CHAPTER 21 “GIRL, diyos ko, tahan na...” pagpapakalma sa kaniya ni Helga. “Oh! Anong nangyari, oh my gosh!” Bungad ni Dehli na kadarating lang at kapapasok lang sa bahay ni Helga kasunod si Frida. Nakaupo si Ariani sa couch ni Helga, katabi ito sa kaliwa at naupo naman si Dehli sa kaniyang kanan na bahagi habang si Frida naman ay nakatayo sa kanilang harapan, nag-aalalang tumititig kay Ariani habang nakapameywang. Kinuwento ni Ariani lahat ng dapat na ikuwento sa mga nangyari, kahit na nahihirapan na magsalita sa nararamdaman at kahit na hindi mapatahan ang mismong sarili ay hindi pa rin niya maiwasang ipagtanggol sa sarili ang asawa. “Ano ka ba naman, Ariani! Nandoon na nga lahat ng evidences! Ano sinipsip niya sarili niyang balat para magkaro’n ng ganoon karaming chikinini?!” Nagtat

