Chapter Three

2596 Words
“The way of a man is not in himself nor it is in man to determine his steps.” Ten-five in the evening... "Maghanap ka na rin kasi ng boyfriend," malakas na pambubuyo ni Lyra. Ngiting-ngiti pa ito habang nakadapa sa kama at nakapanghalumbaba. Hindi niya tuloy maiwasang mapatitig sa daliri nito. Kahit sa screen lang ay kitang-kita niya ang maganda at kumikinang na bato ng engagement ring nito. "Yup! Akoy sang-ayon diyan. One hundred percent," bulalas ni Sandy. Sinulyapan niya ito pero nanatiling tahimik. Kasalukuyan silang magkaka-video call dahil sa 'urgent announcement' ni Lyra. “Bakit ba sa’kin napunta ang usapan?  Ang pag-usapan natin ang wedding plan ninyo,” pag-iiba niya ng usapan nang hindi matiis ang kakaibang tingin ng dalawang kaibigan. After so many dramas and tears, pumayag nang magpakasal si Lyra sa five-year boyfriend nito. Ayon sa kwento nito, kanina lang hapon nang lumabas ang dalawa ay nag-propose si Pancho kay Lyra—for the second time around. Two years ago nang unang mag-propose si Pancho rito pero tumanggi si Lyra. In God’s grace, hindi naman nagsawang maghintay rito si Pancho. “May mga napag-usapan na kami,” lumambong ang kakaibang kislap sa mga mata ni Lyra habang nagsasalita. “But then, Pancho is full of surprises. I want to bet on that.” “Kaya nga laking taka ko sa’yo nang tanggihan mo si Pancho noon. Ano pa bang hahanapin mo sa kaniya? Masipag, mabait, maalaga—“ “Magaling nang magluto ay ipinaglalaba ka pa,” natatawang agaw niya sa mga sasabihin pa ni Sandy. Napahalakhak silang dalawa ni Sandy habang bumusangot naman ang mukha ni Lyra. “Short-tempered iyon, ha.” “Short-tempered pa? Heller, hinintay ka nga ng ilang taon,” pambubuska ni Sandy na sandaling nawala sa screen at pagbalik ay may hawak ng hair brush. “At naiinis lang iyon kapag inaaway mo,” dagdag naman niya. Nag-make face lang si Lyra. Sa ilang taon nilang magkakaibigan ay nasaksihan niya ang away-bating love story nito at ni Pancho, na most of the time ay sinisimulan ni Lyra. “Mabait na ako ngayon,” ingos nito. “Talaga?” “Oo, ha!” “Sus, baka mamaya magkasumpong ka lang ay umurong ka pa sa kasal,” pang-aasar pa ni Sandy habang patuloy sa pagba-brush ng kulay tsokolateng buhok nito. Inikutan ito ni Lyra ng mata. Nangingiti na lang siya habang pinapanood ang dalawang kaibigan. “Hoy, Hairah, ikaw ha. Tatahimik-tahimik ka na naman diyan,” baling ni Lyra sa kaniya. Nagkibit-balikat siya. “Labas ako sa away ninyong dalawa.” “Tss…” “Basta, maging mabait ka kay Pancho! At ikaw, Hairah, mag-boyfriend ka na bago ka pa maalis sa kalendaryo,” taas-kilay na turan ni Sandy sa kanila. “Nagsalita ang mabait na girlfriend.” “Twenty-six lang ako.” Halos sabay nilang saad ni Lyra. Maliban sa nakaismid ang huli. “Excuse me, minsan lang kami mag-away ni Jeff,” mayabang na sansala ni Sandy. “Minsan nga lang pero inaabot naman ng buwan bago kayo magkaayos.” Three points for Lyra! Napakagat-labi siya para pigilan ang paghalakhak. “Tsee!” Pagkakataon naman ni Lyra na humalakhak. “See?” “Ipagtanggol mo naman ako Hairah.” Nag-puppy eyes sa kaniya si Sandy. “Okay lang iyan. Nagkakaayos naman kayo ni Jeff…” Tumigil siya sandali bago nakangiting nagsabi ng, “minsan… after two weeks.” Lalong lumakas ang halakhak ni Lyra dahil sa sinabi niya. “Diyan na nga kayo!” nguso ni Sandy na humalukikip na. “Inaantok na ako.” “Ito naman, biro lang,” nakangiting aniya at sumandal sa backrest ng upuan. “Late na rin pala,” puna ni Lyra nang tila mahimasmasan mula sa katatawa. Nakatagilid na ito at nakahilig sa tumpok ng unan. “Oo nga. Kailangan ko na rin palang matulog. May pupuntahan kami ni Jeff bukas nang maaga.” “Pupunta rin kami Pancho sa rest house nila bukas.” Sumulyap siya sa orasan sa ibabaw ng table niya. “Maaga rin nga pala akong sisimba bukas,” wala sa loob na saad niya. “May date ka pagkatapos?” usisa ni Sandy. “Wala. Matutulog, magbabasa at magsusulat ako pag-uwi.” “Kailangan mo na talaga ng jowa,” umiiling-iling na deklara nito. "Akala mo naman ay madali lang iyon na para lang akong bibili ng damit," katwiran niya. "Eh, paano ka makaka-move on?" tanong naman ni Lyra. “Akala ko ba ay matutulog na kayong dalawa?” taas-kilay na tanong niya. “Nasa Pilipinas lang kayo ni Elijah, nasa iisang bayan at  nasa iisang barangay. Paano ka kapag nagtatagpo ang landas ninyo?” Kahit wala siyang sabihin sa dalawang kaibigan ay kilala siya ng mga ito. alam ng mga ito na hangga’t kaya ay iiwasa niya ang lalaki. Napaisip siya sa tanong ni Lyra pero sa huli, wala namang kaso kahit magtagpo ang landas nila ni Elijah. Sa mga oras na ito, ang alam niya lang, may tamang panahon ang lahat. Maybe it’s her season to be just like that. Afterall, it’s just a season.             "Okay na ako," pagsisinungaling niya niya. Mabuti na lang at hindi niya nabanggit na nagtagpo ang landas nila ni Elijah kanina.             "Sus..." Nag-make-face ang dalawa, halatang hindi naniniwala sa kaniya.             “Matulog na nga kayo kung ayaw ninyong humarap sa mga boyfriend ninyo na puro eyebags,” iwas-pusoy na saad niya. "At magsimba kayo bukas ha," mabilis pa niyang dagdag. “In denial but not a good liar,” Lyra said while shaking her head. “Sige na, bye na.”             “Bye na. Good night sa inyong dalawa!” wika naman ni Sandy.             “Good night.” Nang makapag-end call ay pinatay na niya ang laptop, nahiga at pikit-matang niyakap ang isa sa unan niya. At bago pa niya mapigilan ang sarili, kusang bumalik ang alaala nang magtagpo sila ni Elijah kanina. Hindi maalis sa isip niya ang nakangiting mukha nito. Bakit ang aliwalas ng mukha niya? "Bakit kasi…" bulong niya habang nakasubsob sa unan. “Mali ito…” Lalong humigpit ang yakap niya sa unan. Mali... Mali kasi... Maling panahon. Maling pagkakataon. Maling tao. Mali ang lahat. Oh God, please help my heart. It’s betraying me, she silently prayed before sleep took her away. ***** Matagal nang natapos ang unang misa pero gusto pang manatili ni Hairah sa loob ng simbahan. Kanina pa rin nagsisimulang sumungaw ang araw sa labas, pero tila mas gusto niya ang katahimikan sa loob. May kakaibang kapayapaang dala ang simbahan. Even just by walking inside, she felt comforted. God’s comforting hand is everywhere, particularly the place where many hearts were longing for Him and His comforting presence. Hindi siya nagmula sa relihiyosong pamilya. Tanging ina at mga lola lang niya ang madalas nakakasama niyang sumimba noon. May pagkakataon dati na nakakasimba pa silang mag-anak nang magkakasama. Pero nang magsimulang lumaki ang mga kapatid niya'y naging madalang ang pagsimba nila ng magkakasama. Lumaki rin siyang hindi gaanong malapit sa Diyos. However, God have ways to bring back His children. God led her way, and He’s at work in doing this. It just, people have to let Him do His work. Ilang minuto pa siyang nanatiling nakaupo at nakatulala sa kawalan roon bago nagdesisyong tumayo. Tahimik na binaybay niya ang gilid ng pew, pasimpleng sinusulyapan ang mga taong nakaluhod at tahimik na nagdarasal. May kaniya-kaniya silang hiling at hindi bingi ang Diyos sa mga dasal na iyon. Nakayukong napabuntonghininga siya at nagpatuloy sa mabagal at tahimik na paghakbang. Ngunit ang hakbang na iyon ay kaagad tumigil nang sa pag-angat niya ng tingin ay nakita ang lalaking hinihiling niyang huling masilayan. Oh Lord, why now? Pakiramdam ni Hairah ay ipinako ang mga paa niya sa sahig. Gusto niyang humakbang palabas, lumayo, pero ayaw gumalaw ng mga paa niya. Kahit ang mga mata niya’y hindi inaalis ang tingin sa lalaking bahagyang nakayuko at taimtim na nagdarasal. Nakasuot pa rin ito ng uniform sa ilalim ng bukas na black leather na jacket. Sa tabi nito ay naroon ang kulay itim na bag. Hindi pa siya gaanong kalapit rito pero hindi nakalingat sa kaniya ang mariing pagkakapikit ng mga mata nito at ang paggalaw ng mga labi nito. Mali ito, Hairah. You need to go. A voice inside her kept on telling her to go and let go. “I can’t.” Unintentionally, her voice became audible in a soft hiss. Napakurap siya nang marinig ang sariling tinig. Lalong luminaw sa paningin niya si Elijah na nasa ganoon pa ring posisyon. Magkakrus ang mga daliri nito sa kamay at mula roo'y kita niya ang pagkislap ng wedding ring sa palasingsingan nito. Huwag mong hangarin ang pag-aari na ng iba. Ipinilig niya ang ulo at maagap na umiwas ng tingin kay Elijah. Pakiramdam niya ay binuhusan siya ng malamig na tubig sa bilis nang naging paghakbang niya. Huwag mong hangarin ang pag-aari na ng iba. Oh, what am I doing? sigaw ng isip niya. Kumakabog ang dibdib niya at tila nangangapal ang batok niya sa kaba, hiya at inis sa sarili. Malapit na siya sa kinauupuan nito nang sa muling pagsulyap niya ay nagmulat ito ng mga mata. Sandaling nagsalubong ang mga mata nila bago naagaw iyon ng mahinang tunog ng cellphone nito. Mabilis na kumibo si Elijah at kinuha ang cellphone sa bulsa ng pantalon habang siya ay nagpatuloy sa paglalakad hanggang malampasan ito. Gayunman, kahit sa sandaling paghihinang ng mga mata nila ay kitang-kita niya ang maliliit na butil ng luha na unti-unting sumusungaw sa gilid ng mga mata nito. Ang maaliwalas nitong mukha kahapon ay naglaho. Is he crying? May pinagdadaanan ba ito? sunod-sunod na tanong ng isip niya nang tuluyang makalabas ng simbahan. Noon niya lang nakita ang gano'ng ekspresyon sa mukha ni Elijah. Kahapon lang ay nakangiti ito ngunit ngayon ay magkakahalong sakit, lungkot at paghihirap ang tanging nakalarawan sa mukha nito. Pero bakit ganoon? Bakit tila pinipiga ang puso niya? Bakit tila may kumukurot sa dibdib niya? Nasasaktan ba siya dahil nasasaktan ito? Napahawak siya sa dibdib at mariing pumikit, hindi alintana ang mangilan-ngilang taong napapalingon sa kaniya. Lord, anuman ang pinagdaraanan niya, Ikaw na po ang bahala sa kaniya. Bigyang-aliw mo ang puso niya. Iminulat niya ang mga mata at sumalubong ang kulay asul na langit. Inipon niya ang natitirang lakas at tuluyan nang naglakad palayo. Mabibigat ang bawat hakbang niya. Gusto niyang bumalik at pagaanin ang dinadala nito pero hindi niya tungkulin iyon. May asawa itong siyang magiging kapareha sa hirap man o ginhawa. Magiging karamay nito sa lungkot at saya. Hindi siya… Maaari ko lang siyang tulungan sa pamamagitan ng panalangin. Hanggang doon lang. Pinuno niya ng hangin ang dibdib at inihinga iyon sa kawalan para pigilin ang sariling lumingon man lang. This time, she has to deny herself. *****   Tahimik ang kabahayan nang pumasok si Elijah. Ibinaba niya ang bag at helmet sa center table nang marinig ang pagkalansing ng mga gamit sa kusina. Napangiti siya at tinunton ang daan patungo sa kusina. "Hi love, good morning," masiglang bungad ni Elijah sa asawa. Nasa harap si Yannie ng lutuan at may kung hinahalo sa kaserola. Nakasuot ito ng red sleeveless top at cotton short shorts. Dati0rati ay hapit na hapit dito ang mga damit ngunit ngayo’y kapansin-pansin ang bahagyang pagluwag ng mga damit ng asawa. "Oh, love. Andiyan ka na pala," ani Yannie na nagmamadaling yumakap sa kaniya. Gumanti siya ng yakap rito. Sa ilang linggong nagdaan ay hindi lang nakikita kundi dama rin niya ang mumunting pagbabago sa katawan ng asawa. Ngunit sa halip na pansinin iyon, hinalikan niya ang asawa sa labi na mabilis naman nitong tinugon. “I miss you,” bulong niya rito pagkaraan. May ngiting humiwalay naman ito at tiningala siya. “I miss you, too.” Pinagmasdan niya ang mukha nito at marahang isinumpit ang kulot na buhok sa likuran ng tenga. "Hindi ba’t sabi ko sa’yo na huwag ka nang magkikilos? Makakasama iyan sa’yo," nag-aalalang paalala niya sa asawa at maagap na inalalayan itong maupo. Naupo rin siya sa tabi nito. “Nasaan ba an—“ "Inutusan ko si Suzette,” mabilis na sansala nito. “Tsaka, okay na ako. Nakapagpahinga na ako. Wala na nga akong ginawa kundi magpahinga." Nakalabing lahad nito kahit na alam niyang nanghihina pa rin ito at nagpipilit lang. "Makinig ka na lang sa akin, okay? Para rin sa’yo ito, para sa’tin." "Alam ko, pero parang mas nakakapagod mahiga lang nang mahiga. I need to move. I need to do something,” usal nito habang pilit ngumingiti. Hindi niya mapigilang mapabuntonghininga. “Ayoko lang na pinepwersa mo ang sarili mo. Sabi ng doctor ay kailangan mong magpahinga at magbawi ng lakas.” “Halos dalawang linggo na, Elijah,” mahinang wika nito na sinabayan ng paglamlam ng mga mata. “I have to get my mind focus to something para hindi ako mag-isip.” Inabot nito ang kamay niya at hinawakan nang mahigpit. “Yannie…” “Alam kong napag-usapan na natin ito. Kakayanin natin ito. But this time, just let me be like this, let me serve you. Alam kong hindi madaling pumasok sa trabaho pagkatapos ng nangyari.” Hinapit niya ito patungo sa kaniyang dibdib. “Okay, but always be careful. Nandiyan si Suzette kapag wala ako. Let her do her work. Marami pa tayong panahon, magbawi ka muna ng lakas.” “Yes, Sir!” nakangiti ng biro nito at yumakap lalo sa kaniya nang mahigpit. "You know how much I love you." Tiningala muli siya nito. “But, I love you more,” matamis na saad ni Yannie at binigyan siya nang mabilis na halik sa sulok ng labi. “Kaya kumain ka muna. Alam kong pagod at puyat ka sa trabaho," dagdag pa nito at muli siyang binigyan nang mabilis na halik sa pisngi. "Okay." Tumayo siya at nilapitan ang niluluto nito. "Mukhang masarap nga ang inihanda ng asawa ko, ah," nakangiti niyang ani. "Siyempre, para sa gwapo kong asawa iyan, eh." Lumawak ang ngiti niya at tinitigan ito. How lucky he is to have a beautiful and strong wife like her. Habang tinititigan niya ito ay lalo lang itong gumaganda sa paningin niya. At habang tumatagal ay lalong minamahal niya ito. Ito ang tanging dahilan kung bakit sa kabila nang hindi magandang pinagdaanan nila nitong mga nakaraang lingo ay nagagawa pa rin niyang ngumiti. Pero may pagkakataon pa ring pakiramdam niya ay nanghihina siya. At ayaw niyang maging mahina sa harap ni Yannie. “Elijah…” Tinig ni Yannie ang nagpabalik ng diwa niya. Tumayo ito at lumapit sa kaniya. Ipinulupot nito ang dalawang braso sa bewang niya. Sa kabila nang panghihina ay punong-puno pa rin nang pagmamahal ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. Batid niyang pilit pa rin nitong nilalabanan ang lungkot at sakit. “It’s going to be fine,” he whispered as he lowered his head and touched her forehead with his. “Yes, it will.” "I love you, Yannie." "I love you too, Elijah," nakapikit na tugon nito. Pumikit din siya at dinama ang bawat sandaling kasama at kayakap ito. They both lost something special, but knowing that Yannie was by his side, he could handle everything. His love for her was too much that he would be broke if he lost her. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD