********************Raven***************
"Really, here?"
Napangiwi siya nang makita kung saan siya dinala ni Kiel. Isang fastfood chain yon.
"You want to eat here, Kiel?"
Tumawa ito at inayos na ang helmet sa motor. "Ayaw mo ba? Medyo maarte pala sa pagkain ang Prinsesa namin."
Ngumiwi siya. "Shut up."
She hates oily food. Napaka-unhealthy.
Mga tao talaga, maikli na nga ang buhay, sasayangin pa sa pagkain na masama sa kalusugan.
"Sabagay, hindi nga ka naman dapat kumakain, diba?"
"I don't like to eat here. Wala bang mas malapit."
"C'mon, Rave. Ito na pinakamalapit. Walang kainan dito, probinsya na to. Sawa na rin ako sa gulay, please. Malapit na akong maging kambing doon kina Vicky." Sabi ni Kiel tapos tumawa. "Meeeeh...Meeeh."
Lalo siyang napangiwi. If that's meant to be a joke, napaka-fail.
"Seryoso mo naman. Date natin ito kunwari." Tuloy pa nito sabay kindat.
"Dammit. You're hopeless, Hunter."
Nagpatiuna na siyang pumasok sa loob. Amoy na amoy niya agad ang mga niluluto. It makes her want to gag pero pinigilan niya.
"Ako na oorder. Upo ka na." Sabi ni Kiel.
Lumingon siya sa paligid. Kakaunti nalang ang tao, palibasa past lunch time na. Lumakad siya papunta sa bakanteng pwesto sa sulok. Mukha namang malinis sa tingin niya.
She's not use to this. Nung nag-aral siya ng college, iniiwasan niya ang lugar na ganito. It was rather Isabelle's homecooked meals or sa mga hotel and five star restos kung saan inaaya niya ang kaibigan nang sapilitan.
This is something new, she thought.
Napansin niyang may pumasok sa loob na batang lalaki. Nakahoodie. May dalang malaking backpack at may headset na suot. Typical highschool kid na galing sa bakasyon, she thought. Nagtataka lang siya dahil mag-isa lang. Walang kasamang magulang.
Dumiretso ito ng upo sa isang lamesang bakante malapit sa kanya. Binaba ang malaking bag sa isang upuan at naglabas ng laptop. Parang may hinihintay.
Napakunot ang noo niya sa bata.
Something off, she thought. Parang nakakaamoy siya ng pulbura.
Pero nawala din agad ang amoy nang lumapit na si Kiel. Napalitan ng amoy ng pagkain.
"Ano yon, Rave?"
"Nothing. What's that?" Tanong niya nang nilapag na nito ang tray sa table.
"Hmm. Two piece chicken. Fries. Burger."
Napangiwi siya.
Oil. Too. Much. Oil.
"This is too unhealthy," reklamo niya dito. "Mamamatay ka nang maaga."
"So be it." Sagot ni Kiel. Kumuha ito ng fries at sumubo.
"Really. Mas gugustuhin mong mamatay ng maaga? So you can eat all of these?"
Kumuha na rin siya ng burger. Marahan pa niyang inalis ang balot. Napalunok siya. Ngayon lang siya makakain ng ganoon.
"Rave, maiksi lang talaga ang buhay ng mga tao. Lalo na sa gaya namin ang trabaho." Sabi ni Kiel.
"Di namin alam kung mamatay na kami bukas-makalawa. That's why we live our life to the fullest. C'est la vie, sabi nga nila."
"Seize the day..." ulit niya.
May punto naman ito. Iba lang talaga ang mindset ng mga tao sa katulad niyang napakahaba ng oras sa mundo.
Dinala na niya ang burger sa bibig at kinagat. The meat is so juicy. So are the few vegatables on it. The sauce complemented the taste so much.
What is this?
The flavor is so good, it's overwhelming her senses.
"Hey. Anong nangyari sayo? Ba't ka tulala?"
Dammit.
"Ayaw mo ba talaga? Akin na--" Agad niyang tinapik ang kamay ni Kiel na akmang kukunin ang fried chicken sa harap.
"Oh don't you dare! Akin yan!" She hissed.
Nilapag niya ang burger at kinuha ang manok. Iyon ang sunod niyang tinikman.
Why does it taste so good? So crunchy...juicy..
Sunod-sunod na pagkagat ang ginawa niya. Masarap pala yon, bakit ngayon lang niya nalaman?
Tumawa si Kiel nang malakas. Kung maraming tao, nakaka-eskandalo na.
Ngumuso siya. He is weird talaga.
"Wait." Dumakwang si Kiel at marahang pinunasan ang mukha. May sauce palang nakadikit doon. Uminit tuloy ang pisngi niya.
She's too old to blush like that, but whatever.
"Nag-enjoy ang prinsesa."
"It's your fault. Ikaw nagdala sakin dito." Sagot niya.
Nakatingin lang si Kiel sa kanya habang sunod-sunod niyang kinakain ang mga binili nito. Natigilan tuloy siya sa pagnguya.
"What?"
"Ang cute mo."
"This is my first. Don't judge me."
"Hindi ka pa nakapag-date ng ganito?" Biglang tanong ni Kiel.
Napaubo siya. Parang bumara sa lalamunan ang sinubong fries. Agad niyang ininom ang soda sa tabi para matulak yon.
Damn sweet! This is good too!
Pero alam niyang kailangan niyang sagutin si Kiel. Nakatingin parin ito sa kanya na parang naghihintay.
"I never had it like this before." Mahinang sambit niya. "Not even with him--"
She felt something in her chest. Tuwing naalala niya nararamdaman niya yon. A reminder that she can never really be happy.
"Him?" Tuloy ni Kiel. "Yung Alejandro?"
Napatigil sa sa pagkain. "You knew?"
"Nabangit ni Vicky."
Napaawang ang bibig niya. Kailan ba iyon sinabi? Minsan gusto na niyang kalbuhin ang babaeng yon. Madaldal.
"Kahit di mo naman i-kwento, halata ko. Iniiwasan mo lagi yung topic kapag nababangit ang pangalang yon." Sabi ni Kiel.
"This is not the time to talk about him, Kiel."
"Naintindihan ko," sambit ni Kiel. "Wag kang mag-aalala. Kahit anong mangyari, hindi naman magbabago ang tingin ko sayo."
Huminga siya nang malalim. "Thank you, hunter."
"You are very much welcome, Princess."
Then she felt something.
Maaga pa. Impossible.
Napalingon siya sa labas. Nakita niya ang magkakasunod na sasakyan. Unang lumabas ang mga armadong lalaki.
Hunters as body guards? Marami pa.
Kasunod noon ang paglabas sa kotse ng isang lalaking matangkad at maputi. He looks very Eastern European. A noble, she thought.
At least it's not him.
But another vampire who can survive in daylight? Malaking problema. Kailangang ding malaman ito ni Victoria.
Napalingon siya kay Kiel. Kunot ang noo nito. Nakikiramdam din.
"Let me handle this, Princess."
*****************************************
***************** Isabelle ****************
"Pierre..."
"So you remembered my name. It was nice to hear it from you."
Gusto niyang umatras pero di na niya
magawa. Akala niya di na makakalapit ang isang to sa kanya. Napalingon siya sa paligid
Nasaan na ba si Alejandro?
"If you're looking for him, Al is not here."
Napabalik ang atensyon niya kay Pierre. Tuloy parin kasi ito sa pagtutog. "Nasaan siya?"
"He went off somewhere. He's still looking out for her, of course."
"Huh? Sino? Ano?" Naguguluhan niyang tanong. Saka alam niya may araw na sa labas. Masusunog yon.
"I guess Al didn't explain everything to you." Sabi lang ni Pierre. Tumigil na ito sa pagtipa ng piano at humarap sa kanya.
"By the way. You look good when you're clean...and with your clothes on." Sabi nito.
Medyo na conscious siya. Kumpara naman kasi doon sa suot niya noon na mahalay na halos labas na ang kaluluwa, kagalanggalang na siya ngayon.
Pero di parin yon rason para pagtangakaan siya. Masama parin ang ugali nito.
"C'mon Isabelle. Come closer, I don't bite," sambit nito. "Well, a bit. But that's not my intention today."
Di siya sumunod. Tiningnan lang niya si Pierre.
Medyo harmless naman ang hitsura ngayon. Magulo ang buhok na medyo nakatayo. Bukas pa ang ilang butones na suot na long sleeved na polo. Medyo madumi yon at may putik. Pansin niya rin na may bangas ito sa mukha. Mukhang sugat na papagaling na. Buti nalang gwapo kundi magmumukhang akyat bahay talaga.
"You want to know what's going on right?"
Marahan siyang tumango.
"Anong nangyari sayo?" Medyo tunog concern yon sa kabila nang ginawa nito sa kanya.
"Ah, this. Nothing. We got a bit of a--you know. Men talk. Al made me promise not to bother you again." Sabi nito tapos tumawa. "Pero sino ba siya sa akala niya? He's not even here."
Medyo nahihiwagaan na siya tuloy sa relasyon nung dalawa. Magkapatid ba talaga? Makaibigan kaya? Mag jowa?
Wait. Mag jowa?
Napakagat siya nga labi. Bakit may ibang senario na pumasok sa utak niya.
Marahan siyang umiling. Hindi ito ang panahon para mag-imagine ng kung ano-ano.
"Pwede mo ba akong tulungang makauwi." Tanong niya.
Nagbabakasakali lang. Wala na rin naman siya mapaghihingan ng tulong.
"I can help," sabi nito. "But I don't think he'll let you go that easily."
"Alam mo lalo mo kong pinagulo." Napasuklay pa siya ng buhok. "Alam mo ba talaga bakit ako kinidnap ni Alejandro?"
Humalukipkip si Pierre at umiling.
"You are dense are you?" Sabi nito.Tiningnan pa siya mula ulo hanggang paa. "You're a woman. We men have needs."
Napatakip siya ng bibig. "Ha...Ha?"
Uminit ang pisngi niya. Naalala niya yung paggalik sa kanya ni Alejandro.
Kung ganoon...
Tumawa na naman si Pierre. Nakita yata yung pamumula niya.
"But don't get your hopes too high, Isabelle. Yes, you are absolutely beautiful, but you're nothing compared to my sweet sister," sabi pa nito tapos bumuntong-hininga.
"Which...is still his legal wife till now."
Napanganga siya.
Wife? Asawa? May asawa na si Alejandro?
Shet.
Syempre gwapo yon tapos mabango pa, di nga nakapagtataka na may asawa na nga ito. Pero bakit siya hinalikan kung ganoon?
Ano to? Balak siyang gawing kabit?
"Wait a minute...Pakilinaw. Wife. Asawa?" Aniya. "So ikaw? Kaya mo tinawag na brother noon si Alejandro kasi bayaw mo?"
"Now you're getting it." Tumango si Pierre at ngumisi
"So...sino tong kapatid mo?" Di niya alam na nakahakbang na siya dito papalapit. Natural na tsimosa talaga siya.
"Look behind you." Sabi ni Pierre.
Napalingon naman siya sa likuran. Pader yon na may nakasabit na portrait. Malaki. Mukhang luma na din.
Isang babae ang nandoon. Itim yung buhok tapos nakapusod. Nakasuot pa ng Filipiniana, katulad doon sa sinusuot kapag buwan ng wika. May panuelo saka nakataas yung manggas. May suot pang malaking kwintas na may design na hugis araw.
Pero yung mukha. Heart shape na maliit. Tapos kulay light brown na mga mata na mukhang malaki dahil napapalibutan ng makapal na pilik. Matangos yung ilong tapos manipis yung labi.
Kilala niya.
Kilalang-kilala niya.
"Oh my gosh...totoo ba to?"
Raven.
Si Raven yon. Di siya pwedeng magkamali.
Asawa ni Raven si Alejandro?
Bumalik ang tingin niya kay Pierre. Kaya pala napakapamilyar ng mukha nito. Kamukhang-kamukha ang kaibigan niya.
Ibig sabihin si Raven...bampira din si Raven!
Ngumiti si Pierre sa kanya.
"Meet Angelique, Princesse du Soliel. My twin sister," sambit nito.
"Alejandro's bride."