Run Isabelle, Run

1184 Words
Isabelle************************************* Ilang oras nang nakatitig si Isabelle sa dagger na na kapatong sa lamesita. Hanggang ngayon, di parin siya makapag-desisyon. Hindi naman niya kailangang patayin si Alejandro gaya nang pag-aakala. Kailangan lang niyang saksakin sabi ni Pierre gamit yung dagger. Kapag nagawa niya yon, pwede siyang makalayo nang di nasusundan ni Alejandro. Paliwanag pa nung mokong na Pierre na yon, madali siyang mahanap dahil malalakas ang pang-amoy at pakiramdam nila. Ganoon siguro ang nangyari noon kaya di din siya nakalayo sa gubat nung sinubukan niyang tumakas. Marahan na siyang lumapit sa lamesa. Dahan-dahang inangat ang dagger. Hindi niya lang maintindihan kung bakit ito pa ang kailangan niyang gamitin. Di naman pinaliwanag ni Pierre. Umalis din naman agad pagkabigay sa kanya noon. Baka maabutan pa daw. Delikado. Napabuntong-hininga siya. May something kaya talaga yung dalawa. Parang magkaibigan naman pero magkaaway. Siguro dahil kapatid nga ni Pierre itong si Raven at ex naman noon si Alejandro. Ah. Ewan. Magulo. Kahit mga bampira pala kumplikado ang buhay. Hindi niya alam kung ba't kailangan niyang makasali sa mga yon. Huminga uli siya nang malalim. Marahan niyang pinadaan ang daliri sa handle ng dagger. Halatang antique na pero maayos naman tingnan. Mukhang mamahalin masyadong magarbo ang design. May naka-engrave na araw na ibabang parte nito. Araw. Soliel sa french language. Galing sa totoong apelyido ni Raven. At ni Pierre. Family property siguro yon. Pero bakit naman pinagkatiwala sa kanya nang ganoon lang? Mukhang napaka espesyal noon. Hinawakan niya nang bahagya ang bakal na talim. Makintab. Halatang matalas. Pero unti-unti niyang nararamdamang uminit ang daliring nakadampi, nabitawan naman niya agad dahil masakit. Napansin niyang umitim ang balat ng daliri niya.Agad din namang nawalan pero nakakaramdam siya ng papamamanhid. May lason? Pampanhid? Ganoon pala yon, naisip niya. Pano kung mag-fail yung lason? Anong gagawin ni Alejandro sa kanya? Pumikit siya nang mariin at huminga nang malalim. Kalma, Isabelle. Kalma. Paalala niya sa sarili para di tuluyang kabahan. Pagkakataon na ito. Kaya niya. Gagawin niya. Biglang bumukas ang pinto. Agad naman niyang naitago sa likod ang dagger. Sandaling tumigil ang paghinga niya nang makita kung sino ang nandoon. "A-Alejandro?" Ramdam niya ang lakas ng kabog ng puso. Sobra. Parang tatalon iyon sa dibdib niya at at pagulong gulong sa lapag sa panic. "Nandito ka na....ka na pala." Halos mautal siya sa pagsasalita. Suot parin yung tshirt ha hapit sa muscles. Mukhang iyon nga ang paborito. Yung buhok nitong laging nakatali na medyo nagulo. Parang pinagpawisan din, halatang nagmadali. Lalo tuloy niyang namoy na yung amoy kanin na amoy nito. Nakatitig din ito sa kanya. Grabeng titig. Parang nanununaw. Ano ba? Bakit ba ang gwapo mo talaga?! Napakagat siya nang labi. Naalala niyang naghalikan na pala sila ng mokong na ito. Naalala pa niya yung labing dumampi sa kanya. Yung-- Shet. Isabelle wag! Kinagat niya ang labi nang mariin para mahimasmasan. Pinagsamatalahan lang noon ang kanihaan niya dahil gutom siya. Hindi rin binanggit na asawa pala ng bestfriend niya. Isang itong naglalakad na red flag naagwagayway. Kailangan talaga niyang pigilan ang sarili. "He's been here. Where is he?!" Sabi ni Alejandro. Si Pierre yata ang tinutukoy. Tuloy-tuloy si Alejandro sa pagpasok sa kwarto. Parang pinapakiramdaman ang paligid. Tumuloy pa at binuksan ang bintana at sumilip doon. Napakunot ang noo niya. Madilim na pala sa labas. Parang napaka bilis naman ng oras. O talagang di na niya napasin yon. "Isabelle, are you alright?" Baling nito sa kanya. "Did he hurt you? Please tell me." Parang puno nang pag-aaalala. Lalo tuloy siyang na konsenya. Wala naman kasi itong ginawang di maganda sa kanya, except lang yung halik... Saka si Raven. Hay jusko. "Wala...Wala naman siyang ginawa." Biglang kumunot ang noo ni Alejandro, pero hindi man lang talaga nabawasan ang kagwapuhan. Mas lumala pa nga. Di niya mapigilang mapakagat ng labi. "Isabelle?" Lumapit ito at biglang hinawakan ang noo niya. "You're hot. How do you feel?" Napaatras naman siya. Bakit parang wala lang dito yung ginawa sa kanya? Bakit parang di man lang naalala. "A-ah, k-kasi..." Napaatras siya nang lumapit pa ito. "What is it?" Shet, buko na ba? Halata sigurong may tinatago siya sa likuran. Lalong humigpit ang hawak niya sa dagger. "Give that to me, Isabelle," Maliit na distansya nalang ang pagitan nila. Halos dumikit na ang dibdib niya sa dito. "Alejandro.." Napatingala siya. Nakatitig lang ito sa kanya. Halatang galit. Parang kakainin siya ng buhay. "Wa...Wag." Napapikit siya ng maramdaman niya ang pag gapang ng kamay nito sa braso sa likod, kukunin na ang hawak. "I said give that to me," marahan pero madiin nitong sambit. Halos bulong na nga dahil malapit iyon sa tenga. "Jusko.." Pilit nitong hinila ang braso nya. "Isabelle..." "I'm sorry!" Mabilis niya itong itinulak at sinaksak. Ni hindi siya nakatingin. Basta naramdaman nalang niya ang pagtarak ng patalim sa katawan nito. "Isa..Isabelle.... " Naramdaman niya ang mahigpit na pagkapit nito sa braso. Parang mababalian na sya ng buto. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata. Doon niya nakita na sa dibdib ni Alejandro tumama ang talim ng dagger. Sa puso. Malalim ang pagkakabaon. "Shet! S-sorry, sorry!" Agad siyang nakawala sa kapit nito at napaatras. "Hindi ko sinasadya!" "Isa..Isabelle..why?" Hinawakan ni Alejandro ang hawakan ng dagger at dagling binunot iyon sa katawan. Nakita din niya kung paano dumaloy ang maraming dugo sa sugat. Dugo? Dugo. Pero imbes na uhaw tulad noon, buong pag-aalala ang nararamdaman niya. "Sorry....Sorry. Hindi..." "W-what have you done?" Unti-unting napaluhod si Alejandro. Bakas ang matinding sakit sa mukha nito. Agad naman siyang nakalapit nang tuluyan na itong bumagsak sa sahig. "Al..Alejandro. Teka. Sorry..Sorry na." Aniya habang niyuyugyog niya si Alejandro. Nakapikit na ito at di na gumagalaw. "Wag...wag kang mamatay. Wag..sige na please. Magpapakabait na ako. Hindi ko na uulitin. Di na ako tatakas. Mabuhay ka lang. Promise. Please..." Hindi siya halos makahinga. Hindi niya dapat ginawa yon. Sasaksakin lang naman dapat. Hindi ganito. "Hindi..." Pumatak ang luha niya ng sunod-sunod. Hindi na niya alam ang gagawin. "Alejandro..." Yumuko siya at niyakap ang katawan nito. "Patawarin mo ako. Hindi ko sinasadya..." Gusto lang naman niya umuwi. Gusto lang naman niyang bumalik sa kanila. Huli na ang lahat para magsisi. "Alejandro?" Marahan siya umangat sa katawan nito. Nanatili lang itong nakapikit. Wala na. Wala na talaga. Hindi na ito humihinga. Hindi na rin niya madinig ang t***k ng puso. Dahan-dahan siyang tumayo. Pinunasan na niya ang mga luha sa pisngi. Kailangan niyang umalis tulad ng plano niya. Wala na siyang magagawa. Nagawa na niya. Ramdam niya ang sobrang bigat ng dibdib habang humahakbang papalayo. "I'm sorry..sorry.." Mabilis siyang tumakbo papalayo. Hindi na niya namalayang nakalabas na na siya sa bahay na yon. Tuloy-tuloy siyang tumakbo nang marinig uli ang mga tunog ng mga sasakyan. Sinundan niya yon hanggang makita na niya ang isang kalsada. Makaalis na talaga siya. Saglit siyang huminto. Lumingon siya sa pinanggalingan. Parang may pwersa doon na humihila sa kanya pabalik. Na parang tinatawag siya. "Alejandro." Hahakbang na sana siya papabalik nang marinig ang isang itim na kotseng paparating. Tumigil ito sa tapat niya. Bumukas ang pinto at may lalaking bumaba. "Congratulations, Isabelle. You've made it." Nakangisi ito sa kanya. "Come. Let's go home." "Pierre?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD