*******Raven*****
Who is this kid? She thought.
Mukhang tama ang hinala niyang may kakaiba dito kanina. Pero Kuya? Ang akala niya babae yung kapatid ni Kiel.
“Vo you know vjo I am, Lieber kleiner Junge?," dinig niyang sabi ni Casimir, “mach keine Mätzchen, schmeiß die Pistole weg,”
‘Drop the gun.’
Iyon lang ang naintindihan niya. Hindi siya bihasa sa German pero mukhang fluent naman ang batang lalaki.
"You're not the Head of Schawrze. Stop embarassing yourself."
Napansin niyang di na kumikilos ang mga kasama nitong hunters. Mukhang tinimbang ang sitwasyon. Alam niyang di gagalaw ang mga yon hangga’t may nakatututok na baril sa pinagsisilbihan.
“Kuya, ano ba?! Tameme ka na naman! Sibat na,” sabi ng bata kay Kiel. "Paparating na rin sina Diego dito. Kami na bahala.”
"Tara, Raven." Hinila na siya papaalis ni Kiel.
"Von't let them go! Yung ingrates!" Sigaw ni Casimir.
Shit.
Humarang ang isa sa mga hunters bago pa sila makalabas. Nakatutok na rin ang baril sa kanila.
"Trabaho lang, Six four eight."
"Trabaho din to, tabi!" Nakalabas na rin ang baril si Kiel pero hindi parin kumilos ang mga ito. Ngumisi pa.
"Ibigay mo na kasi ang jowa mo para wala nang maulit na gulo," sambit nito.
There's something wrong about these hunters, she thought. May naaamoy siyang kakaiba sa mga.
Lalo na nang maramdaman niyang nag-iba ang tono nang t***k ng puso ni Kiel.
"Ikaw..." He gritted his teeth.
"Naalala mo na ba?" Lalong ngumisi ang hunter na yon.
Galit. Nakakarinig siya ng galit. Kilala ni Kiel ang mga ito. Sa hindi magandang dahilan.
"Kuya!"
Biglang nawala si Casimir sa kinatatayuan. Nasa likod na nung bata. Nakita niya kung paaano ito naibato sa mga bakanteng lamesa sa sulok.
F*ck. Masyado silang na distract.
"Raf!"
Napaputukan ni Kiel si Casimir bago pa makalapit uli sa bata. Agad din siyang hinila papalayo at pinatungo sa ilalim ng mga upuan.
Narinig niyang nagpaputok ng baril sa direksyon nila. Hindi naman sila natamaan. Pero rinig niyang may mga napuruhan si Kiel nang makipagpalit nang mga putok.
Mabilis ang pangyayari. Two hunters are dead. Ang isa ay mukhang nakalabas na. May dalawa siyang nararamdamang nakapagtago na sa kitchen.
"The kid!"
Papalapit na si Casimir sa bata. Parang ininda na tama ng baril. Mabilis siyang nakatayo at humarang sa pagitan ng mga ito.
"f**k off!"
Pinatalsik niya si Casimir nang malakas sa pader. Nadinig pa niya ang pag-c***k ng mga buto nito pagkalapag.
Napahawak siya sa dibdib. It's been so long since she used her ability like this. Para siyang na ubusan agad ng lakas.
"You...you alright?" Baling niya sa bata.
"Wow. Astig. Pysch ba yun?" Sabi lang nito. Mukhang di naman napuruhan dahil tumayo din agad. "Lakas mo pala talaga."
"Kiel."
Sumilip naman si Kiel sa pinagtataguan. "Buhay pa yan?"
"Oo. Pero pwede namang hindi. Malaki rin yung bayad ni---"
May nagpaputok ng baril sa direksyon nila. Mabilis siyang nakakilos at naiharang ang katawan sa bata. Naramdaman niyang bumaon ang mga balang iyon sa tagiliran at braso.
Dammit.
Nagantihan ng putok ng batang yon ang hunters. Limang sunod-sunod ang pinaulan nito. Lahat tumama. Nabaril din ni Kiel ang isa pa nang akmang susugod ito.
Isa nalang at si…
“Ate!” Nakita niya ang biglaang pagbagsak nito sa sahig. Napadapa ito at dumulas ng ilang metro.
"Dammit!"
Di na siya nakakilos nang maramdaman niya ang kamay ni Casimir sa leeg. Mahigpit, hindi siya makahinga.
“If I can’t have you,” sabi nito sa kanya. Mabilis siya nitong naiangat sa lupa. “No one vill!”
Fuck.
“Raven!”
Naibato na siya ni Casimir sa sahig nang malakas bago naipaputok ni Kiel ang baril. Nadaplisan lang nito sa pisngi ang malaking bampira.
Sh*t, ngayon pa nagmintis.
Di siya agad nakatayo. Nabali ang ilang buto niya sa tagiliran dahil sa pagbagsak. Ramdam niya ang sakit noon.
Mahapdi. Parang sinusunog ang loob ng katawan niya.
Fuck. What's happening?! Hindi dapat ganito!
She's suppose to heal her bones pero parang pakiramdam niya lalong nababali yon.
"Kiel!"
Nakalapit si Casimir dito nang mabilis. Nakita niyang pinilipit nito ang braso ng hunter. Nabitawan ni Kiel ang baril at bumagsak yon sa sahig.
Dammit Kiel! No!
Agad naman nitong nahila ang coat ni Casimir. Ito naman ang bumagsak. Isang malakas na sigaw ang binitawan nito kasabay ng pagkalat ng mga sirang tiles na pinagbagsakan nito.
He's really strong, she thought.
Nakita niyang mabilis na pumaibabaw si Kiel sa nakadapang bampira. Pinulupot ang braso sa leeg kasabay nang malakas tunog ng pagbali ng buto.
Kitang-kita niya kung paano umikot ang ulo ni Casimir. Tumigil ang t***k ng puso. Unti-unting umaagos ang dugo sa ilong at bibig nito.
Pinilit niyang tumayo. Hindi niya alam kung bakit hindi pa gumagaling mga mga tama niya ng baril. Nasa loob parin ito ng katawan niya.
Narinig niya ang huling putok ng baril. Para yon doon sa isa pang nagtatagong hunter sa likod ng counter, galing sa kapatid ni Kiel.
“Kuya,” tanong nito. “Buhay ka pa?”
Hindi ito pinansin ni Kiel at na lumapit sa kanya,
“Raven!” Agad niyang naramdaman ang mga braso nito nang muntik na siyang matumba. “May tama ka.”
"It's nothing." Marahan niya itong itinulak niya papalayo. "You're bleeding."
He got shot too, she can smell his blood somewhere. May mga ilang baling buto din.
"Ok lang ako. Nadaplisan lang.” Dammit. Sana talaga umalis na sila agad. Di na umabot sa ganito.
“Whoa...wait...shit...Bakit parang blue ang mga mata mo, Ate? Hindi ba dapat red?” Nakatitig yung kapatid ni Kiel sa kanya nang lumapit ito. Halata niya ang pagkabigla at takot. Pati si Kiel ay napatingin na din.
"Don't mind me."
Umiwas siya nang tingin. Pumikit siya baka sakaling bumalik na ang kulay ng mga yon sa normal.
It was unusual of course. Iilan lang ang may ganito kondisyon. Maski ang kalahi niya mismo ay kinakatakutan siya.
Damn this curse.
She realized na kaya ganoon nalang ang reaction ni Kiel nung makita siyang umiinom ng dugo. Alam naman niyang mala-halimaw ang pananaw nito sa tulad nila, he's a hunter for goodness sake.
Pero baka mas malala ang tingin sa kanya.
A demon perhaps?
Naamoy niya ang mga dugo sa paligid. Unti-unti na niyang nararamdaman ang panunuyo ng lalamunan.
Tumayo siya ng diretso at lumunok. Kailangan niyang magpigil. Kapag ganitong inaatake na naman siya nang sumpang yon, kahit anong buhay na nilalang ang tina-target ng katawan. Hindi na niya mapigilang ubusin ang dugo nang kung sino mang malapit.
But why now? She just got shot twice, hindi naman malala yon. She has been feeding blood properly these past few days, Victoria has a stash of high grade blood. She knew her body was on top condition.
“Rafaella,” lumapit si Kiel dito.
Rafaella? Babae? So ito si Raffy.
“Ba't di ka pa tumakbo kanina!” Binatukan nito ng malakas si Rafaela. “Humalo ka pa!”
“Aray naman, masakit, tinulungan ka na nga,” napahawak nalang ito sa ulo, nagtanggal ng beannie at kumawala ang hanggang bewang nitong itim na buhok.
"Saka target ko kaya yan!" Sabay turo doon sa bangkay ng bampira. "Malaki makukuha ko dyan kay Casimir. Yung head ng Scwharze ang nagbigay reward."
"Magkano na naman to?"
"Mga ten million siguro kung icoconvert mo. Sayang e, nandyan na. Hahatian nalang kita."
So this is their modus.
“Pero ang chipipay mo kuya. Fast food talaga date niyo? Yaman-yaman mo na…ay teka.”
Lumapit na si Raffy sa kanya at inilahad ang kamay. It looked like she's not afraid of her anymore. Normal na siguro ang mga mata niya.
“Thanks, pala Ate kanina ha,” nakita niyang may tattoo din ito. Tama nga si Kiel. Hunter din ito.
“You look too young." Alam niya nasa twenties na ito. Pero ngayon mukhang nasa thirteen to fifteen lang. Mas matangkad pa nga siya. Hawig sila ni Kiel sa features ng mukha maliban sa mga mata. Medyo singkit at nawawala kapag ngumingiti.
"Wow. Thanks naman. Pwede mo nang diretsyahin na pandak ako." Irap nito.
She got his attitude. Definitely.
“Raffy, pano na to?” Tanong ni Kiel.
“Mukhang andyan na sina Diegs sa labas, madali lang to. Pwedeng palabasing na hold-up yung resto." Sabi ni Rafaella.
Napatingin din siya sa labas. May isang matabang lalaki doon na sa tingin ay pulis. May ilang kasama ding naka uniporme. Kinakausap ang mga tao.
"Naku, buti nalang talaga papunta sila. Nag iimbestiga din sila doon sa Isabelle na yon."
"Isabelle? What about her?" Tanong niya. Sa wakas may makukuha siyang impormasyon
Lumingon si Rafaella sa kanya. "May isang hunter kaming kasama na namataaang may kasamang babae base sa description nung hinahanap niyo. Don't worry, mabait naman si Brent, hindi yon nanakit, kaso di pa naman alam kung saan sila nagtatago."
Huminga siya nang malalim. At least they got a lead.
Napahawak siya uli sa sugat. Di parin pala iyon sumasara. Nanakit parin ang tagiliran. Napakapit na siya sa isa sa mga silya dahil muntik nang matumba
“Putcha, Raven!"
Nakita niyang may mga lumalabas ang mga kulay itim na ugat sa balat. Galing kung saan siya tinamaan ng bala. Kumalat na sa buong katawan.
What is this? What is happening?
"Silver poisoning." Mahinang sambit ni Kiel. Mabilis siyang nabuhat bago pa tuluyang bumigay ang mga tuhod.
What? What poison?
"Tangina kuya! Silver bullets na gamit nila!" Sabat ni Rafaella. "Alisin mo na, delikado na lagay niya!"
This is not like Victoria's tranquilizers, she thought. She's really going to die.
"Raven!"
She felt dizzy. Hindi na siya makahinga. Hindi na rin makagalaw. Hanggang unti-unti na ring dumilim ang paligid.