Chapter Twenty-seven

3547 Words
“If we live, we live for the Lord; and if we die, we die for the Lord. So, whether we live or die, we belong to the Lord.” Romans 14:8 Nakarating nang matiwasay sina Hairah at ang grupo sa Home for the Growing Lambs, ang pangalan ng nursing home na pinuntahan nila. Nagbababa na sila ng mga gamit mula sa van nang makakita si Hairah ng pagkakataong makausap si Elijah. Nasa likod ito ng van at ibinababa ang isang malaking kahon. “Hey,” she called him. Ibinaba ni Elijah ang kahon at isinara ang pinto ng van bago siya hinarap. “Need help?” he asked. Elijah’s voice was quiet, yet it wasn’t a good quiet. Umiling si Hairah at marahang pinagkuskos ang dalawang palad. “Okay ka lang ba?” “Oo naman,” tugon nito sabay yuko upang buhatin ang kahon at nagsimulang maglakad palayo sa kaniya. Alam ni Hairah na hindi ito okay. Masaya ang unang mga oras ng biyahe nila ngunit simula nang mag-devotion sila sa loob ng sasakyan ay tumahimik na ito at hindi na halos nagsasalita. Napansin din iyon ng mga kasamahan niya pero iginalang ng mga ito ang pananahimik ni Elijah. May tamang panahon ang lahat… Lord, ikaw na ang bahala sa kaniya… Kagat-labing sinundan ni Hairah si Elijah ngunit pinili niyang tumahimik habang naglalakad. Dumiretso sila sa malawak na hall kung saan inilagay ang mga kahon na dinala nila para sa mga matatandang nakatira sa lugar. Nakahanda na ito nang dumating sila. May mga palamuti ng nakasabit sa paligid, mga makukulay na lobo, mga bulaklak, at kung ano-ano pang disenyong gawa sa mga papel. Ang mga round tables at upuan ay may mga nakalagay ring disenyo. Sa gilid ng malawak na hall ay may mahabang table na lalagyan ng mga pagkain mamaya. Sa kabilang bahagi naman ay maraming malalaking kahon, may ilang nababalutan ng gift wrap habang ang iba ay mahahabang laso lang ang nakalagay. Doon nila inilagay ang ilan sa mga kahong dala nila. Nagsimula na silang kumilos at natural na tumulong din si Elijah. Malaking bagay na nakasama ito dahil sanay sa pagbubuhat ng mabibigat na gamit at maliksing kumilos. “Hairah, ‘yong slideshow pala nasaan?” Nag-angat nang tingin si Hairah mula sa inaayos na mesa at ibinaling kay Myrna na lumapit sa kaniya. “Nasa akin,” aniya at dumukot sa bulsa at kinuha ang flash drive bago iniabot kay Myrna. “Sasama pa ba ako para i-check?” Tumango si Myrna. “Way better so we could start in just few minutes,” she said, and Hairah followed her while wiping the sweat on her forehead with the back of her palm. Hindi pa nagsisimula ang program pero nakakapagod na. However, it surely be worth the sweat. ***** Expect the unexpected. Elijah wanted to regret why he had volunteered to Hairah to be their driver. Walang kaso sa kaniya kahit mag-drive nang napakahaba, walang problema kahit magbuhat ng mabibigat at mas lalong wala lang sa kaniya kahit ang mag-asikaso ng matatanda. He’s a cop and for years, their first priority was children and old people. There’s nothing hard in tending them, but what made it hard was the joyful worship songs, Word of God around, and the Gospel that had been preach from some invited speaker. It was fine if they’re happy, shouting in joy, singing while dancing or what, but the words he heard from them made his insides hurt and achy. “Glory be to God for He is good!” Elijah heard them shouted as he quietly left the big hall where the event was being held. ***** Kitang-kita ni Hairah nang lumabas si Elijah ng hall. Gusto niyang sundan ito at kausapin pero hindi niya alam kung makakabuti ba iyon. Isa pa, hindi niya pwedeng iwan ang pwesto niya. Hinalinhan niya si Myrna sa isang lolang binabantayan nito kanina. Kailangan niyang tulungang kumain si Lola Vennie. “May problema ba, ineng?” agaw-atensyon ni Lola Vennie kay Hairah. Nakangiting ibinalik ni Hairah ang tingin kay Lola Vennie. “Wala po, lola. Dito lang po kayo at kukuha ako ng maiinom ninyo.” “Sige. Sige,” pagtataboy ni Lola Vennie kay Hairah. Tumayo si Hairah at kumuha ng tubig sa water dispenser habang hindi inaalis ang tingin kay Lola Vennie. Eighty-nine years old na ito at kahit napakatapang at tatag nito ay tinatalo iyon ng katandaan at kalungkutan. Hindi niya maiwasang hindi mahabag sa matanda kapag naaalalang magkakalahating taon na rin simula ng mamayapa ang asawa nitong si Lolo Fabian. Isa ang Home for the Growing Lambs sa mga institusiyon para sa mga matatanda na may pinakamalaking bilang ng mga matatandang napuntahan nina Hairah. Bagama’t ang ilan sa mga matatandang naroroon ay may nakukuhang sustento sa mga anak o apo, hindi maikakaila kung anong higit nilang kailangan. Pagmamahal. Kalinga. Isang Mahalagang Paghahanda. At iyon ang sinusubukan nilang gawin at ibigay sa kanila. Kanina lang ay nagsagawa sila ng Gospel teaching kung saan ikwenento ang buhay ni Naomi, ang biyenan ni Ruth na sa kabila ng katandaan ay hindi iniwan ni Ruth. Bagama’t hindi nito matulungan si Ruth sa pagtatrabaho at paglalagay ng pagkain sa hapag nila’y hindi ito pinanghinaan nang loob. Sa halip, ginawa nitong isang opurtunidad galing sa Diyos ang tulungan si Ruth sa pamamagitan ng mga payo ayon sa mga pinagdaanan sa buhay. Ikwenento rin ang buhay ni Abraham na sinasabing ‘Ama ng Salinlahi’ na nabigyan pa nang pagkakataong magka-anak sa kabila ng katandaan. Ilan lang ang mga ito sa nagpapakita na kahit matanda na at mahina ang katawan, ang Diyos ay patuloy na kumikilos sa buhay ng bawat tao. Pagkatapos ng Gospel teaching ay nagkantahan sila, nag-awitan at ngayon ay hinahayaan muna nilang kumain at makapahinga ang mga lolo’t lola para sa pagbibigayan ng mga regalo mamaya. Nang makakuha ng tubig ay bumalik siya sa tabi ng matanda at sinamahan ito habang kumakain. “Busog na ako, ineng,” ungot ni Lola Vennie makaraan ang ilang subo. “Pero konti pa lang ang nakakain ninyo po,” marahang ani Hairah kay Lola Vennie. Umiling-iling ang matanda. “Hindi ko na kaya,” humihina ang tinig na ani Lola Vennie Nakakunot-noong minasdan ni Hairah ang lola na unti-unting tinatakasan ng kulay ang mukha. Pinanlamigan siya ng katawan nang mapansin ang mga senyales. Akmang tatayo siya nang humawak si Lola Vennie sa kaniya nang mahigpit. “Lola Vennie,” naghahalo ang takot at pag-aalalang ani Hairah. Nagsisimula na siyang mataranta nang maramdamang nanginginig ang katawan nito. Oh God! No! “Nurse! Nurse!” malakas niyang tawag habang hindi inaalis ang tingin kay lola na lumalakas ang panginginig ng katawan. “Nurse!” malakas niya pa ring tawag habang hawak nang mahigpit ang dalawang kamay nito. Nagsisimula na ring panginigan ng katawan si Hairah. Mabilis na lumapit ang dalawang nurse; isang babae at isang lalaki kina Hairah. Binuhat ng lalaking nurse ang payat at kulubot na katawan ni Lola Vennie na lalong lumalakas ang panginginig ng katawan habang nakasunod sa mga ito ang babaing nurse na umaalalay. Hindi pinansin ni Hairah ang mga taong nasa paligid nila at sumunod sa mga ito. Sumunod na rin ang doctor at nanatili siyang nakasunod sa mga ito hanggang makarating sa infirmary. Hindi magawang makalapit ni Hairah dahil pinalibutan na ng mga nurse at ng doctor ang nangingisay na katawan ni Lola Vennie. Wala siyang maggawa kundi ang panoorin ito habang umiiyak at nananalangin. Payat na ang katawan ni Lola Vennie at mahina na kaya tiyak hirap na hirap na ito. Diyos ko! Kayo na po ang bahala kay Lola Vennie. Napapikit si Hairah kasabay nang pagkatutop sa bibig nang makitang halos lumiyad ang katawan ni Lola Vennie nang may iturok dito. Oh Lord… ***** “Hairah,” nag-aalalang ani Elijah nang mapansing nagkakagulo sa may hall. Napatayo siya sa pagkakaupo sa bench ng makitang buhat ng isang nurse na lalaki ang isang lola. Nakasunod dito ang isa pang nurse na babae habang sa likuran ay ang namumutla sa takot at nag-aalalang si Hairah. Walang salitang mabilis niyang sinundan ang mga ito sa infirmary at naabutang may itinuturok sa nanginginig na matandang babae ang isang doctor habang si Hairah ay umiiyak sa kabilang sulok, nakatingin sa matanda. Hindi na nagdalawang-isip pa si Elijah at nilapitan ang dalaga at mabilis na ikinulong ito sa bisig niya. Nanlalamig ang katawan nito, nanginginig at namumutla. “Oh God… Help her,” he heard Hairah chanted. Inignora ni Elijah ang mga salita nito at sa halip ay pilit pinakalma si Hairah. “Sshh... Relax, magiging maayos ang lahat.” Her God will get that old woman too. He would leave nothing but heartache. Elijah closed his eyes tightly and opened it again as a familiar pain surged inside him. Naramdaman ni Elijah ang pagkapit ni Hairah sa bisig niya na tila umaamot ng munting lakas. Nabawasan na ang panginginig ng katawan nito nang makitang para na lang natutulog ang matanda sa ibabaw ng kama. Tinitigan niya ang dibdib nito at nakitang tumataas-baba pa iyon. She’s still alive. Ilang sandali pa’t humarap sa kanila ang doctor at sinabing kailangan muna ni Lola Vennie na magpahinga. Napilitang lumabas sina Hairah at Elijah ng infirmary. Sumalubong naman sa kanila ang nag-aalalang si Miss Annie. “Anong nangyari, Hairah?” Hinarap ni Hairah si Miss Annie habang sa tabi niya ay nakatayo si Elijah at ang doctor ay nasa may pinto. “Sinabi niya lang na ayaw niya nang kumain… tapos… tapos… nagsimula na siyang manginig.” “Oh God,” Miss Annie breathe out. “She’s having seizure. Napapadalas nitong nakaraang araw kaya hindi na nakakapagtakang nangyari ito ngayon,” ani ng doctor sa kanila. “Magpapahinga lang siya at mamaya’y okay na siya. Though, mas makakabuti kung sa kama na lang siya muna.” Napahawak sa may dingding si Hairah. Hindi niya ma-imagine ang bawat sakit na sinasabana ni Lola Vennie tuwing inaatake ito. Hindi niya din maisip kung gaano ito malulungkot kapag nalaman na sa kama na lang ito mananatili. Gusto ni Lola Vennie sa labas. Gusto niya ng sariwang hangin, mga bulaklak, at mga puno. Gusto niyang masdan ang asul na langit at ang mga ulap. Rinig ni Hairah na nagpaalam na ang doctor at pumasok sa loob ng infirmary pero sa ibang bagay naroroon ang isip niya. “Calm down, Hairah,” masuyong ani Miss Annie at hinawakan ang kamay niya. Tumango si Hairah ngunit hindi maipagkakaila ang takot nito. Lumingon si Miss Annie kay Elijah. “Okay lang bang ikaw muna ang bahala sa kaniya? Kailangan ko lang bumalik sa loob,” pakiusap ni Miss Annie kay Elijah. Hindi pa nakakasagot si Elijah pero sumabat na si Hairah. “Hindi. Okay na ako at ba—“ “No. You’ll stay here with him. Calm yourself first.” May pinalidad na ani Miss Annie bago binalingan si Elijah. Tumango lang ito at tuluyang tinalikuran na sina Hairah at Elijah. “Okay na ako,” pagpupumilit ni Hairah at akmang susunod kay Miss Annie pero mabilis na napigilan ito ni Elijah sa kamay. “No, you’re not,” he noted gently and gave her hand a squeeze. “Come. We’re breathing in some fresh air.” Elijah didn’t wait for Hairah’s answer and tugged her hand. He brought Hairah at the wide green lawn of the Home where they sat at one of the metal benches. Elijah left Hairah for a while to get her water and came back instantly. “Salamat,” mahinang wika ni Hairah pagkatapos uminom. “Okay ka na?” “Yeah. She’s going to be fine after all.” She’s going to die too. Gustong sabihin ni Elijah pero hindi niya gustong masaktan si Hairah. It’s the reality, though it hurts. “Mahaba na ang buhay niya at marami nang pinagdaanan. Darating ang panahong magpapahinga rin siya.” Hairah knew she’s going to left soon. Masakit lang na makita siyang nahihirapan. Nakatitig siya sa damuhan kaya hindi niya napansin ang mariing pagpikit ni Elijah at ang pagtagis ng baga nito. “Makikita rin niya ang katahimikang gu—” “Why God keep doing that?” Elijah butted in carelessly. “Everyone’s going to die. Why let them suffer before they do so?” He sounded bitter. Astonished to Elijah’s remark, Hairah instinctively drew breathe before turning to him. She wanted to straighten his twisted thoughts, but to do that, she had to do it in a way he would see and understand that he was not alone on that ground. “I used to ask the same question before,” she shared. Elijah opened his eyes but didn’t look at her. Half-heartedly he asked, “Did you find the answer?” “God has all the answer and He will give it if it’s the right time.” She trained back her eyes at the green grass. “Isn’t that selfishness?” “He isn’t, but people are. We, human keep on asking too much, want too much even if we don’t need it at all. God gives what we need, even we think we don’t need it, or won’t need it.” “So, letting that old woman writhing there in pain is wha—” “She’s waiting for her family to come,” she abruptly cut Elijah’s word. Elijah whipped his head to her, but Hairah remained her eyes fixed at the green grass while clutching the bottled water at her hand. “She already lost his husband here, and she wanted to come to him, but she can’t. She was waiting for her sons and daughters to come.” Hairah shut her eyes, her hand tightened at the bottle. “Masasaktan ang mga anak nila kapag dumating sila na parehas na wala na ang mga magulang nila. Lola Vennie knew it. That’s why, she kept on praying to God to give her more time until her offsprings come. She wanted to say goodbye.” Hairah opened her eyes as tears fell down at her both cheeks. Elijah wanted to say something, but decided to clamp his mouth as he looked at Hairah’s face. She’s crying. She’s crying because of some people she just knew for quite some time. He could be moved also, yet instead of pity, bitterness and pain engulfed him. That’s right… You knew better. You know how painful it is. Nanatili siyang nakatitig sa dalaga na tahimik na lumuluha. My child, look at the love. You’re not alone. No, you knew better. Masakit maiwan. Masakit mawalan. Hindi madaling bumangon. Kumuyom ang kamao ni Elijah sabay alis ng tingin sa maamong mukha ng dalaga. ***** Hairah wiped the tears on her face. “Mabilis lang ang araw, hindi magtatagal at pabalik na ang mga anak niya. Magkikita-kita na sila,” pinipilit niyang ngumiti sa kabila ng mga luhang bumabagsak sa mga mata niya. “And, He will take her away from her family, leaving them in pain.” Awtomatikong napalingon si Hairah kay Elijah. Nakaawang ang mga labi niya habang sinasalubong ang nagbabagang mga mata nito. “Darating sila, pero anong saysay noon kung mamamatay din siya?” punong-puno ng pait na tanong ni Elijah sa kaniya. Napalunok si Hairah, pakiramdam niya ay nangangapal ang batok niya at nanlalamig ang buong katawan niya. “Look at the bigger picture, Elijah.” She murmured as her tears began to flow again, harder this time. And it wasn’t just because of Lola Vennie. It’s also for Elijah. “You don’t understand it.” She tore her gaze from Elijah, unable to clasped how shadowed his eyes were. She put her two elbows above her thighs and leaned down to put her face on her forehead. She spoke quietly while her tears kept on running on her cheeks. “After Yannie died, have you ever asked God why? Have you ever talked to him and trusted Him that He’ll give you answers? Have you ever asked Him what He wanted to say to you?” “Ano pang silbi kung malaman ko? May magbabago ba, Hairah? May magbabago ba?” mahina pero mariin ang bawat pagkakabigkas nito ng mga salita. Nilingon niya ito, handa nang magsalita pero nagpatuloy ito. “Hindi Niya ibabalik sa;kin si Yannie. Hindi Niya ibabalik ang anak ko. Ano pang silbing malaman ko?” Walang awat sa pag-agos ang luhang umiling-iling siya. “Have you ever asked God why he chose to leave you and not Yannie?” mahina niyang tanong. Hindi nakalingat sa kaniya ang pagtuwid nito ng upo, ang pagtensiyon ng katawan nito. “Kung si Yannie ba ang naiwan at ikaw ang nawala, ano ang mangyayari sa kaniya? Have… you ever…” Her voice broke. “I… know it’s hard but…” Hairah’s body started to rock as heavy tears kept on rushing down. “Okay, you can stop now,” Elijah suggested without touching her. “You’re in pain… I know it’s hard… I know…” She kept on speaking between sobbing, but Elijah just stared at her, his eyes hooded, blank, and clouded. Why? Why is she crying because of me? Why is she crying because of someone’s pain? Don’t mind her. She cannot understand the pain that you are feeling. “Hairah, please stop it. It’s not going to work,” he said bitterly and touched her shoulder. “I can’t,” she shuddered. Even in the middle of tears, he could see the determination in her face, the compassion, and the light. And he couldn't take it anymore. “Stop it. Stop it, Hairah! Stop crying for me. Stop looking after me.” Those were his last words before he left her. Elijah left her alone and crying. Gustong sundan ng dalaga ito pero alam niyang hindi ito makikinig sa kaniya. Wala siyang nagawa kundi isubsob ang mukha sa mga palad. She can’t stop. She can’t. He has to know... Oh God! I love him. I don’t want to see him hurting. I want him to see Your light. He has to know. He has to understand. There’s a time for everything. Look out for what he needs. How am I going to help him? How? I messed everything. There’s always a way, my child. I’m the way… ***** Gabi nang natapos sa pagliligpit ang lahat. Nauna nang umuwi ang ibang grupo habang nagpa-iwan naman ang grupo nina Hairah para tumulong sa paglilinis ng hall. Ang balak nina Miss Annie at Mrs. Sales ay kumuha nang maaari nilang matuluyan at sa umaga na lang bumiyahe pero nagkasundo ang grupo na magbiyahe na pabalik. Isang bagay na sinusugan naman ni Elijah. Pagkatapos nang nangyari sa lawn ng home, hindi na muli nagkausap sina Hairah at Elijah. Inabala ni Hairah ang sarili sa ginagawa at ganoon din si Elijah. Habang pauwi ay tahimik na ang mga kasamahan ni Hairah na nakatulog na dala ng pagod. Nanatili namang gising si Hairah habang nakatingin sa labas ng bintana. Pilit niyang iniignora ang kakaibang pakiramdam sa dibdib. Nasobrahan siya nang sinabi kay Elijah kanina. Hindi na niya napigilan ang sarili. His bitterness hit her. Gusto niyang itama ang baluktot nitong pag-iisip. Humilig si Hairah sa may bintana at sinubukang ipahinga ang pagal na katawan ngunit sa kabila ng pagod ay napakadamot ng antok. Hindi rin siya mapapalagay dahil sa pananahimik ng katabi. Oh Jesus! Walang imposible Sa’yo! Pagod na ang katawan ni Elijah ngunit alam niyang kahit makauwi na siya ng bahay ay hindi rin siya makakatulog kaagad. Hairah’s voice and words kept on ringing inside his head. Her sobbing burned inside his brain. What’s with her? Why is she like that? Elijah secretly glanced at Hairah beside him. She’s leaning on the window; her eyes were fixed outside, looking at nothing. She seemed tired and restless. No doubt, she might look fragile but the way she moved, the way she worked, the way she took care the people around her—it felt that she’s giving all the best she could, not thinking if she would be tired or just fell down out of fatigue. Though, he knew that her restlessness was his fault. Elijah looked again at the road in front of him, and tried to focus on it instead of Hairah. He did his best to ignore her, even though his head kept on going back to her. He wanted to talk to her, ask her if she’s okay, tell her to get some sleep and he would wake her up later. Yet, he couldn’t. He’s afraid, not of her, but the words and the will she saw in her. He was afraid of the light shining in her eyes. The light shining brightly, shouting for comfort, promising something magnificent, and he couldn’t let that light take him. Not now. Not again. He used to hold onto that light, but that light not just faded away, it also took away those people he loved. That light took away his unborn child, made his wife life in pain until her last breathe, and now his life living in loneliness. Holding onto that light was nothing, especially when the darkness of death, pain, and sorrow came running after you. *****  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD