Chapter 11 : Voices

1342 Words
Isabelle Huminga nang malalim si Isabelle habang nakalublob ang katawa sa tubig. Mainit, kahit papaano nakakagaan ng pakiramdam. Mabango din, may mga petals pa ng rosas na nakababad kasama. Puno na nga ng tubig nang pumasok siya. Malaki ang banyo kahit luma na. Marmol pa yung tiles. Gawa sa bakal yung bathtub. Ganoon siguro ang banyo ng mga may kaya noong unang panahon. Kumpleto pa nang gamit. May sabon at shampoo na nga. Mukhang mamahalin dahil magaganda ang mga lalagyan. Para talagang hinanda para sa kanya. Feeling tuloy niya, prinsesa siya. "Mabait naman pala si Alejandro. Pinaligo pa ako dito." Mahinang sambit niya. Wait. Anong mabait? Ano bang sinasabi ko?! Napahawak siya sa labi. Naalala pa niya yung kanina. Yung halik. First kiss niya sa ganoong paraan pa. Parang napagsamantalahan yung kahinaan niya. "Shet..bakit.." Pero hindi. Hindi yon ang nangayari. Hinayaan niya. Di siya pumalag. Bakit di nga pala siya pumalag? Tapos sumagot din doon siya sa halik na parang gustong-gusto niya talaga. Napatakip siya ng bibig para pigilan ang pagtili. Kung di tumigil si Alejandro baka san na nga napunta yon. "Ano ba yung ginawa ko? Jusko...bakit. Dalagang Pilipina dapat ako." Napakagat siya nang labi ng mas mariin. Kung pwede lang sana siyang kainin ng lupa ngayon. Ito kasi namang si Alejandro. Bakit naman sa lahat ng kidnapper ganoon pa kagwapo yung kumidnap sa kanya? Nakaka-temp talaga. Tataaman talaga nang karupukan siguro kahit sino. Nangako siya noon na sa lalaking mapapangasawa niya lang ibibigay ang sarili. Yung haharap siya sa altar na pure and virgin pa. Sinauna na kung tutuusin pero ganoon siya pinalaki ng nanay niya. Pero ngayon... Huminga uli siya nang malalim at sumandal sa tub. Pumikit. "Ano ba tong napasok ko?" Parang kahapon lang normal pa ang takbo ng buhay niya. Boring at walang nagaganap. Ngayon gusto na niyang bumalik doon. "Kamusta na kaya ang Inay?" Yung mga kapatid pa niya. Iniisip niya kung paano makaka-survive ang mga yon ng wala siya. Sa kanya nakaasa lahat. Saka si Raven. Hinahanap kaya siya nang kaibigan niya. Ilang minuto rin siya sa ganoong posisyon. Hanggang makarinig siya ng boses. Nang mga kalabog. Ng kaluskos nga mga d**o na parang may kinakaladkad na kung ano. Magmulat siya ng mga mata at nakita niyang iba na ang paligid. Katulad doon sa gubat sa labas ng bahay. Maliwanag pero papalubog na ang araw. "How dare you betray me?!" "Tama na..Tama na! Pakawalan mo na ako! Ayoko na!" Boses yon ng isang babae. "Je ne veux plus le faire..Alejandro..please." "We have a duty! You must--" Napasinghap siya at mabilis na napaupo sa tub. Nakatulog na pala siya nang nakalubog sa tubig. Muntik na siyang malunod. Panaginip? Hindi. Bangungot. O kaya minumulto na siya dahil sa kalumaan nitong bahay? May nagmumulto pa ba sa tulad niya? "Alejandro?" Bakit tinatawag ng babae si Alejandro? Bakit umiiyak? Huminga siya nang malalim. Masyado na yata siyang nagtagal sa paglublob. Nararamdaman na rin niya na lumalamig na yung tubig. Marahan siyang umahon ng tub at kinuha ang nakahandang tuwalya. Nagtuyo siya ng katawan at nagbihis. Sakto naman yung mga damit sa kanya. Wala lang siyang sapin sa paa. Pero nakakahiya na namang pati hihingin niya. Saglit siyang napaharap siya sa salaming nakakabit sa pader. Mali din siguro ang mga libro at pelikula. Kupas na ang repleksyon pero nakikita parin niya ang sarili doon. Malinaw. Napansin niyang hindi na niya kailangan ng salamin nitong mga nakaraang araw. Malinaw niyang nakikita ang lahat. Lumakas din ang pandinig niya. Maski mahinang patak ng tubig alam niya kung saan tumutulo. Ganoon na nga siguro. Marami pa sana siyang gustong itanong. Marami pa talaga siyang gustong malaman sa mga nangyayari sa kanya. Nakarinig siya ng tugtog, parang galing sa piano. Malapit lang. Galing lang sa loob ng bahay na yon. Lumabas siya nang banyo para mapakinggan pa. "Nocturne..Chopin." Aniya. Pamilyar siya dahil nag-tu-tutor siya ng piano para makapag-aral sa college noon. Pero ramdam niya ang lungkot ng bawat tipa. Parang may pinagdadaanan. Marahan siyang naglakad para sundan ang tunog. Bumaba siya sa hagdan at nakita ang napalaking sala. Naiilawan iyon ng maraming candelabra. Malawak at puno nang mga paintings ang pader. Makaluma din ang design ng mga furnitures, parang panahon pa ng mga kastila. Sa sulok noon ang grand piano. Nakita rin niya ang kung sino ang tumutugtog. Pierre? Sigurado siya, yung Pierre yon. Lumingon ito sa kanya at ngumiti. "Nice to see you again, Isabelle." ****************************************** Raven She sighed. Nakatanaw kung saan nakaburol si Isabelle. Sa bahay lang yon na nilagyan ng malaking trapal sa labas. Maraming tao sa paligid, maraming nakikiramay. Nakikita din niya ang ilang kapatid ni Isabelle na abala na namimigay ng mga kape at biskwit sa mga nandoon. May mga taong nagkukumpulan sa lamesa. Ang nanay ni Isabelle naman ay katabi ng kabaong, umiiyak. If only they know the truth. Alam niyang breadwinner si Isabelle ng pamilya. Wala na itong ama pero maraming kapatid. College palang ang sumunod at mukhang mahihirapan nang magtapos lalo na may bunso pang maliliit. Humans, she thought. Maikli lang ang buhay nang mga ito pero pinipili paring magpakarami at i-torture ang mga sarili. She'll have some money sent to them. Yung sasapat na habang hindi pa nakakabalik ang totoong Isabelle sa kanila. "Hindi na tayo lalapit?" Umiling siya sa tanong ni Kiel. Sa tingin niya di na kailangan. "Yeah, buti naman." Sabi ni Kiel. Patingin-tingin ito sa paligid na parang may hinahanap. Huminga siya nang malalim. Wala rin naman siyang nararamdamang kakaiba. Wala ang mga hunters dito. "Hindi ka talaga nasusunog, ano?" She winced at Kiel's question. Ilang beses na nitong tinanong yon kanina paglabas nila ng building ni Victoria. Good thing she's wearing shades, kaya niya itong irapan ng ilang beses. "I don't. I already told you that." She can feel the heat of the sun on her skin. Naka sleeveless siya at tumatama yong lahat sa braso. Though it stings, it's not enough para masunog siya. It what makes her different. A gift and a curse at the same time. "Ok nga yan. Walang mag-aakala talaga na bampira ka. First time ko lang maka-makita ganyang ng tulad mo." "It's not unique. I'm not the only one who can do this," she sighed. Her, her brother and---she sighed again. "I know," sagot ni Kiel. "Sabi ko lang first time kong makakita. Alam ko naman sikreto niyong sa Royal blood." Napalingon siya. Ngumisi naman ito. "Yung queen. Yung nanay mo. Ancient Blood yon diba? Yung pinakamalakas na uri niyo? Sa kanya galing yang ability mo." "How did you know about it?" "Hunter ako, Raven. Natural na marami akong alam sa mga hinu-hunt ko." Paalala nito. She sighed. Bumalik ang tingin niya sa burol. "That's bullshit, Kiel." Not all vampires know about it. Even the nobles. Mga members lang ng High Council nila ang nakakalam nang history ng pamilya. Her mother was an Ancient Blood. A goddess in her own right. But that thousand year old being just died after giving birth to her and her twin brother. Kaya siguro ganoon nalang ang galit ng ama sa kanila. Sila ang pumatay sa pinakamamahal nito. He never wanted them to be happy. They cannot have what he had, he said it himself. And he always made sure they didn't. And now this. Dahil sa bounty na inilabas sa kanya may nadamay pa. "Don't worry, your secret is safe with me." Sabi Kiel sabay kindat. She wondered how he got those info. Mukhang tama si Victoria. Hindi nga ordinaryong hunter si Kiel. "Hindi pa ba tayo aalis?" Tanong nito. Mukhang wala naman hunters sa paligid. O siguro di sila iniexpect na maagang nandoon. "Si Raffy na ang bahala. Mamayang gabi yon, nandito na. May inaasikaso lang na kliyente. Makulit daw eh." She nodded. Inabot ni Kiel ang helmet sa kanya. Babalik nalang sila maya-maya. Wala silang magagawa ngayon. She was about to wear the helmet when she felt something off. May kakaiba. Hindi hunters. Wala siyang nararamdamang panganib. Pero pakiramdam niya may nakatingin sa kanya. "Tomjums na ako. Let's eat--Raven? May problema?" She winced. "Nothing. Let's go."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD