Chapter Four

3535 Words
"Vision is the art of seeing the invisible." – Jonathan Swift Five days later… Hairah's morning always began with silent prayer and a short reading of her Bible. It's not a common practice for her. Not until two years ago. It wasn't an easy routine at first, but through prayers and persistence, she'd manage to make it a habit. Katatapos niya lang manalangin nang may kumatok sa pinto ng kwarto niya. "Ate?" Helena, one of her siblings, called out. She was her third sibling, and she had a twin brother named Henry. "Pasok," tugon niya bago tumayo mula sa kama. "Ate, morning," bati nito nang sumungaw sa may pinto. "Aalis ka na?" May nahihiyang ngiting tumango ito habang pumapasok sa silid niya. Bihis na bihis ito at may nakasakbit na kulay pink na backpack sa likod. "Ano… ate, naalala mo ‘yong sinabi mo… ‘yong pangako mo sa akin?" nangingiting tanong ni Helena. Field Trip ng mga ito ngayon at nakapangako siya na bibigyan ito ng extrang baon. Napatawa siya. "Oo naman." Lumapit siya sa bag niya at kinuha ang wallet niya. Naglabas siya ng pera bago lumapit dito. "Oh, ito ang kabahagi ko. Alam kong binigyan ka ng kuya Harold mo." Ang tinutukoy niya'y ang pangalawa nilang kapatid na nasa abroad. "Okay na ito, ate, tsaka malaki na ito. Salamat." Malapad ang ngiti nito habang inilalagay ang pera sa sariling wallet. "Matutong magtipid, Helena at mag-iingat kayo," paalala niya rito. "Opo, ate." Tumango ito at nag-thumbs up pa sa kaniya. "Aalis na po ako at naghihintay na raw ang bus," pamamaalam nito at naglakad na patungo sa pinto. "Okay. Don't forget to pray," pahabol niyang paalala rito bago ito tuluyang makalabas ng silid. "Hindi ko kakalimutan, ate!" Napangiti na lang siya habang nakatingin sa nakasarang pinto kung saan lumabas ang kapatid. Bumalik siya sa kama, hindi para mahiga muli kundi ayusin ito at maghanda na sa pagpasok sa trabaho. It's Friday, last day of weekdays, but not of her service. ***** Hairah looked at the big blue round wall clock. Ilang minuto na lang ay tutunog na ang bell para sa recess. "Okay, children, kindly fix all your things, and we will take our recess." Hairah’s loud but tender voice got the attention of all her students. "Yes, teacher!" sabay-sabay at hindi magkamayaw na wika ng mga bata. Nang matiyak na naligpit at maayos na ang gamit ng lahat ay pinatayo na niya ang mga ito at pinagdasal. Pagkatapos magdasal ay pinapila niya ang mga bata papunta sa canteen. Sinamahan niya rin ang mga ito at hinintay hanggang makabili lahat bago bumalik sila sa silid-aralan. Grade one pa lang ang mga ito kaya naman kailangan pa niyang bantayan nang mabuti. "Children, kain lang nang tahimik." "Yes, teacher!" Hati ang atensyon niyang nakatuon sa mga batang kumakain habang nagliligpit ng mga gamit sa mesa. May mangilan-ngilang bata rin na lumalapit sa kaniya para magpatulong sa pagbubukas ng kanilang pagkain. Sa ilang taon niyang pagiging guro, halos nakasanayan niya na ang pag-aalaga at pag-aasikaso ng mga bata. Hindi madali pero kahit papaano, nakakawala nang pagod kapag nakikita niyang nakangiti sila at nag-e-enjoy sa pagtuturo niya. "After kumain, ‘wag kakalimutan kong saan dapat ilagay ang trashes ninyo," paalala niya muli sa mga ito. "Yes, teacher!" sabay-sabay na tugon ng mga ito at nagsimulang humimig. “Red for plastics… Green for perishables… Blue for papers…” Kanta ng mga bata sa madalas niyang paalalang tamang pagtatapon. Nang matapos kumain, nilapitan niya isa-isa ang mga ito at siniguradong nalinis ang pinagkainan at pati na rin ang sarili. "Teacher, wala po akong pang-lunch!" sumbong ng isa sa mga bata habang hawak ang lunchbox nitong walang laman. "Ako rin po!" segunda ng isa pa. "Ako rin po, teacher!" Nagsimula sa isa hanggang lahat ay gumaya na. Pumunta siya sa gitna at nakangiting sinabing, "Mga bata, nakalimutan na ba ninyong half-day lang kayo ngayon?" Natahimik ang mga ito, napamulagat sa kaniya bago sabay-sabay na bumulalas ng, "Yeheey! Maagang uuwi." Napangiwi siya. Sinabi na, eh. Napapailing na lang niyang malakas na ipinalakpak ang dalawang kamay para kunin muli ang atensiyon ng mga bata. ***** Five o’clock in the afternoon… Biyernes ang kadalasang araw kung saan pagdating nang hapon ay napakaraming tao sa liwasan. Nakasanayan na ni Hairah na maraming mga kabataan at ilang pamilya na tumatambay roon para magpalipas ng oras. Ngunit tila kabaligtaran ang araw na iyon. Inalis niya ang tingin sa walang lamang mga benches at nagpatuloy na lang sa paglalakad pauwi. "Hoy, pinsan!" Napapitlag si Hairah nang may biglang kumulbit sa likuran niya. "Kuya Bill!" bulalas niya nang lingunin ito. "Layo ng iniisip, ah. Huwag mong pakaisipin, mahal ka noon," natatawang biro nito. "Ikaw talaga." “Ngayon ka pa lang uuwi?” tanong nito at sinabayan siya sa paglalakad. Pinsan niya ito sa side ng kaniyang mama. Dalawang taon ang tanda nito sa kaniya pero halos kasabay na niyang lumaki. “Oo, eh.” “Hinapon ka na,” komento nito. “May tinapos lang kami.” “Masiyado kang busy. Matagal-tagal na rin tayong hindi nakakapagkwentuhan kahit magkalapit lang naman ang mga bahay natin.” Napakamot siya sa may batok. “Pasensiya na. Hindi na nga ako nakakadalaw kina tita.” "Oo, naku, noong isang araw ay tinatanong kung ikaw daw ay nag-asawa na at hindi ka na napunta ng bahay,” natatawang kwento nito. “Grabe naman si tita,” nakangiwing bulong niya na ikinatawa nito. “Madalas ka pa ring nagvo-volunteer?" tanong nito pagkaraan. "Oo.” "Wala ka pa bang balak mag-asawa? Masiyado kang lulong sa mga ginagawa mo. Sige ka, tatanda ka niyang dalaga." Sinulyapan siya nito bago ibinalik ang tingin sa daan. "Grabe ka, kuya.” Mahinang tumawa siya at nag-angat ng tingin sa langit na nagpapalit na ng kulay. “Isa pa, pamantayan lang ng mga tao ang edad. May tamang oras pa rin ang lahat, baka hindi pa sa ngayon ang akin.” "Sa panahon ngayon, mas maganda kung mag-aasawa ka nang maaga,” pagpupursige pa nito. Tinaasan niya ito ng isang kilay. “Hapon na, kuya. Bukas na lang,” pagbibiro niya na siya namang ikinatawa nito nang malakas. Hindi pa ito nakakabawi nang mapatingin siya sa grupo ng mga bata na naglalaro ilang metro ang layo sa kanila. “Hindi ba’t si Sarah iyon?” kunot-noong tanong niya. Natahimik si Bill at sinundan ng tingin ang direksyon kung saan siya nakatingin. “Naku naman! Sinabi nang ‘wag maglalaro sa labas ang chikiting na iyon.” ***** Itinigil ni Elijah ang kotse sa gilid ng daan upang tingnan ang namumutlang asawa na nakaupo sa tabi niya. Nakasandig ang ulo nito sa headrest, nakapikit, bahagyang nakaawang ang mga labi at tila kay babaw nang paghinga. Naaawa siya sa asawa pero wala naman siyang magawa para rito. Kung maaari lang niyang ibigay ang sariling lakas rito, ginawa na niya. Bagsak ang balikat na ibinalik niya ang tingin sa unahan ng sasakyan. "Love, bakit ka tumigil?" Napalingon muli si Elijah sa asawa na nagpupumilit kumilos. Maagap niyang hinawakan ang kamay nito. "Wala, love, magpahinga ka na ulit," malambing niyang tugon bago hinalikan ang likod ng palad nito. “I’m sorry at hindi ko napansing napagod ka na.” Pumunta sila sa bahay ng mga magulang. Kung siya ang masusunod ay hindi na muna sila pupunta pero lubhang naging mapilit ito. Hindi naman niya akalaing mapapagod ito ng sobra. Pareho silang pulis ni Yannie, sanay sa mabibigat na gawain at malakas ang katawan. Pero simula nang sabihin ng doctor na makakasama sa kalagayan nito ang magkikilos ay pinatigil na niya ito nang pagtatrabaho, kahit pa labag sa loob ng asawa. Ngunit simula rin nang tumigil sa pagtatrabaho si Yannie ay lalong nanghina ang katawan nito. Binuhay niya muli ang makina at mabagal na pinaandar ang kotse. Hindi niya maiwasang maawa dito. Mahal nito ang trabaho at hindi naging madali para rito ang tumigil sa pagtatrabaho. But they didn't want to take a risk. Ang naging kaso lang, kahit naging maingat sila, natalo rin sila kaagad.  "Love, pasensiya ka na ha… Mukhang matatagalan pa bago ako maka-recover sa dati kong lakas,” nanghihinang despensa ng asawa niya. “Ayokong maging pabigat sa’yo.” Sinulyapan niya ang asawa bago ibinalik ang tingin sa daan. "Ano bang sinasabi mo? Kahit kailan, hindi ka magiging pabigat sa’kin. Tandaan mo iyan. Ang mahalaga sa’kin ngayon ay ang magkasama tayo," may diing aniya. Bahagyang binilisan niya ang pagpapatakbo ng kotse para makauwi kaagad at makapagpahinga ang asawa. Matapang si Yannie, palaban, pero sa nakikita niya ay hindi lang katawan nito ang nanghihina, pati ang loob nito. At kailangan niyang ipaalam dito na kahit ano pang mangyari ay hindi ito magiging sagabal sa buhay niya. Hindi mahalaga sa kaniya kung hindi na ito makapagtrabaho, makagawa ng gawaing-bahay o hindi na nito magawa ang tungkulin ng isang asawa. Ang mahalaga sa kaniya ay ligtas ito at magkasama silang dalawa. "Mahal na mahal kita, Elijah. Lagi mo iyang tatandaan," bulong pa ni Yannie habang nakapikit pa rin. Naramdaman niyang hinawakan siya nito sa kanang braso. Gamit ang kanang kamay ay muli niyang dinala sa labi ang kamay nito. Nagmulat ito ng mata at masuyong tiningnan siya. "Mahal na mahal din kita, Yannie." Humigpit ang hawak niya sa kamay nito. Ngumiti ito pero ang malambing nitong ngiti ay napalis. Nanlaki ang mga mata nito sa gulat nang mapatingin sa unahan. "Elijah!” malakas ngunit nanghihinang sigaw nito. Napatingin din siya sa unahan at ganoon na lang ang gulat niya dahil ilang dipa mula sa sasakyan, sa gitna ng kalsada ay may nakatayong batang babae. Mabilis niyang tinapakan ang preno… Narinig niya ang pagsagitsit ng gulong sa semento pero hindi kaagad tumigil ang kotse. Bumusina siya sa pagnanais na paalisin ang bata sa gitna ng kalye ngunit tulala lang na nakatingin sa sasakyan nila ang batang babae. Kinabig niya ang manibela sa gilid habang mula sa kung saan ay may isang babae ang mabilis na tumakbo patungo sa bata at hinila ito. "Sh*t!" Hindi niya mapigilan ang mapamura nang tumigil ang kotse nila ilang pulgada mula sa sementong bakod. Mabilis niyang inalis ang seatbelt at nilingon ang asawa. “Ya—“ “We need to check on th—“ "No, stay here, Yannie," pigil niya rito ng akmang paglabas nito. "Pero..." may pag-aalangang sansala nito. "Baka nasaktan natin sila… o ang b-bata." "I don't think so," aniya sabay sulyap sa unahan. May lalaking lumapit sa babae at bata. "Please, dito ka na lang at ako nang bahala." Napipilitang tumango ito. Hindi pa siya tuluyang nakakalabas ng sasakyan ay sumalubong na sa kaniya ang lalaking lumapit kanina sa bata at sa babae. Salubong ang kilay nito na nagsalita. "Sir, ingat naman po sana sa pagmamaneho,” simula nito pagkakita sa kaniya. “Wala po kayo sa main road. Kabahayan po dito kaya hindi maiiwasang may mga bata na nasa labas." Kahit may bakas ng galit sa tinig ay tila pinipilit nitong maging mahinahon. "Pare, pasensiya na. Sumama lang bigla ang pakiramdam ng asawa ko kaya hindi ko napansin ang bata," mahinahon niya ring paliwanag. Sinulyapan niya ang babae at ang bata. Nakatalikod ang babae habang tila inaamo ang umiiyak na bata. "Okay lang ba sila? Baka nasaktan sila. Dadalahin natin sa hospital," pag-aalok niya. "Hindi na, Sir,” seryosong tugon nito. "Ang akin lang po'y paalala," makahulugang wika nito at pasimpleng pinasadahan siya ng tingin. Ibinalik niya ang tingin sa babae at sa bata. Gusto niyang makatiyak na maayos at walang nasaktan sa kanila kahit na alam niyang hindi man lang nalapatan ang mga ito ng kotse. Tumayo na ang babae at nilingon sila. Hindi nakaligtas sa kaniya ang sandaling pagrehistro ng gulat sa mga mata nito nang makita siya bago iyon naging blangko. Tinitigan niya ang babae at napagtantong pamilyar ito. Nakita niya na ito. No, madalas niyang makita ang babae kaya hindi ito mahirap matandaan. "Okay lang ba kayo?" tanong niya.  Napansin niyang hindi lumapit sa kanila ang babae kaya siya na ang kusang humakbang palapit sa mga ito. Mahirap ng magkaproblema. Kahit pa sabihing may responsibilidad ang mga magulang ng bata, hindi maiikailang mas malaki ang magiging kasalanan niya. "Hindi naman kami nasaktan." Mahina at malamig ang tinig ng babae habang nagsasalita. May kakaibang lambing rin sa tono nito ngunit mas nangingibabaw ang pagiging malamig ng tinig nito. “Sigurado ba kayo?" tanong niya. May tipid na ngiting tumango ito. "We're fine. Thanks for concern." Bumaling ito sa lalaki habang buhat ang bata. "Kuya, tara na." Bumaling sa kaniya ang lalaki. "Sige, Sir.  Ingat kayo sa biyahe ni'yo." “Sige, bro.” Lumapit ang lalaki sa babae at kinuha ang bata. "Sarah, halika na kay papa at baka nabibigatan na sa’yo si Tita H," ani ng lalaki sa bata. Nagpapasan naman kaagad dito ang batang babae. Samantalang ang babae ay nilingon muli siya. She lightly nodded her head as she smiled softly then walked away. Tumingin sa kaniya ang bata bago nakangiting kumaway. Ginantihan niya ito ng ngiti at maliit na kaway. Bumalik na siya sa sasakyan at nagtatanong na mga mata ni Yannie ang sumalubong sa kaniya. "Ano? Okay lang ba sila? May nasaktan ba?" sunod-sunod agad na tanong nito. “Hindi naman sila nasaktan. Pasensiya na, love. Mag-iingat na lang ako sa sunod," aniya bago pinaandar na ang sasakyan. "May mali rin sila!” may diing saad nito na hindi niya inaasahan. “Bakit kasi pinababayaan nila ang bata sa labas?” Ramdam niya ang hinanakit sa tinig ng asawa at batid niyang hindi lang usapang responsibilidad ang ibig sabihin nito. At hindi niya masisisi ang asawa. Sa loob nang ilang buwan na pagsasasama nila bilang mag-asawa, kahit ang magkaroon ng anak ay tila ipinagkakait sa kanila ng tadhana. "Yannie, nasa looban tayo. Sadyang maraming bata dito kaya dapat nag-iingat ang mga nagmamaneho,” pagpapaliwanag niya dito sa mahinahong tinig. Hindi ito nagsalita at sa halip ay tumingin sa labas ng bintana. Simula nang makunan ito, bukod sa matinding pagbabago sa katawan, malaki ang ipinagbago ng ugali nito. "Love..." masuyong tawag niya dito. "Okay lang ako, love." At gaya ng mga nagdaang araw, pilit na ngumiti ito. Parang pinipiga ang puso niya kapag nakikita ang asawang nahihirapan. Bakit sa dinami-rami ng tao ay siya pa? Masama man ang mag-isip ng ganito, hindi niya mapigilan ang sarili. Marami namang masasamang tao na patapon nang buhay, maraming tao diyan na mas deserve na mahirapan. Bakit si Yannie pa?  Bakit sila pang mag-asawa? ***** “Come to me, all you who are weary and burdened, and I will give you rest.”  (Matthew 11:28) Kanina pa tinititigan ni Hairah ang Bible verse na iyon. There was something whirling inside her mind, but she couldn’t fathom what it was. “Meryenda muna, Hairah." Mula sa sticky notes kung saan nakasulat ang Bible verse ay nalipat ang tingin niya kay Miss Annie na pumasok ng silid. May dala itong tray na may lamang maliit na box at juice. Dali-dali siyang tumayo upang salubungin ito. “Naku, Miss Annie, dapat po’y hindi na kayo nag-abala pa,” nahihiyang aniya. Miss Annie was there guidance counselor in Zealous. Assistant leader nila kapag nagvo-volunteer. Bagama’t kung iisipin ay iba ang posisyon nito kumpara sa kaniya, napaka-down to earth na tao nito. “Wala iyon,” nakangiting ani’to. “Maupo ka na roon.” Nagkibit-balikat siya at ibinaba ang sticky note sa ibabaw ng table. Hindi niya napansin na hawak pa rin pala niya iyon. "Bakit parang ang lalim nang iniisip mo?  May problema ba?" sunod-sunod na tanong ni Miss Annie habang ipinapatong ang meryenda sa ibabaw ng table. Umupo siya sa likuran ng mesa samantalang humila naman ito ng upuan at naupo sa harap niya. "That’s a great reminder para sa mga napapagod na," usal nito habang nakatingin sa stick notes na hawak niya kanina. “Jesus is with us.” "Opo nga,” may ngiting pagsang-ayon niya. “And I think you need some rest.” “Po?” Nababaghan niyang tanong rito. Lumitaw ang mapuputing ngipin nito sa pagngiti. “You looked weary.” Hindi rin niya maunawaan ang sarili. Pagmulat pa lang niya ng mga mata kaninang umaga ay tila iba na ang pakiramdam niya. Buong akala niya'y magkakasakit siya pero wala naman siyang lagnat o kahit sipon. Bagama’t iba ang pakiramdam niya, maaga pa rin siyang dumiretso sa orphanage. Come to me, all you who are weary and burdened, and I will give you rest... Ang lalong hindi niya maunawaan ay ang tila paulit-ulit na pagbulong sa tenga niya ang mga salitang iyon. “You looked tired, but a different kind of tired. Wala ba talagang problema… o iniisip?” Umiling siya. “Baka hindi lang po maganda ang gising ko kanina.” Hindi na ito nagsalita at iniabot na lang sa kaniya ang baso ng juice na maagap naman niyang kinuha. Binubuksan nito ang box ng cupcakes habang nagpapatuloy sa pagsasalita. "Get some rest. Minsan hindi lang pisikal na pagod ang nagpapahina sa katawan natin.” Lumagok siya ng juice at maingat na ibinaba iyon sa mesa. “Alam ko naman po iyon.” Marami man siyang ginagawa at sobra man siyang busy, hindi naman niya nakakaligtaang ipahinga ang sarili. And most of all, she was doing everything for God’s glory, she might get tired or weary, but she always found time to rest. And that verse refers to another kind of weary. “Baka masiyado mong pinapagod ang sarili mo,” pagpapatuloy pa rin ni Miss Annie. Sa tono nito ay wala itong balak sumuko basta. “Or you might need that… somewhere…someday…” She turned her gaze at Miss Annie, who was smiling from ear to ear. There was something in her smile. "Miss Annie…” "Why? All Scripture is God-breathed and is useful for teaching, rebuking, correcting and training in righteousness… God’s words never failed to give hope and to restore.” “Yeah. It is.” She could tell this because she experienced it. “We are made to work. Lahat ng tao may purpose sa buhay. Iyong iba, masiyado lang abala sa pagtingin sa kakulangan nila kaya hindi nila makita. Naalala mo nang sabihin mong nakita mo na ang purpose mo. Then, you began writing inspirational journals and devotionals, teaching Gospel and inspiring children." Napangiti siya dahil sa sinabi nito. Hindi niya mapigilang alalahanin kung paanong walang-wala at down siyang dumating sa Zealous. Ngunit sa pagtagal ng panahon, para siyang butong itinanim sa paso na nagsimulang magkabuhay at lumago. Ilang taon pa lang nang magsimula siyang magsulat about life experience, some inspirational stories, mga testimonies mula sa sariling karanasan at karanasan ng mga taong nakikilala niya. Isang blessings na nakakapagsulat pa rin siya sa kabila ng napakaraming schedule niya. “Pero kahit nakita mo na ang purpose na iyon, hindi ibig sabihin ay hindi ka na magpapahinga. Give yourself a break, Hairah. Find some rest. The Lord surely got more for you, and you have to prepare for that.” Hindi niya mapigilan ang mapatulala rito. The Lord surely got more for you, and you have to prepare for that.” Stretch your arms... Napakurap siya. Pakiramdam niya palagi ay may tinig ang isip niya. "Hairah..." She heard Miss Annie, but her mind was in haze. “Okay ka lang ba?” may bahid nang pag-aalalang untag nito sa kaniya. Napapikit siya at wala sa loob na nahilot ang sentido. "Baka nga po pagod lang ako kaya ako nagkakaganito,” pilit na pinasisigla ang tinig na wika niya. Inabot niya ang baso ng juice at nilagok hanggang sa huling patak ang laman noon. Nang maibaba niya ang baso at sulyapan si Miss Annie ay nananatili itong nakatitig sa kaniya. "Babalik na po ako sa mga bata,” maagap niyang sabi. Akmang kukunin niya na ang mga gamit  nang muli itong magsalita. "Your purpose is meant for the Lord, not just for yourself. Kapag pagod na, magpahinga muna. Hindi makasarili ang Lord. He’s not forcing you to do things unless He intended and equipped you to do so.” She blinked out to stop the daze from Miss Annie's declaration. Bakit ba iba ang pakiramdam niya sa bawat salitang binibitawan nito? Tumayo si Miss Annie. "Stop thinking too much. Pray and trust Him. Palagi Siyang may planong mabuti para sa’tin." Iniwanan siya nito nang tapik sa balikat at nagsimula nang lumakad patungo sa pinto. Binuksan nito ang pinto at akmang lalabas na pero muli itong lumingon. "Take a rest for a while. Kumain ka muna bago ka lumabas. And please, do as I told you." May mapang-unawang ngiti ang sumilay sa mga labi nito. Listen... She blinked again. Dahil alam ni Hairah na wala siyang magagawa, pinili niyang tumango. "Then, that's fine." Tuluyan na itong lumabas ng silid habang parang nauupos na kandila siyang napaupo sa silya. Hindi niya maunawaan ang nangyayari sa sarili. Siguro ay pagod lang siya kaya siya nagkakaganito. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD