Episode 18

1672 Words

Tinawag ko ang pangalan ng aking asawa. Bilang pagkuha ko sa kanyang atensyon habang nakahawak pa sa siko ni Ylona papasok sa entrada ng restaurant. Pareho naman silang napatigil sa paglakad at sabay din na napalingon sa akin. Kitang-kita ko kung paanong umasim ang maamong mukha ng babaeng kasama ni Eduard. Muli niya akong pinasadahan ng nang-uuyam na tingin mula ulo hanggang paa. Ano nga na naman ba ang itsura ko na naman kumpara sa itsura niya? Pagod na pagod habang tagaktak ang mga pawis sa buo kong katawan dahil sa ginawa kong pagtakbo at paghabol sa sasakyan kung saan sila nakasakay. Marami ng mga nakatakas na hibla ng mahaba kong buhok ang kumawala sa maayos kong pagkakatali dito kanina. Wala ako kahit man lamang pulbos sa mukha maliban sa alikabok na kumapit na sa buong balat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD