"Ma, maawa naman po kayo sa akin. Wala akong ibang mapupuntahan. Wala nga ako kahit anong dala. Kahit pamalit man lang ng marumi ko ng damit. Payagan niyo na ako na dito na muna sa bahay kahit ilang araw lang." Umiiyak kong pagmamakaawa kay Mama. Sana kahit man lang siya ay maawa sa akin. "Ano ba April! Tagalog naman ang salita namin ng Mama mo pero bakit parang hindi mo naiintindihan? Ganyan ba talaga kahina ang utak mo? Sabi ng lumayas ka rito! Pare-pareho kayong magkakapatid! Puro kahihiyan lamang ang idinulot niyo sa pamilya na ito! Kaya layas! Hanapin mo ang mga kapatid mong alibugha total pare-pareho kayong mga walang silbi!" ang malakas na boses naman ni Papa ang maririnig sa kabuuan ng bakuran. Gusto ko sanang sumagot ngunit mas nanaig ang isipan ko na siya pa rin ang Papa ko.

