"Consider it pure joy, my brothers and sisters, whenever you face trials of many kinds, because you know that the testing of your faith produces perseverance." James 1:2-3
“Relax…”
Napakurap si Hairah nang madinig ang masuyong tinig ni Elijah. Nilingon niya ito na bitbit ang bag na may lamang regalo. Pinagmamasdan siya nito, sa mukha ay hindi maiikaila ang pag-aalala. "You're holding your breath," he told her.
Noon lang napansin ni Hairah na halos hindi siya humihinga dahil sa mga nangyari. Pilit niyang binura sa isip ang makakahulugang tingin ng mga kamag-anak niya at pati na rin ang nagtatanong na mga mata ng mga magulang at kapatid.
“I’m fine.”
“Your face says the opposite.”
She let out a small sigh. "I'm sorry," she whispered at him.
“You have nothing to say sorry about.”
She stared at him. “I have this feeling that I have to.”
Elijah smiled and opened the door of the car for her. "Just get in," he gently ordered.
She climbed in the car, settled herself while watching Elijah rounded the car, climbed in then buckled. He was silent while turning the engine and until they hit the road.
And Hairah took it as not a good sign.
"Elija—"
"You've got a good family," he butted in. He was smiling while his eyes were on the road.
"Yeah."
"They cared for you."
She nodded even though she didn’t know what he meant.
"If I have a daughter like you, I'll do the same."
Hairah tilted her head to the side. “What do you mean by that?”
"I've got a good daughter; I'll make a scanner, and make sure she'll get good men around her."
"But, you are a good man.”
"I'm a widower, Hairah," he reminded her. "Kahit sinong mga magulang o kapatid, magdadalawang isip kapag sinundo ang anak nila ng isang lalaking ilang buwan pa lang namamatay ang asawa." He paused then he glanced at her. "I don't mean to put you on shame, Hairah."
Kagat-labing umiling si Hairah. "You're not doing that. After all, we're just friends."
We're just friends. She almost let out a sigh with her own words. What’s with those words it could make her heart ache?
"Yeah, but the world—"
"That's the world says," she pointed out.
Hindi ito nagsalita. Ilang minutong katahimikan ang dumaan. Pinagbigyan niya ito ngunit hindi rin naglaon, tila hindi rin natiis ng lalaki ang katahimikan. He asked about Harold, and she told him about his brother surprised homecoming.
*****
Fifteen minutes after three nang dumating sina Hairah at Elijah sa bahay nina Officer Honey at Randy kung saan ginaganap ang party. Magarbo ang ayos ng malawak na lawn ng bahay nila na may theme na Avengers. May mga life-size na board statue ng bawat miyembro ng Avengers kung saang-saang bahagi ng venue. Halatang pinaghandaan talaga nila ang kaarawan ng bata.
"Matagal nilang hinintay ang pagdating ni Rocky kaya naman malaki ang pasasalamat nilang lumalaki ang bata nang maayos," pagkukwento ni Elijah sa kaniya habang papasok sila.
Nagsisimula na ang party at nagtatawag na ang emcee ng mga nakalista sa seven wishes. Nakatuon ang atensiyon ng lahat sa nangyayari sa center ng party, sa may platform kung saan nakalagay ang isang magarbong upuan at nakaupo ang birthday celebrant.
"Mas cute siya sa personal," komento niya sa kawalan ng masabi. Hindi niya mapigilang kabahan dahil kahit saan siya lumingon ay wala siyang kakilala maliban kay Elijah at sa mag-asawang pulis.
Elijah seemed to sense it and put a hand at the small of her back. He lowered his head, and gently whisphered, "Relax, I'll be here."
Hairah swallowed as her pulse quickened when she felt Elijah's hand at her back and his breath fanning at her temple. She managed a nod before he gently ushered her. They walked at the side until they reached Officer Honey.
"Hi, ma’am," Elijah called out playfully, making Officer Honey turned.
“Elijah! Hairah!” masayang bulalas nito pagkakita sa kanila at nagmamadaling nilapitan sila.
“Muntik na kitang hindi nakilala, ah,” biro pa ni Elijah rito.
“Biniro mo pa ako. Parang ngangayon mo ako nakitang nag-ayos,” nakangiting anito kay Elijah. She was wearing a simple knee-length red dress. Her hair was flowing freely on her shoulder.
“Siguradong lalo nang na in love sa inyo si Sir Randy.”
"Tama na iyang pambobola mo, Elijah.” Hinarap nito siya. “Mabuti at nakarating ka," masayang anito sabay beso sa kaniya. Hindi niya inaasahan ang ginawa nito kaya isang tipid na ngiti lang ang iginanti niya.
Nilingon muli ni Officer Honey si Elijah sabay sabing, "Nasaan na sina Neil at Cynthia? Hindi ko pa sila nakikita."
"Tumawag siyang sinundo niya si Cythia sa bahay nila," tugon ni Elijah.
Tumango si Officer Honey bago tinawag naman ang atensyon ng asawa na kaagad lumapit sa kanila. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam siya nang kagaanan ng loob kay Officer Randy. Hindi niya kasi maiwasang kabahan kapag nakikita niya ito, lalo na kung nakasuot ito ng uniporme.
“Mabuti at hindi mo kami tinanggihan,” wika nito sa kaniya. Pasimple siyang napasulyap kay Elijah na nakatingin sa kaniya, tila ba sinasabing, “See?”
“O baka binaraso ka nitong si Elijah para pumunta?”
Hindi niya inaasahan ang sinabi ni Officer Randy kaya mabilis siyang napalingon sa lalaki. “N-naku! Hindi po!”
Ngumiti ito. “Enjoy ka lang. Si Elijah na ang bahala sa’yo.”
“S-sige po,” kagat-labing aniya at sa ikalawang pagkakataon ay sinulyapan si Elijah na malawak na nakangiti.
Nang matapos ang seven wishes ay sandaling tinawag ng mag-asawa si Rocky at ipinakilala siya. Magalang, mabait, at medyo mahiyain si Rocky. Inabot niya ang regalo niya dito at malapad ang ngiting nagpasalamat ito.
Pagkaraa'y iginaya na siya ni Elijah sa isang table na wala pang nakaupo. Habang naglalakad ay binabati ito ng ilang mga lalaki't babaing nakakasalubong nila. Magiliw namang gumaganti ng bati at nakikipagkumustahan si Elijah sa mga ito. Sa t'wing ipinakikilala naman siya ng mga ito bilang kaibigan nila'y isang 'hi' at ngiti lang ang ibinibigay niya.
Sanay siyang makisalamuha sa iba't ibang tao dahil kadalasa'y hinihingi iyon ng trabaho niya, ng panahon, at ng pagkakataon, pero hindi maikakailang hindi niya maiwasang maging uneasy kapag nakikita ang makahulugang tingin ng iba sa kaniya.
"You want water or iced tea first?" Elijah asked, slightly leaning onto her.
"Don't worry, I'm good," she assured.
Magsasalita pa sana ito pero naagaw ang atensiyon nila nang marinig ang malakas na sigawan at tawanan ng mga bata.
Isang clown at isang naka-costume ng magician ang lumabas mula kung saan. Nagkatinginan sila ni Elijah at sabay na napangiti. Nagpaalam itong kukuha nang maiinom nila. Pagkabalik nito'y may dala ng iced tea at dahil parehas pa silang walang balak kumain ay nakinood at nakitawa sila sa mga jokes at ginagawa ng clown at magician.
Hindi rin nagtagal ay dumating sina Neil at ang kasintahan nitong si Cynthia. Gaya nang pangako nito ay ipinakilala nito si Cythia sa kaniya. Hindi naman siya nahirapang pakisamahan ito dahil likas ring palakwento.
"Matagal ka ng teacher?" tanong nito.
"Going seven years, I think.”
"Matagal na nga. Kung ako yata'y hindi ako tatagal," nakangiwing biro nito.
"Siguro nama'y kung ako ang nasa posisyon mo'y nahilo na ako sa numbers," biro niya din dito.
Accountant si Cynthia sa isang bangko at ayon sa kwento nito'y doon sila nagkakilala ni Neil. Sa galing nitong magdala nang usapan ay halos naisalaysay na nito ang buong love story nila ni Neil. Ayon dito, ka-fling daw ni Neil ang isa sa mga kasamahan nito at noong mga panahong iyon ay halos umusok ang ilong nito kay Neil dahil simula pa lang sa ulo hanggang sa paa nito'y nagsusumigaw ang pagiging playboy nito. Nagulat na lang daw si Cynthia na nagsabi si Neil na manliligaw. It took months bago ito naniwala kay Neil at nang ma-realize nitong all of a sudden ay nagkakagusto ito sa lalaki ay pinagbigyan nito sa Neil na manligaw. And so far, smooth pa rin ang relationship nila.
The power of love, she thought.
"Wala pa ba kayong balak kumain na dalawa?" singit ni Neil sa pagkukwentuhan nilang dalawa. Umalis ito at si Elijah dahil may ilang dating kasamahan ang nagsidatingan.
"Halika na roon at nang makakain ka na,” aya naman ni Elijah sa kaniya.
"Hanggang ngayon ba'y hindi ninyo pa rin pinapakain sila?" singit ni Officer Honey na lumapit sa kanila. Buhat nito ang magtatatlong taon na taong anak na si Riza. Binalingan ni Officer Honey si Elijah. "'Lijah, aba'y kanina pa kayo ni Hairah nandito ah. Ano ba naman itong mga lalaki na ito? Puro matatamis pa ang ipinakakain ninyo."
Nagkatinginan sila ni Cynthia na kumakain ng kung ano-anong pagkaing pambata na idini-dip sa chocolate bago sabay na tumawa. Napakamot na lang sa ulo sina Neil at Elijah. Kanina pa naman sila dapat kakain pagkadating nina Cynthia at Neil, pero nawala na sila ng gana ng magsimulang magkutkot ng matatamis.
Nag-aya na ang dalawang lalaki kaya tumayo na sila para pumunta sa buffet table at kumuha ng pagkain.
*****
Hindi maalis-alis ni Elijah ang tingin niya kay Hairah na nilalaro si Riza sa kaniyang kandungan. Habang kumakain sila ay tumabi sa kanila si Officer Honey at nakipagkwentuhan. Hindi pa halos tapos kumain si Hairah ay panay kampay ang kamay ni Riza na para bang gustong magpabuhat nito kay Hairah. Lalo tuloy niyang napatunayang likas ang hilig ng dalaga sa mga bata nang habang kumakain ay nilalaro-laro nito ang bata at pagkaraa'y tila hindi nakatiis na itinabi na nito ang plato at nagsabing gusto niyang kargahin si Riza. Halos matagal na rin nang napilitang iwan muna sila ni Officer Honey dahil kinailangan nitong asikasuhin ang ibang bisita, pero hindi pa rin umiiyak ang bata, at sa halip ay humahagikhik pa tuwing nilalaro ni Hairah. Umiyak lang ito nang kargahin ni Neil at tumahan nang laruin muli nina Hairah at Cynthia.
"Hindi ba nakakanawang magbantay ng maraming bata?" tanong ni Cynthia.
Nakangiting umiling si Hairah. "Sometimes, though most of the time, you'll love them."
Umaabot si Riza sa table ng pagkain pero dahil wala namang pwede nang kainin nito ay siniko ni Cynthia si Neil sabay wikang, "Ikuha mo naman si Riza doon ng cupcake at ng tubig.”
Napilitang sumunod si Neil. Pagbalik nito'y nagpaalam ito kasama si Cynthia na may kakausapin lang. Natuon muli ang atensiyon ni Elijah kay Hairah at Riza. Masuyo, malumanay, at maamo ang bawat tingin ni Hairah sa bata. Tiyak, magiging isang mabuting ina ito at maybahay pagdating ng araw.
Yannie might be too. If only...
He ignored the thought and watched the two girls. Riza was chuckling; her small soft voice was as sweet as music while Hairah's low chuckles somewhat exquisite in his ears. Her tender movement seemed to draw him closer to her.
Yannie may be gone, but that lady could be a good muse for the meantime.
Elijah blinked.
You deserve some fun.
Something flared up at Elijah that he abruptly snatched the tall glass of water on the table and drank it. What the hell is he thinking?
Nabaling muli ang atensyon ni Elijah sa dalawa nang mahinang tumawa si Hairah. Nakasandal na ito sa upuan, nakaupo pa rin sa kalungan nito si Riza habang hawak nito gamit ang isang kamay. Ang isang kamay nito ay pilit pinapalis ang buhok sa likuran pero dahil lumilikot si Riza ay hindi nito magawa. Tila may sariling isip ang katawan ni Elijah na mas inilapit ang upuan dito, inabot ang mahabang buhok nito, pinalis mula sa batok at hinayaang lumalay sa likuran ng upuan.
Napakalambot ng buhok ni Hairah na para bang may humihila sa kaniyang isuklay ang mga daliri niya sa buhok nito.
She'll be a good muse to forget Yannie.
I can't do that to her.
"Thank you," Hairah’s sweet voice pulled him from his thoughts. He glanced at her. She was beaming, her eyes twinkling, showing him the light that he never thought he’ll miss after weeks of not seeing her.
"No problem," he returned and leaned at the two girls, his other arm at the back of Hairah's chair, her soft hair touching his arm while his other hand was with Riza’s head, playing with her smooth curly hair.
*****
Hindi mapatid ang ngiti ni Hairah hanggang makabalik siya sa kinauupuan kanina. Ipinasok kasi niya sa loob ng bahay si Riza dahil gusto na raw bumalik sa mommy nito. Wala pa rin sina Neil at Cynthia, ganoon din si Elijah na nagpaalam pagkatapos makita ang ilang naka-unipormeng pulis na bagong dating. Mag-isa lang siya sa table ngunit kumpara kanina ay mas palagay na ang loob niya. Hindi rin mawala ang saya niya dahil sa ginawi ni Elijah kanina. Hindi niya gustong mag-isip ng kahit ano pero hindi niya mapigilan ang sariling ngumiti.
Ang hindi alam ni Hairah ay kaagad mapapawi ang ngiting iyon nang lumapit sa kaniya ang tatlong estrangherong babae. Walang paalam na naupo ang mga ito sa tabi niya at matamang tiningnan siya na para bang pinag-aaralan siya.
"Hi," bati ng isa. "You're Hairah?"
Unang tingin pa lang niya sa tatlong sopistikadang babaeng nakasuot ng makukulay at hapit na dress ay kinabahan na siya.
"Yes, bakit?" magalang niyang sabi.
"We're Yannie's friend," nakangiting sagot ng pangalawang babae. Nakangiti ito pero kakaiba ang tono ng pananalita nito.
Natigilan si Hairah pero pinilit niyang hindi magpahalata. "Ah, we—”
"Well, frankly, hindi namin inaasahang may ipapalit kaagad si Elijah sa kaibigan namin," putol nang pangatlong babae sa mga sasabihin sana niya.
Mas hindi gusto ni Hairah ang tono nito nang pagsasalita pero lalo’t higit ang sinabi nito. "Sa tingin ko'y nagkakama—”
"Elijah loves Yannie so much, and he was so devastated the day she died," agaw naman ng unang babae.
Napasinghap siya dahil sa sinabi nito. Hindi pa siya nakakabawi sa pagkabigla ay nagsalita muli ang pangalawang babae, "We're giving you a heads up. Don't stick yourself too much to Elijah dahil baka masaktan ka lang."
"Uso ang rebound, but to remind you hindi lahat ng rebound pangmatagalan," dugtong ng pangatlong babae.
"Isang paalala lang iyon, Miss Hairah. Elijah loves Yannie so much. Kung may balak kang pumalit sa iniwang posisyon ni Yannie, think twice."
Hindi na alam ni Hairah kung sino pa ang huling nagsalita bago tuluyang umalis ang mga ito. Kung paanong bigla na lang silang dumating ay bigla na lang silang nawala.
Daig pa niya ang pinagbagsakan ng langit at lupa, binuhusan ng malamig na tubig, at sinuntok sa sikmura dahil sa mga sinabi ng mga babae. Pakiramdam niya'y nanliit siya sa mga sinabi nila. Gusto niyang tumakbo, magtago, umiyak, sumigaw at sabihing mali sila nang iniisip. Hindi nila diretsang sinabi pero hindi siya ignorante para hindi maunawaan ang sinabi nila.
Oh God! Oh God!
Naramdaman ni Hairah ang pag-iinit ng magkabilang mata at pagsakit ng ilong dahil sa pagpipigil ng luha. Iniligid niya ang tingin sa paligid ngunit tila wala namang nakapansin sa kaniya. Abala ang lahat sa pagkain, pagkukwentuhan, pagtatawanan, at pagkukumustahan.
They knew each other.
They breathed in the same circle. The same circle Yannie would be, if she’s still alive.
All of a sudden, Hairah felt that she wasn’t belong there.
If Yannie’s alive, you won’t be here. They may never know you.
Dahan-dahan siyang umalis sa upuan at nakayukong naglakad. Dinala siya ng mga paa sa gilid ng bahay nina Officer Honey. Huminga siya nang malalim at pinilit pinuno ang dibdib ng hangin upang pigilin ang pag-iyak. Malayo sa mga mata ng tao ang pinuntahan niya, tumalungko siya sa harap ng mga bulaklak, at pinalis ang nag-uunahang mga luhang pumapatak. Hindi niya kayang pigilin ang pagbagsak ng mga iyon. Hindi siya pwedeng umalis dahil tiyak mahahalata siya kaya kailangan niyang kontrolin ang sarili. Kailangan niyang kontrolin ang sariling huwag bumigay habang dama sa loob ng dibdib ang tila sunod-sunod na pagtarak ng matatalim na patalim.
Oh God, please tell me. Mali ba ako nang ginawa? Isang mali bang pagkakamali ang ginawa kong paglapit kay Elijah? Alam mong mahal ko siya pero hindi ko hinangad kailanman na palitan si Yannie sa buhay niya. Ikaw. Oh Diyos, ikaw ang nais kong maging sentro ng buhay niya, ang maging liwanag niya pero bakit ganito? Bakit inaakusahan nila ako ng ganito?
Don't listen to them. Look at me, my beloved.
Nasasaktan ako. Bakit ganito? Ikaw ang nakakasaliksik ng loob ko. Sinusubukan kong pigilan ang nararamdaman ko para sa kaniya para matulungan ko siya sa paraang nais mo, pero bakit?
Look at me. Don't look at the pain.
Hairah wiped the tears on her cheeks as she silently prayed.
Nalilito ako...
Trust me, trust my will... Fix your gaze upon me…
I trust you, but I need your help. I can't do this alone.
You're not alone. I'm always here.
Napapikit si Hairah habang pinapakalma ang sarili. The pain was still there, but she believed that one day it would fade away, and all pain, heartaches, and sorrow will turn to joy.
All she had to do was to keep her gaze at the right way.
*****