Chapter 16: Meeting the special someone

1351 Words
RACHEL 3 araw mula nang mag firefly seeing kami, tuluyan na din natapos ang semester. "Nakatingin ka nanaman sa abs ko." saad ni Mika dahilan para tignan ko siya ng masama at taasan ng kilay. "Talaga ba? Saan banda? Baby tabs lang nakikita ko." at inirapan ko siya. "Nahiya pa umamin." "Alam mo, hindi mo naman ako yaya, pero hindi ko alam kung bakit kita tinutulungan sa paliligo mo." masungit kong saad sa kanya. Wag kayong ano, nakadamit siya habang naliligo, isa pa tinutulungan ko lang siya magshampoo. Lumabas na din ako after kong banlawan yung buhok niya at nagluto na ng makakain namin. Sembreak na kaya wala kaming work for 1 week sa coffee shop. "Queeny, uuwi ako ng Bulacan, ikaw ba? Anong plano mo?" tanong niya nang makababa siya. "Dito lang siguro ako baby tams, ayokong umuwi sa amin." malungkot kong tugon. "Bakit?" tanong niya kaya napatingin ako sa kanya. Napatitig ako sa kanya, ang hot ng wet look ng isang Mika Reyes, messy hair plus her gray contacts makes her even more hotter, fan girls are dooling over this kaya pinicturan ko siya. "Huy bat mo ko pinipicturan? Crush mo ako noh?" bintang niya kaya natawa ako. "Hindi, regalo ko lang sa mga fans mo, baka sakaling di na nila ako awayin hahaha." sagot ko. "Sus, if I know baka i-wallpaper mo yan." "Saan ka kumukuha ng confidence mo ngayon ha Reyes?" "Sa'yo" sagot niya at kinindatan pa ako, ang landi naman. Pinaupo ko na siya at ipinaghain, syempre sinubuan ko na din, nakakaawa naman eh. "Ano nga? Dito ka lang sa dorm? Malulungkot ka kasi wala ako." mayabang niyang saad. "Dito lang ako." "Balita ko may bagyo, alam mo naman pag may bagyo diba? May kulog, kidlat tsaka ---" hindi ko na siya pinataapos sa pagsasalita niya at isinubo na lang ang laman ng kutsara. "Oo na, sabi ko nga sasama ako sayo kahit di mo ako niyayaya eh." wala sa loob kong pagpayag. "Hahahaha! Mag impake ka na, yung pang one week lang ha, babalik naman din tayo agad." "Oo na." After ko maghugas ng pinagkainan namin ay nag impake na din ako. Nagtungo din kami ni Mika sa hospital para matanggal yung cast niya, maigi naman pero nag advise si Doc na mag sling muna siya kahit 3 days then pahinga ng one month. Bawal pa siya magtraining na kailangan ang shoulder movements. "Alam ba ng mommy mo na darating tayo?" tanong ko kay Mika nang makaupo na kami sa bus. "Hindi eh, surprise. Uso naman surprise sa bahay eh haha." sagot niya, baliw talaga. Sumandal muna ako sa balikat niya para matulog, ayaw niya paawat na siya sa window side eh, parang bata, kala mo naman kinacute niya. "Queeny, gising na." rinig kong sabi ni Mika, malapit na daw kami. "Ngayon pa lang humihingi na ako ng pasensya Rad, baliw kasi mga tao sa bahay eh." kamot ulo niyang sabi. "Okay lang, nasanay naman na ako sayo." sagot ko at tumawa. "Wag kang tumawa please o ngingiti man lang." bumulong. siya kaya hindi ko narinig. "Ha? Ano yun?" "Wala." sabi niya kaya hindi na din ako nagtanong pa. Nang makarating kami sa bahay nila ay binuksan niya ang gate at sinalubong kami ng isang cute na cute na corgi.  "Scooby!" sigaw ni Mika kaya natawa ako. For real? Scooby? "Rad, si scooby. Scooby si Rad." ngiting ngiti niyang saad habang buhat buhat ang aso niya. "Hi scooby" sabi ko at pinet ang ulo niya. "She likes you." sabi ni Mika. "There's nothing much to not like me." pagyayabang ko kaya inirapan niya ako at ibinaba na si Scooby. Kumatok naman siya sa pintuan ng bahay nila at bumungad ang isang lalaki na medyo payat pero matangkad. "Ate!" sigaw niya kay Mika at niyakap ito, sabagay hindi naman nauwi si Mika eh. "Miko, nasaan si mommy?" tanong ni Mika. "Nasa taas ate, tawagin ko lang sila ni Mikole." Pinaupo muna ako ni Mika, tumingin lang ako sa paligid ng bahay nila. May 2nd floor, malawak naman kahit papaano. "Anak!" at sa narinig kong iyon ay napatayo na din ako at nakitang yakap yakap si Mika ng mommy niya. "May bisita pala tayo. Eto ba si Den?" tanong ng mommy niya kaya nanlaki ang mata ko, di hamak ho na mas matangkad ako kay Den hehe. Hawak naman ako nito sa magkabilang braso ko habang tinitignan ako ng maigi. "Ma naman, moveon na tayo kay Den." napakamot na lang si Mika sa batok niya. "Aba akala ko nagkabalikan kayo ng batang iyon eh." tugon nito kay Mika at may ibinulong sa akin. "Nililigawan ka ba ng anak ko?" Natawa ako ng mahina at napailing na lang. "Mommy!!" sigaw ni Mika at inilayo na ako sa mommy niya. "Nagtatanong lang ako nak." nakangiting sabi ng mommy niya. "Ah Ma, si Rachel po. Siya po yung kasama ko sa dorm saka sa coffee shop, Rad eto si mommy, si Miko at Mikole. May kuya pa ako at ate pero mamayang gabi pa si kuya, si ate naman may sarili ng pamilya." pagpapaliwanag ni Mika. "Hi ate ang ganda niyo po, crush na kita." sabi ni Miko. "Nako manang mana ka sa ate mo, crush din ako niyan eh." natawa naman ang mommy ni Mika. "Ate naman, naunahan mo pa ako." saad ni Miko. "Hayaan mo na mas pogi ka naman." sagot ko kay Miko at humalik sa pisngi niya. Tumakbo naman siya agad pataas, kinurot naman ako ni Mika sa tagiliran, masakit ha. "Hija, dalhin mo muna gamit mo sa kwarto ni Mika." "Ay sige po tita." Sinundan ko naman si Mika at ang kwarto niya, wow kulay pink kaya tawa ako ng tawa. "Pink pala favorite color mo ha." pang aasar ko sa kanya. "Tse, bale dito ka matutulog, sa kwarto ako nila mama. Pahinga ka muna, nagluluto pa naman si mommy." "Sige." sagot ko at nahiga na din muna. ***** MIKA "Nak, gisingin mo na si Rachel at kakain na tayo." sabi ni mommy kaya agad ko na ding pinuntahan si Rad. Sleeping beauty, bakit ba sobrang ganda mo? Lalo ka pang gumanda ngayon dahil ibang iba ka na sa Rad na nakilala ko, tho minsan baliw ka pa din. I brushed her hair at ikinawit ito sa tenga niya... I really am inlove with you, pero alam kong hanggang kaibigan lang ang maibibigay mo sakin. Sakit, wala pa nga may ending na agad haha. Hanggang nakaw na mga tingin at sandali lang muna ang meron ako. I kissed her temple bago siya tuluyang gisingin para kumain, akala niya ata nasa dorm pa kami, nagpapabuhat. "Hay may sling pa po ako mahal na reyna, hindi pa kita mabubuhat." saad ko. Nagpout siya habang nakapikit, my ghad. I wanted to stole a kiss from her, pwede ba? Kahit isa lang? Hahahahah. "Bangon na, kain na tayo." I offered my hand kaya kinuha niya yung at hinawakan ng mahigpit. Kilig me. Pagkatapos namin kumain ay nakipaglaro muna siya kay Scooby, never daw siya nagkaroon ng pet dahil ayaw ng papa niya. "Anak, mahal mo ano?" tanong ni mommy. "Saan mo naman nakuha yang chismis na yan ma?" tanong ko habang tumatawa. "Sa mga mata mo, ganyang ganyan ako tinitignan ng daddy mo eh. Patay na patay sa akin yun." pagyayabang ni mommy, si mommy talaga. "Ma, we're friends." "Aba anak nag finals mvp ka lang showbiz ka na sumagot." sabi niya at nakatanggap ako ng pagbatok, bully huhu. Nakatingin lang ako kay Rad at scooby, napagtanto kong magkamukha sila, pero joke. "Mommy..." "Bakit anak?" "Si daddy ba noon sa inyo may pag asa?" Natawa siya sa tanong ko. Kaya napakamot ako ng ulo, syempre mother knows everything hahahaha. Alam niya na yun agad. "Wala anak eh, hindi ko talaga type ang daddy mo. Maeffort lang talaga, nagtyaga siya kahit sobrang sinusungitan ko noon." kwento niya. "Ma, mahal ko po Rad, pero wala akong pag asa jan eh. She's not into girls haha." malungkot kong sabi. "Hindi ko sinasabing ipilit mo ha, pero anak, be there for her when she needs a friend tapos ayun saka mo ipilit." payo ni mommy, napakagaling. "Sayang din yung nabuo namin na friendship ma, kahit di pa ganun ka deep pero mahalaga pa din sakin yun. Ayokong irisk." "Mahina ka nak." sabi ni mommy at ginulo ang buhok ko. "You'll never know if you'll never try anak." dagdag niya at tumayo na. Bakit kasi sa dinami rami ng babae sa kanya pa? Hahahaha! I need to move on na! Pero joke, masaya naman ako sa kung anong meron kami ngayon. Sana magkaroon ako ng lakas ng loob... I'll make you mine in time my queen. Taga mo sa bato.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD