CHAPTER 20 THIRD PERSON’S POINT OF VIEW HABANG namumugto ang mga mata at tuluy-tuloy ang pangingilid ng mga luha ay pinilit pa rin namang makinig ni Ariani Mariette sa lahat ng naging pagtanggi at pagpapaliwanag ng asawa sa kaniya. Pero hindi lang talaga niya magawang maniwala dahil bukod sa nakitang kiss mark sa tela ng kwelyo ng suot nitong polo longsleeves ay mayroon pang hickeys sa dibdib nito noong pwersahan niyang tinignan at binuksan ang mga butones ng suot ng asawa kanina. Umiling si Ariani at umiiyak na sinapo ng parehong palad ang mukha para itago ang pag-iyak. “Lawrence... anong gagawin ko sa pagtanggi mo... I’ve already seen all these nasty evidences, my God!” Sambit nito sa pagitan ng matinding pag-iyak at paghikbi. “Bakit... bakit?” Hindi malaman ni Lawrence ang gagawin

