Isabelle
"Imposible..." Sambit ni Isabelle. Napaatras siya at napaupo sa tabi ni Pierre. "Si Raven."
"I see, she uses Raven as her name now," tuloy lang na sambit ni Pierre. She's fond of birds since we were children. Her last name was Dove. That was decades ago..." Tuloy-tuloy lang si Pierre sa pagsasalita. Hindi na nga niya ito naiintindihan sa sobrang pagkabigla.
Ilang taon....Ilang taong niyang kasama si Raven sa bahay pero hindi ni minsan si niya nahalata.
Akala niya talaga party girl lang yon. Gising lagi sa gabi tapos buong araw na tulog. Tapos laking aircon. Maganda. Makinis na walang pores.
Pero hindi rin, hindi. Imposible ding bampira ito.
Nakasama na niya ito sa beach dati nung nakaraang bakasyon. All expense paid pa nga. Hindi naman ito nasunog sa araw.
Bakit?
"But 'Raven' sounds kinda dark, don't you think, Isabelle?"
Hindi parin niya napansin si Pierre. Busy pa ang utak niya para iproseso ang lahat. Nakatitig parin siya sa lumang painting.
"Nineteen forty-three." Nabasa yung yung date sa ilalim.
"Yes. She's sixteen that time. Before she got married. We don't age so she still looks like that, I think you know that already."
Ganoon na katanda si Raven?
"Pa..Paanong nangyari yon? Paano siya naging vampire?"
"Well, you see, my father...the Vampire King, he was here in the Philippines by the end of the seventeenth century. And then he met my mother who's a native and they fuc-"
"Hindi! Hindi yon! Paanong naging bampira siya? Si Raven." Hindi niya hinihingi yung love story ng mga magulang nito.
"Katulad ko ba?"
Hindi nga rin niya alam kung paano naging ganoon. Hindi naman sinabi ni Alejandro.
"No. We are born like this."
"Ibig sabihin since birth na kayong bampira. Paano--" Natigilan siya.
"Teka...teka lang, sabi mo King? As in hari?!" Medyo nahimasmasan siya kaya nabalikan niya ang mga nasabi nito.
Vampire king daw.
Kaya ba may princess sa totoong pangalan ni Raven.
Princesse du Soliel.
Jusko. Shet. Prinsesa pala si Raven!
Kaya pala yayamanin. Madalas siyang yayain sa labas tapos libre lahat. Kala niya sadyang galante lang.
"Ibig sabihin prinsipe ka?"
Lumingon siya kay Pierre. Tumango naman ito.
"Well yes, technically. But it sounds snobbish so I never use the title," sagot nito sabay kibit-balikat. "I will never inherit anything anyway."
Tapos si Alejandro asawa pala ni Raven. Pero wala itong kinuwento sa kanya. Wala namang jowa pero alam niyang marami itong dini-date.
Baka naman ex? Separated o ano?
Pero kahit na, ganoon parin yon. Asawa parin yon.
Saka di kaya...di kaya si Raven yung pakay ni Alejandro doon sa apartment tapos siya yung nadatnan? Siya yung nakuha.
Napatayo na siya sa kinauupuan. Naglakad papalayo tapos bumalik uli.
"Shet. Ano ba tong napasok ko..."
Nagpaypay siya ng kamay. Kakaligo lang niya pero pinagpapawisan na siya agad. Ang bilis din ng t***k puso niya. Sobrang nakakabigla ang lahat.
"Calm down, Isabelle."
"Sa tingin mo makakakalma pa ako ngayon!" Sigaw niya kay Pierre pagharap. "All this time yung bestfriend ko, di pala tao! Nakidnap pa ako nung asawa tapos ginawa akong ganito?! Anong gusto mong gawin ko?!"
"Well umm...you have point," ngumiti ito. "Go on, continue...panic."
Napasabunot pa siya ng buhok at bumalik sa paglakad. Natutuyo na yon kaya kumukulot na uli.
Nakakainis.
"Naku! Tapos ikaw pa. Kapatid ka pala ni Raven tapos manyak ka!" Sigaw niya uli kay Pierre. Kaya din siguro never binanggit ni Raven na may kapatid ito dahil doon.
"Hey, I thought we were past that..." Sambit ni Pierre. Tapos ngumuso pa na parang bata. "We're friends now, right?"
"Friends mo, mukha mo. Managalog ka nga, nasa Pilipinas ka!"
"Fine..."
Jusko!
Ilang beses siyang nagpalakad-lakad sa malawak na sala. Wala naman siyang mapupuntahan, di siya makakalabas ng bahay na yon dahil masusunog siya.
Wala na siyang choice kundi tanggapin ang sitwasyon. Wala siyang magawa.
Ano bang kasalanan ko sa mundo!
"Gusto mo parin bang makaalis dito, Isabelle?" Tanong ni Pierre. Tagalog na nga yon. Napatigil naman siya sa paglakad.
"Pa..Paano? Makakaalis pa ba ako?" Tanong niya. Sabi nga naman nito, tutulungan siya.
Gusto parin niyang bumalik sa pamilya niya.
Saka si Raven. Kailangan niyang makausap ang kaibigan. Kailangan niya ng matinding paliwanag. Hindi pwedeng ganito lang.
"Kailangan mo lang magtiwala sakin." Sabi ni Pierre.
Parang nagsisi siya na pagtagalugin ito. Medyo malalim na.
Saka mahirap yatang gawin yon. Yung magtiwala. Wala na nga lang siyang ibang choice.
"Go. Game." Aniya.
May kinuha ito mula sa likuran. Nakabalot ng tela. Unti-unti nitong binuksan yon.
Kutsilyo? Hindi, maganda masyado para sa ordinaryong kutsilyo yon. Punyal ba tawag doon, dagger?
Nakita niyang hinila ni Pierre yung hawakan papalabas sa balot. Makinang na silver ang kulay, halatang matulis at matalas.
Pero bakit naman yon pinapakita ni Pierre?
"Ito ang susi mo para makaalis ka." Sabi nito.
Napaawang ang bibig niya. Nakuha na niya ang gusto nitong ipagawa.
Shet.
Kailangan niyang patayin si Alejandro.
*******Raven***********
This is bad she thought.
"Ah, I finally found vyou."
Naglakad na ang lalaking bampira papunta sa pwesto nila. Naiwan ang ibang kasama nito malapit sa pinto.
Dammit.
Agad namang tumayo si Kiel at humarang bago pa tuluyang makalapit.
"Vet ouf of my way." Sabi ng lalaki.
Thick German accent, she thought. Pamilyar.
Nakita niyang na alerto ang mga kasama nitong mga hunters. Tumayo na siya hinila si Kiel papaatras bago pa tuluyang magkagulo.
"He's with me," aniya. "Who are you and what do you want?"
"Rave--"
"Shh--" saway niya kay Kiel. "May mga tao dito. May mga madadamay." Paalala niya.
Wala naman sa kanya na kung marami pang kasama ang bampirang kaharap ngayon. Kaya niya. Alam niyang kaya din ni Kiel, napatunayan na nito yon doon sa apartment. Iniisip lang niya kung gaano kalaking gulo ang maiiwan kung lalabanan niya ang mga ito.
"Tell your men to back down." Baling niya sa lalaking bampira. Maybe she can talk this out.
She was raised as a princess. Diplomacy was part of her almost unending lessons.
Sumenyas ang bampira sa mga kasama at nagsibaba ng armas. "There."
Tiningnan niya ito nang mabuti. Blond. Blue eyed. Malaki ang katawan. Pero wala itong bahid ng Ancient Blood. Hindi ito katulad niya.
Pero paanong nakatagal sa araw?
Napansin niya ang bilog na simbolo sa suot na malaking singsing nito. Araw na na natatakpan ng buwan. Eclipse. Kilala niya ang Coven na gumagamit nang sigil na yon.
Schwarze.
Oh f**k. She thought.
Malalakas ang mga ito, pagkaalala niya. Both physically and using their abilities. Magkalaban ang Coven nila noong nakaraang gera, bago pa ma-claim ng ama ang pagiging hari.
Kapag nalaman ni Victoria, magwawala yon. Ang Schwarz ang dahilan ng pagkamatay ng mga magulang nito.
"Come vith us iv you may, Princesse du Soliel," sambit ng lalaki. "I came here to claim vyou personally."
"Claim me?" Matigas talaga. Yun lang ang naiintindihan niya.
"Ja," sabi nito. "The name is Casimir von Schwarze, my princess. Your father vill be glad iv I escorted personally back to Sanctuaire."
Her father. Again.
"It's about the bounty, isn't it?" Pinigilan uli niya si Kiel nang akmang haharapin uli ang lalaki.
"Rave.."
"Wag muna." Pigil niya. Gusto niyang malaman ang pakay nito.
Napakababaw naman kung pera din ang habol. The Scwharz Coven were wealthy back then, hindi naman basta-basta mauubos ang yaman ng mga ito.
"No, my princesse. I am claiming vour hand," sagot ni Casimir. Ngumiti pa lalo na parang nagmamalaki.
My hand?!
"Your father is giving you avay to anyone vho can take vyou back to him."
Napaatras siya. Did her father really say that?!
"Ve vill be mated, and you vill give me heirs as he promised."
Fuck.
Her expectation of her father is less than ideal but she never thought he could get this low.
She's a princess, and she knows that she can, and will be, used as a pawn for her family's political gain. But she's still his daughter for goodness sake!
Nagawa na siyang ipamigay noon sa kung sino, balak pa nito uling gawin ngayon? Sa dating kalaban pa nila.
Narinig niyang tumawa si Kiel at humakbang na sa harapan. Tuluyan na nitong iniharang ang sarili.
"Kiel!" She hissed. Wala talaga itong takot.
"You can't do that, Cas--Vas-- Whatever your name is. She's mine."
Dammit! Ano bang sinasabi ng hunter na ito?!
"Kiel!" She hissed again. Hindi yon makakatulong. He doesn't even have--
"See this big guy." May hinugot ito sa loob ng tshirt. A chain. A necklace?
There's an oval pendant on it. May simbolo ng araw na may may mahahabang sinag. The Soliel's Family sigil.
Papaanong--
She remembered. She gave it to Kiel years ago. Nung una silang nagkita. Hindi niya akalaing tinago pala nito yon. Ang akala niya tuluyan na yon ibenenta kung saan.
"I'm her mate."
Fuck!
What? He is? They are?
Well, no!
No?
Oh. f**k.
For a lie, he sure was convincing. She can't even tell right now. And the sigil proves that he's part of the Soliel Coven.
Wow.
Kumunot naman ang noo ni Casimir. "A hunter? Vou think vou can fool me?!"
She can feel the tension. Mukhang lalo pang lumala ang sitwasyon.
"Leave us, Schwarz." She gently told Casimir. Kailangan niyang sumakay sa pagsisinungaling ni Kiel para matapos na.
"I vont think so, Princesse du Soliel." Ngumisi si Casimir. Sumensyas ito sa mga hunter. Tuluyan na ang mga itong naglabas na ng mga baril.
Oh, f**k.
Nagsigawan na ang mga tao nang mapansin ang nangyayari. Kanya-kanya nang takbuhan papalabas.
Pero yung batang lalaki. Nakaupo parin at walang paki-alam sa paligid. Naiwan na itong mag-isa. Gusto na nga niyang sigawan ito pero mukhang di rin maririnig sa suot na headset.
"Kiel! Get the kid!" Di parin ito natitinag. Delikado na sitwasyon. "Dammit!"
Pito laban sa kanilang dalawa, oo kaya yon. Di pa niya sigurado kung anong kakayahan ni Casimir.
Pero may bata kasi. Kailangan pa nila itong maialis doon.
"Kuya, inaano ka nitong nang mamang to?" Napalingon siya sa biglang nagsalita.
Yung batang lalaki!
May hawak itong malaking baril na nakatutok sa ulo ni Casimir. Napatigil naman ang hunters dahil doon.
Kuya?
Ngumisi ito sa kanya tapos bumaling uli sa bampira.
"Deshalb, was wollen sie machen, Schwarz?"