Isabelle
Natuluyan na kaya yung mokong na yon?
Huminga siya nang malalim habang nakatingin sa bintana nang sasakyan. Alam niyang nasa highway na sila. Ilang sandali nalang ay makakarating na sa bahay niya sa probinsya.
Ginusto mo naman ito Isabelle. Pumayag ka sa plano. Panindigan mo.
Paulit-ulit niya yung sinasabi sa isip niya.
Hanggang ngayon parang nadidinig pa niya ang boses ni Alejandro. Yung huling reaksyong nakita niya sa mukha nito, hindi parin mabura sa isip.
What have you done...
Hindi naman niya sinasadya. Kung pwede namang i-replay ang lahat, di niya gagawin yon. Saksak lang ng slight, ganoon.
Pero wala na siyang magagawa, ginawa na niya. Kakainin na talaga siya ng konsenya buong buhay.
"You seem upset, Mademoiselle."
"Ay gwapong palakang patay! Ano?!" Sigaw niya. Napahawak pa siya sa dibdib.
Ito naman kasing si Pierre bigla-bigla nagsasalita. Di nalang mag-drive nang maayos.
Parang nagsisi siya na sumama dito. Sabi kasi alam naman nito yung bahay nila sa probinsya kaya ihahatid na daw. Mas maiigi na din kaysa mag commute siya pauwi, wala naman siyang pera pamasahe.
Kaso kung gugulatin naman siya nang ganoon, wag nalang. Mamatay yata siya nerbyos.
"Sorry. You're too quiet. A penny for your thoughts, Isabelle?" Sabi pa ni Pierre sabay tawa.
"Wala. Wala naman ito. Wag mo na ako intindihin."
Ngumisi naman ito.
"So...how did you do it?" Tanong uli ni Pierre.
Napatingin pa ito sa kanya. Itim nga ang suot niya blouse pero halata naman ang mantsa doon. Isa pa naaamoy niya parin yung dugo kahit natuyo na. Panigurado ganoon din si Pierre.
"So. Much. Blood. Isabelle, where exactly did you stab Al?"
Huminga siya nang malalim bago sumagot. "Sa dibdib."
"You did what where?!" Eksaheradong tanong pa ni Pierre.
Eto na nga ba.
"Sa puso nga! Jusko po! Ang daming dugong lumabas. Napatay ko yata siya. Hindi na siya humihinga nung iwan ko. Hindi na gumagalaw. Ano nang gagawin ko ba?! Makukulong ba ako?! Susuko na ba ako sa mga pulis?! Maniniwala ba yung pulis sakin? Sa pulis niyo ba sa pulis namin ako pupunta? Meron ba kayo noon? Diba prinsipe ka, baka pwede mong i-areglo? Please? Bati na tayo, diba?" Aniya.
Baka yung Hari yung magparusa pa sa kanya. Nakakatakot. Baka sunugin siya ng buhay. Tapos yung abo niya ipakain sa pating. Takot siya pating. Pero di naman niya mararamdaman yun kapag deds na siya.
Shet ano ba?!
Tumawa na naman ni Pierre nang mas malakas. Talagang naaliw na sa pagpa-panic niya.
"Ano ka ba?! Nakapatay na nga ako, eh!"
"Alejandro? Dead? I doubt it. He won't die that easily, Isabelle." Sabi pa na parang kaswal lang ang lahat. "But if that's the case it's good for all of us."
Napakurap siya. "Ha?"
Wait. Grabe naman. Di ba talaga close yung dalawa? Ok lang na matigok si Alejandro?
"You'll be free and he won't bother my sister again."
"You mean may contact parin si Rav--I mean yung kapatid mo sa kanya?"
Di kiya alam kung bakit parang may kumurot sa puso niya. Pero diba dapat lang dahil mag-asawa nga yung dalawa?
Ngumiti si Pierre. "Let's just say, they were not in good terms when they separated. And Alejandro still clinging on hope that they will be together again."
"Ok.."
Parang nalungkot talaga siya. Pakiramdam niya sumikip ang dibdib. Parang yung bawat t***k ng puso doon masakit.
Bakit ba?
Bakit ba kasi siya hinalikan ng mokong na yon? Yan tuloy..ewan. Nagka-feelings siya bigla?
No. Jusko.
Napahawak pa siya sa dibdib na parang pinakikiaramdaman ang tunog sa loob noon.
Ano ba kasi...bakit napunta na doon ang topic nila? Di ba dapat sa lagay lang ni Alejandro, di sa lagay ng puso niya.
"Now what? What are your thoughts now, Isabelle?" Tanong na naman ni Pierre. Napansin siguro yung pananahimik niya.
Ngumuso siya. Masyadong curious din ang isang to. "Basahin mo nalang kaya yung isip ko. Di ba may powers kayo na ganoon?"
"What do you mean by 'kayo'? You're one of us now." Sabi pa nito sabay tawa.
Ngumuso lalo siya. Oo nga pala.
"And we don't have the ability to do that. No one in our recorded history ever had a pysch to read minds." Tuloy na paliwanag ni Pierre.
"Anong psych?" Narinig na niya yon. Kay Alejandro nung nagtatalo yung dalawa.
"Hmmm...how do I explain it? Like...powers?" Sabi ni Pierre na parang nag-isip pa.
"Ah, powers parang sa super hero? ganoon?"
"Yes, close enough." Tumawa ito uli.
"Advance physical strength. telekinesis, hypnotism to manipulate thoughts and memories...something like that. Which is quite useful to us if we want to live undetected around humans." Paliwanag pa nito.
Napanganga naman siya. So totoo yung mga nababasa niya sa libro.
"Lahat kayo meron noon? As in?" Maski kaya si Alejandro?
Tumango naman si Pierre. "Some were stronger in some aspects though."
Napatango siya. Tapos huminga uli nang malalim.
Kaya ba siya natutulala minsan kapag kaharap si Alejandro? Di lang yon dahil sa gwapo, ginagamitan din kaya siya nung powers na yon? Hini-hypnotized siya?
"Nakakamanipulate din kayo ng feelings?" Biglang tanong niya.
Nagkibit-balikat si Pierre. "I haven't tried it before but I know it's possible."
Napahawak uli siya sa dibdib.
So hindi nga totoo ang lahat ng yon.
Hindi rin totoo tong nararamdaman niya.
Ginagamit lang siya ni Alejandro noon. Mukhang tama si Pierre na yun lang ang dahilan kung bakit kinidnap siya. Siguro pinagtatyatyagaan lang siya muna hanggang di pa nakukuha si Raven.
Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o manghihinayang.
"Perché si sta facendo questo a me." a
Mahinang sambit niya.
Palibasa ilang beses ni replay ng utak niya ang naganap kaya kabiso na niya yung sinabi ni Alejandro. Ni hindi nga niya alam ang ibig sabihin noon.
"Why are you doing this to me." Sambit naman ni Pierre. Napalingon naman siya.
"A-ano? Anong ginagawa ko sayo?" Balik na tanong niya dito.
"No. Not that. What you just said in Italian, 'why are you doing this to me'." Halata niyang naguguluhan ito. "You didn't know what that meant?"
Umiling siya. "Si Alejandro. Sinabi lang sakin yon noon noong...noong..."
Napahawak siya ng labi. Naalala na naman niya.
Ano nga bang ginawa niya kay Alejandro para sabihin yon?
Si Pierre naman ang nanahimik ngayon. halata niyang malalim ang iniisip habang tuloy na nagdri-drive. Ilang oras na yata ang inabot nila pero hindi na ito nagsalita uli.
Nakita niya na unti-unti nang lumiliwanag ang langit. May ilang hibla na nang sikat ng araw sa di kalayuan.
"Yung araw." Sambit niya. Luminga-linga pa siya sa paligid para maghanap nang pang cover. Nasusunog sila kung wala.
"Don't worry about it, Isabelle. We're safe," sambit ni Pierre. Tinuro nito ang windshield. "Special coating. UV rays can't get inside here."
Ganoon pala yon. Pero mabuti naman at di magiging oven tong sasakyan.
Pero kakaiba na ang tono ni Pierre ngayon. Medyo seryoso. Di na yung nakangiti tulad kanina. Nagbago bigla ang mood.
Bumagal ang takbo ng sasakyan nang madaanan silang prusisyon. Nakakapagtataka lang dahil malalayo pa ang fiesta sa lugar. At hindu naman talaga doon ang daan. Mukha ding maraming tao.
"What are your plans now, Isabelle?" Tanong na ni Pierre. Malapit na rin naman sila sa bahay.
Sa totoo lang di pa niya naisip kung ano talaga. Hindi siya pwedeng humarap nalang sa pamilya at sabihin ang lahat nang totoong nangyari. Hindi maniniwala ang mga yon. Kailangan pa niyang umisip ng palusot.
Tapos si Raven.
Kailangan niya kausapin si Raven. Sa kaibigan niya nagsimula ang lahat.
"It's a funeral." Sambit ni Pierre. Tumango naman siya. Mukha ngang ganoon dahil halos lahat ng naglalakad nakaputi. May ilang puting lobo pa ngang dala ang iba.
"Sino naman kaya?"
Di naman bago yon sa kanila. Maraming matatanda sa bayan nila. Halos karamihan kasi ng mga kabataan pumupunta na sa Maynila para doon mag-aral at maghanap ng trabaho tulad niya. Mahirap ang buhay doon sa probinsya.
Pero napaawang ang bibig niya nang makita na ang mismong karo. Nabasa niya agad ang pangalan ng namatay.
"In loving memory of Isabelle Marie Lopez.
Napalunok siya. Siya.
Siya yon. Pangalan niya ang nandoon.