pero wag naman siguro sa buong madla, baka mabulabog ang barrio nila. Saka kung sunog na ang apartment wala na siyang babalikan doon. Panigurado ding dumalaw si Raven sa kanila para makiramay. Baka sakaling alam ng mga kapatid niya o nang nanay kung saan na ito tumutuloy. Pero pano niya i explain na bampira na siya? Pano kung di siya paniwalaan? "Alright. But we need to wait till sunset." Sabi ni Pierre. Tumango naman siya. Mukhang nang di siya makakalabas ngayon. Papahupain niya rin muna ang nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD