Episode 14

1048 Words

Kinabukasan ay nagtungo pa rin ako sa kusina para magluto. Masama man ang pakiramdam ko dahil sa kumikirot na katawan ay kailangan ko pa rin na bumangon dahil hindi lang naman ang asawa ko ang dapat kong pagsilbihan kung hindi maging ang aking anak na hindi ko na namalayan kung anong oras na umuwi kagabi dahil nakatulog na ako sa pagdadalamhati sa pagkamatay ni Darwin. "Mom, hindi ko maintindihan kung bakit pilit niyo pa rin isinisiksik ang sarili ninyo dito sa bahay gayong parang wala na kayong lugar? Bakit hindi pa kayo umalis? Hindi ko na rin naman kayo kailangan." Mula sa hinihiwa ko na bawang ay napadako ang aking paningin sa nagsalita. Nalilito akong nakatingin kay Erin. "Ano bang sinasabi mo Erin?" tanong ko sa anak kong walang mababasa na emosyon sa kanyang magandang mukha. '

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD