Chapter 17: On the move

1081 Words
MIKA Nagising ako nang makarinig ako ng kulog, dahil nasa baba ang kwarto ni mommy ay dali dali akong nagtatakbo papunta sa kwarto ko, kung saan natutulog si Rad. Yung hagdan namin na halos may 12 steps ay naging 4 na hakbang ko lang sa kakamadali. Nang makapasok naman ako ay nakaupo na siya at ang kamay niya ay nasa tenga niya. Nagbrownout naman at kumulog kaya napatakbo siya papunta sa akin at niyakap ako. Mabilis na nga ang t***k ng puso ko sa pagmamadali na puntahan siya, mas bumilis pa ngayong nakayakap siya sa akin, pero syempre, yumakap ako pabalik. "Ang laki mong tao takot ka sa kulog." saad ko. "Wow, ikaw nga takot sa palaka." at nagawa niya pang sumagot ha, piningot pa ang tenga ko. "Gusto mo ba dun ka na lang sa kwarto ni mommy? Ako na lang dito." suhestyon ko. "Ayaw. Nahihiya ako yakapin mommy mo pag natakot ako." at sa sinabi niya ay natawa ako. "Sige na, mahiga ka na at matulog." "Kantahan mo ako ulit?" "Ang demanding." 3 araw na din ang lumipas simula nang makarating kami dito, kaya pwede naman na ako mag gitara. Kinuha ko ang gitara ko, medyo kinakalawang na nga yung strings eh pero pwede pa. Tinono ko muna to saka umupo sa edge ng kama. I froze instantly. Bigla ba naman kasi siyang yumakap mula sa likod ko, hindi ako prepared dun. Nakayakap siya at ang mukha niya ay nakalapat din sa may bandang balikat ko. "Ang lambot mo." sabi niya sabay pisil sa baby fats ko grr. "So sinasabi mo bang mataba ako ha? Suntukan na lang ano?" "Hindi, sabi ko ang lambot mo, nasaan ang mataba dun ha?!" aww beast mode na. "Sabi ko nga wala diba? Ang lambot ko, masarap ako yakapin." segway ko. "Tugtog ka na." Humigpit naman ang yakap niya dahil biglang kumulog nanaman. Sana lagi na lang ganito, yiee. Nagsimula naman na akong tumugtog. Kung may darating man na umaga Gusto kita sana muling marinig, marinig Ngiti mo lang, ang nakikita ko Tauhin man ang silid  Walang papantay sa'yo Maging sino man sila  Ikaw ang araw sa tag-ulan At sa maulap kong umaga  Walang sagot sa tanong Kung bakit ka mahalaga Walang papantay sa'yo  Walang sagot sa tanong Kung bakit ka mahalaga Walang papantay sa'yo Maging sino man sila  Napangiti na lang ako, hindi ko din talaga maintindihan pano dumating sa puntong mahal na kita. Oo maganda ka, pero yung ugali mo grabe sobrang out of the world. Sumasakit lang yung katawan ko sa mga pinaggagagawa mo, pero nung tinigil mo pangbubully mo sa akin hinanap hanap ko, minsan nga naisip ko, asarin kaya kita para ibully mo ako ulit? Kaso ayoko din namang mainis ka sa akin. Ang baliw noh? "Good night Queen Tamaraw." saad ko at humalik sa noo niya. Awkward. Nakatitig tuloy siya sa akin ngayon, gusto ko nga maging bula at poof, mawawala na ako bigla. Hindi ko din alam bakit ko ginawa iyon. Ngumiti na lang ako at tumayo na. Yung kabog ng puso ko, sobrang lakas. Hindi pa ho ako ready magsabi haha. "Matulog ka na oy." Sabi ko sa kanya at ginulo ang buhok niya. "Good night Baby Tams." saad niya. Nanlaki naman ang mata ko ng humalik siya sa pisngi ko, hala ka! Nahiga naman na siya at hinanap na ang pwesto niya, ako naman ay nahiga na din at tumalikod sa kanya. Di ako makapaniwala sa nangyari. Nakaramdam naman ako ng pagbatok sa akin. "Good night kiss lang yun, wag mo ng masyadong isipin hahahaha. Good night Mika." saad niya at yumakap na sa akin. Kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang pagbuhos din ng kasiyahang nararamdaman ko. Feeling ko tuloy first time ko mainlove, lahat bago para sa akin. ***** RACHEL It's been a week already kaya heto kami ni Mika papunta na sa coffee shop. Bumungad naman din agad ang mahabang pila sa labas at nang makita nila si Mika ay nagsitilian na sila. Ang lakas talaga ng karisma ng kumag na 'to. Agad naman na kaming nagprepare at parang hindi kami nakapagbakasyon sa sobrang dami naming trabaho, sinamantala naman ni mam ang pagpapapirma ng iba kay Mika, +5 pesos daw pirma, +10 pesos naman ang picture. Business woman talaga. "Nakakapagod." reklamo niya dahil siya talaga ang pinakamadaming ginawa and to think na 3 pm pa lang. "Ye!" Napalingon naman kami sa may pintuan at nakitang andun si Ara, Bea at Ria. "Ate Chel! Namiss kita!" saad ni Ria at niyakap ako. "Layo, may trabaho pa kami." sabay pingot ni Mika sa tenga ni Ria at hinatak ito palayo sa akin. "Mam oh, may matsing na magulo." dagdag pa ni Mika na ikinatawa naming lahat. "Okay lang na andito sila basta tutulong sila." talaga to si mam. "Pwede ko po bang idate si ate Chel pag nareach ko quota niya?" rinig kong bulong ni Ria sa manager namin. At mukhang pumayag si mam, pasaway talaga. Kumuha naman siya ng karatula at naglagay ng "free hugs pag bumili kayo. :)" Ang taba ng utak niya mga kaibigan, never ginamit ni Mika ang charms niya sa pagbebenta eh. "Rachel, okay ka na. Pinagpaalam ka na ng kaibigan mo, may pupuntahan daw kayo." sabi ni mam. "Sige po mam. Pakisabi na lang po kay Mika na nauna na po ako umuwi." Pagkalabas ko naman ay nandun si Ria, narinig ko naman pinag usapan nila eh. "Bakit mo ginawa yun?" tanong ko sa kanya. "Can we have some dinner for tonight?" "Fine." sagot ko dahil na din sa effort niyang tumulong. Dinala naman niya ako sa Kenny Rogers at umorder ng madami. "Ano ba to Ri?" "Chel" hinawakan naman niya ang kamay kong nasa lamesa. "Gusto kita." Walang paligoy ligoy, straight to the point. Tumingin ako sa mga mata niya, no lies. "Bakit ako? I'm not into girls." kunot noo kong sagot at kinuha ko na din ang kamay ko. "Just let me, seryoso ako, kung wala edi wala, pero susubukan ko." "But Ri..." "Kahit humindi ka, itutuloy ko pa rin." "Ri..." "Kain na tayo." pag iiba niya ng usapan at nagflash ng smile niya. Hindi naman naging awkward, at ang daldal talaga niya. Naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko. From: Mika Labanos San ka dinala ni Ria? Sabihin mo iuwi ka ng buo at walang galos ha! Hindi man lang nagpaalam sakin yang batang yan. Natawa na lang ako sa rant niya. Nagkwentuhan pa kami ni Ria at halos lahat ng ayaw ko, ayaw niya din. Lahat din ng gusto ko ay halos gusto niya din, well syempre maliban sa boys haha. Ang dami naming napag usapan at hindi namin namalayan na anong oras na pala. Hinatid naman niya ako hanggang sa dorm at ipinagdala niya ako ng bag, gentlewoman haha. "Chel, dito na ako." nakangiti niyang saad. "Ingat" tugon ko at kumaway na sa kanya. "Chel, gusto ko lang ulitin na seryoso ako." saad niya. "Your choice" yun na lang ang sinabi ko at tuluyan na siyang umalis. What a pain in the ass.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD