Chapter 22: She likes her

1437 Words
MIKA Pagkatapos ng naging kwentuhan namin ni Jovs tungkol sa plano niya, ay nagtungo muna ako sa dorm ni Ara, syempre dala ko si Mimi, kawawa naman tong baby namin ni Rad diba. Yiiiieeee. "Oh? Napulot mo?" tanong ni Ara nang pagbuksan niya ako ng pinto. "Shitzu? Napulot? Napaka naman. Regalo ko kay Rad to." tugon ko at dumeretso na sa loob. "Oh my! Doggieee! Come here baby!" masigasig na sabi ni Den. "Mimi, si Den. Den this is Mimi." pagpapakilala ko sa kanila kaya natawa na lang kami parehas. "Binigyan mo ng aso si Rad pero hindi ka pa rin nakapagtapat?" tanong ni Ara. "HAHAHA! Nakapagtapat na ako kaso nagising ako bigla." saad ko nang maalala ko ang panaginip ko kaya naman binato ako ni Ara ng unan. "Buti pa si Mika, hindi naman sila ni Rachel pero binigyan ng aso." may himig ng pagtatampo na sinabi ni Den. "Love, binigyan naman kita ah. Akala ko kasi stuff toy gusto mo." natatawang sagot ni Ara. "Joke lang, kahit wala naman basta stay with me." sabay akap ni Den kay Ara. "Kunyari hindi mo ako ex noh? Tapos kunyari din hindi ako single, diba Mimi?" natawa naman ang lovers, pag ako nagkaroon ng lovelife huh. Kinuha naman ni Den sa akin si Mimi at tumabi naman sa akin si Ara. "So anong plano mo?" tanong niya. "Kasi may gusto daw haranahin si Jovs, and that girl happens to be at the same venue kaya after niya ako naman." nakangiti kong saad, excited na ako na kinakabahan. "Tapos?" "Ewan bahala na, pero may ginawa na akong letter para sa kanya. Tho di naman talaga ako marunong, I tried my best fam." kamot batok kong sinabi. "Pabasa nga." sabi ni Den. Rachel, When the stars ain't shining anymore, I want you to know, I'm still here like before When the world frowns upon you I'll make sure that I'm there to put a smile on you Even if life wash you ashore, I'm here, rest assured. Your smiles are like medicine, It makes me high which I know is a sin. A sin because you're my addiction, still I don't want any restriction. I'm dazzled by your looks, You're truly gifted by the man above but it's your attitude that got me hook In this chain of forbidden love Please don't freak out what I'm about to say is true, I am so inlove with you So can we have a dinner for two? -Baby Tams "Okay ba? Or panget?" nahihiya kong tanong. "Okay na yan." "Bilisan mo nako, nanliligaw pala si Ria kay Chel eh." nagulat naman ako sa sinabi ni Den. Kaya pala halos laging nasa dorm yung batang yun at kung makadikit kay Rad ay parang close na close sila. "Paano niyo naman nalaman?" tanong ko. "Nagpunta si Ria at Bea dito, nagtatanog kung anong pwedeng ibigay sa nililigawan tapos ayun sinabi na din nila dahil nga kaibigan ni Den at kilalang kilala naman niya si Rachel ay mas mapapadali ang paghahanap nila ng pwedeng ibigay." napatango na lang ako. "Ano bibilhin nila?" "Necklace na lang daw eh." Napakunot na lang ako ng noo, well sabi kasi ng iba na parang pag binigyan mo ng necklace yung gusto mo is parang inaangkin mo na, pero ewan ko. Narinig ko lang naman yun kung saan. "Threatened ka?" nakangising tanong ni Ara. "Kung may kaagaw ka sa taong gusto mo, syempre matatakot ka. Been there before." Napayuko naman si Ara pero agad ko siyang sinuntok ng mahina sa braso, kailangan niya ng kalimutan yun. Besides, masaya naman na sila ni Den at I'm good with my life now. "Gaano mo kagusto si Rachel?" tanong ni Den. "Hindi ko alam. Nasusukat ba yun?" natatawa kong sagot, wala talaga akong clue. Tinulungan lang nila akong mag isip bago ako umuwi ng mag alas singko para maligo. After nun ay sinundo na din ako nila Ara, dala ko naman ang gitara ko at iniwan ko muna si Mimi sa parang crib niya nang hindi makapaglikot at kalat. Pagkarating naman namin ay hinatak na ako ni Jovs papunta sa may mini stage. "Mic test hello mic test." "Uhm hindi ako mahilig sa ganto, well i mean... I never imagined doing something like this kasi, for me love is just a game pero she came in my life like a hurricane and suddenly narealize ko, I'm f****d up." litanya ni Jovs at nagsitawanan naman kami. Hindi mo naman masisisi si Jovs na hindi maniwala sa pag ibig. Her parents broke when she was young, nakita niya din pano minaltrato ng tito niya ang kaniyang tita at nadamay pa siya. "Ang dami mong pasakalye, hindi pala talaga bagay sayo mainlove, para kang ibang tao." Biro ko sa kanya. "Shush. Tugtog ka na." utos niya kaya naman ginawa ko na. Been thinking 'bout you baby And I don't know what to do All I think about is you  Nakita ko naman ang pwesto nila Rad kaya nginitian ko ito. Hapon na pero muka pa rin siyang fresh. Seems everything around me Things I've never understood They all make sense when I'm with you. Oh, I've heard it all before Finding so called love then you leave it behind But now I feel so sure I listen to my heart this time So I lay it on the line I know that what I've found is once in a lifetime And I know there's no way out Cause it's once in a lifetime Sobrang blessed ko ata dahil sa dinami rami ng pwede kong makasama sa bahay eh ikaw pa. I mean, di naman tayo talaga nagkakasundo. Gera dito gera doon, not even my ideal girl at first, hindi ko alam kung anong milagro ang dumating at parang nag ibang tao ka. Dineny ko sa sarili ko yung nararamdaman ko para sayo, kasi hindi ko matanggap, lalo't wala namang pag asa. Pero daig ko pa mananalo sa lotto kung magiging akin ka, kaya hindi ko na papalagpasin yung chance na ito. "I've been crazy this past few weeks. I've done outrageous things just to catch your attention, just messing with you. Atleast I know for a second, naiisip mo ako." natawa na lang ako sa sinabi ni Jovs. "Rachel..." What? No... Please... Kapangalan lang... Madaming Rachel sa mundo. "Rachel Anne Daquis, I like you. C-can I c-court y-you?" dagdag niya. Kasabay nang hiyawan ng mga tao sa paligid namin, ay ang pagsikip ng dibdib ko. Unting hinanap ng mata ko si Rad. Bakas sa mukha niya ang gulat. Si Ria naman ay lugmok na ang mukha. Bumaba naman si Jovs ng stage kaya bumaba na din ako at dumeretso sa labas para lumanghap ng hangin. "Bullshit." saad ko at bumato ng bato sa kawalan, wala namang matatamaan. "Ye." napalingon naman ako at nakita si Ara. "Anong nangyari? Pumayag ba siya?" tanong ko. "Oo eh. Kung si Ria nga daw nabigyan ng chance bakit naman daw niya ipagkakait kay Jovs yun." sagot niya kaya napatingin na lang ako sa mga bituin. "Anong plano mo?" tanong na ayaw ko sanang marinig ngayon. "Wala. Ayokong makipagkumpetensya kay Jovs." sagot ko dahil malaki din ang utang na loob ko kay Jovs. "Akala ko ba... Tsaka hindi mo ba narinig yung sagot ni Chel sa Q and A?" "Ara, hindi ako si Rad. I value friendship, pero hindi ibig sabihin nun pag may mali siyang ginawa kay Rad eh hahayaan ko na lang." sagot ko. Inabot naman niya sa akin ang letter ko sana para kay Rad. Binuksan ko ito at muling binasa. Napaismid na lang ako at ibinalik ito sa kanya. Tago niya kung gusto niya or ibigay niya kay Den, palitan na lang niya ng pangalan. "Don't tell me hindi mo na itutuloy? Sigurado ka ba dyan?" tanong niya. "Madami pang babae dyan." sagot ko at umakbay sa kanya. Madami pang babae, kaso siya lang ang gusto ko. Nang makabalik kami sa table ay umupo ako sa tabi ni Ria para naman kamustahin ang puso niya. "Balita ko nililigawan mo din si Chel ah, kamusta?" tanong ko sa kanya. "Pinag iisipan ko kung itutuloy ko pa. Mahirap kalaban si Jovs eh." nakangiti niyang tugon pero alam ko namang hindi totoo iyon. "Kaya mo yan." at saka ko tinap ang balikat niya. Kakaunti lang ang kinain ko dahil wala akong gana. Extra sweet pa si Jovs at Ria kay Rad. Masakit sa mata. After naming magdinner ay umuwi na din kami agad at hinatid ni Jovs si Rad sa dorm. "Magkadorm pala kayo." sabi ni Jovs. "Oo, lagi ngang nandito si Bea at Ria dahil dito." sabay turo ko kay Rad. "Di naman ako magtataka kung madaming pumupunta dito, dyosa eh." nakangiti niyang saad habang nakatingin kay Rad. "Bolera." sabay pitik nito sa tenga ni Jovs. "Ye, Rach una na ako. Goodnight and happy birthday ulit Rachel." humalik ito sa pisngi ni Rad kaya agad na akong pumasok. Derederetso lang ako pero tinawag ako ni Rad kaya lumingon ako. "Good night baby tams." nakangiti niya saad. "Good night Rad." sagot ko at ibinulong lang ang huli. How can I call you my queen if you weren't even mine? Nahiga ako sa kama ko, masakit pa din pala kahit ganto lang kababaw. Why do we have to fall for the same person? The universe sucks.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD