Kabanata 3 - Posas

1855 Words
Naalimpungatan ako sa ingay ng sasakyan na nagmumula sa b****a ng hacienda. Ang kuwarto kasi na tinutulugan ko ay malapit sa sala kaya mababatid din kung gising na sila Lola Anding. Lalo pa at kumakalampag talaga ang mga gamit kapag nagluluto sila ng pang-umagahan. Malaki naman ang bahay ni Lola Anding kahit isang palapag lang ang mayro'n. Pero kahit isang palapag lang ito ay nakaangat kasi sa lupa ang buong bahay kaya nagmumukha itong may kalakihan. Bukod pa rito ay may katabing kamalig din na pinupunduhan nila ng mga naaning palay o 'di kaya ay gulay na ibinabagsak sa bayan o karatig na isla. Sobrang sakit ng binti at likod ko nang bumangon ako sa papag na hinihigaan ko. Kahapon pa kasi nananakit ang katawan ko dahil sa nangyari nakaraang araw. Inabot lang naman kasi ako ng gabi no'n at nadali ni Lola Anding. Ayon ang unang beses na napagalitan tuloy ako at wala namang kaso sa akin dahil mali ko rin naman. Nilabhan ko pa rin kasi sa batis ang mga damit kahit bisperas na ng gabi at umuwi ng gabing-gabi. Sinabi ko rin naman na dinampot ako ng demonyo... este ng lalaki na mukhang nagtatrabaho sa munisipyo. Hindi ko na idinetalye pa ang mga nangyari kanila Lola Anding dahil baka isipin nila na nagpapalusot lang ako at wala sa bokabularyo ko ang magpaliwanag. "Magandang umaga rin sa iyo, hijo," dinig kong ingay sa sala. "Naparito ka? Kasama mo ba ang apo ko o ikaw lamang ang mag-isa?" "Opo, kasama ko po siya at may kausap lamang. Nandito po pala kami para sa apo n'yo." "Si Lian ba kamo? Oh, siya at maupo ka muna," dinig kong boses ni Lola Anding. "Melinda, pakisuyo naman akong tawagin si Lilian..." "Lola Anding, hindi po si Lian ang sadya namin," saad ng pamilyar na boses. "Iyong isa n'yo pa pong apo ang pakay namin... si Maria Tanya Aceveda." Mabilis akong lumapit sa pintuan at inawang 'yon nang kaunti upang silipin kung sino ang nanadya sa akin. Azilan Mark Alonzo? Hindi ba siya 'yon iyong lalaking kasama ni Timotheos sa munisipyo? Anong ginagawa niya rito? Huwag niyang sabihin na dadakipin nila ako dahil trip lamang nila? At nasaan na ang magaling niyang kasama, huh? "Aarestuhin nila ako?" mahinang sambit ko dahil hindi naman sila tutungo rito kung hindi. Dapat ba akong mangamba? Pero inaapo naman ni Lola Anding ang gobernador sa isla. At isa pa, wala akong ginagawang kagaguhan at kung mayro'n man, hindi ako 'yon! Nakita ko nang bahagya kung paano napatigil sina Lola Anding at Aling Melinda sa sinabi nito. "S-Si Maria Tanya, hijo?" pagkukumpirma ni Lola Anding na ikinatango nito. "May problema ba? Anong kailangan n'yo sa kaniya, Alonzo?" "Wala namn po. Wala pong problema, Lola Anding," pagpapakalma nito. "Dinalhan lang namin ito ng bulaklak. Utos po ni Gob..." Gob? Sino na naman 'yon? Ang dami-dami na nilang dinadawit na kung sino! Bago ko pa masilayan ang bulaklak na dinala ni Azilan ay napalayo na ako sa pintuan at lumapit sa may bintana. Binuksan ko nang malaki ang bintana rito sa kuwarto ko bago bumuwelo upang makasampa ako. Sigurado akong may sapi sa ulo si Timotheos. Sama niya na ang kanang-kamay niyang si Azilan at kung sino mang Gob 'yon! Tinotoo talaga nila? Nagdala talaga sila ng bulaklak tapos ano? May kasamang posas 'yon? Aba'y huwag na! "Lilian, tawagin mo si Maria," dinig kong utos ni Lola Anding habang ako ay sumampa na sa bintana. "Tulungan mo muna akong maghanda ng pagkain, Melinda." "Lola Anding, mukhang tulog pa po si Ate Tanya..." "Gisingin mo muna siya. Sabihin mo at hinahanap siya nila Alonzo..." Hindi ko na narinig pa ang pag-uusap nila nang pinokus ko ang atensyon sa pagsampa. Maingat akong napahawak sa bintana habang kinakapa ang lupa kung abot ko ba. Pero kailangan ko pang tumalon para lang makababa. Dinaig ko pa nga si Rapunzel kung makatakas pero hindi naman ako tumatakas. Sadyang ayoko lamang makausap sila Azilan lalo pa at nandito sila Aling Melinda. Iniiwasan kong magbunga ito ng pangamba sa kanila lalo pa at hindi ko pa gano'n nakukuha ang tiwala nila Lola Anding. "Ate Tanya, tulog ka pa rin po ba? Pakibukas po ng pinto..." Sa sobrang gulat ko sa boses ni Lian ay napabitiw ako sa pagkakahawak at diretsong bumagsak sa lupa. Nasapo tuloy ang puwetan ko 'di oras. Mukhang hindi lamang likod ko ang mananakit ngayon kundi pati rin ang balakang ko. "S-Shuta talaga," inda ko sa sakit at nahihirapang makatayo bago pinagpag ang lupa sa damit kong pantulog. "Mabuti pang itabi lang muna nila ang bulaklak para sa mangyayaring burol..." "Kanino bang burol? Sa iyo ba, Tanya?" sabat ng kung sino na agad kong nilingon. Napakurap ako nang mapagtanto ko kung sino ito. Ang pet peeve ko pala. Pareho pa kaming nagulat sa presensiya ng isa't isa. Nabigla ito sa paglusot ko sa bintana habang ako ay iniisip kung paano ito nakalabas dito. Hindi dapat pagala-gala ang mga taong ulol. Delikado 'yon. Pero bahagya kong napansin ang sanang sisindihan nitong sigarilyo at ang hawak niyang telepono. Lalo na ang agaw-pansin nitong suot na hindi tulad noon na nakapormal na polo. Kundi nakasuot kasi ito nang tila pang-governor o lieutenant. Animo'y nasa kasagsagan lang siya ng pananakop ng mga Kastila at siyempre... siya ang mananakop. Tila naputulan ako ng hininga habang kinikilatis ang maitim na asul na suot nito. Hindi ko alam. Pero kahit damit lang 'yon ay tila nagbibigay ito ng mataas na awtoridad sa kaniya. Isang malaking kadismayahan ang bumakas sa mukha nito. Hindi siya makapaniwala sa nasaksihan niya. Ngayon lamang ba siya nakakita ng babaeng nagluksong-baka sa bintana? Napasinghot ako at tinapunan ito ng sulyap bago ko siya tinalikuran. Subalit nagulat ako nang mabilis siyang lumapit sa akin. "O-Oh, anong ginagawa mo?" taranta kong tanong nang maglabas ito ng posas. "Poposasan ka, ano pa ba?" prangkang tugon niya na buong lakas na ipinagdikit ang kamay ko at sinuotan ng posas. "H-Hoy, sandali lamang... siraulo ka ba? Tanggalin mo ito, ano ba!" pagpupumiglas ko. "Luhod." Napatingin ako rito nang iutos niya 'yon gamit ang maawtoridad nitong boses. Sino ba siya sa akala niya? Walang sinuman ang nagtakang utos-utusan ako. Kung mayro'n man ay may kapalit 'yon! "Eh, kung tuhurin ko 'yang tuhod mo?!" nanlalaban kong saad habang buong puwersa niya akong pinapaluhod. "Mamili ka, Maria Tanya Aceveda," mariin nitong sambit. "Luhod o tuwad?" Mas mabilis pa sa kidlat na lumuhod ako dahilan nang tila pagngisi nito. Mahigpit niyang ikinabit ang posas sa may pulsuhan ko habang masama ko siyang tinititigan. Kung maaari ko lang siyang bigwasan sa mukha ay ginawa ko na pero hindi. Hindi ko pa rin ginawa. Sobrang hinigpitan niya ang pagkakalagay ng posas sa akin. Dinaig ko pa ang tumakas na kriminal at ganito kalala ang nangyaring pag-aresto. "A-Aray ko, masakit!" bahagyang nakatingalang sigaw ko nang madiin niya ang posas sa akin. "Tanggalin mo na ito bago pa kita masapak..." Desidido siyang umiling. "Tatanggalin ko kung sasagutin mo muna ang mga katanungan ko," panimula niya na pinantayan ang pagkakaluhod ko at kinilatis ang bawat anggulo ng mukha ko. Isang ngisi ang lumitaw sa labi niya nang matapos niyang libutin ang itsura ko. Ngunit sumeryoso ito nang makita ang tila umaapoy sa galit na tingin ko sa kaniya. "Saan ka pupunta at tumagos ka pa talaga sa bintana? Bakit ka tatakas, Tanya?" seryoso nitong tanong. "At bakit din ba sobrang kahina-hinala ka para sa akin?" "Sa iyo lang 'yon dahil abnormal ka!" galit kong sigaw at napabuga ng hangin. "Hindi rin ako tumatakas sapagkat nahulog lang ako sa bintana. Sino ba kasing tanga ang tatakas kahit kakagising lamang?" Nakapantulog pa kasi ang kasuotan ko. Wala pa ako ni hilamos o kahit suklay man lang. Kaya bakit naman niya ako paparatangan na tumatakas? "Ikaw, Tanya. Sino pa ba?" patol nito na ikinaikot ng paningin ko. "Sige, isipin mo na ang nais mong isipin. Pero hindi ba nagtungo na ako sa munisipyo?" paalala ko sa kaniya. "Sinabi ko na sa iyo ro'n pa lang lahat ng tungkol sa akin..." Dahan-dahan siyang umiling habang nakatitig pa rin sa akin. Tila determinado siya sa sagot niyang 'yon. Mapangahas ito. Porket nagtatrabaho lang sila sa munisipyo ay mapang-abuso na! "Ano pa bang gusto mong malaman para magtigil ka sa kutob mo, letche ka?" napupuno kong tanong dito. "Baka naman pati sukat ng dibdib ko ay nais mo pang malaman, huh?" Tumango siya agad. "Bakit naman hindi? Basta tungkol sa iyo, Tanya..." "Hibang ka na!" hindi makapaniwalang sigaw ko na ikinangisi niya. "Alisin mo na lang itong posas kundi isusuot ko ito sa leeg mo." Mabilis siyang tumayo at nagtaas ng dalawang kamay na animo'y sumuko bago nang-aasar na ngumiti sa akin. "Nakalimutan ko na wala palang susi 'yan," pang-aasar niya. Nagtitimpi na napatingin ako sa pulsuhan ko. Namumula na ito sa sobrang higpit at sa kakapiglas ko rin. Kaya hindi ko na magawang igalaw pa ang mga kamay ko dahil tila matutuklapan na ako ng balat. "Sige na, sasama na ako ulit sa iyo sa munisipyo. Basta alisin mo lang itong letcheng ito sa kamay ko," pangungumbinsi ko pero 'di siya kumibo at tinalikuran ako. "Hoy, Timotheos! Gago ka ba?!" Hirap na tumayo ako mula sa pagkakaluhod at hinabol siya. Bago walang alinlangang kinagat ang mahabang manggas ng polo niya. "H-Hindi ka aalis hangga't hindi mo ito inaalis," hirap na sambit ko na mabilis niya ring ikinapalad palayo ng mukha ko. "Mierda, Tanya!" galit nitong sambit. "Kapag napunit itong uniporme ko ay pupunitin ko rin pati 'yang pagkabab*e mo!" Mabilis akong natinag sa huli nitong sinabi. Kahit labag sa loob ko ay inalis ko agad ang pagkakakagat dito. Pero kung mapunit man ang kasuotan niya ay sana nga mapunit talaga. May pera naman siya pambili ng bago! "Hindi kita kakagatin kung hindi mo ako ginanito! Nasusugatan na ang pulsuhan ko!" sigaw ko sa galit pero wala itong pakialam na kinilatis ang manggas niya na nabakatan ng ngipin ko. "Pinalampas na kita nakaraan, Tanya," galit na bulong nito habang dinidiinan ang pagkakahawak sa pulsuhan ko dahilan kung bakit ako napainda nang husto. "Sinasabi ko sa iyo na kapag napunit talaga itong uniporme ko, lalaspag*n ko rin 'yang pagkabab*e mo..." "Diyos ko po! Anong kaguluhan ito?!" Pareho kaming napatigil at napatingin sa kaliwa namin. Bumungad si Lola Anding na hindi makapaniwala sa nasaksihan. Habang nagulantang naman sina Lian at Aling Melinda na kasama rin si Azilan. "Anong nangyayari sa inyo?!" natataranta na tanong ni Lola Anding na lumapit sa amin. "Bakit nandito ka sa labas, Maria? Bakit may posas siya?" Mabilis kong binawi ang pulsuhan ko mula sa Timotheos na ito at sinamaan siya ng tingin. Subalit nangangamba ako na baka narinig nila ang huling ibinulong nito sa akin kanina. "Nag-aaway ba kayo, hija?" usisa ni Aling Melinda na lumapit na rin sa amin. "Bakit naman pinosasan mo siya, Gobernador?" Mabilis na napatingin ako kay Aling Melinda sa huling tanong nito. Gobernador? Sino? Itong kupal na ito? Eh, mas mukha pa siyang kriminal kaysa maging gobernador! Hindi sumagot ang kupal na ito. Bakas pa rin ang galit nito sa akin. Tila nasagad ko ang pasensya niya pero ayos lang 'yon, kasalanan naman niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD