Matapos ang tatlong araw kong pananatili sa ospital ay pinayagan na rin akong makauwi ng bahay at doon na lang ipagpatuloy ang pagpapalakas ko. Si Erin ang naging bantay ko habang hindi pa ako pwedeng mag-kikilos. Ayoko naman sana siyang lumiliban sa kanyang klase ngunit nagpadala na raw siya ng excuse letter sa kanyang professor na hindi muna siya makakapasok sa eskwelahan ng ilang araw dahil nga sa kalagayan ko. "Makoy, salamat anak at lagi kitang naasahan. Pasensya ka na at pati ikaw ay naaabala ko. Sa halip na nagpapahinga ka na lang o kaya ay nag-aaral ay inaasikaso mo rin ako." Napa-kamot sa batok ang binata at nakangiti ng alanganin ng marinig ang pasasalamat ko. "Wala po ang bagay na iyon, Tita April. Basta po magpalakas na kayong muli," tugon naman niya na tila nahihiya pa.

