Sunod-sunod akong napalunok at hindi makatayo sa kinauupuan ko. Lalo pa at nakakaloko kasi itong ngumising lumapit sa akin.
"Tinatanong kita, Tanya. Nakatulog ka ba nang maayos o 'di kaya ay napanaginipan mo man lang ako?" nanghaharas na tanong niya.
Hindi ako nakapagsalita. Batid kong lagot na ako. Pero hindi naman niya ako papatayin, 'di ba? Unless na bayolente talaga siya!
"Hindi ka na naman sumasagot," may inis sa tono nito at umupo sa harap ko upang pantayan ang mukha ko. "Ayoko pa naman ng hindi marunong sumagot. Huwag mong hintayin na may gawin pa ako sa iyo para lamang ibuka 'yang bibig mo at magsalita."
Pakiramdam ko ay maiihi ako sa kaba. Kaya pasimple akong napatingin sa paligid upang humingi ng tulong pero walang tao. Kaya medyo nangamba na ako at tila sagad talaga ang galit ng hinayupak na ito sa akin.
Akala mo naman kasi pagmamay-ari niya ang buong isla at kung sino siyang makaasta. Aaminin ko na guwapo siya at may karisma talaga siya pero huwag nga siya umasta na tila tatay niya si Adonis!
"Sa iyo ba ito?" tanong nito na kinuha ang hawak kong salawal sa kamay ko at mabilis niyang ibinulsa.
"H-Hoy! Siraulo ka ba?" nasambit ko at pilit na binawi ito pero umiwas siya. "Hindi akin 'yan kaya ibalik mo nga sa akin!"
Nang-aasar na ngumisi siya. "Nababahala ka kaya sigurado akong sa iyo ito, Tanya. At isa pa, tingnan mo at malaki ang harap nito sakto sa iyo," maruming dila niya.
"Gago ka talaga, ano?!" galit na mura ko na mas ikinangisi niya. "Hindi mo talaga ibabalik? Ano gagawin mo sa panty na 'yan, huh? Susuotin mo?"
Nawala ang ngisi nito. "Sinasabi mo ba na baliko ako?"
"Alangan, ano pa ba? Kaya pwede ba ibalik mo 'yan sa akin at lumayas ka sa paningin ko..."
"Huwag mo ako subukan, Tanya," mariin na banta nito. "Kaya kong lasapin ito sa harap mo para patunayan na hindi ako gano'n tulad ng iniisip."
"Subukan mong gawin 'yan at puputulin ko 'yang dila mo!" banta ko rin.
Nahawa siguro ang dila nito sa kadugyutan niya kahapon. At isa pa, halata naman na baliko siya dahil hindi naman niya ako bubuwisitin kung hindi.
Pero nagulat ako nang kinuha nito sa bulsa niya 'yon at walang alinlangang hinawakan 'yon sa pinakadulo upang ipakita na kaya niya itong dilaan o ano.
Puro siya katarantaduhan. Bakit ba nandito siya sa lupa imbes na nasa impyerno?
Mabilis akong umiwas ng tingin nang lantaran niyang ipinakita sa akin kung paano niya 'yon lasapin.
Natinag ako sa pagkabigla. Tinotoo niya talaga. May ubo talaga siya sa utak!
"Now... lick it, mi amor," galit nitong utos na ibinato sa pagmumukha ko. "Papatawarin kita sa karahasan mo sa akin kahapon. If you also lick it passionately in front of me."
Binalewala ko ang sinabi niya. At tinapon ko sa may tubig ang letcheng panty na 'yon at inis na tinulak ito palayo sa harapan ko.
Kinuha ko na lang ang labahin ko bago ito tinalikuran. Nawala sa sarili akong naglakad palayo upang makaalis sa lugar na ito at makauwi sa amin.
Bukas ko na lang siguro ito lalabhan o 'di kaya ay mamaya kapag wala na ang hinayupak na ito rito.
"Minor de edad?" buntot nito. "Minor de edad ka ba, Tanya?"
Hindi ko ito tinugunan. Grabe, hindi ko alam na rito lang pala sa probinsya ako makakakilala ng pinakamalalang tao sa mundo.
"A-Aray ko!" inda ko nang mabilis niyang hinablot ang pulsuhan ko at isinandal ako sa puno.
Sobrang sakit no'n. Ang kamay ko kasi na may sugat ang nahawakan pa nito. Idagdag pa ang humampas kong likod dahilan nang pagkahulog ng dala-dala ko.
"Masasaktan ka talaga kapag hindi ka sasagot," banta niya.
Hindi pa rin ako sumagot. Nawalan na ako ng gana na patulan ito sa ginawa niya kanina. Gano'n ba siya kalala? That's f*cking dirty!
Nakipagtitigan pa talaga ito sa akin upang hintayin ang sagot ko.
Pareho kaming matalas ang tingin sa isa't isa. Walang nais magpatalo sa amin. Batid ko naman na pareho kaming magaspang ang ugali kaya kami nagkakatalo lagi.
Pero tila natalo ako nang biglang tumulo ang luha ko. Subalit nanindigan ako at hindi ko nilubayan ang titig nito. Pero kalaunan ay hindi rin kinaya ng sarili ko ang hapdi at sakit na iginawad niya sa aking pulsuhan.
Doon ko napagtanto na hindi lang asar-talo ang bagay na ito. Kundi nakuha na nito nang tuluyan ang galit ko.
Pinanatili ko ang matapang na tingin habang bumabagsak ang luha ko. Pero unti-unti niyang binitiwan ang pulsuhan ko nang matinag ito.
Bahagya itong umatras at umiwas ng tingin habang pinupulot ko ang natapong damit sa planggana.
Tumigil na rin naman ang luha ko dahil sa nawala kahit papaano ang hapdi sa pulsuhan ko. Namumula kasi ito simula kagabi hudyat na namamaga ito. Tapos hihilahin niya lang ako ng gano'n!
Hindi ko ito tinapunan ng tingin at naglakad nang mabilis palayo. Pero sumunod talaga ang gagong ito sa akin.
Mukhang wala siyang balak tantanan ako at hindi ko alam kung bakit.
Tila pinahupa lang nito ang luha ko bago ako muling tinanong-tanong. Hirap na hirap na nga akong magbuhat ng planggana dahil sa ginawa nito sa pulsuhan ko pero hindi man lang ito naawa.
Pero bakit siya maaawa sa akin? Kahit babae na tulad ko ay hindi niya nga sinasanto!
"Ilang taon ka na?" makulit na tanong niya. "Hindi ka naman minor de edad, hindi ba?"
"H-Hindi," pilit na sagot ko.
"Mabuti kung gayon," ngiting sambit nito na ikinatigil ko. "Hindi ako magsisisi sa ginawa ko kanina. Akala ko pa naman ay minor de edad ka, papalagpasin sana kita..."
"Pero mukha naman akong minor de edad," saad ko agad na ikinatawa niya na tila nagbibiro ako.
Pero nais ko lamang na palagpasin nito. Gusto ko maglaba nang maayos. Gusto ko lumabas nang masaya. Gusto ko libutin ang buong isla na hindi kinakailangang umiwas.
Huwag niyang sabihing totoohanin niya talaga na gawing miserable ang buhay ko? Ano siya Diyos at nandidikta?
Kaya nga tayo binigyan ng Diyos ng tig-iisang buhay para walang pakialamanan. Tapos papakialaman niya ako?
"Hindi ka sumipot sa munisipyo kanina, Maria Tanya Aceveda," paalala niya sa akin matapos nitong magtigil sa pagtawa. "Ayoko pa naman sa mga taong walang isang salita..."
"Hindi ako nagising," rason ko habang binabaybay ang daan palabas.
"No more lies, Tanya. Lahat ng tao sa probinsya ay nagigising bago pa tumilaok ang manok," saad nito. "Mas nagiging kahina-hinala ka lamang kapag ganiyan ka."
Napaikot ang mata ko sa huling sinabi nito. Kung hindi niya lang ako hinabol kagabi ay sana hindi ako nadulas at hindi ako hapong-hapo. Edi, sana maaga akong nagising kanina!
"Bakit naman hindi ako sisipot? Eh, nangangati na nga ang mga palad ko na pabulukin ka sa kulungan," inis kong saad din dito. "Kaya magpasalamat ka na lang at pagod na pagod ako kahapon kaya nalimutan ko..."
"Hindi ako naniniwala sa iyo na nakalimutan mo," determinadong saad niya na binalewala ko. "Sumama ka sa akin ngayon sa munisipyo, Tanya. Kailangan ko malaman nang husto ang tungkol sa iyo."
"Siraulo ka talaga, 'no? May dala akong planggana at papatunguhin mo ako sa munisipyo?" iritadong sambit ko pero binalewala niya rin ako.
Tinawag niya ang isang Manong na may hatak-hatak na kabayo nang tuluyan kaming makarating sa may kalsada.
"Oh, magandang tanghali po! Naparito po kayo?" bungad ng Manong dito.
"May inaasikaso lamang na maliit na trabaho," mabait na tugon niya na tumingin sa akin at ikinairap ko. "Pauwi na po ba kayo, Manong Ben? Maaari ko bang mahiram ang kabayo n'yo? Tutungo lang kami ng babaeng ito sa munisipyo."
Mabilis akong tumalikod agad at nagbalak maglakad palayo nang marinig ko ang balak niya. Ngunit bago pa ako makatakas ay mahigpit na hinapit niya ang bewang ko.
"Naku, walang problema po! Basta kayo ay bakit naman hindi?" paubaya nito bago nagpaalam na umalis.
Bakit nagtiwala agad 'yon dito? Nagpaniwala naman siya sa mukha ng lalaking ito porket may alindog lang.
"Sakay, Tanya," utos nito na hawak-hawak ang tali ng kabayo habang hinahawakan ako sa bisig upang 'di makatakbo.
Tila handa itong bitiwan ang kabayo kaysa sa akin kapag nagpumiglas at tumakbo ako. Pero sa dami kong dala ngayon ay wala akong lakas upang tumakas.
"Nasubukan mo na ba magpaggamot, huh?" tanong ko rito na ipinagtaka niya. "Baka kasi may sapi ka na..."
"Sumakay ka na lamang," mariin na utos nito.
"Hindi nga ako marunong sumakay!" naisigaw ko sa inis. "Maglalakad na lang ako papuntang munisipyo para matapos na ito."
"Hindi mo ba batid kung gaano kalayo ang munisipyo?" iritadong tanong nito na ikinakurap ko. "Kaya sumakay ka na at iwan mo nga 'yang labahan mo."
"Branded itong mga damit namin. Kaya hindi ko ito iiwan."
"Pwede ba? Hindi ka maglalaba sa munisipyo..."
"Kung hinayaan mo lang ako maglaba kanina at umuwi muna sa amin. Sana ay wala akong dalang planggana patungo sa munisipyo. Edi, sana hindi ako magbabalak na maglaba ro'n," nauubusang pasensya ko sa kaniya.
Napailing ito dulot ng kadismayahan. "Magsisisi ka talaga, Tanya. Sumakay ka na nga lamang," nananakot nitong saad at hinatak ako.
"Bakit ako ang unang sasakay, aber? Dapat nga ikaw dahil nagmamagaling ka naman, hindi ba?" saad ko sa kaniya.
"At ano? Anong gagawin mo? Tatakbo ka?" matalinong sambit nito. "Kaya sumakay ka na lang at maaari ba ay huwag ka na magreklamo? Mas naiirita lang ako sa katulad mo..."
Napatawa ako sa huling sinabi niya. Siya pa ang may ganang mairita? When he doesn't have any right to be iritated.
Ibinaba ko ang planggana bago sumakay. Sariling sikap na sumakay ako dahil bukod sa wala itong balak na alalayan ako ay wala rin akong balak na magpaalalay dito.
Subukan niya lamang ihaplos ang palad niya sa akin at lalagatok talaga buto niya!
Iniabot nito ang planggana sa akin matapos kong makasakay. Subalit nagulat ako nang bihisa itong sumakay sa kabayo. Ngunit hindi 'yon ang mas ikinagulat ko kundi sa likod ko ito pumuwesto imbes sa unahan ko.
Hindi lang tuloy palad nito ang humahaplos sa akin kundi buong katawan niya.
Shuta talaga. Damang-dama ko ang matipuno nitong katawan na hindi ko itatanggi na masarap sandalan.
Bigla tuloy ako inantok at naging komportable sa mga bisig nito.
Subalit agad kong sinampal ang sarili ko. Wala akong pakialam kung napansin niya ang ginawa ko. Pero hindi dapat ako mahumaling sa isang demonyong tulad nito.
"K-Kailangan ko umuwi bago magmeryendahan," paalala ko rito pero hindi ito kumibo.
Hindi ko magawang makita ang itsura nito dahil nasa likod ko ito. Pero pupusta ako na inaambahan na niya ako ng suntok.
"Narinig mo ba ang sinabi ko, huh? Kapag napatunayan na inosente ako ay uuwi na ako at huwag mo ako malapit-lapitan," babala ko sa kaniya.
"Ayon kung inosente ka," kibo nito. "Hindi ka nga inosente sa malaswang bagay. Kaya sigurado ako na may tinatago ka."
Napaikot ang mata ko sa sinabi niya. Siguro naumpog din ulo nito sa ilog kagabi kakahanap sa akin at kung anu-ano ang iniimbento nito. Marahil sa dati rin siguro itong imbentor!
"Isipin mo na ang gusto mong isipin sa akin pero hindi mo mahahanap ang pake ko," mariin kong hamon. "At bakit ba kabayo pa itong sinakyan natin? Naging tag-tuyot na rin ba ang bulsa mo, ha?"
"Ayan ang hindi mangyayari," nakakalokong saad nito. "Pero hindi ba dinumihan mo lang naman ang sasakyan ko? Kaya kung inosente ka talaga ay hindi ibig sabihin no'n ay tapos na tayo."
"Ang dami mong sinasabi," inis kong sambit na lamang. "Dalian mo na lang kaya mangabayo para matapos na ito..."
"Entonces, obedeceré tu mandato (then, I shall obey your command)."
Napahiyaw ako 'di oras nang bigla niya na lamang pinatakbo ang kabayo kaya halos malula ako.
Napadapa na lamang tuloy ako habang mahigpit na hawak-hawak ang planggana at habang yakap-yakap din ang kabayo sa bandang leeg nito.
Mas minabuti kong yumakap sa mabayo kaysa yumakap sa kaniya. Ano siya sinusuwerte? Hindi ko siya hahawakan at baka marumihan pa ako!
Halos masuka ako nang makarating kami sa munisipyo. Nanakit din ang likod at puwetan ko dahil sobrang layo nga nito mula sa hacienda.
"Pumasok ka na," mabilis na utos nito na sinenyasan akong sumunod.
Ngunit panandalian akong napahinto nang masilayan ko ang malaking munisipyo na puting-puti ang pinta.
"Maghintay ka nga at nasusuka pa nga ako," pigil ko at kinondisyon ang sarili ko na nadali sa pangangabayo nito.
"Ang arte mo talaga, ano?" inis nitong saad at puwersahan akong hinatak sa loob.
Hindi ko napasadahan nang maayos ang istraktura ng munisipyo dahil sa hinila niya ako agad papasok sa isang silid.
"H-Hoy, bakit mo naman ako rito dinala?" tarantang tanong ko at sumunod palabas sa kaniya kahit kakapasok lang namin dito.
"Sit down and behave, Tanya," utos nito na hinatak ako paupo muli.