RACHEL
"Stop flirting with me."
Ang tanga lang. Napasapo na lang ako sa noo ko lalo na nang ibalibag niya ang pintuan ng kwarto niya. Kinain naman ako ng konsensya ko, I guess I went too far.
Hindi ko din alam kung anong espirito ang sumapi sakin at tuluyan kong ginawa iyon pero hayaan na.
Umakyat ako at nakarinig ako ng mga hikbi. Kumatok naman ako sa pinto niya.
"Ye..." ngunit hindi siya sumagot.
"Ye... Sorry na please."
"Leave me alone, please lang." tugon niya.
Napabuntong hininga na lang ako at napapikit ng mariin. Nagtungo na ako sa kwarto ko at pinilit matulog. Sa kasamaang palad, alas singko na ay mulat pa din ako.
Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ni Mika, mukhang maliligo na siya kaya naisipan ko na lang ipagluto siya ng breakfast bilang peace offering. Nang lumabas siya ng cr ay hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
Oh please don't be cold to me.
"Good morning Ye. Breakfast?" nakangiti kong bati sa kanya nang makababa na siya, dala na din niya ang bag niya.
"Good morning mimi, aalis na ako ha. Be a good girl." sabi niya habang pini-pet si mimi.
"Ye... sorry na." lalapitan ko sana siya ngunit naglakad na siya.
"Bye mimi." lumingon pa siya dito kaya nagkatinginan kami saglit.
Ako na lang din ang unang umiwas ng tingin at naupo na sa lamesa, mukha namang hindi siya kakain. Lumabas na siya ng pinto at hindi ko naman mapigilang hindi malungkot.
Bumalik siya, akala ko may nakalimutan lang siya. Napangiti na lang ako kahit papaano nang maupo siya sa may dining at sinabayan ako kumain. No words were spoken, alam ko namang ayaw niya makarinig ng kung ano sa akin.
"Ye." pagtawag ko sa kanya nang paalis na talaga siya, hindi siya lumingon pero tumigil siya.
"Sorry pala and ingat." dagdag ko. Wala siyang sinabi, ni lumingon hindi niya ginawa.
Umalis na siya. Naligo na din ako at nag ayos ng mga gamit. Nang marinig ko naman na may bumusina sa labas ay dali dali ko ng kinuha ang mga dadalhin ko at si Mimi. Ihahatid kasi ako ni Jovs sa amin.
"Hi mimi." pagbati ni Jovs at kinuha si mimi, grabe mga tao ngayon. Si mimi lang ang binabati.
"Good morning Rach." bati niya din sakin at kinuha din ang iba kong dala.
Nilagay niya na iyon sa backseat ng sasakyan niya at saka ako pinagbuksan ng pinto ng kotse. Ibinalik naman niya si mimi sa akin at nagsimula na din magmaneho.
We talked mostly about me, she's trying to know me more. Hindi nga niya pinagmamayabang yung mga achievements niya which is quite fascinating, hindi siya yung paimpress na tao tho alam ko naman yung achievements niya sa basketball never niya na bring up iyon unless itanong mo.
"Uhm Chel, sorry pala talaga noon ha." saad niya.
"About saan?"
"You know, yung pangbubully ko sayo even when you're not doing anything na to me." nahihiya niyang sagot.
"Nakakatamad na makipagbangayan." natatawa kong sagot sa kanya.
"Alam mo nung binubully ko si Mika noon, hindi man lang siya pumapalag, ni magalit hindi, kaya simula nun parang tinamad na din akong mangbully kaya kahit inis na inis na ako sayo hindi na lang kita pinapansin kasi baka gaya ko magsawa ka din." dagdag ko sa kanya.
"It got in my head actually, na bakit hindi ka na nakikipag away, I kind of miss it kaya I tried to catch your attention pero wala eh." napakamot naman siya sa ulo niya.
"Kung hindi siguro ako nahawa kay Mika baka hanggang ngayon nagbabangayan pa tayo." natatawa kong sagot.
"Baka nga, baka hanggang ngayon hindi ko pa rin narerealize na mahal kita." sabay hinawakan naman niya ang kamay ko.
Nakaramdam ako ng kung anong kuryente sa ginawa niya. Alam ko naman kung ano yun, is this even real? Ngumiti naman siya at binatawan na din naman agad ang kamay ko.
Nang makarating kami sa bahay ay tinulungan niya ako sa dala ko kaya ang dala ko lang ay si mimi.
"Dito na ko Rach. Bye." paalis na sana siya pero pinigilan ko siya.
"Uhm, lunch?"
"Ah eh wag na, di naman ako gutom." nahihiya niyang sagot pero biglang tumunog ang tyan niya.
"Ah hindi ka nga gutom." natawa na lang kami parehas.
Hinatak ko na siya papunta sa loob, nasa bahay kami ngayon ng lola ko sa mother's side dahil di pa din naman kami okay ni papa.
"La, si Jovs po." pagpapakilala ko sa kanya sa lola ko.
"Jovs si Lala." nagmano naman siya dito. Lala ang tawag namin kay lola.
"Dito ka ba matutulog hija?" tanong ni lala.
"Ay hindi po lala, may pupuntahan pa po ako." sagot niya.
Niyaya ko na sila kumain dahil alas dose y medya na din, kanina pa ako nagugutom. Sa kalagitnaan naman ng pagkain ko ay narinig kong tumawa si Jovs at si Lala.
"Bakit?" tanong ko at agad nagpunas ng mukha ko dahil baka madungis na ako.
"Ang ganda ng katawan mo pero grabe ka kumain, how to be you po?" tanong niya.
"Grabe kala mo naman siya hindi maganda katawan."
"Wala akong abs, food is life." natatawa niyang sagot.
"Kay Bea at Mika, abs pa lang ulam na, hindi mo na kailangan magbreakfast." pagpuri niya.
Dalawang beses ko pa lang naman nakita yung tyan ni Mika, at nung mga panahong yun ay hindi pa siya babad sa training kaya malaki na siguro improvement niya.
"Grabe, nakwento na ba nila sayo nung Mr. and Ms. FEU? Si Ria sobrang laki ng mata." natatawa niyang kwento.
Tumalsik pa yung kanin mula sa bibig niya kaya si Lala ay natawa, kaso nalaglag naman yung pustiso ni Lala kaya naibuga ko na din yung iniinom kong tubig. Sobrang sakit ng tyan ko kakatawa, loko loko talaga to si Lala.
After namin kumain ay inaya muna ni Lala si Jovs magkwentuhan, inilabas pa ang baby pictures ko. Bakit ganyan silang mga elder ha? Trip na trip ipahiya ang mga apo sa kaibigan.
Alas singko na nang magpaalam si Jovs dahil nga tuwang tuwa si Lala na may ibang tao naman dito, naumay na ata.
"Ingat ka ha." nakangiti kong paalala sa kanya.
"Oo naman mamahalin pa kita eh." sagot niya at kumindat pa siya.
"Nako ikaw talaga."
"Mukha namang okay ako kay Lala." pagbibiro niya kaya natawa na lang ako.
"Sige na gagabihin ka na."
Bumeso naman siya sa akin at lumulan na ng kotse. Eto namang si lala ay agad akong inasar kung nobya ko daw si Jovs. Natawa ako sa salitang nobya, parang sobrang nakakatanda eh haha.
-----
Mabilis na nagdaan ang mga araw, bisperas na ng pasko, hanggang ngayon ay hindi pa din kami okay ni Mika. Sa bagay, hindi ko naman siya sinusuyo kasi natatakot ako na baka mareject ako, na hindi niya ako replyan.
Nagcount down na kami, si lala, si mimi, ang mga kasambahay at ibang kapitbahay lang ang kasama ko magcelebrate ng pasko dahil busy daw ang mga tito at tita ko. Ang sabihin nila, masyado na silang asensado kaya hindi na sila marunong magbalik tanaw.
Sunod sunod ang pagtunog ng cellphone ko kaya naman ay tinignan ko ito.
*6 new messages*
From: Denden
Merry Christmas Rachel labyu!
From: Aby
Merry Christmas budaaaay! labs kita alam mo yan! Pasalubong ha? Mwa!
From: Bea De Leon
Hi ate Rach! Merry Christmas ☺️ pamasko ko po hehe.
From: Ara ni Den
Rachellllllll. Merry merry Christmas! Sana hindi ka na maging manhid hahahaha joke! labyu.
From: Ria
Hi Rach! Merry Christmas sayo and sa family mo. Hope you had a good holidays. Miss na po kita, date tayo pagkadating mo sa dorm ha? hehe
From: Mika Labanos
Merry Christmas.
Nagreply ako sa unang 5 na nagtext, habang nag iisip kung rereplyan ko ba si Mika o hindi.
Alas dos na nang tinawagan ko si Mika kahit walang kasiguraduhan kung sasagutin niya dahil baka tulog na ito or ayaw pa din ako kausap.
Luckily, sinagot niya.
"Hello?" bungad niya. Namiss ko yung boses niya.
"Ye, merry christmas." bati ko sa kanya.
"Merry christmas din Rad." walang tono niyang bati.
"Ye sorry na please? Sorry na. Miss na kita." sabi ko mula sa kaibuturan ng puso ko. Totoo yun, miss ko na siya.
"Wooh! Di kita matiis. Sorry din. Sobrang miss na din kita." sagot niya. I felt relieve dahil hindi na siya galit sa akin.
"Mas namiss kita, umalis ka ng galit ka sakin eh." may himig ng kalungkutan kong sinabi.
"Wag na natin balikan yun, nasaan si mimi?" tanong niya.
Lumapit naman ako kay mimi at pinakausap kay Mika, feeling ko nga nagkakaintindihan sila eh. Sobrang connected ata ng dalawang to.
"Hey, libre mo ako pag uwi ko." saad ko.
"Niyayaya mo ba ako ng date?" natatawa niyang tanong.
"Date? Friendly date diba." sagot ko at may sinabi ito na hindi ko naman naintindihan.
"Buday, andito si Jovs." sigaw ni manang.
"Ano po? Andito si Jovs?" tanong ko kay manang.
"Halika dito nang makita mo."
"Uhm Ye. Text na lang tayo, andito daw si Jovs. Merry Christmas ulit. See you soon baby tams. Miss na miss na kita." saad ko.
"Okay." sagot niya at bigla ng pinatay ang tawag.
Napakunot na lang ang noo ko pero agad ko din kinalma ang sarili ko bago tuluyang bumaba.
Baka pagod or antok lang siya at gusto ng mag pahinga. Tama baka nga yun lang.