"Miss, gising na. Bawal ka na rito dahil ilang minuto na lang ay magbubukas na ang bangko." Isang boses ng lalaki ang gumising mula sa aking mahimbing na pagtulog. Nagmulat ako ng mga mata ngunit napapikit muli dahil sa nakakasilaw na liwanag na nagkalat sa paligid. Isang lalaki na naka-uniform na tulad sa isang guwardiya ang aking nabungaran na tila naiinip pa dahil hindi pa ako kumikilos at umaalis. Oo nga pala. Hindi panaginip kung anuman ang mga masaklap na nangyari sa akin kahapon. Nang masanay na sa liwanag ang aking paningin at makapag-pahinga ng kaunti ay dahan-dahan na akong tumayo mula sa pagkaka-upo sa aspaltong sahig kung sa rin ako nanatili buong magdamag. Nakatulog pala ako habang nakaupo at nakasandal sa pader. Walang tigil ang pagbuhos ng malakas na ulan kagabi at dit

