BEA
Suddenly, all people around me are gloomy. Was it because of the weather? Or is there something that I have to know yet?
Ria walked towards me and gave me this 'so-tired-I-wanna-go-home' look, we just finished our last practice before our Christmas break.
"So anong progress niyo ni ate Chel?" I asked Ria at inabot ko ang isang bote ng gatorade sa kanya.
"Wala... Wala ata ako talagang pag asa dun eh. Tapos si ate Jovs pa karibal ko, idagdag mo pa yung mga lalaki niyang manliligaw. Bes help me." she whined, how pitiful.
"Never say die mah friend!" I answered.
I patted her head, put my arm around her shoulder and slowly walked towards the shower room to have a quick shower.
"More effort fam! Cook for her, ask ate Ye for help." I suggested when we got in my car.
"Parang ang imposible na hindi mafall si ate Ye kay Chel noh Tingin mo?"
"Tingin ko? Tingin ka sa mata." I said and gave her a creepy look.
I'm no manhid naman. I am more of an observer when I'm with my friends and I noticed it a long time ago. There's this spark when they look at each other, I just don't know if they felt it too. Minsan nga kinikilig na lang ako pag naghaharutan or nagbabangayan sila, and I don't even know why.
Don't get me wrong, I love mah bruhs so I'm supporting Ria kahit I can sense na medyo mahirap ang laban niya.
"Pero baka wala, kasi kung meron diba sana matagal niya ng sinabi?" she added.
"Sometimes, the eyes speak more than the heart." I said as memories rush back. It still hurts me a little.
"Yung totoo? Casannova o love expert?" She questioned me that made me laugh.
Goodness gracious! Do I look like a love guru? I loved once, and no, I don't ever want to experience the pain of losing someone dear to me. I am no love expert nor a casannova, I'm just being friendly you know hehe.
"Uyy si Jia" she said and I immediately turned my head to look for her.
"Jia!" I screamed to catch her attention, she was on her way out of FEU.
I got out of the car and asked Ria to move to the backseat, she just rolled her eyes. I run to where Jia is.
"Need a ride?" I asked while scratching the back of my head.
"No thanks." she replied with a dismissive tone while wearing her ever popular poker face.
"Gabi na. Delikado." I insisted.
She looked at her clock, it was almost 8:30 pm, still early but you can't really stay safe here in Manila.
"Oh c'mon Ji, I mean no harm naman eh." I smiled shyly.
"Okay." she said plainly.
I opened the door for her before opening mine. The atmosphere was kind of awkward so I turned the radio on.
"Uhm Jia, si Ria nga pala."
"Crush ka niyan ni Bea." Ria said that made my eyes widened.
"Ano, don't believe her. Pauso ka." then I threw something on Ria.
Jia smiled, and oh ghad, she's a lot more attractive when she smiles. It was more awkward when Ria left, so I decided to turn the volume up. Photograph was playing.
I saw her in my peripheral view playing with her necklace, a locket necklace maybe.
"What's wrong?" I asked because she's starting to tear up.
"Nothing. Please drop me off here."
"No. I'll take you home."
"Please."
I stopped the car then she immediately run off. I sighed, wished I could have help her. I went back to my car, the song was still playing.
So you can keep me, inside the pocket of your ripped jeans. Holding me closer 'til our eyes meet, you won't ever be alone.
I looked at my bestfriend's picture. She was my first love but I never had the chance to tell her. She's the first person I remember whenever this song plays. Now I'm wondering what Jia remembered in this song.
*****
MIKA
Last day ng school before Christmas break, nagmadali akong tapusin lahat ng exams ko. I wanna go home na.
"Mika, may naghahanap sayo sa labas." sabi ng kaklase ko kaya naman tumayo na ako at nilabas kung sino man iyon.
"Uhm Mika para sayo." sabay abot sakin ng chocolate ng isang babae.
"Eto naman galing sakin." binigyan ako ng paperbag, di ko alam kung anong laman.
"Hala salamat, pero hindi ko naman birthday." nahihiya kong sabi sa kanila.
"Christmas gift namin sayo." nakangiti nilang sabi.
Madami pa silang inabot kaya sobra sobra ang pasalamat ko. Hindi ko na nga halos madala yung mga gamit ko.
"Mika!" sigaw ng kung sino kaya napalingon ako.
"Gale, bakit?"
"Ano yan?"
"Regalo nila sa akin." sabay turo ko sa mga babaeng kakaalis lang.
"Tulungan na kita?"
Omoo na lang ako tutal kailangan ko din naman ng tulong. Tinawagan ko si Bea kung pwedeng makilagay muna sa kotse niya, maigi na lang at pumayag ito, dun ko muna nilagay yung mga paperbags at gifts. Yung mga chocolate naman ay nasa bag ko.
"Thank you Gale." saad ko habang papunta kami sa room niya.
"You're welcome Mika, how about dinner later?" tanong niya.
"Sure sige, my treat. Pathank you ko na sa pagtulong mo." at nginitian ko naman ito.
Kinuha naman niya ang number ko kaya ibinigay ko na din. Pagkaalis ko naman ng room niya ay nakasalubong ko si Rad.
"What was that?" taas kilay nitong tanong.
"Ha?"
"Bakit kasama mo si Gale?"
"Ah, magdidinner kami mamaya." sagot ko at tumingin sa relo ko. Malapit na pala next class ko.
"Ay Rad, may klase na ako. Bye" dagdag ko.
Tumakbo na ako papunta sa room ko, may sinabi pa si Rad pero hindi ko na narinig.
Pinasuyo ko na lang yung mga regalo ko kay Bea, tutal pupunta naman sila ni Ria kaya dumeretso na din ako sa Jollibee, yun lang naman afford ko eh.
Daldal lang siya ng daldal, hindi ko na nga maintindihan ang mga sinasabi niya dahil gusto ko ng umuwi.
"Mika, I like you." saad niya dahilan para mabulunan ako.
Pabigla bigla naman kasi itong babaeng to. Uminom naman ako agad ng tubig para mahimasmasan.
"Ha?" tanong ko.
"Gusto kako kita."
"Ah eh.."
"Don't worry, di ako nagmamadali." nakangiti niyang saad.
Napakamot na lang ako sa ulo ko at nagpatuloy ng kumain. Hinatid ko naman siya sa kanila.
"Thank you." saad niya.
"Salamat din sa pagtulong." nakangiti kong sagot.
Nagulat naman ako nang humalik siya sa pisngi ko, agad ko namang pinahiran iyon nang makaalis na siya. Buti sana kung si Rad yun, baka di na ako maghilamos lol.
Nang pauwi na ako ay nakasalubong ko si Jovs, nagbatian pa kami at niyaya ako saglit magpalamig.
"Ang saya ah." panunukso ko kay Jovs kahit it's killing me softly.
"Never knew love could make you feel so happy." with matching dreamy eyes niya pa sinabi yun.
Ngayon ko lang siya nakitang ganito kasaya, paano ako eeksena sa kanila diba? Given many circumstances, paano kung ako piliin ni Rad o ibang tao? Ayoko makitang masaktan itong bestfriend ko.
"Mahal na mahal mo?" tanong ko pero umiling siya.
"Hindi pa naman mahal na mahal pero sure akong mahal ko. Nababaliw na nga ata ako." nakangiti niyang saad.
"If you need any help, remember I'm here." saad ko at niyakap siya.
Sinasaktan ko lang ang sarili ko sa pinaggagagawa ko eh. Nagkwentuhan pa kami saglit bago ako nagpaalam.
Pagpasok ko naman ay isang masamang awra ang naramdaman ko, problema nito?
"Kamusta date?" taas kilay niyang tanong.
"Date? Di yun date. Kilabutan ka." sagot ko sa kanya at pinuntahan si Mimi.
"Hello mimi, miss mo ko?" tanong ko dito at dinilaan naman niya ako.
"Miss din kita." sabay kiliti ko sa cute na cute na asong to, miss ko na tuloy si scooby.
It's been a week simula nang umamin si Jovs kay Rad, and ayun halos hindi na kami magkakitaan sa bahay na 'to. Sa umaga kasi niyayaya siya ni Ria, sa gabi naman ewan ko. Nauuna kasi akong umuwi sa kanya, ayoko naman na nakikita ko silang naglalandian kaya sa kwarto lang ako tumatambay.
"Date pa din yun." saad niya nang paakyat na sana ako.
"Oh kung date yun, ano naman?" medyo inis kong tanong, di ko makuha logic niya.
"Kahit sino wag lang yung Gale na yun, napakalandi naman nun." sagot nito sakin na ikinatawa ko, ang bi polar ko ba?
"Ako lang naman nilalandi, pwede na." sagot ko na lang din sa kanya kaya binato niya ako ng unan, ang laki ng problema niya.
"Kanino naman galing yang mga yan?" tanong niya pa at tinuro yung mga regalong binigay sa akin.
"Fan girls." simple kong sagot at bumalik pa maupo na muna sa may sofa.
Tinitigan ko lang siya, 2 weeks din yung Christmas break namin eh, matagal tagal ko din siyang hindi makikita.
"Matunaw ako."
"Saan ka ngayong pasko at bagong taon?" tanong ko. Nasabi ko na rin naman sa kanyang uuwi ako ng Bulacan.
"Sa puso mo." pabalang niyang sagot.
Matagal ka ng nandito, overstay ka na nga eh. Tagal mo ng di nagbabayad ng renta, papaalisin na din kita pag may bago na akong makita na worth it mag stay.
"Oh talaga ba? Wala ka dito." sagot ko at inirapan siya.
"Oh talaga ba?" balik niyang tanong at inilabas nanaman ang pilya niyang ngiti.
Tumayo ito at dahan dahang lumapit sa akin. Napalunok na lang ako ng laway, tukso layuan mo ako.
"Wala talaga?" tanong niya at umupo sa lap ko. Tinignan naman ako nito ng malagkit. Wow, ang galing sa mga ganto eh.
"Wala." sagot ko.
"Kiss mo nga ako kung wala." nakakaloko nanaman yung mga ngiti niya.
"Baka pag hinalikan kita, hanap hanapin mo?" at inismiran ko siya, pero wala pa talaga akong expi.
Nasuntok lang ako noon nung nakainom ako dahil pinipilit kong hahalikan yung isa kong kaklase na babae din ang tipo ahahaha! Di ko naman din gustong halikan siya, asa siya. Tinawanan lang ako ni Den nung kinuwento niya sa akin, napakabait niyang gf that time, as in. Simula nun hindi na ako uminom ng kahit anong alcoholic drink. Mawawalan pa ako ng first kiss ng hindi oras eh.
"Tumayo ka na jan." sabi ko sa kanya dahil di pa din siya umaalis sa pagkakaupo sa lap ko.
Isinukbit niya pa ang braso niya sa leeg ko, kala mo bata na napakagaan eh.
"Hahalikan talaga kita jan kung di ka tatayo." banta ko sa kanya.
Nagulat na lang ako nang hatakin niya ang ulo ko papalapit sa kanya.
Her lips were on mine.
She didn't move, smack lang, pero kahit pa! First kiss ko yun.
"Hanggang salita ka lang pala eh." pang aasar niya at tumayo na.
"Stop playing with me!" napatayo na lang ako sa sofa sa sobrang inis.
"Chill." natatawa pa siya.
"Kung maliit na bagay lang 'to sayo, sa akin hindi."
"Bakit? First kiss mo?" nakangisi pa siya.
"First kiss man o hindi, wala kang karapatan gawin yun. Please lang, stop flirting with me."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko, kinuha ko na ang mga gifts na binigay sakin. Di ko na siya muling kinausap pa.
Nang makarating ako sa kwarto ko ay isinara ko ang pinto ng padabog at nahiga sa aking kama. Hindi pa din ako makapaniwala.
She stole my first kiss. Damn.
Sobrang naiinis ako dahil bakit siya ganun? Hindi ko siya maintindihan. Hindi niya ba alam na sobra akong nahihirapan?
Naiyak na lang ako, hindi ko man lang masasabi kung gaano kita kagusto at kung gaano ko kagustong angkinin ang mga labi mo.
Mahal kita Rad, pero mas mahalaga sa akin ang kaibigan ko na para ko na ding kapatid.