Raven************----------
"Where...Where are we?"
Mahinang sambit nang bumalik ang diwa. Nararamdaman niya ang pagbubuhat sa kanya ni Kiel papunta kung saan. Ni hindi na niya halos maimulat ang mga mata.
"Hold on."
Unti-unti nang kumakalat ang lason. Pakiramdam niya pinupunit na nito ang mga laman niya sa loob ng katawan.
"Malapit na tayo."
Maingat siyang binaba ni Kiel sa isang malambot na higaan. Narinig niya ang pagbukas-bukas nito ng cabinet na parang may nihahanap.
Napapikit siya. Hindi na siya makagalaw. Maski makahinga nang maayos.
Damn these silver bullets.
Nakakalason talaga ang silver sa mga tulad nila. Hindi niya akalaling gagamitin ng mga hunters na yon sa ganoon paraan.
And that Schwarz. She remembered. Paanong nakakalabas ang bampirang yon sa ilalim ng araw?
May kinalaman kaya dito si Vicky? She's the one who's been experimenting about this ability. Ito ang dahilan kaya siya nakapisan dito.
There's something going on. Kailangan niyang malaman.
"Just lay down. Tatanggalin ko na ang bala," sambit ni Kiel kasabay nang pagpunit nang kanina pang duguang pantaas.
She closed her eyes. Alam niyang kapag di pa natanggal ang bala, ano mang oras kakainin na ng lason ang buong katawan.
Ilang saglit pa, naramdaman niya ang malamig na tubig na binuhos sa sugat. Ramdam niya na may malamig na bakal na unti-unting pagpasok sa loob ng katawan.
Masakit. Sobrang sakit. Pero hindi na niya magawang makasigaw. Wala na siyang lakas .
"They're out," huling narinig niyang sinambit ni Kiel kasabay nang pagkalansing ng mga metal. And she drifted out of consciousness again.
She's dying, she thought.
It's not the first time she felt like this. It's from a different reason, and on a different time. It was her brother who saved her.
Why didn't you tell me, Angelique? Why?
I will not kill that bastard right away as I promise, Angelique. But I will make sure he'll pay for everything.
"Pierre...s'il te plaît.." Mahina niyang bulong.
Nanunuyo na ang lalamunan. Hindi parin makahinga. Mukhang sa pagkakataong ito matuluyan na nga talaga siya.
The only regrets that she had in her life was that she wasn't able to find Isabelle. Sana lang nasa mabuting lagay ang kaibigan.
Dahan-dahan uli siyang nagmulat. Nadidinig niya ang mga malalakas na pagbukas at pagsara ng kung ano man sa di kalayuan.
"Pucha naman Raf! Wala nang blood bags dito!" Dinig niyang sigaw ni Kiel habang nakalapat ang phone sa tenga. Nakita niyang naglalakad ito pabalik-balik kung saan.
"This is not enough! Papuntahin mo si Chua dito! Wala akong pakialam kung malayo! Kailangan ko na yon agad!"
Napatingin siya sa may bandang ulunan. May blood bag nga doon na ngangalahati na ang laman. Sinundan niya ang tubong nakakabit at napansin niyang nakaturok na iyon sa braso.
Kiel saved her this time.
Sinubukan niyang umupo pero natabig lang noon ang lalagyan ng balang binunot sa kanya. Malakas na kumalansing ang mga yon sa sahig.
"Raven!" sigaw niya Kiel na agad siyang dinaluhan. "Putangina naman, ba't ka bumangon?!"
Then it hit her.
Blood. She can smell his blood.
Sugatan nga rin pala ito dahil sa mga hunters na yon at kay Casimir. Hindi pa nito nagagamot ang sarili. Inuna pa talaga siya.
But why does his blood smells so good?
"Kiel...Kiel. Please..." mahina niyang sambit. "Get...get away from me!"
Tinulak niya ito nang malakas gamit ang natitirang lakas. Napalayo ito pero nahulog naman siya sa kamang kinahihigaan.
Masakit.
Naiisip niyang mas mabuti na yon. Kahit papaano, nagagawa nang matinding sakit na mapanatili ang katinuan. Lalo na ngayong lumalala na ang pagkauhaw.
Pero hindi sumunod si Kiel. Lumapit ito uli at binuhat siya pabalik sa kama.
"Raven, wag nang malikot. Hindi ka pa magaling."
Umiling siya. "Please.."
Natatakot siya kung anong magawa niya. Naririnig na niya ang mabilis na t***k ng puso nito. Ang dugong dumamadaloy sa ugat. Parang tinatawag ang lalamunan niya.
Delikado na ang sitwasyon. Ramdam na niya ano mang oras mawawala na siya sa sarili at masasaktan niya ito.
"Kailangan mo pa ng dugo." Hinawakan nito ang pisngi.
"Kiel. Please..for your own safety...please..get
..get away from me..you know what I can do.."
Hunter si Kiel. Alam nito ang nangyayari kapag nasa limit na nang pagkauhaw ang mga tulad nila.
Lalo na siya. Nakita na nito ang ginawa niya doon sa hunter sa apartment.
"Alam ko." Sambi ni Kiel. Nakita pa niya ang paghubad nito ng kwintas na suot. Maski nang pang-itaas na damit.
"Here. Take my blood."
What?
"I can't...please." Pakiusap niya. Hirap na hirap na siyang pigilan pa ang sarili. Pinapahirapan pa siya lalo.
"I can kill you..I don't want to..."
Hindi nito pinansin ang sinabi. Umupo lang sa tabi at niyakap siya nang mahigpit.
"Just take whatever you need, Raven." Bulong nito. "May tiwala ako sayo. Hindi mo ako papatayin."
Pinadaan niya ang mga kamay niya sa dibdib nito. Dinig na dinig niya ang bawat pintig ng puso.
"Kiel..." Marahan niya itong itinulak pero mahipit parin ang pagkakayap sa kanya.
"It's alright. You need it."
Dammit.
Napasiksik ang ulo niya sa leeg nito. Di na niya talaga kaya. Kusang bumukas ang bibig hanggang dahan-dahang bumaon ang mga pangil sa ugat nito. Dumadaloy na ang dugo sa labi niya.
Damn this blood. This sweet blood. Finally, she can taste it.
Napahawak siya sa batok ni Kiel nang marinig ang mahinang ungol nito. Lalo siyang napadiin ang pagkakagat.
Hindi na siya makapag-isip nang maayos. Alam niyang kailangan niyang pigilian ang sarili sa pag-inom ng dugo nito pero hindi na niya magawa.
Hindi niya alam kung bakit ganoon ang epekto noon.
Iba. Iba sa lahat.
Naririnig niya ang pagbilis ng t***k ng puso nito. Ang panlalamig ng katawan. Unti-unti ding lumuluwag ang pagkakayap sa kanya. Unti-unti nang dumadagan.
Dammit!
Agad niyang tinanggal ang pangil sa leeg ni Kiel. Marahang pinadaan ang labi doon para magsara ang sugat. Kung pinatagal niya baka kung ano nang nangyari. Baka kung ano na ang nagawa niya.
"K-Kiel," habol-hininga niyang sambit. Nararamdaman na niya kahit papaano ang epekto ng dugo. Nanghihina parin pero nakakahinga na siya nang maayos. "Are you--"
"I am fine." Sabi nito nang bahagyang umangat. "Ikaw?"
"Why?"
Kung di siya natauhan baka tuluyan nang naubos ang dugo nito. "Why...Why did you risk your life for me?"
Ngumiti lang ito kahit malamlam na ang mga mata. Maputla na rin ang mga labi.
"Handa akong ibigay lahat. Maski buhay ko pa."
Hindi na niya alam ang sasabihin. Parang gusto na niyang maniwala na di talaga pera ang habol nito. No one in their right mind will do that unless...
"Kiel...why? I can't..." Sambit niya.
Dumaan ang daliri nito sa gilid ng labi. Marahang pinunasan noon ang ilang patak ng dugong natira.
"I know. Hindi ako naghihintay ng kapalit."
Dahan-dahan uli siyang napapikit. Hinihila na uli siya nang antok.
"Kiel.." Hindi pa pwede. Kailangan nitong malamang hindi pwede.
Umiling ito. "Kailangan mo munang magpahinga. Pag-usapan natin ito pag maaayos ka na."
"I'm..."
So sorry.