********************Raven***************
Sumilip si Raven sa maliit na bintana.
Umaga na at mainit na ang araw. Isang motel na mumurahin ang tinulyan nila ni Kiel ngayon. Kakilala daw nito ang may-ari noon kaya sigurado itong ligtas.
Napabuga siya ng hangin. Di niya akalaing napakalaking problema ang kakaharapin.
Nasunog na ang apartment. Wala na siyang mauuwian. Natupok iyon nang binuksan ni Kiel ang tangke ng gasul at pinasabog.
Mabuti na yon at aakalaing aksidente ang nangyari. Nag-aalala lang siya kung pano maiisplika ang mga bangkay ng hunters na nasa loob noon.
Hindi niya alam kung nasaan si Isabelle. Kung sino ang may hawak sa kaibigan niya. Nag-aalala na rin siya sa kalagayan nito.
Ang sabi ni Kiel wala naman daw balita na nakuhang babae ang mga kasamahan niya. Kung meron man, ilulutang nang mga iyon si Isabelle agad para mapalabas siya.
"Dammit." Napakagat siya ng labi sa inis.
Apat na taong tahimik ang buhay niya. Walang nakakaalam na bampira siya, lalo na si Isabelle. Maiingat siya at walang pinapasok na gulo kaya hindi niya maisip kung sino ang may pakana nang lahat ng nangyayari.
Nadinig niya ang pagbukas ng pinto nang banyo. Kumalat ang magkahalong amoy nito at nang sabon at shampoo.
Napakusot siya ng ilong. Hindi naman dahil sa hindi kaaya-aya ang amoy noon. Masyado lang ito talagang mabango para sa kanya.
"Yes Raffy, buhay pa ako. Oo kumain na rin ako." Sambit ni Kiel. Hawak nito ang cellphone at alam niyang babae ang kausap. Nadidinig niya. "Magkita nalang tayo. Uuwi din ako diyan."
That could be his girlfriend, or his wife, she thought. Kanina pa nito kausap iyon.
Napangiwi siya. Naalala niya yung halik.
He have a wife and he kissed her.
"Damn him."
"Di ba dapat nagpapahinga ka, Raven? Tanghali na, ah?"
"Not sleepy." She said. Napansin niya na may pasa si Kiel sa mukha. May malaking gasgas din sa ulo. Mukha namang di malala.
Binaba nito ang cellphone at nagkukusos na ng basang buhok. Nakapantalon naman pero walang pang-itaas.
Hindi niya alam kung kasama sa trabaho yung pagpapakita nang katawan. Hindi siya naman nagrereklamo.
He's hot, she thought. What a glow up. Ayaw niya nang may sabit pero wala namang masama sa pagtingin.
"You like what you see?" Sabi pa nito nang nakangisi. Napansin yata ang pagtitig niya.
"Yes, very much." Prangka niyang sagot. Lumapit siya dito at humalukipkip. "Why are you helping me, hunter?"
Oo nga't naghahabol sila nang oras, importante ding malaman niya ang totoong agenda nito. He might be pretending to help her. Tapos ilalaglag din siya sa huli.
Ganoon naman talaga ang mga tao. Expect those few people including Isabelle.
"Sabi ko nga, marunong akong tumanaw ng utang na loob." Ulit lang ni Kiel.
Umalis ito sa kinatatayuan at nilagpasan siya. Pumunta ito sa lamesa tiningnan ang mga gamit na andoon.
She saw a lot of jagged scars on his shoulders. Surgical scars? Gunshot wounds? Hindi siya sigurado. Mukhang may pinagdaanan itong matindi noon. That makes her more curious.
"Lam mo kasi nung gabing napasama ako sa holdapan, may dengue yung kapatid ko. Si Raffy, yung kausap ko kanina."
Kapatid?
She bit her lip. Kapatid pala.
"Wala naman kaming pambayad sa hospital. Salamat ha, dahil doon sa pera nadugtungan buhay niya." Tuloy na kwento ni Kiel. Lumingon pa sa kanya at ngumiti.
"Kaya nangako ako sa sarili ko na pag nagkita tayo uli, babayaran ko ng buo ang utang ko."
"I don't need that money, Kiel."
Ngumisi lang ito. Humakbang pa papalapit.
"Alam ko. Kaya sa ibang paraan nalang." Sabi nito.
"Nung lumabas yung bounty para sayo, nandoon yung picture mo sa file. Nakilala kita agad. Alam kong ikaw yon. Kaya hindi ako nag-atubiling hanapin ka. Alam kong nasa panganib ang buhay mo kaya itong serbisyo ko nalang ang bayad sa utang na loob ko."
Tumango siya. He was telling the truth, she can sense it. Sa ilang dekada niyang nakikisalamuha ang mga tao, napag-aralan na niya kung nagsisinungaling ito o hindi.
Though it wasn't enough to convince her. Ramdam niya paring may tinatago pa ito.
"Will you....Will you help me further, then?" She asked him.
She can't be that choosy, though. Kailangan niya talaga ng tulong. Kumbaga sa kasabihan ng mga tao, kapit sa patalim.
Tumango si Kiel at lumapit pa sa kanya. "Anong maipaglilingkod ko, prinsesa?"
She sighed. Dumistansya siya papalayo. His scent is overwhelming, baka kung saan mapunta iyon.
Pero humakbang ito uli papalapit.
"Handa akong..."
"f**k off. Not that kind of help, Hunter. I don't want that." She hissed. Ramdam na niya ang gustong ipahiwatig nito.
"Oh, talaga?" Yumuko ito at marahang hinaplos ang pisngi. She can feel his hands are rough but so gentle.
"Parang hindi naman kagabi," sambit nito.
She can't help but sigh. Ni hindi niya ma-esplika kung bakit niya ito hinalikan. There's something on him that made her do it.
"Pwede naman nating ituloy."
Yes. Tempting but not today.
"Si Isabelle. Kailangan kong makita ang kaibigan ko." Mariing sambit niya.
Kiel is a hunter, at sa tingin niya marami itong connection. Kailangan niya iyon.
"Tulungan mo akong maibalik siya nang buhay at maayos ang lagay."
Ngumisi uli si Kiel at lumayo na.
Sa wakas.
Napabuga siya nang hangin.
Umupo ito sa sofa at naglabas ng sigarilyo. Dinala iyon sa bibig at sinindihan. "Very specific, gusto ko yan. Pero siyempre--"
"Name your price, Hunter."
Bumuga ito ng usok. "Makulit ka din. Sabi ko nga di ko kailangan ng pera mo."
Hindi siya naniniwala doon. "Everyone has a price." She said.
Tumawa lang ito nang malakas. Napailing pa. "Sigurado ka? Baka di mo kayanin presyo ko."
Hindi siya nagbibiro. She'll give everything she have just to save Isabelle. Hindi na kakayanin ng konsensya niya na may mapahamak pang inosente dahil sa kanya.
"We vampires honor our deal with our lives. Kahit magkano ibibigay ko masigurado lang ang kaligtasan ni Isabelle." Aniya.
"Kahit ano?"
What else does he want? " Yes. Deal?"
Ngumisi si Kiel at naglahad ng kamay.
"Deal."
***************** Isabelle ****************
Madilim ang paligid.
Nakikita niya ang babaeng nakaputi na tumatakbo papalayo. Parang sumasayaw sa hangin ang itim at mahaba nitong buhok. Kasabay noon ang tunog ng mga lagaslas ng d**o na naapakan nito.
Nakita niya itong bumagsak sa lupa. Umiiyak. Humihingi ng tulong.
"Tama na, nakikiusap ako. Pakawalan mo na ako."
"Are you awake now?"
Napakislot si Isabelle nang madinig ang boses. Hindi niya alam kung parte pa ba nang panaginip niya iyon. Pero parang hindi.
Isang mahinang yugyog naman ang naramdaman niya. Napangiwi siya.
"Rave, maaga pa.." Tinabig niya ang kamay nito at umiba ng pwesto.
"Miss, are you awake."
Marahan niyang inimulat ang mga mata. Kumurap-kurap pa para masiguradong gising na talaga.
Isang mukha ng gwapong lalaki ang bumungad sa kanya. Matangos ang ilong saka malalim yung mga mata na mala-ginto ang kulay. Mapupula din ang mga labi. Siguro masarap din yong i-kiss?
Ngayon lang niya nakita pero parang pamilyar. Napaka-pamilyar.
Pati yung amoy nito. Amoy masarap...
"Jusko!"
Napabalikwas siya ng bangon. Napatingin sa paligid pagtapos noon.
Hindi iyon ang kwarto niya. Hindi din siya pamilyar sa lugar.
Mukhang kapanahunan pa ni Rizal, kahoy ang dingding at sahig, capiz ang bintana. Vintage na vintage ang hitsura. Mukhang mas matanda pa ito sa bahay nila sa probinsya.
"Paano--" Doon niya naalala ang lahat. May lalaking nagsakay sa kanya sa kotse galing sa apartment at dinala sa kung saan.
"Are you alright? How do you feel?"
Napatingin siya uli sa lalaki. Nanlaki ang mga mata niya nang maalala ang lahat.
"Yung kidnapper! Yung gwapong kidnapper na amoy kanin!" Gustuhin man niya yong isigaw pero walang lumabas sa bibig dahil sa pagkakabigla.
"Are you alright?" Tanong nito uli. "Do you feel cold? Please tell me."
Cold?
Napakapa siya sa damit. Napansin niyang di na niya suot ang paboritong pink na pajama. Napalitan na ito ng puti at manipis na nightgown. Halos kita na ang kaluluwa. Wala din siyang panloob.
"Walang-hiya ka! r****t! Kidnapper!"
Napatayo siya sa kama at pinagbabato ang lalaki nang kahit anong maabot ng kamay.
"Ba't wala na akong panty! Isusumbong kita sa tatay ko! Bad ka! Ni-r**e mo ako! Iniingat-ingatan ko ang virginity ko tapos ganito! Ibibigay ko dapat iyon sa prince charming ko!"
Kahit pa mukha itong prinsipe, hindi niya pwedeng ibigay yon ng ganoon-ganoon nalang.
"Wait!" sigaw ng lalaki habang iniiwasan nito ang bawat maibato. "Calm down!"
"Calm down? Anong calm down?!" Binato niya dito ang unan. Isa pang unan. Maliit na unan. Kumot. Lampshade. Vase.
Walang-hiyang mokong na to ang galing umiwas!
"Stop!" Biglang sambit nang lalaki. Nasa tabi na agad niya ito. Hawak na ang nakataas parin niyang mga kamay.
"Pa--paano?"
"Stop before you hurt yourself." Malumanay na nitong sambit.
Kinuha nito ang bagay na hawak-hawak sa mga kamay. Ibinaba iyon nang marahan. Pero nadinig parin niya ang malakas ng pagtunog nang lumapag sa yon sahig.
Isang lamesa. Isang napalaking lamesa. Mukhang gawa pa iyon sa matibay at makapal na kahoy. Mukha ring mabigat.
Napanganga siya. "Pa-paanong..Paano ko nabuhat yan.. Paano mo din nabuhat? Hala...."
"It's ok. It's alright. Calm down." Dahan-dahan siyang pinaharap ng lalaki. "I didn't do anything. I promise."
Tiningnan pa siya mula ulo hanggang paa. Tapos ay noon bumuntong-hininga.
Hindi siya makapag-react agad. Hindi niya alam kung anong nangyayari.
Napahawak siya tenga nang may marinig na malakas na ugong. Parang binibiyak noon ang ulo niya.
Napaluhod siya. "A-aray...Ano..."
"Are you alright?" Naalalayan naman siya nang lalaki bago siya bumagsak.
Bakit ganoon? Bakit parang siya lang ang nakakarinig.
"Ma...Masakit." Napapikit siya nang mariin.
Para siyang nakakakita nang liwanag. Tapos may malakas na malakas na busina. Tapos noon ang tunog nang nayuyuping mga bakal.
Naalala na niya. Naaksidente sila. Nabangga sila ng kasalubong na truck dahil nanlaban siya sa lalaking ito.
"Patay..Patay na ba ako?" Gulong-gulong tanong niya.
Kaya siguro siya nakaputing nightgown dahil white lady na siya. Pero napakaimposible noon dahil di naman siya maputi.
"No. Not yet.." Bulong nang lalaki. "I changed you."
Napakapit siya sa ulo. Lalong sumasakit. "A-ano?"
Nakita niyang umiling ito. "You should rest first."
"S-sino ka ba?" Hindi na siya nakapagprotesta pa nang marahan siya nitong binuhat, dinala uli sa kama para doon ihiga.
"Alejandro de Valerius."
Unti-unti siyang napapikit. Hinihila uli siya nang antok.
"Forgive me, Isabelle."