Umiiyak ako ng umiiyak sa tuwing parang sirang plaka na paulit-ulit kong naririnig sa aking mga tainga ang mga salitang binitiwan ng anak ko. Ano ba ang naging kasalanan ko sa mundo at bakit ganito ang kanilang pagtrato? Naging mabait at masunurin naman akong anak sa mga magulang ko. Ulirang asawa at ina sa anak ko. Mabibilang nga ako sa listahan ng mga asawang martir sa pagtitiis sa relasyon namin ni Eduard. Hindi ko alam kung saan ba ako nagkulang kay Erin gayong buong buhay niya ako lagi ang kasama at ang unang taong sumuporta sa anumang nais niyang gawin. Sa ilang taon ko na sa mundong ibabaw ay lagi lamang akong naka-sunod pero bakit parang walang katapusan ang pagpapahirap na naranasan ko? Paghihirap na pisikal at paghihirap na emosyonal. Gusto kong maging malaya pero mas pini

