“God is never closer to you than when you’re brokenhearted.”
Hindi gaanong matao sa Pizza House nang dumating sina Elijah at Hairah. Mangilan-ngilan lang ang kostumer na nasa loob.
“You sit there and wait for me,” Elijah ordered gently. Hairah glanced at him and nodded. When she turned to one of the tables, Elijah went to the counter to get there order.
Nakahalumbabang tumingin si Hairah sa transparent na dingding ng Pizza House bago nilingon si Elijah na nasa counter at umoorder ng pagkain nila. Hindi akalain ni Hairah na susundan siya nito nang iwan niya ito sa may parking area ng Police Station. Hindi siya nito tinantanan hanggang sa hindi siya nagpapahatid. Ngunit sa halip na sa bahay idiretso, dinala siya nito sa Pizza House.
“I ordered Hawaiian and Pepperoni pizza,” Elijah announced as he put down the tray that have two tall glasses of ice tea on the table. He sat down in front of her and watched her.
“Okay,” she gave him a faint smile before she turned her head away from him.
“Now, who’s getting mad?” Elijah asked mockingly.
“I’m not mad,” she impart instantly.
Ilang segundong namayani ang katahimikan sa pagitan nila bago nagsalita si Elijah. “I’m sorry. Minsan hindi ko iniisip ang sinasabi ko.”
Nilingon ito ni Hairah. Nakatuon ang dalawang siko ni Elijah sa mesa habang ang noo’y nakapatong sa magkasalikop na kamay. Sa t’wing nagtatagpo ang landas nila, iba-ibang Elijah ang nakikilala niya.
“I think I’m losing my mind,” he went on.
“You need to unload it, Elijah.”
“Don’t know what to unload,” he whispered.
“One day, you’ll understand it,” she encouraged.
Elijah glanced up at her and smiled faintly. “Are we good now?” he inquired instead.
Gusto niyang mapailing dahil sa inasta nito. Nakakalungkot lang at palagi nitong iniiba ang usapan. Sa halip na ipakita ang pagka-disappoint ay ngumit siya. “Of course we are,” she muttered.
After all, hindi niya kayang sumama ang loob dito nang matagal dito.
“Good,” he grinned.
And that’s when she shook her head.
Hindi nagtagal ay dumating na ang order nila. Tahimik silang kumain. Hindi gaya noong una na maingay at palakwento si Elijah. Masiyado itong focus sa pagkain na tila ba wala itong kasabay. Hindi na matiis ni Hairah ang katahimikan at akmang magsasalita siya ngunit natigil dahil sa pagtunog ng cellphone niya.
“Answer it,” he told her when she just nabbed her cellphone at her pocket but didn’t answer.
Hairah nodded. She looked at the screen where Miss Annie’s name was written. She swiped the button and answered it.
“Hello, Miss Annie,” she greeted, and looked at the transparent wall glass.
“Hey, Hairah,” Miss Annie greeted back.
“Bakit po?”
“May sakit si Benjie kaya baka hindi niya tayo maiipag-drive sa makalawa. Lalo tayong kukulangin ng driver. Baka naman may kakilala kang pwede tayong ipag-drive. Wala na kasi akong makuha dito,” ani Miss Annie sa kabilang linya. Sa tono nito ay mukhang namomroblema talaga ito.
Sumama sila sa isang program ng church para sa mga matatandang nakatira sa mga nursing home. Sa Quezon iyon at dahil marami-rami silang mga sasama, idagdag pa ang mga dala-dala nila ay halos kulangin sila ng sasakyan.
“Sige po. Susubukan kong pakiusapan ang isa sa pinsan ko,” aniya rito at wala sa loob na naisuklay ang daliri sa buhok.
“Susubukan ko ring maghanap dito ulit. Tumawag rin ako kina Teacher Jhel pero hindi siya sigurado. Basta tatawagan kita kaagad kapag may nakuha ako,” tugon nito sa kabilang linya.
“Sige po.”
“Bye, Hairah. Thanks.”
“No worries. Bye po.”
Naputol na ang linya. Ibinababa na ni Hairah ang cellphone sa ibabaw ng mesa nang magsalita si Elijah. “May nangyari ba?” concerned na tanong nito.
“Not that big,” she answered while turning to her pizza. She got one, bit it then chew slowly, totally oblivious at Elijah’s eyes watching her.
“Sa school?” tanong ni Elijah at kumuha rin ng pizza at kumagat.
“Nope. Volunteers,” she simply answered. Her mind was drifting, thinking who’s cousin she’d ask later to drive for them. Sana hindi busy ang Kuya Bill niya o kaya naman ay si Kuya Roy. Sila lang ang alam niyang madaling mapapakiusapan.
“Care to tell?”
Hairah glanced at Elijah, nodded and began speaking, “Pupunta kami sa isang nursing home sa Quezon. Ang problema,’yong nakatokang isa naming driver ay nagkasakit kaya kailangan naming maghanap ng papalit sa kaniya.”
“Kailan iyon?” Hindi mapigilan ni Elijah ang sarili na magtanong. Habang kumakain si Hairah ay kitang-kita sa mukha nito na nag-iisip ito. Para kay Elijah, hindi mahirap basahin ang dalaga. Makikita sa mukha nito kung masaya ito, malungkot, galit o may problema.
“Sa makalawa,” tugon nito habang naglalagay ng hot sauce sa pizza nito. Wala sa loob na napangiti si Elijah habang pinagmamasdan ang ginagawa ng dalaga. Sa iilang beses nilang paglabas ay makikita ang hilig nito sa mga maaanghang na pagkain.
Keep asking her…
“May mahahanap ka bang magda-drive para sa inyo?” tanong niya pa.
“Not sure,” kibit-balikat nitong sagot kasabay nang paglambot ng mukha nito. “I’ll ask later one of my cousins. Hopefully ay may pumayag sa kanila. Kaso Sabado kasi iyon at araw din ng pahinga nila.”
Go, ask her, Elijah…
No, that’s her problem to deal. Let her be.
“What if wala kayong makuha?”
Kaagad lumaglag ang balikat nito. “Don't know. Pero kailangan talaga.”
Tinitigan ni Elijah ang dalaga. Something inside him wanted to help but…
Let her deal with her problem.
He wanted to help.
Let her de—Why not help her, beloved?
Naipilig ni Elijah ang ulo. “I know how to drive,” he shared, making Hairah looked up at him in awe. “At wala rin akong pasok hanggang sunod na Linggo,” dugtong pa niya.
Tuluyan nang natuon sa kaniya ang atensiyon ng dalaga at kung hindi lang baka ma-offend ito’y gusto niyang matawa sa reaksyon nito. Gulat na gulat ito, nakatigil sa ere ang hawak na baso ng ice tea na iinumin sana.
“Driving from Batangas to Quezon isn’t that hard,” he commented. This comment earned a blink and a small puffed of breathe from her. He couldn’t help not to grin while watching her.
“A-Are you…?”
“Yes,” Elijah answered while grinning.
Hairah’s heartbeat immediately perked when Elijah’s grin widened. Obviously, her wonderment was an entertainment for him. She grazed her lower lip, looked down as she put her glass at the table and abruptly squared her shoulder.
Get a grip, Hairah.
Muli niyang inabot ang iced tea at uminom bago muling hinarap ito. “Inaalok mo ba akong ipagda-drive mo kami?” Hindi pa rin siya makapaniwala pero pinilit niyang pakalmahin ang tinig.
“Yes.”
“Hindi ba’t may trabaho ka?”
Nabawasan ang ngiti ni Elijah at wala sa loob na napahawak sa batok. “Nagkaproblema ako sa station, eh.”
“Ha? Bakit? Paano ang trabaho mo?” sunod-sunod na tanong niya bago pa mapigilan ang sarili. Alam niyang mahal nito ang trabaho at masaya ito sa ginagawa kaya nakakapagtakang nagkaproblema ito.
“Hindi naman masiyadong malaki. Makakabalik din ako pagkatapos ng ilang araw.”
“Suspended ka ba?” usisa pa niya.
Kitang-kita ni Elijah kung gaano ka-genuine ang concern sa mukha ni Hairah habang nagtatanong. Kung ibang tao ay baka nairita na siya pero iba talaga si Hairah.
Balik sa problema sa trabaho, binigyan siya ng chief niya ng ilang araw na suspension pagkatapos nang nangyari noong makalawa. Hindi siya naka-duty ng gabi at ang masama’y nagpakita pa siya ng umaga ng may hangover. Mahigpit ang head nila pero kapag may pagkakataon ay maunawain ito.
“Ilang araw lang naman,” sa halip ay tugon ni Elijah ngunit hindi man lang nabawasan ang pag-aalala sa mukha ni Hairah. Hindi niya alam ang iniisip nito pero isang bagay lang ang alam niya, sa mga oras na ito ay hindi siya nag-iisa at kahit pa sabihin niyang huwag siya nitong alalahanin ay tiyak na hindi gagawin nito.
“Kung ganoon, sasabihin ko kay Miss Annie,” pagkaraa’y nakangiting tugon nito.
Kinuha ni Hairah ang cellphone sa ibabaw ng mesa at nagsimulang mag-type. Hindi pa siya nakakailang letra ng nata-type nang may biglang maalala. Hindi niya alam kung paano sasabihin kay Miss Annie na nagprisinta si Elijah na mag-drive para sa kanila.
Anong sasabihin niya?
Paano niya sasabihin?
“May problema ba?” Napansin marahil ni Elijah ang pag-aalinlangan niya.
Umiling siya at bumalik sa pagta-type. Sinabi na lang niya na nakahanap na siya ng driver at kung sino. Sinabi niya ring tatawag siya mamaya para magpaliwanag. Ngunit isang ‘Pakisabing salamat’ lang ang tugon ni Miss Annie at ibig sabihin noo’y wala na silang pag-uusapan mamaya.
“Maaga iyon at baka gabihin rin tayo. Okay lang ba?” baling niya kay Elijah kahit na alam niyang sanay naman ito sa puyatan.
“Kahit anong oras pa,” nakangiting tugon nito.
“Kung ganoon, salamat. Sabihin mo na lang kung magkano ang—“
“Wala kang babayaran kaya wala kang dapat na itanong na halaga,” mabilis na putol nito sa mga sasabihin niya.
“Pero, nakakapagod iyon at ma—“
“Just feed me,” he suggested before the beam came out.
Wala sa loob na napainom muli si Hairah ng iced tea. Nakakapanuyo ng lalamunan ang bawat ngiti ni Elijah.
“Well, Teacher Jhel is a great cook,” she shared.
“I hope she’ll let me eat.” Lalong lumapad ang ngiti. Halatang naalala nito ang naging unang engkwentro nila ni Teacher Jhel.
“She’s nice and if she doesn’t allow you to eat, the van won’t be driving on its own.”
Mahinang tumawa ito at hindi mapigilan ni Hairah na hindi maengganyong titigan ito.
Elijah was like a clouded beauty in her eyes. A light shrouded by dark clouds. She smiled at him hoping he’ll find joy and light again.
Heal his heart, Oh God. Heal him…
*****
Saturday, 4:02 a.m.
Lumabas ng bahay si Hairah habang kasunod ang inaantok pang si Henry na dala-dala ang isang malaking eco bag na may lamang tupperware ng niluto niyang chicken macaroni. Binilinan ito ng ama’t ina na ihahatid siya sa umaga sa labas kaya napilitan itong bumangon nang maaga sa kabila nang pagtutol niya.
“Sinong susundo sa’yo, ate?” tanong ni Henry habang humihikab.
“Kaibigan ko,” tugon niya at pinagbuksan ito ng gate.
Unang lumabas si Henry na kaagad ring napatigil sa paglalakad. “Magkaibigan kayo, ate?” gulat na tanong ni Henry dahilan para mapatingin si Hairah sa tinitingnan ng kapatid.
Hindi na dapat magugulat si Hairah na makikita ang pulang kotse ni Elijah sa tapat ng bahay nila dahil sinabi nitong susunduin siya nito sa umaga para sabay silang pumunta ng school. Hindi na dapat siya magugulat kung naglalakad na ito palapit sa kanila. Ngunit hindi niya mapigilang matulala sa gulat habang nakatitig kay Elijah na nakangiting naglalakad patungo sa kanila.
Elijah was wearing navy blue polo shirt that perfectly fit to his broad chest, shoulder and muscled forearms, and a pickled-green color pants with his white rubber shoes. His hair was swept at the side and his face was clean-shaven. He looked nice and simply handsome, making her sighed.
“Morning,” he greeted both of them.
“Ate,” pasimple siyang siniko ng kapatid. Napatuwid nang tayo si Hairah at pasimpleng kunwa’y inaayos ang asul na cardigan.
“Good morning,” bati ni Hairah kay Elijah.
“Siya ba ang sundo mo, ate?” tanong ni Henry sa kaniya habang nagpapalitan nang tingin mula sa kaniya at kay Elijah.
Nilingon ni Hairah ang kapatid. “Ah, oo. Si Elijah.” Nilingon niya si Elijah na nakatingin sa kapatid niya. “Elijah, si Henry nga pala, bunso kong kapatid,” pagpapakilala ni Hairah sa kapatid.
“Hi, bud,” bati ni Elijah.
“Hey.”
Nagpalitan nang tango ang dalawa, isang paraan na ang mga lalaki lang ata ang nakakaunawa.
Nilapitan nito ang kapatid niya. “Kailangan mo nang tulong?” tanong nito sabay sulyap sa hawak ng kapatid niya.
“Magaan lang po ito.”
“Give it to me, and I’ll put it inside my car,” he said then turned to her. “You ready?”
“Yeah.”
Ibinigay ni Henry ang bag bago sumunod silang magkapatid. Inilalagay ni Elijah ang bag sa loob ng kotse ng balingan siya ng kapatid. “Hindi ba’t pulis siya, ate?” bulong ng kapatid niya.
“Oo, kilala mo?”
“Ate naman, oo naman. Pero bakit kasama mo?”
“Ipagmamaneho niya kami papuntang Quezon.”
Tiningnan siya nang makahulugan ng kapatid. “Hindi ko alam na magkaibigan kayo. Siya din ba ang naghatid sa’yo noong gabing hindi kita nasundo?”
Napangiti si Hairah sa inaasta ng kapatid. Binata na nga ito at kahit siyang ate ay parang kinakastigo na. “Pagbalik ko, bago ako magkwento,” aniya dito. “’Wag kang mag-alala, mabait siya.”
“Alam ko,” nilingon nito si Elijah, “kilala ko siya,” dugtong pa nito bago ibinalik ang tingin sa kaniya. “Sasabihin ko po ba kina mama na siya ang sumundo sa’yo?”
Hindi maiwasang hindi mag-isip ni Hairah pero bakit ba niya itatago kung wala namang dapat itago. Nginitian niya ang kapatid. “Walang problema.” Kinuskos niya ang gulong buhok ng kapatid. “Pumasok ka na’t matulog ka na ulit.”
Nagpaalaman silang magkapatid. Hindi kaagad pumasok si Henry at pinanood sila nang pagbuksan siya ni Elijah ng pinto at pumasok ng kotse. Nanatili si Henry sa may gate hanggang umandar palayo ang sasakyan.
Dumaan ang maghapon at walang sinabi si Henry sa mga magulang tungkol sa pagsundo ni Elijah sa nakakatandang kapatid na babae.
*****
Pagkababa pa lang ng kotse nina Hairah at Elijah ay kakaiba na kaagad ang tinging pinupukol ng mga kasamahan ni Hairah. Naghihintay sa tabi ng puting van sina Jhel, Raelyn, Myrna, Sheila, Laila at si Miss Annie. Ang ibang van ay nagsisimula nang umalis kaya pagkatapos magpakilala ni Miss Annie at Elijah sa isa’t isa ay kinausap muna ito ni Miss Annie na sinamantala naman ng mga kasamahang guro para hilahin siya at kausapin.
“Tunay nga, ipagmamaneho niya tayo,” tuwang-tuwang ani Laila.
“Magtigil ka nga at baka marinig ka,” saway ni Myrna.
“Paano?” tanong ni Jhel.
Napangiwi siya sa tanong ni Jhel. Isang salita lang pero napakaraming kailangang e-explain. Pero hindi ito ang panahon para magpaliwanag kaya simpleng “Magkasama kami kahapon nang tumawag si Miss Annie.”
“At nagprisinta na kaagad siya?” diskumpiyadong tanong ni Sheila.
Tutugon pa sana siya sa tanong ni Sheila pero tinawag na sila ni Miss Annie. Sumakay na silang lahat sa van at tila napagkaisahan ng grupo na sa front passenger seat maupo si Hairah, sa tabi ni Elijah. Wala siyang naggawa samantalang si Elijah ay ngumiti lang.
*****
Elijah was somewhat at ease with Hairah and the company. Hindi niya pa rin maunawaan ang sarili at inalok si Hairah na ipagmaneho ang mga ito.
At least, you can occupy your mind with something. Iyon palagi ang ikinakatwiran niya sa sarili.
Noong una’y tahimik pa ang lahat hanggang nagsimula nang umingay ang mga ito. Nagkukwentuhan ng kung ano-ano tungkol sa mga bata, sa mga napupuntahan nilang mga orphanage at programs. Kinakausap siya ng mga ito, tinatanong ng halos tungkol sa trabaho niya ngunit hindi ng personal na bagay. Hindi niya alam kung nagkwento si Hairah sa mga ito at sa tingin niya kung may alam man ang mga ito ay iginagalang ang pananahimik niya.
“Naranasan mo na bang makahuli ng tao?” Si Laila ang panay ang tanong ng kung ano-ano kay Elijah.
“Yeah.”
“Nagsasagawa rin kayo ng mga raid?” tanong pa ni Laila.
Napasulyap si Elijah kay Hairah. Nakatingin sa kaniya ang dalaga, tabingi ang ngiti sa labi, at humihingi ng despensa ang mga mata.
“Depende kung anong klaseng operation,” tugon niya at ibinalik ang mga mata sa daan.
“Lagi ninyo bang nire-recite iyong Miranda Rights kapag may hinuhuli kayo?” curious namang tanong ni Myrna.
Sinupil ni Elijah ang ngiti sa labi, hindi dahil sa tanong ng guro kundi dahil sa gilid ng mga mata niya ay kitang-kita kung paano paningkitan ng mga mata ni Hairah ang mga kasama.
“Oo nga. Ano nga ulit iyong sinasabi roon?” sabat ni Laila. “You have the right to remain silent and…” Tumigil ito nang pagsasalita at nilingon ang kasamang nagngangalang Sheila. Tahimik ito sa likuran, katabi ang school head nila na nagpakilalang si Mrs. Sales at si Miss Annie na siyang kausap niya kanina.
Sinulyapan niya ito sa rearview mirror. Simula pa noong unang makadaupang-palad ito ay halata ang disgusto nito sa kaniya. Gayunpaman, tila sinusubukan nitong maging civil. “You have the right to remain silent and refuse to answer questions. Anything you say may be used against you in a court of law. You have the right to consult an attorney before speaking to the police and to have an attorney present during questioning now or in the future.” Nakatingin ito sa kaniya habang nagsasalita ng mabilis. Halatang napilitan lang sumagot.
“Sabi na, saulo pa ni Teacher Sheila iyon,” nangingiting saad ni Laila.
Ibinalik niya muli ang tingin sa daan at naghintay ng sunod na tanong ng mga kasamang babae.
Hindi mapigilan ni Hairah na mapangiti nang makitang at ease si Elijah sa mga kasamahan niya. Matiyaga nitong sinasagot ang mga tanong ng mga kasama. Ni hindi man lang kababakasan ng inis ang mukha nito. Ngunit nagbago iyon ng bago tuluyang sumikat ang araw ay nagyaya si Miss Annie na gawin ang kanilang daily devotion. Naramdaman kaagad ni Hairah ang pananahimik at pagtensyon ni Elijah.
Teacher Jhel led the prayer, and everyone joined except Elijah whose eyes were on the road, his mind blocking their soft murmuring.
“Lord, your discipline is good, for it leads to life and health. You restore my health and allow me to live! Isaiah 38:16”
Teacher Jhel told the snap of story where King Hezekiah became ill and in the verge of death. She told how the king wept to the Lord when Isaiah informed him that he would die soon. King Hezekiah wept bitterly while he prayed, and God listened to him. That's when God granted him another fifteen years in his life, and told him how God would defend him from his enemies.
Jhel also told a personal experience to support it. Her mother experienced stroke when she was in college. It's so severe that and thought she would die. The effect of the stroke lasted for years, but through the help of God, her mother was still kicking and alive. What happened taught their family to depend more in God, that whatever happens, God is always there for them. They could always lean on and trust to God.
"There’s a reason behind all those gray moments, and all you have to do is to trust and believe to God," Teacher Jhel stated at the end.
Upon hearing them, Elijah’s body went still. He didn’t want to listen, but their words kept on ringing inside his ear, entering his mind. He couldn’t help it. So, he decided to take things the other way around.
God just care for those people He like and wanted to. Unfortunately, he’s not one of them.
That’s not true, my child.
God healed Hezekiah because the king done something for him. Teacher Jhel's mother healed because she and her family was a pleasing one. But, how about him? He loved God. He believed in Him. He used to serve Him. But why did He take away his unborn child and his wife? Isn’t it enough? Does he have to build a church also for God to love him?
I love you with all my heart, my child. You’re just blinded of worldly things you didn’t see and feel it.
Elijah stopped listening to the women then stopped listening to any voice. He closed his ear and now his heart.
*****