********************Raven***************
Angelique du Soliel
Even her own kind won't mention her name that casually. And she never thought she would hear that from a hunter.
Ang tagal na niyang kinalimutan ang pangalang yon. Tinalikuran na niya ang lahat. Ang buhay niya, pati na ang sariling pamilya.
Living with humans are far more easier than living with her own kind. And the fact that she was one of the pure bloods, a princess to be exact, alam na alam niya yon.
Masyadong kumplikado. Masyadong maraming problema.
"Seryoso? Ang ganda ng pangalan mo, bakit Raven ang ginagamit mo? Ang dilim pakingan." Sabi pa ni Kiel sa kanya habang nakaangkas siya sa motor nito. His voice muffled by the helmet, pero halata niya ang kuryosidad.
"Tapos ang alam ko, nakatira kayo sa palasyo. Ba't ka umalis doon?"
"Just. F*cking. Drive." Naiirita na siya sa kakasalita nito. Hindi naman sila makakapag-intindihan dahil nasa byahe.
Di parin siya makapaniwala sa sarili na sumama dito, kung bakit niya tinatanggap ang inaalok na tulong. Ang mahalaga lang sa kanya ngayon ay si Isabelle.
She's so worried about her now, baka na paano na yon. Sinubukan pa niyang tawagan kanina pero walang sumasagot sa phone.
Ilang minuto pa, narating na nila ang apartment na tinutuluyan. Tahimik ang paligid doon. Madilim parin. Walang bakas ng mga hunters.
"Mukhang nauna tayo." Sabi ng kasama niya.
Sana. Sana nga.
Pero bago pa man sila nakalapit napansin niya ang bukas na bukas na gate. Iniwan niya iyong nakalock pag-alis. Sinigurado niya lagi iyon. Kahit naman alam niyang ligtas ang inuupahan dahil nasa loob ito ng isang subdivision, hindi niya hahayaang nakabukas iyon ng ganoon nalang lalo na't mag-isa lagi si Isabelle kapag gabi.
Tumuloy-tuloy siya sa papasok sa loob. Lalo siyang kinabahan nang nakitang nakabukas din ang pinto.
"Isabelle?"
Mabilis niyang hinalughog ang bawat sulok ng bahay. Wala siyang nadatnang tao. Wala rin ito sa kwarto.
She even left her phone on the table. Kaya pala walang sumasagot.
"Isabelle?!"
Dammit. Kasalanan niya talaga ito. Hindi na nya mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama sa kaibigan.
"Isabelle!" Tawag niya uli. "She's not here! Where the hell is she?!"
Naramdaman niya ang mahinang pagtapik sa balikat niya sa gitna nang paghahalughog.
"Walang forced entry sa tingin ko." Komento ng hunter. Umiikot din ang mata nito sa paligid. Inoobserbahan ang bawat sulok. "Di naman kaya naglayas yung kasama mo dito. Sumama sa boyfriend? Nagtanan?"
"She don't have one." She said. Wala naman itong ibang kakilala doon. Wala siyang alam na boyfriend nito.
"Dammit…" Napasapo siya sa ulo. "Look Kiel, it's obvious that someone took her! Hindi naman yon lalabas nang ganitong oras."
He grumbled. She swore she saw him smirked a little.
Nagpapanic na siya sa lagay ng kaibigan, nagagawa pa nitong ngumiti nang ganoon.
"Eh ano naman gagawin mo kung sakaling nandito pa nga siya. Hindi niya alam hindi ba? Sasabihin mo na ba sa kanya kung ano ka?"
Napatigil siya.
Hindi. Hindi nga niya alam ang gagawin.
Unang-una, siguradong hindi siya papaniwalaan ni Isabelle. Pangalawa, kaya niya hindi rin niya sinabi dito ang lahat na hindi siya tao dahil may batas silang sinunod.
She either die or be like them if they found out what they are. Parehong ayaw niyang mangyari.
Napansin siyang mga maliliit na pulang ilaw na gumagalaw sa dingding. Naramdaman na niya ang mga tao sa paligid.
"Baba!"
Sunod-sunod ang putok ng baril ang kasunod noon. Nagliparan ang basag salamin ng bintana at mga parte ng sirang gamit sa loob ng apartment.
"Nasundan nga tayo!" Sambit ni Kiel. Malutong na sunod-sunod mura ang pinakawalan nito. Hawak siya nito sa batok. Pilit siya nitong pinapadapa sa likod ng sofa.
"Clear." Nadinig niya ang boses ng isang lalaki ng tumigil na ang mga putok. Isa iyon sa mga mga lumusob sigurado siya.
Unti-unting lumalapit ang mga ito.
Naglabas na ang hunter ng baril mula sa holster nito sa likod.
"Dito ka lang. Ako bahala."
"You're with them?" She asked. They are being surrounded. About ten of them, with high caliber guns.
"Hunter sila pero di ko kasama. Mga iskalawag yang mga yan." Sagot naman ng kasama.
Tumango siya. "Three in the left. Sa may bintana."
Humapdi ang kanang braso niya. May tumagos na isang bala doon, hindi niya napansin agad. Naamoy na niya ang sariling dugo.
Not good, she thought. Mukhang di na siya makakatulong ngayon. Ang mgagawa lang niya ay ituro kung saan nagtatago ang mga yon.
"Two near the gate. Papasok na."
"Ok." Sagot naman ng hunter sabay tango. Mabilis itong kumilos at nagpaputok ng baril. Headshot ang mga tama ng mga yon.
Impressive, she thought. Dalawa nalang sa kaliwa.
Nilingon pa siya nito nang yumuko uli.
"Tangina, may tama ka?! Ba't di ka nagsasalita?!"
"Wala ito, nasa bintana, dalawa." Aniya sabay ngiwi. Medyo masakit na nga iyon.
Dalawang magkasunod na putok ang pinaputok nito. Both hunters were dead.
"Huy, okay ka lang?" Tanong ni Kiel uli sa kanya.
"Sa bintana sa left!" She hissed. He's getting preoccupied.
The door besides her exploded. Nakarinig siya ng sunod-sunod pang putok ng baril bago pa siya nakayuko.
She didn't see it pero nakarinig siya nang mga kalabog at pagbasag ng ilang gamit sa isang tabi. Kiel is fighting someone, malayo na sa kanya.
"Kiel!" She gasped. Naamoy niya ang dugo nito.
"Where the hell--Ah--!"
May biglang humila sa buhok niya patayo. Naramdaman niya agad ang malamig na bakal sa sintido. Baril iyon na nakatutok.
"Six-four-eight!" Sigaw nang humahawak sa kanya. Babae ito pero malaki ang pangangatawan. Matangkad. Nakita pa niya ang niya ang pagngisi nito nang humarap sa kasama niya.
"P*ta, bitiwan mo sya!" Sigaw ni Kiel nakatutok na ang baril nito sa hunter.
She saw his face a bit bloodied and bruised. May sugat ito sa kamao. Hinahabol din ang hininga.
"Heh, di mo kami mauunahan, traydor ka. Akala mo mauubos mo kami?!" Nadidinig niya ng t***k ng puso ng hunter na humahawak sa kanya. Alam niyang handa itong pumatay. Wala siyang nararamdamang takot.
This is not good.
"Nasaan na ang bampira o mamatay ang syota mo!"
Seriously? She didn't know it was her?
She smirked at Kiel. Mukhang naintindihan naman ng hunter ang gusto niyang sabihin kaya binaba na ang baril.
"Bahala ka."
Mabilis niyang hinawi ang kamay ng babaeng hunter. Dinig na dinig ang pabali ng buto at pagpunit ng laman nang pilipitin niya ang braso nito para mabitawan ang hawak na baril.
Napasigaw ito sa sakit pero agad din tumahimimik nang bumaon na ang mga pangil niya sa lalamunan nito.
She was so hungry. Dahil na rin sa tama ng baril, kailangan niya ng mas maraming dugo. Halos maputol na ang leeg ng babaeng sa tindi ng pagkakagat niya.
She can feel the blood in her veins now. Nawawala na ang sakit ng sugat niya nararamdaman na niya ang pagaling.
Binitawan na niya ang babaeng hunter nang matapos siya. Hinayaan nalang niya itong bumagsak sahig.
She eyed on her hunter. Nakatitig lang ito sa kanya. Nakatulala.
Lumunok siya. "Well?"
"Sanay na ako dyan." Agad itong lumapit at pinunasan ang mga natirang patak ng dugo sa pisngi. Tiningnan pa nito ang brasong may sugat kanina.
"Yung tama mo? Ok ka na?"
Umangat siya nang tingin.
Bumilis ang t***k ang puso niya. There's something about him, but she wasn't sure what that is.
"Ok na. I'm ok." Kakainom lang niya ng dugo, epekto lang yon noon, naisip niya.
Her senses is on high again. All of it.
"You?" She asked. Namumula ang pisngi nito. May dugo ding umaagos sa noo nito.
"Ah, ito. Galos lang. Malayo sa bituka."
She nodded. "Fix it then."
Not that she care. Naaalibadbaran lang siya sa dugo nito.
Napalingon siya sa labas nang madinig na nagsisigigawan ang mga tao.
Nagambala malamang ang nga kalapit bahay sa mga ingay ng baril dito. Alam niya nay tumawag na din ang mga pulis.
Malaking gulo ito. Hindi pwedeng kumalat.
"Can you do something about this?"
She knew hunters are capable of cleaning up a mess like this. Yung walang ibensyang makikita.
"Mahirap to. Marami nang witness." Sambit ng hunter.
"What shall we do then?" She asked. Kailangan na nilang makaalis dito.
Tumingin lang ito sa isang sulok. Parang nag-iisip.
"Of course, I'll pay." Umirap siya. Naalala niyang hunter ito at pera ang nagpapaikot sa kanila.
"Sus, di ko nga kailangan nyan, may naisip lang akong ideya," sabi nito.
"What?"
"Puno ba ang tangke ng gasul nyo?" tanong nito sa kanya.
"Yes, why?"
"Pwede na yan."
She sighed. Hindi wala siyang magawa kundi sumunod sa kung ano mang binabalak nito.