Hindi ko rin alam kung bakit sa maraming taon na pagiging mag-asawa namin ni Eduard ay hindi na ako muling nag-buntis pa. Ilang buwan ng pinanganak ko si Erin ay nakita niya ako na umiinom ng pills na agad niyang ikinagalit. Nabigla pa nga ako ng walang ka-anu-ano ay sinampal niya na lang ako ng wala naman akong ginagawa na masama. Bakit raw ako gumagamit at umiinon ng ganung uri ng gamot gayong kahit ilang anak naman ay kaya niya naman daw buhayin. Kaya naman itinigil ko na ang pag-inom kahit pa takot din akong mabuntis ulit dahil sa pananakit sa akin ng pisikal ni Eduard. Kahit anong uri ng birth control ay wala na akong ginamit sa takot na baka malaman ng asawa ko at muling magalit. Pero sadya yatang ayaw na kaming bigyan pa ng iba pang supling dahil heto nga at tuluyan ng magiging

