********************Raven***************
"Sigurado ka ba dito, Raven?"
Tumango siya kay Kiel.
"Just hide your gun and pretend like your a nobody." Utos niya bago sila pumasok sa loob.
Which was quite difficult.
Kiel walks like a runway model. Full of self confidence and all. He even looked like one. Parang nagkaroon siya ng doubt kung hunter nga ba talaga ito.
Mabuti at ilang empleyado lang naroroon. Pero kahit na, di parin maalis sa mga tao ang tumingin dito.
"Follow me." Sabi niya.
Tumuloy sila sa private elevator para umakyat sa top floor. Andoon ang kailangan niya.
"Kiel, no matter what, wag mo akong pipigilan. And don't let anyone interfere."
"Copy that. Sino ba sadya natin dito?" Tanong ni Kiel.
"Victoria Rosales."
"Diba CEO ng pharmaceutical company yon?"
Tumango siya. She's starting to get known, she thought. "My aunt. Her true name was Victoria du Soliel."
Si Victoria ang kasalukuyang may hawak ng teritoryo nila sa Manila. Ito rin ang ang nag-momonitor ng mga katulad nila na pumapasok dito. Posibleng may alam ito sa nangyayari ngayon, kung bakit siya hinahanap ng mga hunter. At maliban kay Dominic, ang babaeng yon lang naman ang may alam kung nasaan siya.
"Akalain mo, bampira pala yon."
Napatingin siya kay Kiel na kunot ang noo. Like her, Victoria's hiding her true identity. Tao ito sa panlabas. And she just exposed her. Sa isang hunter talaga.
"Young Miss, welcome back," bati ng isang babae nang makasalubong siya paglabas ng elevator. Kilala niya ito, isa sa mga tauhan ni Victoria doon.
"Est votre maîtresse ici?" She asked. Napatingin muna ang babaeng yon kay Kiel bago tumango. Parang nagsisisi tuloy siyang isinama pa ang hunter na yon.
"Yes, she is here, mademoiselle." Sagot na nang babae.
"Good." She said. Nilagpasan niya ito at tuloy-tuloy naglakad papunta sa isang malaking pinto.
"Victoria!" Sigaw niya agad pagbukas.
Nadatnan niya ang babae na nakatayo sa harap ng malaking monitor na halos sing laki ng dingding ng opisina.
Her name and her picture was on the screen. Kitang-kita niya.
Dammit.
Ngumiti naman si Victoria nang humarap.
"Angel--" Hindi na nito naituloy ang pagbati nang naglock na ang isang kamay niya sa leeg at pwersahang sinandal sa monitor.
"F*ck it, Vicky. Ikaw lang ang may alam kung nasaan ako ngayon! Nadamay ang kaibigan ko ng dahil sayo!"
"Raven akala ko kakausapin mo lang?" Saway ni Kiel sa kanya. Hindi naman ito kumilos at nanatili lang na nakatayo sa likuran niya.
"Shut up." She hissed.
Bumaling uli siya kay Vicky. Pilit na pumipiglas ang babae sa higpit nang pagkakasakal. Alam niyang hindi na ito makahinga. "H-hindi ko--"
"We had a deal, Victoria! Na walang makakaalam na nandito ako! And you f*****g broke it!" The screen flickered till it died. Nadinig pa niya ang pag-c***k nito.
"Put here down, Rave!" Sigaw nang pamilyar na boses.
Si Dominic, hindi niya inaasahang nandito rin ito ngayon. Ramdam niya ring may nakututok na baril sa kanya.
"I said let her go!"
"Not so fast." Si Kiel naman ang sumabat. Nakatutok na din pala ang baril sa sintido ni Dom.
Good. He's doing his job, she thought.
Binitawan niya si Vicky. Bumagsak ito sa sahig na hinahabol ang hininga. "Who put the bounty on my head, Victoria?"
"Y-yung Daddy mo…siya...siya."
"My what?"
Pinilit ni Victoria na tumayo. Inayos niyo ang sarili at ang gusot ng kwelyo ng blazer. Sinuklay ang blonde nitong buhok bago tuluyang humarap.
"I didn't tell him where you are. Someone did but definitely not me. Why would I do that? Mapapahamak din ako."
Huminga siya nang malalim para mapakalma.
"Oh my goodness. Mag-ama nga kayo. Mahilig magpagpadalos-dalos." Sambit ni Vicky. "Dominic dear, drop your gun, please. Kalmado na si Angie."
"Kiel. Ibaba mo na nga yang baril mo." Utos naman niya.
Sabay naman ang mga itong nagpaba ng baril. Ngumisi lang si Kiel at kumindat pero si Dom ay masama parin ang tingin.
"Kanina ko lang nalaman. Dominic even tried to find you pero di ka na mahanap sa bar. Your apartment was in flames and we even thought you died." Sambit ni Victoria. Inunat nito ang leeg at ngumiwi.
"Have you been fed? Medyo malakas ka ngayon."
Napatingin ito kay Kiel at tumaas ang kilay. "Oh, I see. You even brought a snack."
Inirapan lang niya ito. Wala siyang panahon para patulan pa ang kung ano mang naiisip nito ngayon.
"What is happening, Vicky?"
"A bounty for your head has been posted, my dear. None other than the King himself." Sabi nito sabay lingon sa pader
"Did you just break my screen? That's the third time, Angie. Pagpabayarin na kita sa susunod."
Napailing siya. Hindi niya kasalanang madali yong masira.
"Why would my father do that?" Anong bang gusto noong mangyari? Ang alam niya, tinakwil na siya nito.
It's been decades since she last saw him. Wala na siyang alam sa nangyayari dito. At wala rin siyang pakialam.
"What? He's your father. He's probably missing you or something." Sagot ni Vicky sa kanya. "And thank the gods that he did that. Mas malala kung siya mismo ang pumunta dito para kaladkarin ka pauwi. Madadamay ako."
Marahan itong naglakad papunta sa isang malaking desk na naroon at umupo sa upuan. Parang hindi man lang ininda ang ginawa niya kanina.
Hindi na katakataka. Victoria was one of the oldest vampires, and probably one of the strongest in her prime. Kung ginawa niya iyon a hundred years ago pa, may kakalagyan siya.
"May sinasabi kang kaibigan kanina sino doon?" Tanong uli ni Vicky. Inopen nito ang laptop at sinimulang magtipa. Napansin niyang tumitingin-tingin din ito kay Kiel. Mukhang inoobserbahan.
"Si Isabelle, nawawala. May kumuha sa kanya."
"Oh, that pretty one. Yung roomate mong bago." Sabi ni Vicky. Nagkibit-balikat lang ito. "It might be those pesky hunters who's after you. Your address was posted here. I happen to stumble on their site on the deepweb."
So that's the display was about.
"No, they're not. Ask one yourself." She said. Ininguso niya si Kiel. "He's one of them."
Napatayo si Vicky sa upuan at napaawang ang bibig. Naalarma din si Dominic na nilabas na uli ang baril.
"Niña ingrata! Sinasabi ko na nga ba, pamilyar yang isang yan." Sigaw ni Vicky. Her accent is showing, halatang pinanganak sa Spanish era talaga. "Bakit ka nagdala ng kalaban dito?!"
Nagtaas lang ng kamay si Kiel. Mukhang hindi ito natinag sa nangyayari, walang pakialam kahit pa inilantad niya.
"Hindi ako kalaban." Sabi pa tapos ngumiti. A little friendly though, she thought. "Nice to meet you. Fan yung kapatid ko ng skincare niyo."
"Oh. Really?" Sambit naman ni Vicky na biglang nagbago ng mood. Tapos bumaling uli sa kanya. "He's--"
"Don't worry about him, Vicky. He's harmless until I said so." Aniya. "Now, you'll going help me find Isabelle or I'll exposed everything that you're doing to the High Council."
"Seriously?" Tumawa lang ito. "I, Victoria du Soliel is being blackmailed by my little niece."
"I do."
Napatigil naman ito. Ramdam siguro na seryoso siya.
She knows Victoria's business. The legal front and the not so legal. She even knows all the experiments that she's doing. Lahat yata ng bawal sa batas nila at sa batas ng mga tao, ginawa na ng babaeng ito. Hinding-hindi yon mapapalampas ng High Council nila kahit pa sa isang noble blood din.
"Okay! Okay fine, I promise. I'll find your friend. Just zip it!"
Ngumiti siya.
"Problema ko din kung magkakalat ka pa. Julien will kill me if he finds out that I'm keeping his prodigal child." Tuloy na sabi ni Victoria.
"Exactly." Aniya.
Victoria's been helping her since she arrived here. Ito ang nagbigay ng bagong identity sa kanya para mabuhay sa kasama ng mga tao. Para makapagtago. But of course may kapalit yon na lalong hindi magugustuhan ng ama.
"I'll just send some men to get information where to find her."
"That's not enough." Humalukipkip siya. Kung mga tauhan lang nito ang kikilos, matatagalan pa. May naisip na siya kung paano ito mapapabilis. "Offer a reward for her. Twice as my father offered for me."
Naramdaman niyang yumukod si Kiel sa tabi niya. "That's not a good idea." Bulong nito.
Alam niyang balewala din yon dahil tatlo silang bampirang nandoon. Masyado pa iyong malakas para hindi nila marinig.
"Yes, makinig ka sa hunter mo. I can't do that." Sabat ni Vicky na nakatitingin na sa kanya.
Weird, she thought. Four million won't even give her a pinch.
"Vicky…you just gave your word." Si Dominic na ang pumuna dito. Tinago na nito ang baril at umiling. Lumapit pa ito at tinapik siya sa balikat. "Don't worry, Rave. We'll find her."
"No! My goodness, Dominic! I am filthy rich but I won't spend four million dollars for a human!"
"Wait....what do you mean?"
Inikot ni Victoria ang laptop. Doon niya nakita ng buo ang naka display sa malaking screen kanina.
Her face. And underneath was the two million bounty if she they can catch her alive.
Napalingon siya kay Kiel para kumpirmahin yon. "Is that...in dollars?"
"Yeah. Akala ko alam mo." Sagot lang nito habang nakapamulsa. Kaya pala ganoon nalang ang effort mga hunters na yon kung para makuha siya.
In dollars. Yes, that was worth a bunch.
"Even if I do that, my little niece, these hunters will think she's someone important. Then they'll ask for more. Ganoon yon." Dagdag ni Vicky. "Tama, Mr. Hunter?"
Tumango si Kiel.
Napangiwi siya. She brought him here para may kakampi, and then there he is siding with Vicky.
"And it could be someone else who took her, baka nga hindi hunter ang may hawak sa kanya."
Napakunot ang noo niya. Wala na siyang ibang maisip pa.
Unless..
No please. Not him. Anyone but him.
Dammit.
"Alejandro was here, too. Raven." Napalingon siya agad kay Dominic.
Alejandro?
"He was at the bar last week and..." Tuloy na sambit nito.
Napakuyom ang kamao niya. "And why didn't you tell me that?"
"Sino 'tong Alejandro?" Sabat ni Kiel.
"Shh, hunter, shut it. Don't say that name." Dinig niyang saway ni Vicky.
Napatayo pa ito sa kinauupuan at nilapitan na siya. "Angie, dear. Calm down..please....your eyes..."
Calm down my ass.
Mabilis niyang sinugod si Dominic. Pero bago pa tuluyang maputol ang leeg nito ay may humila na sa kanya pabalik.
"Let me go, Kiel!"
"Hold her, hunter!"
Naramdaman niya ang isang karayom na bumaon sa braso.
Poison. She knew it was was poison.
Unti-unting nanigas ang katawan. Hindi na siya makagalaw, ni makahinga. Bumibigat na rin ang mga mata niya.
"Tranqs, dear. You'll need this."
Victoria!