Chapter 10. Temptations

1584 Words
***************** Isabelle **************** Wala talaga siyang maintindihan sa nangyayari. Saka sino tong papalitan niya? Sister? Kapatid ni Pierre? "Isabelle." Tawag ni Alejandro. Umangat ang tingin niya dito. Doon niya napansing nakadikit na pala siya sa likod nito, nakakapit pa nang mahigpit sa tshirt na suot. Halos mapunit na nga niya. Napaatras siya tuloy at napabitaw. Kanina lang ay pinapalayo niya ito. Ngayon siya naman yung dumidikit. "Natakot lang ako." "I'll make sure he won't bother you again." Tumango naman siya at lumunok. Pakiramdam niya ang dry na nang lalamunan. Siguro dahil wala pa siyang kinakain o iniinom man lang. Ilang araw na yata. Di niya alam kung anong araw na ngayon. Wala sa tamang takbo ang body clock niya. "Umm." Lumalapit na naman si Alejandro. Naaamoy na naman niya. Pakiramdaman niya lalo siyang nauhaw. "Here's some clothes. I'm not sure if it will fit you." Sabi nito sabay abot sa kanya ng mga telang hawak. Parang pantalon yon saka blouse. Saka ilang underwear. Uminit tuloy ang pisngi niya dahil lace yon. Hindi pa siya nakakapagsuot nang ganoong klase. Nahahalayan kasi siya. "I'll get you a proper clothing once we get out of here." Wala naman siyang magagawa. Naalala niya na nakasuot lang siya ng t-shirt nito at wala nang iba pa. "The bathroom is by the end of the hallway. You can clean up anytime you want." Tumango siya uli. Di niya alam kung ilang araw na, baka nga naamoy na siya ni Alejandro. Kaya nga siguro pinaliligo na siya. "It's open. Don't worry." Pinapayagan siyang lumabas ng kwarto? Parang ngayon lang niya narinig na may kidnapper na ganoon? "Teka..." Tawag niyang nang napansin niyang aalis na ito uli. Tumigil naman ito at humarap uli sa kanya. "Ano ba talagang balak mo sakin?" Aniya. "Hindi mo na ba ako papauwiin?" "I can't let you go home. Hindi mo pa kaya ang sarili mo sa labas." Umiling siya. "Hindi ko maintindihan. Anong sa labas? Saka.." Bigla siyang nakaramdam ng hilo. Dala na nga siguro nung uhaw niya. "Isabelle?" Lumapit si Alejandro at hinawakan nang marahan ang pisngi. Pero hindi siya umatras gaya nung kay Pierre. Hindi niya maintindihan kung bakit di na siya natatakot dito. "You're hungry." Sambit ni Alejandro. Ewan ba niya kung bakit pakiramdam niya iba ang tono noon. Parang nag-aalala nga ito sa kanya. "O..Oo." Naalala nga niya niya, ni isang beses di pa siya nakakain ng kahit ano. Ni nakakainom man lang. Hindi nga niya alam kung bakit may lakas parin siya hanggang ngayon. Unti-unting bumaba ang kamay ni Alejandro sa leeg niya. Ramdam an ramdam niya yung init ng palad nito sa balat. "A-Alejandro?" Inangat niya ang tingin at nagsalubong ang mga mata nila. Di na niya magawang iiwas. Parang na magnet na siya ng tuluyan sa ganda ng mga yon. Halos sing kulay nang kay Pierre yung mga mata nito pero mas malumanay. Mas maamo. Pero unti-unti na yong nagbabago. Parang may apoy na tumutupok hanggang maging kulay pula. "Isabelle." Napalunok siya. Oo nagugutom nga siya. Pero pakiramdam niya, hindi na pagkain ang hinahanap ngayon ng katawan. Hindi niya mapaliwanag kung ano pero may gusto siya. "Drink." Napaawang ang bibig niya nang makita kung papaano kagatin ni Alejandro ang sariling pulso. Tumulo ang ilang patak ng dugo nito sa kamay. Lalong tumindi nararamdamang ang gutom. At uhaw. "Al--" Hinablot siya nito papalapit. Di na siya nakapalag nang siilin nito ang labi ng halik. Maiinit. Malalim. Naramdaman niya ang pagsalin ng likido sa bibig. Dugo. Dugo yon. Nalalasahan niya. Wala na siyang nagawa kundi lunukin lahat. Sa pagdaan ng dugo sa lalamunan lalo siyang nakaramdaman ng init. Parang tinutupok na rin siya. "Isabelle." Narinig niyang bulong ni Alejandro nang maghiwalay ang labi nila. Nakalimutan niyang magwala at magpumiglas na dapat ay ginagawa na niya ngayon. Hinalikan siya nito. Unang halik niya yon. Mali. Hindi tama. Hindi niya dapat hinahayan yon. Pero hindi na niya magawang tumanggi. Nawala na panunuyo ang lalamunan pero napalitan iyong ibang klaseng uhaw. Hindi niya maipaliwanag. Ang init. Bakit... "Perché si sta facendo questo a me," bulong ni Alejandro. Muling lumapat ang labi nito sa kanya. Mas marahas yon at mas mapaghanap. Hindi na rin niya mapigilan ang sarili na sagutin ang halik nito. Hindi niya alam kung paano. Hindi na niya kayang intindihin pa. "Alejandro," sambit niya nang bitawan nito ang labi at tumulay na ang mga halik sa leeg. Doon na niya napansing nasa kama na sila. Nasa ibabaw na niya ito habang nakayakap siya nang mahigpit. Napapikit pa siya nang maramdaman ang pagdikit ang mainit na katawan nito. Lalo siyang natupok. Pakiramdam niya may kailangan siyang abutin. "Please..." Halos hangin nalang ang lumabas sa bibig. Kusa niyang ibinuka ang mga binti para mapalapit pa ito. "Isabelle." Naramdaman niya ang pagtigil sa paghalik ni Alejando. Dahan-dahan itong umangat at umalis sa kama. "Forgive me." Napaupo siya at napayakap sa sarili. Nadala pa niya ang mga daliri sa bibig. "Bakit...bakit ko ginagawa yon?" Bulong niya sa sarili. Hindi lang yong halik. Muntik pa niyang maisuko ang lahat. "I lost control, I'm sorry... I took advantage of you, Isabelle." "Bak...Bakit--" Hindi na niya ito magwang tingnan sa kahihiyan. "It is not your fault. It is mine." Sambit nito. "Stay here." Utos nito bago lumabas at pagbasak na isara ang pinto. ********************Raven*************** "Dammit." Victoria told her to wait but it's been days. Kagabi wala parin itong dalang balita maliban sa tuluyang paggaling ni Dominic. She's busy at something. Ayaw ipaalam sa kanya. But she had a hunch that it was the drug problem sa territoryo nito. Hindi na siya nagulat dahil nakikita na niya yon dati pa. Kung bakit kasi hindi pa inasikaso noon! She can't stay here like this, she thought. Naiinip na siya. Hindi siya makakapaghintay. "Raven, ok ka lang?" Dinig niyang tanong ni Kiel. Kampante lang itong nasa couch at nanonood ng TV. Nakapambahay pa. Nakashorts saka naka white tshirt na maluwag. Dammit. He looks relaxed. Parang wala talagang paki. "I am not. Do you know how long we've been here?" "Di ko lam. Mga dalawa, apat na araw palang?" He's hopeless, she thought. Apat na araw nang nawawala si Isabelle. She is losing all the hope she'll ever find her alive. At least alive. Hindi niya mapapatawad ang sarili kung may mangyari nga dito. "Wag ka nang mag-alala. Sabi ni Vicky siya na bahala satin diba? Relax ka muna." Naglabas na naman ito ng sigarilyo at nagsindi. He's treating this like some sort of vacation. Napairap siya. "I'm going out." Aniya. Pumunta siya sa kwarto at nagmadaling magbihis. May mga damit siya doon, minsan doon siya nakikituloy kapag wala si Isabelle sa apartment. Hindi siya mapakali kapag wala siyang kasama sa isang lugar. Kaya din siguro hinahayaan ni Victoria na tumuloy ang hunter na yon dito. "Prinsesa, paalala," sambit ni Kiel. Nakatayo na ito sa may pintuan at nakahalukipkip. "May bounty ka parin sa ulo mo. Hindi ba dapat inaalala mo rin yon?" She sighed and stepped back. She can take Victoria's suggestions. Umalis ng bansa at magtago uli. Or she can go back to her father, which is not her plan and will not do, definitely not in a thousand years. Pero si Isabelle. She can't just leave her behind. "I will find Isabelle myself." Aniya. Nilagpasan niya si Kiel at lumabas nang kwarto. Sinundan naman siya ito nang tingin. "Hey..." "Stay if you want, si Vicky na yata ang bago mong amo ngayon." She said. She find it irritating na si Vicky ang sinusunod ni Kiel. Sila naman ang may deal. "Teka." She felt her hand on her arm. Mabilis siya nitong pinaharap. "Nagseselos ka na ba kaya ka ganyan?" "f**k off." How dare he accuse her like that?! Bakit siya magseselos kay Vicky? Who do he think he is? Ngumisi si Kiel. "It shows. Pero ang gusto ko lang sabihin, mas safe ka dito. Mas mahihirapan kami kung pati ikaw mawawala din." "What?" "Wala ka namang lead. Hindi mo naman alam kung saan mo siya hahanapin." Sagot nito. Well he's right. Dammit. Lumayo si Kiel. May kinuha ito sa may lamesa saka inabot sa kanya. Newspaper. "Nung isang araw pa yan. Yung tungkol sa sunog ng apartment nandyan." Sabi ni Kiel. Binuksan naman niya yon at binasa. It was declared as an accident, which is iyon naman talaga ang gusto nilang palabasin. Pero agad niya ding nabasa na may isang narecover doong bangkay ng babae. "Wait...they thought Isabelle died on that fire?" Malamang yung babaeng hunter ang napagkamalan. "What about the others?" "Si Raffy na ang gumawa ng paraan. Natapalan na yung mga nag-recover doon." "So what now?" Hindi niya alam kung makakatulong yon sa paghahanap sa kaibigan. "Nakaburol ngayon yung Isabelle sa probinsya nila. Nandoon si Raffy, inoobserbahan kung anong nang nangyayari. Wag ka nang mag--" "Pupuntahan ko." Putol niya kay Kiel sabay talikod na. Kinuha na niya ang boots at jacket. "Sira ka ba? Maraming mga hunters doon. Ini-expect nilang nandoon ka." Sumunod naman si Kiel. "That's good right?" aniya habang nag-aayos. "I can ask them personally where Isabelle is." Posibleng kung sino mang may hawak kay Isabelle, siguradong makikibalita doon. And she's been fed now. She can fight. She knew she can handle those hunters. "Ask? Anong gagawin mo--" Sabi ni Kiel. Tapos umiling. She can feel the frustration in his voice. "Padalos-dalos ka talaga, no?" "Whatever. I can do this by myself, Hunter." "Sa tingin mo hahayaan kita?" Humarap siya dito at humalukipkip. Nakita naman ang pagbuntong-hininga nito. "Wait. Kukunin ko lang yung susi ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD